The Princess And I

Av annneo6

2.8K 63 0

In the world of Holypia, there are eight powerful fairies and they rule their palace. what if Ann gets a glim... Mer

The Princess And I
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Epilogue

Chapter 3

132 4 0
Av annneo6

"Anak, maayos na ba ang iyong pakiramdam?" Tanong ni ina pagka-gising ko, hindi ko alam kung bakit ganun ang nangyari. Ngumiti ako at umupo.

"Opo, ina. Pasensya na po kung nasira ko pa ang gabi niyo"

"Wala iyon, ang mahalaga ay ayos ka na"

"Tapos na po ba ang piging?"

"Hindi pa naman, sila ay nagsasayawan pa lamang"

"Kung ganun po ay tara na po at makisalo muli sa kanila"

"Sigurado ka bang ayos na ang pakiramdam mo?" Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya.

"Opo, ina"

"Kung ganun ay tara na" tumango ako kay ama at tumayo na. Inalalayan pa nila akong tumayo kaya nagpasalamat ako. "Yung sinabi mo ba ay totoo kanina, anak? Na makapangyarihan ang apo ni reyna zayna?"

"Opo, ama. Siya ay delikado ngunit kailangan siyang mabantayan ng mabuti kung kaya't binigyan ko siya ng basbas upang magsilbing gabay ito sa kaniya"

"Tunay ngang anak ka namin. Mabait at mapagmahal" natawa na lang kami at nagpunta na sa bulwagan.

"Mabuti na ba ang iyong pakiramdam, prinsesa ann?" Tanong ni reyna zaimy. Ngumiti ako at tumango.

"Paumanhin po sa nangyari" ngumiti sila pabalik at tumango.

"Mabuti at maayos na ang pakiramdam mo, pinag-alala mo kami" napatingin kami sa bagong dating at agad akong yumuko kay reyna zayna at prinsepe zackery.

"Paumanhin po sa nangyari, hindi ko po mapapatawad ang aking sarili kung ang gabing ito'y nasira ng dahil sa akin"

"Aksidente ang nangyari kaya wala kang kasalanan" hinawakan niya ang kamay ko. "Balita ko ay nag-aaral ka na sa isang paaralan, ako'y natutuwa lalo. Ayaw mo na bang mag-aral mag-isa sa inyong palasyo? Hindi ka ba natututukan ng sarili mong guro? Isa pa kamusta ang pag-aaral mo doon?"

"Gaya ng sabi ko sa kanila ay nagdesisyon ako para sa aking sarili. Mabuti naman ang pakikitungo ng aking sariling guro sa palasyo ngunit gusto ko ding maranasan mag-aral sa isang paaralan. At maayos din po ang pag-aaral ko sa eskwela lalo na ngayon dahil sa wakas nakilala ko na ang mga kagaya kong prinsesa at prinsepe"

"Ako'y lalong natutuwa sa iyong binanggit" pinaharap niya sakin si prinsepe zackery. "Kilala mo naman na siya hindi ba?"

"Opo, reyna zayna"

"Siya ang tutulong sayo sa lahat ng kapahamakan mo" napaawang ang aking labi sa sinabi niya. Bakit siya? Ang ibig kong sabihin ay hindi pa niya alam ang kapangyarihang niya. "Ngunit sa ngayon ay hindi niya pa mailabas ang kapangyarihan niya kaya humihingi ako ng tulong sa inyo lalo na sayo na tulungan niyo siyang mailabas ang kapangyarihan niya at tulungan niyo siyang makipag-laban" sambit niya sakin at sa mga prinsepe at prinsesa na agad tumango dahil utos iyon ng katastaasan.

"Maluwag po naming tatanggapin ang utos niyo"

"Salamat, salamat sa inyo"

"Lola, what are you doing?" Napakunot noo kami sa binigkas niya, hindi namin maintindihan kung ano yun. Ano kaya ang kaniyang sinabi?

"Shut up, apo. Just do what I said"

"La, I don't want to go with them. Just let me go home"

"Paumanhin ngunit hindi namin kayo nauunawaan" ngumiti sa amin si reyna zayna.

"Ang sabi niya ay nasasabik na siyang makasama kayo" ngumiti kami at tumango.

"Kami din prinsepe zackery" masayang sabi ni kylish na kinangiting pilit ni zackery.

"Kung ganun, sumama ka na samin papunta sa paaralan mamaya" saad ni trisha na kinatango ko.

