Committed to Love You [Part 1]

By theashtone

473K 17.7K 550

Keith and Grey were the best of friends nung mga bata palang sila. But Grey suddenly left the Philippines to... More

Prologue
Stubborn as a Pimple
Keith Ivan Kun
A Glimpse of the Past
A Big NO
Insecure
Childhood Memories
Weak
Promise? Promise.
Unexpressed
Broken and Defeated
I'll Be There
Show-off
Simbang Madaling-araw
Da Moves
Effort
"I'm trying!"
Muntikan Na
Love Square?
Prejudiced
Bittersweet
Smile
Medyo Awkward
#SelosKills
Truth or Consequence
palusot.com
Loner Or Nagpapaka-loner?
Sorry
Keith's Three Laws of Courtship
Ninja!!!
Double-Date
Takas
Seventeen
Painkiller
Puzzle
From the Beginning
Balak
Questions
Broken Once Again
Fallen
Sampal
Systolic Heart Failure
Realization
Acceptance
Epilogue: Come Back to Me

Past and Present

8.4K 372 20
By theashtone

Past and Present

Grey's P.O.V.

"Yay! Graduate na tayo Ivan!" Tuwang-tuwa kong sabi nung natapos na rin sa wakas yung graduation program namin.

"Kaya nga eh! Congrats!" Sabi naman ni Keith habang naglalakad na kami papunta sa parents namin.

Graduation Night namin ngayon. Ako pa yung Valedictorian at si Keith naman yung Salutatorian kaya naman tuwang-tuwa kaming dalawa.

"Uy Keith, punta ka sa bahay namin," sabi ko sa kanya nung nasa van na kami.

"Bakit?" Tanong naman niya.

"Ininvite ko rin ilan nating classmates. Naghanda din kasi si Mama," sabi ko.

"Sige! Magpapaalam lang ako kina Mommy tsaka kay Daddy," sagot naman niya na nakangiti.

Then bumaling siya kina Tita Karla at Tito Iñigo na nasa unahan ng van.

"Mommy, Daddy, pwede po ako pumunta kina Keith? Ininvite niya po kasi ako eh," sabi niya.

Ngumiti naman sina Tita and Tito. "Of course. Kami na lang bahala sa mga tao sa bahay. Mag-iingat kayo.. Magpapahatid pa kayo dun?" Tanong ni Tita Karla.

"Wag na po Mommy, maglalakad na lang po kami. Tsaka nandito naman po si Tita Jessica," sabi naman ni Keith.

"Oh sige. Mag-iingat kayo basta. Madilim na," sabi naman ni Tito Iñigo.

"Opo. Thank you po!" Sabi naman ni Keith.

Kaya nung nakarating na kami sa gate ng village nila eh bumaba na kami. Agad naman kaming naglakad papunta sa kabilang village kung san nandun ang bahay namin. Hawak-hawak ko siya sa kamay habang tumatakbo kami, si Mama naman eh nakasunod samin.

Nakarating na rin kami sa bahay. Medyo matao rin kasi nandito yung ilang katrabaho ni Mama tsaka yung iba naming classmates. Agad ko namang inaya si Keith sa mesa.

"Tara kain!" Sabi ko sa kanya sabay abot ng isang paper plate ng spaghetti.

"Thanks," sagot naman niya na nakangiti.

"San ka mag-aaral pag high school natin?" Tanong ko bigla sa kanya.

"Kung san ka," sagot naman ni Keith na di sakin tumitingin. Napangiti naman ako bigla.

"Talaga?"

"Oo. Tsaka hanggang college ka papag-aralin ni Daddy diba? So sa isang school lang tayo papasok. Tsaka nag-promise tayo diba na walang iwanan?" Sagot niya.

"Sige! Sana classmates pa rin tayo," sabi ko naman.

"Sure yan...Tsaka di ako papayag na mahiwalay sa'yo, baka may umaway sayo niyan wala ako," sabi niya.

"Keith naman.. Big boy na ko, di na ako gaya ng dati na iyakin," sagot ko na nagkamot sa ulo.

