Committed to Love You [Part 1]

By theashtone

473K 17.7K 550

Keith and Grey were the best of friends nung mga bata palang sila. But Grey suddenly left the Philippines to... More

Prologue
Stubborn as a Pimple
Keith Ivan Kun
A Glimpse of the Past
A Big NO
Insecure
Childhood Memories
Weak
Promise? Promise.
Unexpressed
Broken and Defeated
I'll Be There
Show-off
Simbang Madaling-araw
Da Moves
Effort
"I'm trying!"
Muntikan Na
Love Square?
Prejudiced
Bittersweet
Smile
Medyo Awkward
#SelosKills
Truth or Consequence
Past and Present
palusot.com
Sorry
Keith's Three Laws of Courtship
Ninja!!!
Double-Date
Takas
Seventeen
Painkiller
Puzzle
From the Beginning
Balak
Questions
Broken Once Again
Fallen
Sampal
Systolic Heart Failure
Realization
Acceptance
Epilogue: Come Back to Me

Loner Or Nagpapaka-loner?

9.1K 339 12
By theashtone

Loner Or Nagpapaka-loner?

Naunang umuwi si Bianca habang nanatili pa ng ilang minuto si Grey, kaya agad akong umakyat sa kwarto ko, nag-lock ng pinto at nagkulong. Dun ako tumambay sa balcony dahil gusto kong makita si Grey na umalis bago man ako bumaba sa sala ulit.

Maka-ilang beses na kumatok si Grey at si Ate Jasmine sa pinto ng kwarto ko. Pero hindi ko sila pinagbuksan. Ayokong makausap si Grey ngayon.. Buti na lang at may metal lock sa pinto ng kwarto ko kaya hindi sila talaga makakapasok unless na pagbuksan ko sila..

Humilata ako sa bed ko, sinubsob ko ang mukha ko sa unan..

"Keith! Buksan mo yung pinto," Tawag sakin ni Grey after niyang maka-ilang beses na kumatok mula sa kabilang side ng pinto.

Di ako sumagot.

"Hayaan mo na Grey. Baka pagod lang," sabi naman ng boses ni Ate Jasmine.

"Pasabi na lang Ate Jasmine na umalis na 'ko," dinig kong sabi ni Grey.

Huminga ako ng malalim.

Tumakbo ako papunta sa balcony at sa gitna ng malakas na ulan eh nakita ko si Grey na naglakad na palabas ng bahay namin.

Saka naman may sumigaw sa kabilang side ng pinto ng kwarto ko.

"May hawak akong martilyo Kito! Bubuksan mo ang pinto o hindi?!" Si Ate Jasmine.

Pumunta naman ako sa pinto at binuksan yun. Tumambad sakin si Ate Jasmine, may bitbit nga talagang martilyo.

"Ano?" Tanong ko naman, slightly frowning.

"Anong kaartehan yan?" Iritang tanong ni Ate Jasmine.

"Di ako nag-iinarte," sagot ko naman.

Pinagtulakan ni Ate Jasmine yung pinto para makapasok siya. Humilata ako ulit sa bed ko samantalang siya eh panay dada.

"Nga pala, nakalimutan ko, pinapasabi ni Grey na I love you daw," sabi ni Ate Jasmine na umupo sa study table ko.

"Urgghh.. Pasabi nakakadiri," sagot ko naman na di nagtataas ng mukha.

Naningkit ang mga mata ni Ate Jasmine.

"You're so unfair Kito," sabi niya.

"Unfair? Ako na nga ang harassed dito ako pa yung unfair?!" Di-makapaniwala kong sabi.

"Ikaw naman kasi eh.. Gusto ka lang i-confort nung tao, gusto niyang tanggalin yung bad mood mo, ikaw naman panay iwas ka," sabi ni Ate Jasmine.

"For your information Ate Jasmine, may iba pa siyang motibo! Do you think binigay niya yun sakin na cake dahil gusto niyang maalis yung bad mood ko? NO. Kasi ayaw pa niya akong tigilan sa kumag na ligawan na yan!" Sagot ko naman.

"Okay! Okay! Sorry! Pero akala ko ba iiwasan mo na siya?" Tanong pa niya.