"Naihanda mo na ba ang iyong gamit?"

"I don't---wala akong dalang gamit" napatigil ako sa sinabi niya.

"Ganun ba? Kung ganun ay nasaan? Pumunta ka dito ng walang gamit?" Dahan-dahan siyang tumango kaya tumingin ako kay reyna zayna.

"Nagbibiro lamang siya, huwag niyong seryosohin ang kaniyang sinabi" tumingin siya kay zackery. "Apo, nasa iyong silid ang mga gamit mo. Naka-ayos na yun kaya pwede mo ng kunin" napakunot noo siya at agad umiling, sinamaan tuloy siya ng tingin ni reyna zayna. Hindi namin sila maintindihan dahil nag-uusap sila gamit ang mata. "Anong oras ba kayo aalis?"

"Ahm, pwede naman pong ngayon na" agad na sabi ni kylish na kinakunot noo ko. Masyado pang maaga.

"Tama siya" sabay tayo ni tydish. "Kailangan na naming bumalik para makapag-pahinga na kami dahil may pasok pa kami bukas"

"Ganun ba? Kung ganun ay sasamahan ko lang ang apo kong kunin ang mga gamit niya" tumango kami at yumuko. Umalis na sila kaya agad na akong humarap kila ina.

"Maghihiwalay muli tayo" hinawakan ni ina ang pisngi ko at ngumiti.

"Balitaan mo kami gamit ang hangin, anak"

"Pangako, ina, ama" niyakap ko sila kaya niyakap din nila ako pabalik. "Hanggang sa muli po. At lagi niyo pong tatandaan na mahal na mahal ko po kayo"

"Mahal na mahal ka din namin, anak" ngumiti ako at kumalas sa yakap. "Mag-iingat ka doon, anak"

"Opo"

"Naka-handa na ang kalesa" saad ni peter.

"Mauuna na po kami" tumango sila sakin kaya sumunod na ako kila kylish.

Pagkalabas namin sa palasyo, sinalubong kami ng malakas na hangin na sobrang sarap sa pakiramdam.

"Yah, okay fine" iritang saad ni zackery kay reyna zayna.

"Siguraduhin mo lang, apo!" Napa-irap na lang si zackery. "Mga maharlika, kayo na ang bahala sa apo ko. Mag-iingat kayo sa byahe"

"Opo, reyna zayna"

Sumakay na sila trisha sa kalesa kaya tumingin ako kay prinsepe zackery.

"Ikaw na ang maunang pumasok, prinsepe zackery" umiling siya na kinataka ko.

"Mauna ka na"

"Ikaw na ang mauna" umiling siya na kinangiwi ko.

"Prinsepe zackery, halika na dito" masayang sabi ni kylish kaya agad sumakay si zackery sa kalesa at umupo sa tabi ni kylish. Nagulat ako dahil agad ding sumakay si tydish sa kalesa at umupo sa tabi ni kylish.

"Mukhang wala ng mauupuan diyan, sa kabila na lang ako"

"Ah? Oo nga pero pwede ka pa naman dito. Halika na, prinsesa ann"

"Mukhang hindi na kasya diyan" napatingin ako sa gilid at nakita ko ang tatlong mandirigma. Yumuko sila sa akin kaya tumango ako. "Magandang gabi, mahal na prinsesa"

"Magandang gabi din sa inyo. Kayo ay pauwi na din?"

"Tama ka, prinsesa. Ngunit nakita namin na may problema dito. Kung hindi mo mamasamain ay pwede ko kayong isakay sa aking kabayo at maingat ko kayong iuuwi"

"Talaga? Maaari ba?"

"Sigurado ka ba?" Nag-aalalang tanong ni kylish na kinatango ko.

"Huwag kang mag-alala, sila ay matagal ko ng kaibigan"

"Tsk, pwede ka pa namang sumakay dito" saad ni tydish na kinakunot noo ko. Saan ako uupo? Sa lapag? Ngumiti ako at humarap kila juliano.

"Sayo na ako makikisakay, maaari ba?" Ngumiti siya at tumango.

"Tayo na, mahal na prinsesa" tumango ako at inalalayan niya akong sumakay sa kabayo.

"Salamat" tumango din siya at umupo na din sa likod ko.

"Mag-iingat ka" tumango ako kila kylish.

"Humawak kayong mabuti" bulong sakin ni juliano na agad ko namang ginawa. "Yahh!" Sigaw niya sa kabayo kaya agad itong tumakbo.

