The Princess And I

By annneo6

2.8K 63 0

In the world of Holypia, there are eight powerful fairies and they rule their palace. what if Ann gets a glim... More

The Princess And I
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Epilogue

Chapter 1

450 7 0
By annneo6

Ann POV

"Ina, ama, mauuna na po ako" tumingin sila sakin at ngumiti.

"Ngayon ka lamang namin pinahintulutan mag-aral sa paaralan, kaya nangangamba kami para sayo" dito lamang kasi ako sa palasyo nag-aaral, may kinuhang guro si ina at ama upang turuan ako dito. Ngunit napagpasiyahan ko na mag-aral sa isang paaralan, kung saan dapat ako nararapat mag-aral.

Kailanman hindi ko pa nakita ang mga prinsepe at prinsesa na katulad ko sa personal, sa litrato ko pa lamang sila nakita kasi hindi sila pumupunta sa tuwing may piging.

"Ina, nasa tamang edad na po ako. Kaya ko na ang sarili ko ngunit kailangan ko pa rin ang gabay niyo"

"Mag-iingat ka doon" sambit ni ama na kinatango ko.

"Pangako" niyakap nila ako kaya niyakap ko sila pabalik. Palagi ko kayong maiisip aking ina at ama. Kumalas na ako sa yakap at pinunasan ko ang mga luha nila sa pisngi. Ngayon lamang kami mawawalay ng ganito katagal. "Kailangan ko na pong umalis"

"Susubukan naming bumisita doon" pahabol nila na kinangiti ko at winagayway ko ang kamay ko upang magpa-alam.

Sumakay na ako sa karwahe kaya agad na yun pinaandar ng kawal, umupo ako ng maayos at napabuntong hininga upang alisin ang kaba sa dibdib. Ito na! Kaya ko ito.

Hininto na ng kawal ang karwahe dahil nandidito na kami, inalalayan niya akong bumaba kaya nagpasalamat ako at kinuha na ang maleta ko. May malaking palasyo kasi sa loob ng paaralan at doon ka maninirahan habang hindi pa natatapos ang pasukan.

"Salamat po" yumuko lamang ito at umalis na. "Napaka-ganda" hindi makapaniwalang sabi ko ng makita ang paaralan. Ang laki-laki.

Pumasok ako sa loob at nilibot ang paningin sa paligid ang ganda talaga. Naglakad-lakad lang ako ng may mabunggo ako.

"Paumanhin" agad na sabi ko ng tignan ko yung mukha niya nagulat ako. Ang prinsepe ng Electric kingdom.

"Tsk, bulag ka ba?"

"Ah, hindi ah!"

"Kung hindi ano yung nagawa mo"

"Ni hindi ko naman po nakita eh"

"Tsk" yun lang saka niya ako iniwan.

Gandang lalaki nga ang sungit naman!

Napailing na lang ako saka maglalakad na sana ulit ng may mabangga ulit ako at ganun na lang ang gulat ko ng makita ang prinsesa ng eyes kingdom.

"Paumanhin po--" naputol yung sasabihin ko ng hilain niya ako papasok sa isang silid aralan.

"Shhh, hehe" napatitig ako sa mukha niyang maganda. Totoo nga ang sabi nila na magaganda at magagandang lalaki ang prinsepe at prinsesa.

Napatingin ako sa bintana at nakita ang humahabol sa kaniyang prinsepe ng Earth kingdom na lumilinga-linga sa paligid saka ito tumakbo na naman. Napatingin muli ako sa prinsesa na tumatawa na.

"Hahaha, grabe yung mukha niya" sabi niya na kinataka ko.

Ako ba kausap niya? Malamang sino ba kasama niya?

"Ah?"

"Paumanhin, kung nahila kita"

"A-ayos lang, prinsesa"

"Ako nga pala si kylish, hehe. Ikaw?"

"Ann"

"Hehe, kinagagalak kong makilala ka, ann"

"Kinagagalak din kita makilala, prinsesa kylish"

"Hehe, pwede ba kita maging kaibigan?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya sakin na kinatawa niya.

"Ah?"

"Haha, nakakatawa ka naman!"

Wala naman akong sinabi na Nakakatawa ah!

"Eh?"

"Gusto kitang maging kaibigan!"

"B-bakit ako?"

"Kasi napaka-bait mo at nakikita ko sa mga mata mo yun" Napalunok muna ako saka dahan-dahang tumango na kinagulat ko ng yakapin niya ako. "Paumanhin, hehe"

"Hindi lang naman ako ang mabait"

"Akala mo lang, hehe. Nag-iisa ka na atah"

"Eh?"