"I'm trying. Pero maiiwasan ko lang si Grey nang tuluyan kapag nagkaroon na ng seedless rambutan. For long, IMPOSIBLE ko na siyang maiwasan dahil kung kakulitan lang naman ang pag-uusapan eh JIAN GREY YAP ISERI ang pangalan na una kong naiisip!" sabi ko.

"Pero seryoso naman si Grey sa'yo ah," sabi ni Ate Jasmine.

"Pwes ako hindi!" Sagot ko.

"Mahal ka nung tao-"

"Hindi ko siya mahal."

"Sigurado ka?"

" YES!"

"Asus. Ewan ko sa'yo Kito. Ang gulo-gulo mo," sabi niya na kumakamot pa sa ulo.

"Ang bottom line kasi dito, HINDING-HINDI KO MATATANGGAP NA NILILIGAWAN AKO NI GREY. We can be friends, but lovers? Uugghh.. Its so horrible," sabi ko.

"Honestly, sarap niyo pag-umpuging dalawa. Para kang buntis na naglilihi pagdating kay Grey, di mo matantiya ang ugali, ngayon ang ganda ng mood, maya-maya naman ang asim na naman, hayy.. ako ang naduduling sa'yo Kito," sabi niya.

"Whatever," sabi ko naman sabay subsob ulit sa unan.

"At nga pala, bakit kung naiinis ka kay Grey eh nandiyan pa yang stuffed toy na yan?" Sabi bigla ni Ate Jasmine.

"Tinatago ko lang kasi kinuha ko yan as a token of friendship! Not as a token of courtship!" Sabi ko.

"Asus, reasons!" Sabi niya sabay pagulong ng mata.

"Leave me alone! Alis, alis!" Sigaw ko habang pinagtutulakan ko siya palabas ng kwarto ko.

"Magpapaalam pala ako. Wala ako sa bahay ngayong gabi. Initin mo na lang yung pagkain diyan and behave yourself," habol ni Ate Jasmine bago ko pa nasara yung pinto.

"You're leaving again?!" Di makapaniwala kong tanong.

"Its a company stuff and I can't say no. May event mamaya sa kumpanya and I'll meet also with Charles," sabi niya sabay habol ng kilig. Si Charles yung isa sa mga suitors ni Ate Jasmine. I just rolled my eyes.

"Okay. Have a nice evening!" Sabi ko sabay balibag pasara ng pinto.

Babalik na sana ako sa tulog nung biglang nag-ring yung phone ko.

Si Grey.

"Hindi pa ba sa'yo malinaw na ayaw kitang makausap?" Bungad ko agad sa kanya.

"Bawal ka ba kausapin ng PA mo?" Sagot niya.

"Bawal," sagot ko naman.

"Ate Jasmine told me that you're alone in your house, I'll come over," sabi niya.

"NO!"

"Pupunta ako."

"NO!"

"Papunta na ko."

"NO. DON'T YOU DARE-"

Busytone...

Sh*t na tigas ng ulo.

He'll come over? Ayaw ko siyang makausap. Tapos ano? Magluluto siya? Kakain kami ng sabay. Mag-uusap pagkatapos. Tapos aantukin na ko.. Tapos dadalhin na niya ako sa kama ko.. Tapos tatanggalin na niya damit ko.. Tapos.. Tapos.. Tapos..

Kinikilabutan ako.

"Aaaaaaarrrrggghhh!! Ba't masyadong malikot ang imagination ko?!!! Grrrrr...." Sabi ko habang inuumpog-umpog yung ulo ko sa unan.

Humarap ako sa salamin.

Ano bang meron sakin na nagustuhan ni Grey?

Sinipat sipat ko yung reflection ko.

Mukha?

Hmmm.. Cute naman ako ah.. Baka.. Pero kilala ko si Grey, di siya naiinlove sa mukha lang.

Attitude?

Duhh.. Kung paasiman man lang ng attitude talo ko pa ang sinigang sa sampalok.

Yung adobo?

Hayy.. Di naman masiba si Grey.. Kung nainlove siya sa sakin, siguro ten percent lang yung adobo.

"In fairness ah, makinis naman katawan mo.. Tsk.. Sayang.." Naalala ko bigla yung sinabi ni Grey.

Nanlaki bigla yung mga mata ko. Di kaya..

Katawan lang gusto sakin ni Grey?