Humigpit ang pagkaka-hawak ko dahil sobrang bilis ng takbo ng kabayo. Napabuga ako ng hangin dahil masyado ng malamig ngayon, nasa kalagitnaan na kami ng paglalakbay ng makaramdam ako ng kakaiba.

"Nasa paligid sila. Nagmamasid sila sa inyo"

Nanlaki ang mata ko sa binulong ng hangin, tinaas ko ang kamay ko at agad pinatigil ang kabayo at kalesa. Nagulat sila sa aking ginawa at agad silang lumabas sa kalesa.

"May problema ba, prinsesa ann?" Tanong ni paul, tumingin ako sa paligid at pinakiramdaman ito.

Bumaba ako sa kabayo at tumingin kay peter at zia.

"Paki-ilawan ang paligid, peter. Zia, pakiramdaman mo naman ang lupa"

"May iba akong nararamdaman, at pakiramdam ko ay marami sila" sagot ni zia. Tinaas ni peter ang kaniyang kamay dahilan upang lumiwanag ang paligid dahil sa liwanag ng apoy.

Agad kaming nagulat ng magsilabasan ang mga baldezar, sila ang mga kawal ni demon. Napasinghap kami ng madami nga sila.

"Kami na ang bahala" agad akong umiling kay juliano.

"Tutulong kami"

"Kaya natin ito" saad ni kylish at agad nilabas ang espada, ganun din ang iba.

"What's---anong nangyayari?" Tarantang saad ni zackery, magsasalita na sana ako ng unahan ako ni kylish.

"Dito ka lang, zackery. Kami ng bahala dito" tumingin ako sa mga baldezar na handa na ding makipag-laban. Tinaas ko ang kamay ko kaya may lumipad na espada sa ere at agad yun pumunta sa kamay ko.

"Magsihanda kayo, magkakaroon tayo ng laban ngayong gabi" sambit ko.

"Mag-iingat ka, prinsesa ann" ngumiti na lang ako kay juliano.

Sumugod na ang baldezar kaya sumugod na din kami, mabuti na lang at hindi masyadong masikip ang aking kasuotan kaya nakaka-kilos ako ng maayos.

Umikot ako at agad sinaksak ang baldezar na kaharap ko at agad kong hinagis ang espada ko sa baldezar na papunta na sa akin. Yumuko ako at pinulot ang espada ngunit agad akong umilag ng muntik na akong matamaan ng baldezar na nasa likod ko pala.

Mabilis akong humarap sa kaniya at agad siyang sinaksak sa dibdib, umatras ako dahil bigla silang naglalaho pagkatapos nilang mamatay.

Nagulat ako ng kumuha ng espada si zackery at agad niya yun sinaksak sa baldezar na papalapit sa kaniya. Mahusay siyang gumamit nito at tila sanay na siyang gumamit nito, nakakamangha ang kaniyang kilos.

"Tabi" tinulak ako ni tydish at agad niyang sinaksak ang baldezar na nasa harap ko na pala. "Sa susunod, maging alerto ka. Huwag kang bigla-biglang humihinto"

"Paumanhin, prinsepe tydish"

"Huwag maglalandian habang nakikipag-laban" usal ni zackery at agad niyang sinaksak ang dalawang baldezar na nasa harap at likod namin.

"Patawad sa inyo" lumayo na ako sa kanila dahil naiilang ako.

"Gilid" saad ni trisha at agad niyang nilabas ang kapangyarihan niyang tubig. Gumawa siya ng baldeng tubig sa langit at agad niya yun ginawang matutulis na patalim atsaka niya yun pinakawalan dahilan upang dumeretso yun sa katawan ng mga baldezar.

"Kanina mo pa sana ginawa" angal ni paul, napa-irap tuloy si trisha.

"Tara na, kailangan na nating umalis dito. Mukhang nagtawag na ng kasama ang iba" sumang-ayon sila sa akin.

"Dito ka na sumakay" tawag sa akin ni zackery.

"Ngunit wala ng upuan"

"Meron pa, kaya ko namang isingit ang sarili ko doon" turo niya sa maliit na upuan.

"Sigurado ka ba, prinsepe?" Tumango lang ito sa akin. Tumingin ako kila juliano at ngumiti. "Salamat sa inyo"

"Karangalan namin ang kaligtasan niyo" tumango na lang ako at pumasok na sa kalesa.