"Tsk, eh ka ng eh!"

"Ano gusto niyo, hehe?"

"Nakakatawa ka talaga, haha" Napailing na lang ako saka naunang lumabas. Naramdaman ko siyang sumunod sakin na kinatigil ko.

"Pwede mo po ba akong samahan sa huling silid aralan?" Magalang na sabi ko na kinatawa niya na naman.

"Huwag mo nga akong galangin. Magka-edad lang naman tayo"

"Pero, sabagay"

"Hindi ko kailangan yan. Kapag kaibigan ko ang mag-gagalang sakin" Napabuntong hininga na lang ako at tumango.

"Sige, nasaan pala yung iba mong kaibigan?"

"Sila zia? Nauna na sa silid aralan namin. Huli na naman kasi ako eh, hehe"

"Ah? Bakit?"

"Wala lang gusto ko talagang magpa-huli"

"Ah?"

"Oo, kaya huwag ka ng maraming tanong, oh nandito na pala tayo sa silid niyo. Sige kita na lang tayo mamaya kaibigang ann, hehe" yun lang bago siya umalis. Nagbuntong hininga muna ako bago kumatok ng tatlong beses sa pinto at kusa iyong bumukas.

"Paumanhin po kung nahuli ako" Paumanhin ko na kinatango ng guro sakin.

"Ayos lang, naiintindihan ko dahil ikaw ay baguhan" ngiting sabi niya saka ako sinenyasan na tumuloy. Pumasok ako sa loob saka yumuko.

"Magandang umaga sa inyo, ako nga pala si Prinsesa Ann Torez. Kinagagalak ko kayong makilala" ngiting sabi ko na kinagulat nila, tumayo silang lahat at yumuko sakin kaya yumuko din ako pabalik.

"Magandang umaga din prinsesa ann, sige na maupo ka na" tumango lang ako saka naupo sa dulo at humarap na ulit sa guro. Pero nagulat ako ng may bumulong na hangin sakin na kinataka ko.

Nakinig na lang ako sa sinabi ng guro na kailangan kaming sanayin ng dalawang araw sa isang linggo. Saka kung ano-ano pa tinuro niya kung paano palabasin yung kapangyarihan ganun. Matapos ng klase maglalakad na sana ako ng makarinig ako ng ingay kaya agad kong nilingon yun.

"Haha, lampa" natatawang sabi ng babae matapos niyang patidin ang isang babae.

"Oh, jasmine tumatayo oh" turo ng kaibigan niya. Jasmine pala ang pangalan niya, ang ganda pero hindi bagay sa ugali dahil masiyadong inosente ang pangalan niya.

"Oh, baka iiyak na kaya tumayo, haha" lalo silang natawa dahil sa sinabi ni jasmine.

"Bitawan mo ko, parang-awa mo na"

"Ayaw ko nga, sino ka ba para pigilan ako"

"Nakiki-usap ako sayo"

"Tumigil na kayo" agad kong sabi dahil nagkaka-sakitan na sila.

"Paumanhin, prinsesa ngunit kahit lumuha pa siya ng dugo wala akong paki--" naputol niya yung sasabihin niya ng may magsalita sa pinto at may pumasok na magandang babae.

"Anong kaguluhan dito?" Mataray na sabi niya saka lumapit samin. Inagaw niya yung pagkakahawak ni jasmine sa buhok ng babae atsaka siya sinabunutan ng mas masakit.

"A-Aray ko, pakiusap tigilan niyo na ko" mangiyak-ngiyak niyang sabi saka siya tinulak sa upuan.

"Ayaw ko nga!"

"W-wala naman po akong ginagawa chloe huhu"

"Tignan mo chloe umiiyak na siya haha---oh gezzz" biglang napatigil si Jasmine ng humangin nang malakas kasabay nun may umulan ng yelong maliliit. Dahilan upang mapatigil sila at mapatingin sakin.

"Wahhh, ang lamig" sabi rin ni chloe.

"Anong nangyayari dito?" napatingin ako ng may tatlong prinsesang pumasok sa silid aralan namin.

"Ann!" tili ni kylish at nilapitan ako. Kinalma ko ang sarili ko kasabay nun ang pagkawala ng malakas na hangin at umuulang yelong maliliit.

"Hindi ka pa din ba tumitigil?" Galit na sabi ni prinsesa zia kay chloe.

"At bakit ako titigil?"