Ilang beses na niya akong pinatulog na nakahubad. Parati niyang pinapansin yung balat tsaka katawan ko na pambabae daw. Baka nga may ginawa sakin si Grey at hindi lang siya umaamin.

Tapos kapag nakuha na niya yung gusto niya, mawawalan na siya sakin nang interes..

YEAH RIGHT.

Masyado na akong nag-iilusyon. Sinipat sipat ko pa yung katawan ko. Hmm.. Pinaglihi daw kasi ako ni Mommy sa labanos kaya naman ganito kaputi at kakinis ang balat ko.. Marami ngang naiinggit sakin.. Hah.. Sorry sila.. Nasa DNA ko na to..

Alam ko na isasagot ni Grey kung sakaling tanungin ko siya kung bakit ako pa yung napagtripan niyang mahalin: Ang gasgas na linya na "Mahal kita sa kung sino ka."

Hirap malagay sa ganitong sitwasyon..

Doorbell.

Kasabay nun ay isang text ang dumating.

"Nandito ko sa labas ng bahay mo. Bilis, nakalimutan kong dumala ng payong, akala ko kasi patapos na yung ulan."

Si Grey.

Napatalon ako sa gulat bigla. Agad akong naghalungkat sa closet ko ng damit na masusuot. Inayos ko yung buhok ko. Pero bigla akong natigilan.

Ba't ako nataranta bigla?

Sa kakilabutan ko eh binalibag ko na lang yung mga damit ko at bumaba na ako sabay kuha ng payong.

Nandun nga si Grey sa labas. May dala pa sa isang plastic bag na kung anu-ano.

"Alam mo namang umuulan ba't di ka nagdala ng payong?" Bungad ko pagkabukas ko ng gate.

"Sorry. Pagdating ko kasi sa bahay tsaka pagpunta ko ulit dito wala nang ulan kaso pagkalabas ko ng supermarket hayun, umuulan na ulit," sabi niya sabay silong sa payong ko.

"Kanino katangahan?"

Hinampas niya ako ng isang carrot sa ulo.

"Kahit kelan talaga wala kang pakialam sa mga tao sa paligid mo," sabi niya.

I just rolled my eyes.

Pagkapasok namin sa bahay eh agad siyang dumiretso sa kusina.

"Matutulog na ako kaya wag ka nang magluto," sabi ko.

"Don't be stupid. Pinagbilin ka sakin ni Ate Jasmine," sabi niya na naghihiwa na ng mga lulutuin niya.

"Okay fine! Umuwi ka na lang after mong makaluto," sabi ko.

"Wala ka talagang konsiderasyon, dito ako kakain," sagot niya.

"Umuwi ka after mong makakain!" Sagot ko.

"Nagpaalam na ako kay Mama na dito ako matutulog," sagot ni Grey.

"Mamili ka na lang ng kwarto. May anim pang kwarto dito. Hindi na available ang kwarto ko at ni Ate Jasmine," sabi ko agad.

"Okay. Di naman kita gagambalain," sabi niya.

Tumalikod na ako.

"Nga pala. I've bought you something."

Lumingon ako at sakto naman yung pagbunot niya sa bulsa niya ng isang maliit na box sabay bato sakin nun.

"What's this?" Tanong ko agad.

"Perfume. Hope you'll like that," sabi niya.

Naningkit yung mata ko.

"Wait. Are you giving this to me as a-"

"25% PA Gift, 25% Friendship Gift, 25% Older Brother Gift, and 25% Suitor Gift," sabi niya sabay kindat.

"What the h-"

"Shut up. Tanggapin mo na yan," tipid niyang sagot.

"Okay! Okay!" Sigaw ko naman.

Pumulot ako ng libro at naupo sa may table. Manaka-naka kong tinititigan si Grey. San kaya nanggagaling ang unlimited nitong kakulitan.

"Will you please stop looking at me? Alam ko gwapo ako pero kung ganyan ka makatitig baka matunaw ako," biglang sabi ni Grey.

Shete.. Lakas maka-sense ng mokong na to. Agad naman akong nagbawi ng tingin.

"For your info nadaanan lang kita ng tingin, I'm not staring at you, wag kang ilusyunado at above all, mas gwapo ako sayo," sagot ko naman.

"If you say so," sabi niya naman.

Bumaling na lang ako ulit sa libro na binabasa ko. After a few minutes eh nagsalita na naman si Grey.