Umupo ako sa maliit na upuan na tinuturo kanina ni zackery, mas kasya naman ako dito kesa sa kaniya na makisig ang katawan.

"Bakit diyan ka? Hindi ba't sabi ko diyan ako?" Tanong ni zackery kaya ngumiti ako.

"Dito na ako, zack" nagulat siya sa sinabi ko. "Ahm, masyado kasing mahaba ang pangalan mo kaya pina-ikli ko lang ang tawag. Masama bang tawagin kitang zack?"

"Hindi, ayos lang. Nagulat lang ako" tumango na lang ako, umupo na siya sa harap ko at tila hindi siya makatingin sakin. Ako din ay naiilang sa presensya niya.

Umandar na ang kalesa at sobrang tahimik lang dahil walang nagsasalita sa amin, tulog na kasi si kylish kaya wala ng nag-iingay. Tumingin ako kay zack at tydish, at tila magka-mukha sila konti. Matangos ang ilong at mahahaba ang pilik mata, ngunit bakit ganun? Mas umaapaw ang kagandahang mukha ni zack kesa kay tydish, merong kaka-iba kay zack na hindi nila malamangan at tila ako din ay namamangha.

Agad akong umiwas ng tingin ng sabay silang tumingin sakin, nagkunwari akong abala sa abaniko ko at sobra akong kinakabahan dahil baka akalain nilang pinagnanasahan ko sila.

"May dahilan ka kung bakit ka lumipat sa paaralan, alam kong kuntento ka na sa palasyo niyo mag-aral mag-isa ngunit nakakapag-taka ang bigla mong pagsulpot sa paaralan" sambit ni tydish na kinagulat ko.

"Sa totoo lang, tama ka. Kuntento na ako sa palasyo kasama ang aking mga magulang at sa mga piging na nagaganap dahil doon lamang ako nakaka-labas mula sa palasyo. Ngunit minsan ay nababagot din ako sa palasyo mag-isa, kadalasan kasi gabi na umuuwi sila ina galing sa centro ng palasyo kaya wala akong magawa kundi mag-hintay hanggang sa pag-uwi nila. Kaya nagdesisyon na ako na mag-aral sa eskwelahan para naman malibang ako sa ibang bagay"

"Gusto mo ba talagang maging reyna ng holypia? Maraming responsibilidad yun, baka hindi ka na magka-asawa sa sobrang daming gawain, isa pa't magiging reyna ka sa palasyo niyo kaya dalawa ang magiging responsibilidad mo. Lalong hindi ka na makakapag-asawa"

"Tatanda kang dalaga" sambit ni zack at sabay silang natawa, napangiwi ako.

"Ayos lang, basta masaya ako sa buhay ko" mas lalo silang natawa sa sinabi ko. Uunahin ko muna ang mga bagay na dapat ng gawin, ito ang prioridad ko sa ngayon. Hindi muna ako mag-aasawa, ngunit sisiguraduhin kong makakapag-asawa ako. Tsk, nakaka-inis ang dalawang ito. Ginugulo nila ang isip ko.

Huminto na ang kalesa kaya bumaba na kami, ginising na din ni tydish si kylish na halatang nabitin sa tulog. Pumasok na kami sa palasyo kung saan kami naninirahan pansamantala, tumingin ako sa dingding dahil nakasulat doon ang pangalan ng palasyong ito. 'dormikwela'

Tinignan ko sila zack na nagpapalista ng kaniyang pangalan, hanggang ngayon ay kinakabahan pa din ako. Hindi ko alam na napaka-delikado ng kapangyarihan niya, kailangan ko siyang masubaybayan sa lahat ng bagay. Hanggang ngayon ay natatakot pa din ako sa kaniya, baka sa oras na nasa panganib siya bigla na lang magsilabasan ang mga kapangyarihan niya. At sa oras na mawalan siya ng kontrol sa katawan baka ikapa-hamak niya ito.

"Halika na, ann" tawag ni peter kaya agad akong tumango.

Umakyat na kami sa itaas para makapag-pahinga na kami, hindi ko inaasahan na magkatabi ang kwarto namin ni zack, kung sabagay kahapon pa lang naman ako nakapag-rehistro. Binuksan ko na ang pinto ng aking silid at handa na sanang pumasok ng magsalita si zack.

"Alam mo ba ang labasan dito?" Agad akong nagtaka sa sinabi niya. Tinuro ko ang hagdan kaya agad siyang napahawak sa noo niya at agad umiling.

