Unveiled Destiny

By arieseanne

3.3K 478 31

[COMPLETED] Meet Kalliste Aelin Herera who lives and one of the supermodels in LA and have a father who has h... More

Take a Look And We Will See
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
End
Thanks!

Chapter Seven

212 38 3
By arieseanne


Nakasunod lang ako kay Kyst habang hila-hila niya ang dala naming gamit, meron daw kasi siya business meeting sa Pampanga at gusto niya akong isama. Well gusto ko rin ang ideya niya na 'yon kaysa naman sa magmukmok lang ako dito sa condo niya ng isang linggo.

Lumingon siya sa akin ng naka salalubong ang mga kilay kaya binilisan ko na ang lakad ko palapit sa kanya.

"Ilang oras ang byahe roon galing dito?" Tanong ko.

Nakakunot na naman ang noo niya at salubong ang mga kilay.

"Nagtatanong lang naman ako bakit na gagalit ka d'yan, ikaw ata 'tong nireregla eh" inuhan ko na siyang malakad palapit sa kotse niya.

"Hindi d'yan dito." Lumiko siya sa ibang direksyon.

SUV car ang bumungad sa amin. Tatanungin ko pa sana kung sa kanya ba ito, mukang sa kanya nga.

"Pumasok kana" utos niya sa akin.

Sinimagutan ko siya. Ang sungit na nga ang bossy pa!

"Dalawang oras ang byahe papunta roon kaya magpahinga ka muna." Sabi niya.

Hindi ko siya pinansin tinuon ko nalang ang tingin ko sa daan. May kinuha pala siyang driver kaya pareho kaming nasa passenger seat nilingon ko siya busy siyang magtipa sa phone niya. Napairap ako, wala akong choice kung hindi ang matulog nalang.

Nagising ako dahil umalog ang unan ko. May unan bang umaalog? Napaayos ako nang upo, hindi pala unan yun balikat na pala ni Miliano ang natulugan ko. Sinilip ko ang labas pati ang driver sit wala ng nakaupo roon nandito na pala kami.

Bumungad sa akin ang magandang hotel. Kung saan kami tutuloy mamaya. Nang makarating sa loob ng isa sa mga kwarto ng hotel ay namangha ako sa nakita ko may malaking balcony roon tulad ng sa condo ni Kyst but mas maganda ito tanaw sa labas ang kulay berdeng paligid dahil sa mga puno at palayan na nakikita rito.

Sininghot ko ang hangin sa labas, at hindi siya masakit sa ilong parang ang sarap naman tumira sa ganitong lugar. I never felt this before, I never been here like this kind of place since when I was a child every time na magtratravel kami we always go abroad and now I know that this is so really relaxing.

"Did you like the view?" tanong ni Kyst sa likod ko, kaya nilingon ko siya.

I smiled and nodded. "Oo gustong-gusto ko, ngayon lang ako nakarating dito."

Lumapit siya sa akin at tumabi. "That's good, be ready aakyat tayo sa rooftop may naghintay sa atin doon." Sabi niya sabay gulo sa buhok ko.

"Okay na 'tong suot ko. Tara na." pagyaya ko sa kanya.

He looked at me head to foot. Dahan-dahan siyang tumango. Napatingin tuloy ako sa sarili ko, wala namang mali sa suot ko. I'm just wearing casual dress and sandal. Tinaasan ko siya nang kilay.

"What. let's go na? sino ba yang naghihintay sa atin sa taas?" tanong ko sa kanya.

Pero hindi niya ako sinagot, pumasok lang siya ng banyo napasinagot akong muli. Panget talaga ng ugali ng lalaking 'to.

Nang makarating sa rooftop ng hotel ay may narinig na akong mga tawanan. Baka mga ka business partner lang ito ni Kyst.

"Omg! They here na!" sigaw ni Desiree mula sa inuupuan niyang sun lounger. Bumungad sa akin ang isang malaking pool at mga umbrella cottage.

Naka ngiti ko silang binati at nakipag beso pa sila sa akin, kung nung nakaraan ay tatlo lang silang na meet ko ngayon ay may nadagdag sa kanila. I smiled at her pero inirapan niya lang ako. Nanliit ang mata ko sa ginawa niya sa akin, I looked at her head to foot she's wearing cheeky swimsuit, her body is perfect like mine. Kung iisipin ng iba ay para siyang modelo tulad ko.

"Abigail, come here siya yung sinasabi ko sayong modelo na meet namin ni Natalie nong may event. She so beautiful right." Ani ni Desiree.

Ang babaeng tinawag niya ay hindi man lang nag effort na lumapit sa'min, nanatili lang siyang sa puwesto niya. At parang binaliwala ang sinabi ni Desiree sa kanya. Ganito ba talaga ang ugali nito bakit parang ang baho naman.

"Hmm it's fine." Tipid niyang sagot.

"Tsk! Anyway Kalliste kamusta kana? Lagi kitang hinahanap kay Miliano. He always said that you are busy hindi tuloy kita maisama kapag mag sho-shopping ako." Sabi niya sa malungkot na tono.