"Kahit na. Gusto ko nasa tabi kita parati para nababantayan kita," sagot niya na nakangiti.

After naming makakain umupo kami sa may garden namin sa bahay.

"Thank you Keith," sabi ko na lang bigla sa kanya.

"Thank you saan?" Tanong naman niya.

"Sa lahat lahat. Parati kang nandiyan para sakin. Parati mo kong pinagtatanggol. Parati kang nasa likod ko parati. Masaya ako na nakilala kita Keith," sabi ko sa kanya.

"Naks. Wala yun. Tsaka syempre, bestfriends tayo kaya ko yun ginagawa! Di'ba nga may promise tayo?" Sabi niya.

Di na ako sumagot but I hugged him instead.

"Ikaw lang makasama ko Keith, masaya na ko."

Thankful ako nung mga oras na yun. Dahil hindi ako iniwan ni Keith. Hindi siya bumitaw sa promise namin. At haharapin namin ang high school life na magkasama.

Pero hindi ko maitatanggi ang katotohanan, na dahil sa pagtatanggol sakin ni Keith, dahil sa pag-aalala niya parati, dahil sa pagpapasaya niya sakin, hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng iba sa kanya. Dahil alam ko, deep inside sa sarili ko, unti-unti nang lumalalim ang nararamdaman ko para kay Keith.

•••

Nakatayo ako sa harap ng table ni Tito Iñigo at kasama niya rin si Tita Karla. Ito yung araw na sakin in-offer ni Tito yung scholarship sa Japan.

Humugot ako ng lakas ng loob and I tried to keep my face straight.

"Mahal ko po si Keith.. Mahal ko po ang anak niyo.." I said in a voice that is barely audible than a whisper.

Halata ang pagkagulat sa expression nina Tito. But I'm sincere sa kung ano mang sinabi ko. Dahil hindi ko na kaya pang itago ang nararamdaman ko.

Huminga ng malalim si Tito.

"Well, wala akong magagawa Jian. Its your feelings, we respect and understand you," sabi ni Tito.

"Kaya po ako rito nagpunta because I'm ready to accept the scholarship-" Pikit mata kong sabi.

"Baka po kapag nasa Japan na ako baka makalimutan ko po yung- yung nararamdaman ko po kay Keith," dagdag ko pa.

"Aren't you a bit unfair Jian? Because I think Keith has the right to know what you feel about him. Itatago mo ba to?' Tanong ni Tita Karla.

"I'm begging you po, please don't tell Keith. Alam ko po may tamang oras para sabihin kung ano man ang nararamdaman ko pero hindi po ngayon, please," sabi ko.

Tinitigan nila ako for a few seconds.

"Okay Jian. Hindi namin sasabihin kay Keith. But you owe him one. Dapat alam mo na darating at darating ka sa point na kailangan mong sabihin ang totoo okay?" Sabi ni Tita.

"Opo. Thanks po, Tita, Tito," sabi ko naman.

"By next week, aasikasuhin na namin ang papers mo," sabi ni Tito Iñigo.

Tumango naman ako bago nagpaalam sa kanila sabay labas sa office ni Tito Iñigo.

Yun yung mga panahon na sinubukan kong kalimutan kung ano mang nararamdaman ko para kay Keith. Dahil hindi to pwede. Kaya I thought that avoiding Keith is the best way to extinguish my feelings for him.

Pero nagkamali ako, the more na hindi ko nakikita si Keith, the more na namimimiss ko siya. The more na hindi ko siya nakakausap, the more na tumitindi ang nararamdaman ko para sa kanya..

My mind can lie, but my heart just can't..

•••

"GREY!" Kulang na lang eh mapatalon ako sa gulat sa boses na biglang sumabog mula sa gate.

Lumabas ako at nakita ko si Keith, yung eksaktong Keith na umalis sa bahay kanina lang.

"Alam ko miss mo na agad ako, but please, pwede maligo ka naman?" Sabi ko sa kanya sabay bukas sa gate.