"Tumigil ka na bago pa malaman ni reyna mercy yang ginagawa mo!"

"Subukan mong magsumbong, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka gamit ang kapangyarihan ko!"

"Subukan mo din gawin at hindi ako magdadalawang isip na ipalamon ka sa lupa!" Lumapit agad ako kay zia ng inilabas niya yung kapangyarihan niyang lupa. Kasabay nun ang pagpasok ng mga hari't reyna dito at daling pumunta sa harap namin kasunod nun ay ang mga prinsepe kasama ang punong paaralan.

"Anong kaguluhan dito?" Nag-aalalang sabi ng punong paaralan na kinayuko ng babae. "Naramdaman at nakita namin kung gaano kalakas ang hangin kasabay nun ang pagpatak ng yelong maliliit, nag-aalala lang kami dahil alam naming sa buong holypia naramdaman yun!"

"Anong nangyari? Sabihin niyo samin!" Malamig na sabi ni tydish habang masama ang tingin sakin na kinayuko ko.

"Paumanhin kung ginawa ko yun para matigil sila, sisiguraduhin kong hindi na mauulit" Yuko kong sabi, naramdaman kong hinawakan ako ni kylish na kinangiti ko.

"Sino ka para gawin yun" sabi din ni peter sakin.

"Ako po si Prinsesa Ann Torez, ang anak ng air kingdom. At kinagagalak ko kayong makilala" nagulat sila sa sinabi ko, pwera sa mga
hari't reyna dahil kilala na nila ako.

"Ikaw ang tagapagmana ng palasyo ng holypia" gulat na sabi ni trisha na kinatango ko.

"Ngunit ang akala namin ay hindi ka pinahintulutan ng iyong mga magulang na pumasok dito" Tanong ni Zia.

"Nagdesisyon ako para sa sarili ko" napatango na lamang sila.

"Ano ba talagang nangyari dito?" Tanong ng punong paaralan.

"Pinag-tutulungan nila ako, huhu" umiiyak na sabi ni chloe na kinakunot ng noo ko. Tumabingi yung ulo ko para isa-ulo yung mukha niya. Parang may ilaw na umano sa isip ko dahilan para mapapikit ako ng mariin kasabay uli nun ang paglakas ng hangin. Pero agad ding tumigil ng imulat ko muli yung mata ko.

"Totoo ba ito?" Tanong ni reyna tacy at mababasa dito ang inis.

"H-hindi ho, ina" yukong sabi ni trisha.

"Sinungaling! Sabi niyo nga na hindi niyo ako pagdadalawang isipin na ipalamon ako sa lupa, huhu"

"Bakit niyo naman naisipan na gawin yun?"

"Pero reyna tacy, sabi niya po na hindi din siya magdadalawang isip na patayin ako/kami" matigas na sabi ni zia saka ko siya hinawakan sa braso para pigilan.

"Ano bang pumapasok sa utak niyo para sabihin niyo yan!" Inis na sabi ni peter.

"Anak!" Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto ng bumungad si ina at ama dito.

"Ama, ina?" Lumapit ako saka inalalayan silang pumasok "A-Ano pong ginagawa niyo dito? Bakit naman po kayo umalis sa palasyo? Baka po mapano kayo niyan?"

"Magandang umaga aming mga kaibigan" tumango naman sila. "Anak, anong nangyayari dito? Ayos ka lang ba?" Tumango ako at ngumiti. "Bakit umulan ng yelo at humangin ng malakas?"

"Nagkaroon lamang sila ng alitan"

"Pag-usapan natin toh sa aking opisina" sabi ng punong paaralan at umalis. Tumingin lang ang mga reyna at hari samin at umalis na din.

"Halika na kayo" ngiting sabi ni kylish. tumango ako bago kami pumunta sa opisina ng punong paaralan. Nang makadating kami sa opisina naka-upo na silang lahat. Tumango kami at umupo na din.

"Dito malalaman kung nagsasabi ka ng totoo o hindi" sabi ng punong paaralan kay trisha habang hawak ang maliit na kahoy na kulay tsokolate.

"Ano pong gagawin niyo?"

"Itatapat ko lang sa noo mo ito kung umilaw ito ng puti nagsisinungaling ka at kung umilaw ito ng itim hindi ka nagsisinungaling"

"Pumikit ka hija" utos niya na agad niyang ginawa.

Pinipigilan ko ang kaniyang makapangyarihan na nagsasabi nga ba siya ng totoo o hindi.