"Hey, I just remembered, do you want to go out with me sa February 14? If wala kang date or something?" Alanganing tanong ni Grey.

Kumunot yung noo ko.

"Pinaglalaruan mo ba 'ko?" Irita kong tanong sa kanya.

"What?"

"Bianca told me that the two of you are going out on that day," matigas kong sabi.

"Seloso. Oo alam ko.. Pero alam mo naman ata na pagdating sa'yo parati akong nakakahanap ng oras," sabi niya.

Namula ako bigla sa sinabi niya.. Pagdating sa'yo parati akong nakakahanap ng oras.. Parang bigla tumibok nang abnormal yung puso ko.. Napatitig ako sa kanya..

Wait.. ERASE!!!

"Pag-iisipan ko. I don't want to ruin the date of my cousin," sabi ko naman na di makatingin sa kanya ng diretso.

"Okay. I'll take that as a yes," sabi niya.

"Sabi ko PAG-IISIPAN ko! Hindi pa ako pumapayag!" Singhal ko naman agad.

Pero biglang humatsing si Grey. Inilayo niya yung mukha niya sa niluluto kaya napansin ko na medyo namumula siya.

"Hey- are you feeling well?" Sabi ko bigla bago ko pa napigilan ang sarili ko. Bigla akong na-taken aback.

Ngumiti lang si Grey. "Sweet mo naman. Namumula tuloy ako."

"Okay fine! Di na kita kukumustahin!" Sagot ko.

Pero di pa ako natatapos magsalita nung isang kalampag ang narinig ko. Nalaglag ni Grey yung isang kaserola.

Agad akong tumakbo papunta kay Grey na kasalukuyang hawak yung isa niyang daliri.

"Sorry. Natabig ko yung kaserola tsaka kutsilyo," sabi niya.

Lumuhod ako sa tabi niya.

"Ikaw naman kasi. Di ka nag-iingat, hayan tuloy," irita kong sabi habang tinapat ko yung kamay niya sa ilalim ng gripo.

"Diyan mo lang yan. Kukuha ako ng panglinis," sabi ko sabay takbo sa medicine cabinet dun.

Dumudugo pa rin nang konti yung daliri ni Grey.

"Magsabi ka kung masakit. Pasalamat ka mababaw lang sugat mo," sabi ko habang nilalagyan ng betadine yung sugat niya.

"Aww.. Mahapdi Keith," sabi bigla ni Grey.

"San masakit?" Sabi ko bigla.

"Yung puso ko.."

"EH KUNG PULSO MO YUNG LASLASIN KO?!" Sigaw ko bigla sa kanya.

Pero tumawa lang si Grey. "Yun yung pinaka-sweet na treatment mo sakin after almost two years ah.. Heaven.." Sabi ni Grey na nakangiti.

"Umayos ka nga. Nasugatan ka na nga puro ka pa kapilyuhan," irita kong sabi habang nilalagyan ng band aid yung sugat niya.

Pero bigla akong natigilan.

"Wait.."

Sinalat ko yung kamay niya.. Sasalatin ko sana yung leeg niya nung umiwas siya bigla..

"Keith.. Wag ngayon.. Keith wag.." Sabi niya na nakangiting loko.

"SHUT UP!" Sabi ko sabay takip sa bibig niya sabay salat sa leeg niya.

"Nilalagnat ka na nga panay kapilyuhan ka pa!" Sabi ko.

"Okay lang ako. Maaalis lang to," sabi niya.

"You're not fine," sabi ko at dumiretso ako sa niluluto niya.

"Ako na lang kukuha," sabi niya sabay tayo.

"Wag ka nang gumalaw. Ako na bahala dito," matigas kong sabi.

"Sure Hon," sabi ni Grey sabay hilata sa upuan.

"Lagyan ko ng lason ang pagkain mo? Gusto mo?" Irita kong sabi.

"Sorry man." Sabi naman niya agad.

After ng ilang minuto eh nakahanda na yung mesa. Kumuha naman ako ng gamot sa medicine cabinet.

"Hayan. Inumin mo yan. Ihahatid kita sa bahay niyo after nating makakain, magpahinga ka na," sabi ko sabay upo.

"Di'ba ako pwedeng mag-stay dito?" Sabi ni Grey.