Pero laking gulat ko nung bigla niya akong kinwelyuhan sabay kaladkad sakin papunta sa bahay.

Ito ang isa sa mga nakakatakot na trait ni Keith, akala mo niyan lalampa lampa pero pag galit yan, kung balibagan at kaladkaran lang naman ang pag-uusapan eh wala nang tatalo sa sumo wrestler na to.

Napansin ko nga na medyo galit siya. At sa ilang taong kabitteran niya sakin eh natuto na akong hindi na magsalita pa kapag galit siya para hindi masundot yung trigger ng time bomb kung saan pinaglihi tong si Keith.

"Okay.." Simula niya sabay hinga ng malalim, "Ano ang purpose mo for giving me chocolates, that ruddy stuffed toy, for inviting me for a dinner, at lahat lahat ng pangyayakap mo sakin?" Tanong niya na halatang pigil ang inis dahil nanginginig ang boses niya.

Hayun, sabi na nga ba at late reaction tong si Keith, tanggap nang tanggap saka magrereklamo. Pero alam ko na darating ang araw na to, kung kelan dapat sabihin ko na sa kanya ang totoo.

"Hmm.. So pinaliwanag na sayo ni Ate Jasmine lahat?" Sabi ko bigla. Isa kasi si Ate Jasmine sa mga taong nakakaalam ng nararamdaman ko kay Keith.

"YES! At alam ko na magkasabwat kayo! So tell me the truth Grey! Please!" Sabi niya na parang natatakot sa isasagot ko.

Tinitigan ko siya sa mata at huminga ako ng malalim. I answered in a casual voice.

"Nililigawan kita."

"Wait- di naman kita pinayagan ah, tsaka-

Wait..

Wait..

Wait.."

Napatalon siya at lumayo sakin na parang may dala akong basurahan o may sakit akong ketong. Tagal magproseso ng utak neto.

"WHAT?!" Magkahalong gulat at nerbiyos ang nakapinta sa mukha niya.

"LG. Uulitin ko. Nililigawan kita. I'm courting you. Watashi wa anata o kyūai yo in Japanese. Gusto mo Chinese? Punta ka Google Translate," sagot ko.

"But- how- why- aaaargh! You're lying! Pwede ba wag mo akong pagtripan?!" Sigaw niya.

"Hindi kita pinagtitripan. Nagsasabi ako ng totoo," sagot ko.

"But- but.. Why- m-me?" Sabi niya na parang naghahabol ng hininga.

Kumunot yung noo ko.

"Totoo nga ata na sinabi ni Ate Jasmine na bulag ka. Akala ko kilala mo na ako kaya I expected na mabilis mong mai-interpret ang mga ginagawa ko," sagot ko, may halong annoyance sa boses ko kaya medyo nagulat si Keith.

"But- I don't understand-"

"Yan ang mahirap sayo eh! Sabi mo you don't understand pero ang totoo eh you don't want to understand! Tell me, magagawa ko bang makatagal sayo ng dalawang taon kung wala akong rason para gawin yun?!" Sagot ko naman, naiinis na rin talaga ako.

"But- but- I thought- we're friends- right?" Sagot ni Keith.

"Yan! FRIENDS! Do you think ipagluluto kita, ipaglalaba, aasikasuhin, iche-check gabi gabi kung okay ka kung wala akong rason para gawin yun?!!"

"Well- you're my- my PA," nanghihina niyang sagot.

"Do you think titiisin ko yang coldness mo, yang pagtataboy mo, yang kabitteran mo kung wala akong rason?!" Sabi ko.

"G-Grey.." He stared at me uncomfortably.

"Alam mo Keith, ang slow slow mo! Dahil lahat ng yun ginawa ko, lahat ng yun tiniis ko kasi nga MAHAL KITA! At ikaw naman, ang tanga tanga mo dahil hindi mo narealize agad yun! Combination ka ng BULAG, TANGA, at MANHID!!!" Sigaw ko sa kanya.