"Nakalimutan mo na ba agad ang labasan dito sa dormikwela?"

"Hindi yun ang ibig kong sabihin! What I mean is, saan dito ang lagusan papunta sa mundo ng mga tao? I need to get out of here!" Hindi ko alam ang sinasabi niya dahil may halong ibang salita.

"Lagusan papunta sa mundo ng mga tao? Doon sa lugar na pinaglakihan mo?" Tumango agad siya. "Ahm, prinsepe. Malayo kasi yun, eh. Tsaka delikado ang pagpunta sa lagusan"

"Even! Pwede mo ba akong samahan?"

"Saan? Tsaka gabi na, delikado ng lumabas. At baka mayroon pang mga baldezar na pagala-gala"

"Tsk, are you afraid of them? You have a power, tsk" napakunot noo na lamang ako.

"Magpahinga na kayo, prinsepe. Dahil hindi ko na nauunawaan ang inyong mga sinasabi"

"Tsk" sabay pasok niya sa kaniyang silid, napangiwi na lamang ako at pumasok na sa aking silid.

Kinaumagahan pumasok agad ako sa eskwela, ayaw ko kasing nahuhuli sa klase. Lalo na at baguhan pa lamang ako.

"Magandang umaga" bati ni rosy kaya binati ko ito pabalik. "Kamusta pala ang nangyari kagabi?"

"Nagkaroon lamang ng kaunting hindi magandang nangyari ngunit nagpapasalamat pa din ako dahil naging mabuti ang lahat"

"Kung ganun ay mabuti" tumango na lang ako at naupo na.

Maya-maya nagsimula na ang klase, medyo madami-dami ang sinabi ng guro dahil daw malapit na daw ang paligsahan naming mga mag-aaral. Paligsahan? Bakit may ganun?

"Nagkakaroon tayo ng paligsahan upang malaman natin kung gaano na tayo kalakas, isa pa kailangan nating malaman ang inyong ranko at kapag tumaas ang inyong ranko, tataas din ang inyong silid aralan" napakunot noo ako, at kapag natalo sa paligsahan ibig sabihin doon ka pa din sa dati mong silid aralan.

Nakakatakot ang paligsahang ito, bakit may ganitong nagaganap? Hindi porket may kapangyarihan silang magpagaling ay pwede pa din nilang abusuhin ang kakayahan nila.

"May problema ba?" Tanong ni rosy habang naglalakad kami.

"Delikado ang paligsahan, hindi dapat ito ginaganap"

"Ngunit dito nasusukat ang iyong kakayahan, ito ang tinatawag nilang pagsasanay"

"Napaka-delikado"

"Wala tayong magagawa kundi makisali dito kahit na labag sa ating kalooban" napatango na lamang ako.

"Prinsesa ann" tawag ni kylish kaya agad akong napalingon sa kanila, kasama pala nila si zack.

"Magandang umaga" bati ko kaya binati din nila ako pabalik.

"Magandang umaga po sa inyo" sabay yuko ni rosy kaya tinanguhan nila ito.

"Siya pala ang aking bagong kaibigan"

"Halata nga"

"Kayo ba ay kumain na?" Tanong ni paul na kinatango ko.

"Magandang tanghali sa inyo mga maharlika, ops! Hindi ka kasali, ah" sambit ni Chloe kay rosy. "Ikaw ba ang bagong prinsepe?" Tumaas ang kilay ni zack.

"Why do you care? Leave me alone, bitch"

"Ow, balita ko ay galing ka sa mundo ng mga tao kaya ganiyan ang iyong pananalita" sabay ngiti niya. "Hmm, parang natitipuhan na kita, prinsepe" napa-irap na Lang Siya.

"Umalis ka na, chloe " inis na sabi ni kylish.

"Bakit kita susundin?"

"Kasi isa akong prinsesa na dapat mong sundin, utos yun ng isang prinsesa kaya dapat mong sundin kung ayaw mong maparusahan" napa-irap na lang si chloe at umalis na, napabuga na lang ako ng hangin.

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

10.3M 475K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
30.7K 642 58
UNDER CONSTRUCTION!!! I waited a lot, but it was worth it. But the important thing here, I finally found him. Now he's here, and he's going to be my...
9.9M 494K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
Friendship Quotes Av AZURA

Slumpmässig kategori

62.2K 825 106
para sa mga magkakaibigan diyan na wala na. FRIENDSHIP OVER