"No. May sakit ka. Umuwi ka na lang. Ako na bahala maghatid sayo pauwi," sabi ko naman.

"Look. I'm fine Keith. Ayos lang ako. I can stay here," sabi ni Grey.

"Uuwi ka. That's it." Matigas kong sabi.

"I'm fine! I wanted to stay here with you," sabi ni Grey.

"You're not going to stay. Kaya ko sarili ko," sabi ko naman sabay tayo at alis.

Tumayo si Grey at bigla akong hinaklit paharap sa kanya.

"Tatalikuran mo na naman ako?" Sabi niya.

Binawi ko yung kamay ko. Sino ba yung unang tumalikod sa'ting dalawa Grey?

"Nag-aalala lang ako sa'yo Grey! Kaya please naman. Makinig ka sakin! Mas magiging okay ka kung umuwi ka na," sabi ko.

"But ikaw ang gusto kong makasama," sagot ni Grey.

"Will you stop being stubborn?! May sakit ka kaya wag nang matigas ang ulo! Ayokong mag-away lang tayo Grey. Please!" Sabi ko.

"Yan ang mahirap sa'yo Keith! Parati mo na lang na itinataboy palayo sayo ang mga tao na gustong mapalapit sa'yo! Nagrereklamo ka na mag-isa ka at walang nag-aalala sa'yo na in fact lahat ng taong gustong tulungan ka, lahat ng taong mahal ka, itinataboy mo lang!! Gusto kitang tulungan pero tinataboy mo lang ako!" Sigaw ni Grey na biglang napaiyak.

"Grey.. Ka-kapakanan mo lang ang iniisip ko-"

"Gusto kitang pasayahin Keith, gusto kitang tulungan pero puro lang REJECTION ang natatanggap ko! Alam mo ba kung ga'no kasakit yun?! Pakiramdam ko lahat ng efforts ko eh wala lang sa'yo!" Sabi niya.

"I'm- I'm sorry! Sorry!! Mahalaga ka rin sakin Grey but please understand my situation, nahihirapan din ako," sabi ko na napahawak sa ulo ko.

"Nung inatake ka ng sakit mo dati at nasa kwarto mo ako, alam ko na umiiyak ka nun. Pero natatakot ako na lumapit sa'yo. Gusto kitang i-comfort, gusto kong pagaanin ang loob mo. Pero wala akong nagawa dahil alam ko na irereject mo lang ako," sabi niya na may halong hinanakit sa boses.

"Natatakot ako Grey! I'm afraid to trust! I'm afraid to love again! Oo aaminin ko, minahal kita dati! Di mo alam kung ga'no ko ginusto na makita ka nung wala ka dito! Mahal kita dati pero nawala na yun!! Tapos bigla kang babalik dito?! Na'san ka nung mahal pa kita?! Natatakot ako na kapag nagmahal na naman ako... sasaktan mo lang ako, iiwanan mo na naman ako gaya nung dati," sabi ko na napaupo sa sahig na umiiyak.

"Kaya ngayon lahat ng tao nirereject mo?! Nakakasakit ka rin Keith! Nasasaktan din ako! Dahil pakiramdam ko wala naman akong lugar diyan sa buhay mo!" Sabi ni Grey.

"Sorry..." Isinandal ko yung ulo ko sa binti ko.

Nakarinig ako ng mga paa na palayo kasabay ang pagsara ng pinto.

"Grey!" Tawag ko pero wala na siya.

Tumakbo ako papunta sa pintuan pero pagbukas ko eh wala na siya. Malakas pa ang ulan kaya hindi ko na siya nasundan pa.

Continue Reading

You'll Also Like

106K 6.9K 59
Meet Coby Rodriguez. Isa siyang ordinaryong lalake na bumalik galing sa Canada at nalipat sa isang school sa Pilipinas. At sa paaralang yun makikilal...
1.6M 30.5K 41
Tunghayan ang istroya ng mag EX-BESTFRIENDS/EX-BOYFRIENDS na sina Josh at Ryan. Alamin kung dahil sa isang kasunduang muling maglalapit muli sakanila...
1.3M 53.7K 72
Highest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Sto...
207K 7K 45
Simula pagkabata, alam ni Ean na babae ang gusto nya. Di pa man nagkaka-girlfriend dahil hindi lumalagpas sa landian ang nagiging relasyon nya, sigur...