Utos ko sa isip ko na kinangiti ko.

"Bakit ganun? Bakit hindi gumagana ang kapangyarihan nito sa kaniya?" Sinubukan niya iyon sa sarili niya kaya umilaw ng itim iyon sa noo niya. "Bakit sakin gumana pero kapag sa kaniya ay hindi?"

"Baka pinipigilan niya?" Inis na tanong ni chloe na kinagulat ko.

"Walang sinuman ang makakatalo sa kapangyarihan na toh"

"Eh, anong nangyari?"

"Bakit naman po kasi hindi kayo maniwala sa kaniya" sabat ko na kinatingin nila sakin. "Ang babaeng ito ay inosente" sabay tingin ko sa babaeng inapi nila chloe.

"Hindi marunong mag-sinungaling ang aking anak" Sabi ni ina dito na kinabuntong hininga nila.

"Ano ba ang kapangyarihan mo bukod sa hangin?" Malamig na sabi ni tydish sakin na kinalunok ko.

Ang alam lang ni ina at ama ay isa lang ang kapangyarihan ko at ang hangin iyon! Pero ang totoo ay mayroon pa akong ibang kapangyarihan.

"Wala na" tinaasan na lang niya ako ng isang kilay.

"Maaari na kayong umalis" saad ng punong paaralan.

"Maraming salamat po" ngiti kong sabi pero nawala iyon ng makita kong masama ang tingin sakin ni tydish.

"Kita na lang tayo bukas, hehe" tinanguhan ko lang si kylish bago kami lumabas ng opisina.

Kylish POV

"Mauuna na po kami may klase pa kami" malamig na sabi ni tydish, tumayo siya at yumuko bago umalis.

"Mauuna na din po kami" Sabi ko saka inaya yung dalawa. Yumuko din kami bago lumabas sa opisina.

"Nakakainis talaga siya, grrr" inis na sabi ni zia saka naglabas ng lupa saka iyon tinapon sa malayo.

"Sinabi mo pa" sagot din ni trisha saka sila naghawak kamay ni zia dahilan para may kapangyarihan na lumabas doon at sabay nilang tinapon sa pader kaya nagtalsikan ang putik.

"Ano ba, kadiri!" Singhal ko sa kanilang dalawa na kinatawa nila. Inisip ko na gumalaw yung walis kaya nangyari iyon. Pinagalaw ko din yung basurahan gamit ang mata ko. Saka ko inikot-ikot yung daliri ko upang mag-kusang maglinis iyon sa putik na kinalat nila.

"Ang bait mo naman atah, kylish!" Napalingon kami ng may magsalita sa likod namin saka namin nakita yung tatlo.

"Oh eh, ano naman? Saka matagal na akong mabait, duh!" Sabay inisip na makahawak ng suklay nang mangyari yung nagsuklay ako ng buhok ko.

"Mabait? Tsk, tignan mo nga sarili mo! Maarte!"

"Grabe ka, james!"

"Tsk"

"Oh, bakit walang pasok?" Gulat na tanong ni zia kay tydish na kinataka din namin.

"Tanghalian, diba?"

"Ah?.... Oo nga, hehe"

"Buti nga sayo, haha" natatawang turo sakin ni james. Inisip ko na batukan siya nagawa ko dahil nangyari.

"Hahaha"

"Tumigil nga kayo!" Sita ni peter saka naunang maglakad

"Sungit mo! Hmp"

"Anong sabi mo?"

"Sungit mo!"

"Subukan mo pang sabihin yan!"

"Oh, bakit? Nagsasabi lang ng totoo!"

"Isa"

"Tsk" padabog akong nauna pero hinila agad ako ni tydish. "Ano ba!"

"Saan ka pupunta?"

"Saan pa ba? Edi sa hapag-kainan!"

"Diyan ba ang daan?" Napatingin ako sa dadaanan ko sana. Napalunok ako dahil papunta na ako sa silid aralan namin. "Tsk"

"Haha, ano ka ngayon?"

"Tsk" padabog na akong nauna sa kanila ng hinila na naman ako ni tydish. "Ano na naman ba?"

"Marunong ka naman sanang maghintay?"

"Wala akong paki, tydish" umiling na lang sila bago kami nagpunta sa canteen.