I looked at Kyst nagkabit-balikat lang siya. I don't know what to say to Desiree, dahil wala namang sinasabi sa akin si Kyst dahil madalang din naman kaming mag kausap kahit na nasa iisang bubong lang naman kami.

Hinarap ko Desiree at naiilang na ngumiti dahan-dahan din ako tumango. "Y-yes busy nga ako this past few days."

Ilang oras ang pananatili namin dito sa pool area tawanan at kwentuhan lang muka nga hindi business ang pinunta nila rito para lang silang nagbabaksyon. Habang tumatagal nagiging komportable na rin ako sa mga kaibigan ni Miliano.

They are so approachable unlike noong nasa LA pa ako ang mga tao nakakasalamuha ko roon ay masyadong mga private na tao at mga walang ibang ginawa kung hindi ang magpasosyal lang well siguro ganun talaga roon dahil pwede nila o namin ipahamak ang sarili namin kapag open kami sa ibang tao.

"Kyst, labas tayo libutin natin ang buong Pampanga I know that there have so many beaches here I want to go there." Ani ni Abigail sa malambing na tono.

Pinag mamasdan ko lang ang bawat kilos nilang dalawa. Miliano looked at me, binigyan ko siya ng maliit na ngiti. I think close talaga silang dalawa bago pa ako dumating dito or nagliligawan na sila dati pa at umiksina lang ako. Okay Kalliste walang dapat ipagselos okay, kumalma ka muna. Huwag magseselos kalliste, wala kang feelings kay Miliano.

"Ay kayong dalawa lang? sama naman kami I know may resort sila Owen dito right, Owen?" Si Desiree. Lahat ng atensyon ay naka Owen na, nanatili ang mga tingin ko kila Miliano na hindi rin inalis ang mga tingin sa akin at si Abigail na mukang nairita sa sinabi ni Desiree dahil sa muka niyang hindi maipinta.

"Gusto n'yo ba pwede kong ipa-reserve yun ngayon tapos mamayang gabi roon na tayo tumuloy." si Owen.

"G na yan." si Natalie

"Nice, sige na tawagan mo na pag tapos ng meeting nating para makakapag relax na tayo roon." Ani naman ni Desiree.

Mabilis na dumaan ang oras nandito muli ako sa kwarto namin ni Miliano. Kanina pa nagstart ang meeting nila kaya siguro kakain muna ako rito sa resto ng hotel habang naghihintay sa kanila.

"Kalliste!" someone called me. It's Abigail, ano na naman ba ang kailangan niya. Mabagal akong lumapit sa pwesto niya hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon kong lumabas ng kwarto at kumain dito kung ang makakasama ko lang din pala ay itong babaeng 'to.

"Why you're so bagal. Upo kana maglu-luch ka rin naman hindi ba kaya ka nandito?" She aked.

I nooded "Yes."

Nag tawag siya ng waiter para ipakuha ang order namin. Nang makaalis sa harap namin ang waiter ay sabay na nagbounce ang buhok niya paglingon sa akin, she smiled bitterly tska naglabas ng malalim na hininga.

"I'm sorry sa mga inakto ko kanina." Ngumiti muli siya ng pilit, hindi ako kumibo sa mga pinapakita at sinabi niya sa harap ko.

"Uhm ganun talaga ako sa mga taong ngayon ko lang na kita or na meet."

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kaya dahan-dahan nalang akong tumango at ngumiti ng tipid sa kanya. Hindi ko alam kung sincere ba siya paghingi niya ng tawag kasi mukang nakukulangan pa ako.

"It's fine. No need to say sorry."

"Anyway, gaano na kayo katagal ni Miliano magkakilala?"

"And magkasama ba kayo sa condo niya?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Uh I guess two months and yes magkasama kami."

"What?! T-talaga magkasama kayo?" parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko kaya tumango ako.

Mabuti nalang at dumating na ang pagkain namin para tumigil na rin siya ng kakatanong sa akin tungkol sa amin ni Miliano.

"What's your work anyway?" tanong niya pa sa kalagitnaan ng pagkain namin. Kailan ba to titigil?

"I'm a model in LA but umalis na ako since rito naman na ako mag s-stay sa Pilipinas."

"Ow! Do you know how to cook naman?"

"Yes of course"

"Okay that's good. You know what Kyst favorite meal? He likes my beef kaldereta. Lagi ko siyang pinagluluto nun sa condo niya and hindi siya nagsasawa."

"Aw I miss that days." Hirit niya pa.

Tahimik lang akong kumakain dito at pinapakalma ang sarili ko habang nagkukwento siya. Edi siya na may alam bakit siya pa rin ba ang kasama ni Miliano ngayon? Hindi na diba ako na ang kasama niya hanggang balik alaala nalang siya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
15.7K 301 60
Bestfriend series #1 Professorxstudent Started: April 8, 2024 End: May 16, 2024
2M 32.7K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...