Namula na ngayon si Keith at halatang naghahabol ng paghinga..

"But- but- I- "

"And tell me, aayain ba kita for a dinner o kaya naman yayakapin o makikipagharutan sa'yo kung hindi kita mahal?! Hindi ako makapaniwala na ganyan ka ka-slow!" Dagdag ko pa.

"At sinong tao ang magiging trying hard na pangitiin ka at gagawin ang lahat magkasundo lang kayo kung hindi ka niya mahal? Tell me!!"

Sumalampak sa sahig si Keith. Nakahawak sa ulo niya.

"I love you Keith. Kahit nung mga bata pa tayo parati mo akong pinagtatanggol, parati kang nasa tabi ko kaya lumalim yung nararamdaman ko sayo. And I admit, mahal na kita bago pa tayo nag-high school. Alam ng parents mo to dahil sinabi ko to sa kanila," sabi ko.

Biglang nagtaas ng mukha si Keith. Gulat.

"At hindi ko akalain na inabot ka ng ilang taon bago yun narehistro sa utak mo!" Sabi ko.

"Well I'm sorry!! Sorry!! Hindi ko alam! Akala ko ginagawa mo yun kasi PA kita! Kasi pinanghahawakan mo yung lintik na promise na yan!" Sagot niya bigla.

Tinitigan ko lang siya. "Ngayon, ikaw naman ang tatanungin ko-"

Nagtaas siya ng mukha. "What-"

"Bakit mo palihim na ilalagay sana yung relo sa bed ko?" Tanong ko.

Di siya nakasagot.

"Bakit ka nag-effort na aralin ang adobo na favorite ko at binilhan ako ng cake na kung tutuusin eh wala ka naman ngang pakialam sakin?" Dagdag ko pa.

Mas lalo siyang namula.

"Bakit kagabi, sinabi mo na wag akong pupunta kina Bianca? You're not jealous, are you?" Sabi ko, smiling slightly.

"At bakit everytime na hahawakan kita o lalapit ako sayo eh bigla ka lang na mamumula?" Sabi ko.

"Well- well- because-"

"Because you love me too?"

Bigla siyang tumayo, nakakuyom ang kamay.

"For your information, HINDI KITA MAHAL! At katulad ng gasgas na linya sa pelikula, TV, e-books, at Wattpad stories, HINDI KITA MAMAHALIN KAHIT IKAW NA LANG ANG TAO SA MUNDO O SA BUONG UNIVERSE!" Sigaw niya sakin.

"But kahit si Ate Jasmine nagsasabi na yung actions mo eh nagsasabi lang ng isang bagay, na mahal mo rin ako," sagot ko.

"Well, pareho kayong ilusyonado!" Sagot niya.

"Kung ayaw mong sabihin na mahal mo ako, mark my word, I WILL MAKE SURE NA SASABIHIN MO RING MAHAL MO AKO. Maybe not now, but sooner. I will make you say you love me too," sabi ko sabay titig sa kanya.

"But- we're both-"

"Guys? Well wala akong pakialam Keith. Ang pakialam ko eh sa ating dalawa lang. Mahal kita at wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao," sagot ko.

Halos hindi na maipinta ang mukha niya. Pulang-pula na at nakakuyom ang kamay sa inis..

"I HATE YOU GREY!!" Sigaw niya bago patakbong umalis sa bahay.

Continue Reading

You'll Also Like

207K 7K 45
Simula pagkabata, alam ni Ean na babae ang gusto nya. Di pa man nagkaka-girlfriend dahil hindi lumalagpas sa landian ang nagiging relasyon nya, sigur...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
16.1K 1.1K 22
Payapa, tahimik ang buhay sa probinsya.Buong buhay ni Islaw sa probisnya na sya lumaki hindi nya hinangad na pumunta sa lungsod dahil para sa kanya...
23.9K 1.6K 35
I love him.. He loves me.. But he's my brother.. We are the definition of WRONG LOVE AT THE WRONG TIME... WARNING: THIS IS NOT AN INCEST STORY! (SP...