"Kyahh, nandiyan na ang prinsepe at prinsesa"

"Ang ganda talaga ni prinsesa kylish"

"Kyahhh, ang gandang-lalaki talaga ni prinsepe tydish"

"Ang ganda mo prinsesa Trisha"

"Ang ganda-ganda mo prinsesa Zia"

"Akin ka na lang prinsepe mike"

"Wahhh, prinsepe james"

"Ang gandang-lalaki mo, prinsepe peter"

"Balita namin na, dito na nag-aaral si prinsesa ann"

"Wahhh, gusto ko siyang makita"

"Mahal namin kayo, prinsepe at prinsesa"

"Ang ganda ko talaga, haha" sabi ko kila tydish na ngumiwi. Naglakad kami papalapit sa mesa namin saka kami binigyan ng pagkain na lagi naming binibili.

"Hindi ko alam na dito na mag-aaral si ann" saad ni mike samin na kinatango namin.

"Kami rin ay nagulat" sambit din ni zia.

"Totoo nga ang balita na napakabait niya saka napaka-misteryosa. Nung nabunggo ko siya kanina dun ko siya unang nakita, unang tingin mo pa lang parang may kakaiba na! Saka siya lang yung taong nakita kong maamo ang mukha at hindi naman ako nabigo dahil mabait nga siya"

"Talagang siya ang tagapag-mana ng palasyo ng holypia, tindig niya pa lang ay alam mo na"

"Bakit kaya siya pumasok dito?"

"Kaya nga siya pumasok dito para matutunan pa lalo yung kapangyarihan niya diba!?"

"Kanina ka pa kylish!"

"Kayo din kanina pa! Bakit niyo ba ako pinag-tutulungan?"

"Kanina ka pa kasi daldal ng daldal"

"Kasi kanina pa kayo tanong ng tanong sakin!"

"Tsk" singhal niya, inisip ko na lang na may pumaypay sakin na agad namang nangyari.

Ann POV

Nang makalayo kami sa maraming tao, hinarap ko na sila ina.

"Ina, ama, hindi niyo na po kailangan pumunta pa dito. Maayos po ang kalagayan ko"

"Anak, pasensya na ngunit gusto lang namin makatiyak na maayos ang kalagayan mo dito" ngumiti ako kay ina.

"Natutuwa ako dito ina, sa katunayan ay nakilala ko na ang ibang prinsesa at prinsepe"

"Ganun ba? Kung ganun ay babalik na kami sa palasyo. Mag-iingat ka dito, anak" ngumiti ako at tumango.

"Mag-iingat din po kayo sa paglalakbay---" napatigil ako sa sinasabi ko ng biglang humangin ng malakas at may binulong sa akin ang hangin.

"Malapit ng bumalik si demon kaya humanda ka"

Paulit-ulit yan ang binubulong niya kung kaya't kinabahan agad ako.

"Anak, anong problema?" Tanong ni ama ng mapansin nila ang pagtigil ko.

"Babalik na po si demon" pati sila ay nagulat sa sinabi ko.

"Malaking problema ito. Kailangan nilang malaman ito upang makapag-handa tayong lahat" tumango ako.

"Kung nagkaroon ng problema nandito lang ako" niyakap ko sila dahil natatakot akong mawalay sila sakin ng dahil kay demon.

Kumalas na ako sa yakap at pinanood silang umalis. Pumunta na ako sa palasyo kung saan ako maninirahan pansamantala. Hila-hila ko pa din ang maleta ko dahil hindi ko naman ito pwedeng iwan sa iba dahil hindi ko naman sila kilala.

"Prinsesa ann" agad akong napalingon sa sumigaw saka ko nakita si prinsesa kylish, prinsesa zia at prinsesa trisha. Ngumiti ako ng makalapit sila. "Alam mo na ba ang numero ng silid mo?"

"Hindi pa, ako'y papunta pa lang sa rehistro"

"Huwag ka ng pumunta dahil kami na ang nagpa-rehistro sayo" nagulat ako ng inabot nila sakin ang susi. "Ito ang susi ng iyong silid. Numero dise-otso ang iyong silid" ngumiti ako at tinanggap yun.

"Maraming salamat sa inyo"

"Walang anuman, halika na't pumunta na tayo sa iyong silid" tumango na lamang ako at naglakad na kami.

Continue Reading

You'll Also Like

54.1K 1.3K 45
Everything that comes plays a role in your life, but what exactly is it? This story is ready to make us cry, but you can learn a lesson. Because not...
200K 4.1K 60
FANGIRLING is not easy, because having a mental relationship with a CELEBRITY who doesn't even know you exist. -----♡ Started: 2014 Finished: 2015
32K 1.8K 33
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
1.8M 180K 204
Online Game# 2: MILAN X DION