Kabanata 55

1.4M 32K 27.4K
                                    

Kabanata 55

Noah's Story



Tahimik ako habang nasa hapag. Parehong maingay si Rozen at Coreen habang kumakain kami. At ibang klase din kung mag usap si Mr. Elizalde, Noah, at Rozen tungkol sa business. Paminsan minsan ay sinasali pa nila si Wade na mukhang may interes din sa business.

"Meg! Do you drink?" Ngiti ni Reina nang napansin na tinitingnan ko silang nag uusap pagkatapos kumain.

Tumango ako at tiningnan ang isang bote ng beer na dala niya. Pero bago ko pa iyon mainuman ay bumaling na si Noah sa akin at sumimangot. Inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. "No alcohol."

Ngumiwi ako sa kanya. "It's just beer. Nagiging OA ka. Alam kong may pagkakamali ako nong uminom ako at nalasing pero-"

"No buts." Aniya at hinalikan ang gilid ng aking tainga bago bumaling ulit sa kanyang daddy at nagpatuloy sa pinag uusapan.

"Ang OA mo, Noah!" Sabi ni Reina at kinuha ang bote ng beer pagkatapos ay nagmartsa pabalik sa kitchen.

"Sorry, baby." Sabi ni Noah sa kapatid.

Nakita ko ang mga mata ni Wade na sumusunod sa kung saan pumunta si Reina. Habang si Coreen naman sa harap ko ay patuloy na kumakain ng paunti-onti. Nagtawanan ang mga lalaki dahil sa pinag uusapan nang biglang naging seryoso.

"Itutuloy mo na hindi ka mag rerenew ng contract, Wade?" Tanong ni Rozen kay Wade.

"Pinag iisipan ko pang mabuti. Nairenew ko na ang three-year contract ko sa Moon. But then I'm thinking pag bubuo na kami ng pamilya ni Reina ay gusto kong lagi akong nariyan. I hate tours. I mean, I like it when Reina's with me, pero kung magpapamilya na kami ay hindi naman yata pwedeng sumama siya palagi sa akin."

Tumango si Mr. Elizalde sa sinabi ni Wade kaya nag usap ulit sila ng tungkol sa business.

"Hmmm. Ayan na naman ba ang pinag uusapan ninyo?" Sabi ni Reina nang nakabalik sa hapag. "Stop it, Wade. Your fans need you. And that's your passion. Ever since, hindi ba? Hindi naman ibig sabihin na pag tinuloy mo pa iyan ay hindi ka na magiging mabuting ama." Lumapit siya kay Wade at agad pinulupot ni Wade ang kanyang braso sa baywang ni Reina at hinalikan ang kamay.

"Mag gi-give way na ang Going South sa Zeus!" Tawa ni Rozen.

"Iba ang genre nina Noah, Rozen. Kaya paniguradong hindi sila maikukumpara." Ani Coreen at sinubo ang isa pang barbecue.

"Wade, pwede mo namang sabihin kay mommy na mag la-lie low muna kayo. And besides, kawawa naman ang mga kasama mo sa Going South." Sabi ko.

"Gusto na rin naman ni Adam na mag concentrate sa kanyang pamilya. We have been number one for years. We have enough funds for a lifetime." Ani Wade at huminga siya ng malalim, yakap parin si Reina.

"Surely this is not just about the funds? Kasi kaya kong iwan ang Zeus at mag concentrate sa pag iinvest at mag travel na lang kasama si Megan kung gusto ko. I love music at isa pa, ganon rin ang mga kasama ko sa Zeus. If we can do this together, then why not, hindi ba?" Ngiti ni Noah habang inaakbayan ako.

Tumango ako sa sinabi niya. "He's right, Wade. It's about your passion." Sabi ko.

Iyon ang naging laman ng aming pag uusap buong gabi. Kaya inisip ko ring tulungan si Wade tungkol doon lalo na sa pakikipag usap kay mommy. Kaya lang ay sa linggong ito ay kung hindi trabaho ang pinagkakaabalahan ko ay iyong birthday kong nalalapit naman.

Worthless (Published Under MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon