Committed to Love You [Part 1]

By theashtone

475K 17.7K 550

Keith and Grey were the best of friends nung mga bata palang sila. But Grey suddenly left the Philippines to... More

Prologue
Stubborn as a Pimple
Keith Ivan Kun
A Glimpse of the Past
A Big NO
Insecure
Childhood Memories
Weak
Promise? Promise.
Unexpressed
Broken and Defeated
I'll Be There
Show-off
Simbang Madaling-araw
Da Moves
Effort
"I'm trying!"
Muntikan Na
Love Square?
Prejudiced
Smile
Medyo Awkward
#SelosKills
Truth or Consequence
Past and Present
palusot.com
Loner Or Nagpapaka-loner?
Sorry
Keith's Three Laws of Courtship
Ninja!!!
Double-Date
Takas
Seventeen
Painkiller
Puzzle
From the Beginning
Balak
Questions
Broken Once Again
Fallen
Sampal
Systolic Heart Failure
Realization
Acceptance
Epilogue: Come Back to Me

Bittersweet

9.6K 371 6
By theashtone

Bittersweet

Hanggang ngayon eh para bang umiikot pa rin ang utak ko.

Halos ilang araw na ang nakaraan pero hayun, di ko pa rin nakalimutan yung nangyari samin ni Grey nung gabing yun.

Everytime na maiisip ko yun eh napapaupo na lang ako at napapahawak sa tiyan ko. Ito na ata yung sinasabi nilang butterflies in your stomach. Sumasakit ang tiyan ko everytime na naiisip ko yung nangyari samin.

I woke up one Saturday morning. Pag-check ko sa relo ko eh bigla akong natigilan.

Wait..

Malapit na pala birthday ni Grey. Next Saturday na.

What should I do? Last kaming nakapag-celebrate ng birthday niya nung Grade Six kami. 18th birthday pa naman niya ngayon.

"Good morning!" Bungad sa kwarto ko ng isang pamilyar na boses. Si Jade. Nagulat ako dahil may suot siya na apron. Nakasunod sa kanya si Ate Jasmine with a disapproving expression on her face.

"What are you doing here?" Alanganin kong tanong.

"Naisip ko lang na ipagluto ka ng breakfast," sabi niya. Ate Jasmine naman rolled her eyes behind her.

"Well, thanks," sabi ko naman.

"Baba ka na. Malapit na kami matapos magluto," sabi niya.

Magluto? Overstatement ata yun ah. Puro ka lang prito pag breakfast. Pritong sausage, pritong itlog, pritong tinapa o tuyo, pritong bacon, pritong hotdog, pritong kanin, ah este sinangag pala.

"I tried to stop her but to no effect. Sinabihan ko naman siya na aside sakin, luto lang ni Grey ang kinakain mo," biro niya nung nakalabas na ng kwarto si Jade.

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.

"You're getting closer, you two," puna ni Ate Jasmine.

"Dati na kaming close!" Sagot ko.

"Oh? Umamin ka rin na close kayo talaga. Todo deny ka pa ah," sabi niya.

"And? Ano ngayon?" Tanong ko.

"Nothing," sabi ni Ate Jasmine, eyeing me suspiciously.

Pagkababa ko eh naabutan nga namin si Jade na nag-aayos na ng mesa.

"Breakfast!" Sabi niya.

Naupo naman kami. Nakangiting peke naman si Ate Jasmine.

"How come that you learned how to cook?" Tanong ko naman.

"Nagpaturo ako kay Mommy. Tsaka syempre kailangan ko nang magprepare for the future," sabi ni Jade sabay salin ng gatas sa baso ko.

Ate Jasmine was fighting hard not to laugh.

"Alam ko prito lang yan. But I can cook your favorite kare-kare na, gusto mo mamaya ipagluto kita?" Tanong niya sakin.

"Uhh.. Are you sure?" Alanganin kong tanong. Nakayuko na si Ate Jasmine at nagtatakip na ng bibig para hindi siya sumabog sa kakatawa.

"Yeah. Sure. Tsaka I'm looking forward to stay here the whole weekend para naman maasikaso kita," sabi niya.

Dun din kasi siya tumutuloy kina Tita Jena. But as of the moment eh wala si Tita Jena at Tita Dianne pati na rin si Yven ngayon kasi nauna na silang pumunta sa Boracay, at alam ko ang rason kung bakit nagpaiwan silang dalawa ni Bianca.

"Look. You don't have to do this. Nandito naman si Ate Jasmine, ayokong mapagod ka," sabi ko naman.

Ngumiti lang si Jade. Lintik, akala siguro niya nag-aalala ako sa kanya nung sinabi kong ayaw kong napapagod siya.

"Its not a problem Keith. Tsaka Bianca is also at Grey's residence. I think she paid him a visit," sabi niya.

"What?" Sabi ko bago ko pa napigilan ang sarili ko.

Tinitigan naman ako ni Ate Jasmine sa naniningkit niyang mga mata.

"Uhm.. That's good," salo ko naman agad, nagtaas na kasi ng isang kilay si Ate Jasmine.

"But I think Bianca won't be staying for long there. Inaasikaso rin kasi niya ang papers niya para makapag-aral dito pag-College namin," sabi pa ni Jade.

Napalunok ako bigla ng wala sa oras. Mag-aaral na dito si Bianca?

"Really? That's- that's good," sabi ko. Ako naman ngayon yung pinagtawanan ni Ate Jasmine.

Buti na lang at after kong makapag-breakfast eh nakapaghanap ako ng rason para umalis sa bahay. Pupunta ako sa Supermarket para bumili ng groceries. Si Jade naman eh naghahanda nang magluto ng kare-kare.

Bigla na namang pumasok sa isip ko ang birthday ni Grey.

Anong gagawin ko dun?

Ewan ko ba pero kahit ako eh parang naguluhan sa sarili ko lately. Di naman ako ganito dati ah, wala akong pakialam sa kanya, pero ngayon, hirap na hirap akong alisin sa isip ko si Grey.

Eighteenth birthday niya.. Bulong ng isang side ng isip ko.

Kelan ka ba nagkaroon ng pakialam sa kanya? Bulong nung kabila. Naalala ko na naman yung tanong sakin ni Grey na kung bakit bigla akong nagkaroon ng pakialam sa kanya.

But you're not eighteen everyday.. Sagot nung isa.

Wala kang pake. Sabad nung kabila.

Ay shattaaap!!! Sabi ko at niyugyog ko yung ulo ko.

Then biglang pumasok sa isip ko ang isang idea..

Dial. Dial. Dial.

"Hello po Tita Jessica!" Tawag ko sa phone.

"Hello Keith. Napatawag kayo?" Sabi ni Tita Jessica.

"Uhm.. Nandiyan po ba si Grey?" Tanong ko.

"Nasa garden, nag-aasikaso ng mga halaman namin. Kasama niya si Ma'am Bianca," sagot ni Tita.

Parang biglang may sumuntok na naman sa sikmura ko.

"Uhm.. Tita Jessica, ano kasi eh-"

"Ano?" Nagtatakang tanong ni Tita.

"Uhm.. Ano po ba ang paboritong pagkain ni- ni Grey?" Alanganin kong tanong. Pakiramdam ko eh mayuyupi na yung isang lata ng mushroom sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko dun.

"Yun lang pala. Naku, adobo lang ang katapat niyan ni Grey. Adobo at pagkarami-raming kanin," sabi ni Tita

"Adobo?" Alanganin kong tanong.

"Oo. Adobo. Kahit anong adobo. Manok man o baboy," sagot ni Tita.

"Okay po. Tita pwede po pahingi ng favor?"

"Ano?"

"Pwede wag mo pong sabihin kay Grey na tinanong kita about his favorite dish?" Alanganin kong tanong.

"Sige," medyo nagtatakang sagot ni Tita Jessica.

"Thanks po," sagot ko naman.

Huminga ako ng malalim. I hate myself.. Ngayon lang ako nag-effort ng ganito kay Grey. At never ko pa siyang pinagluto ng kahit ano.

Nagpatuloy na lang ako sa pamimili ko. Masyado na akong absent-minded.

Instead na tomato sauce, spaghetti sauce ang nakuha ko. Instead na liver spread, peanut butter. Baby corn, sweet corn napulot ko.

Pagkalabas ko ng supermarket after almost an hour eh uugod-ugod pa akong naglakad sa dami ng pinabili sakin ni Ate Jasmine. Wala talaga kasing laman ang ref namin. XD

"Gusto mo ng tulong Lolo?" Sabi ng isang boses sa likuran ko.

Napatalon ako sa gulat nung nakita ko kung sino yung nasa likod ko.

"Mas bata ako sa'yo so shut up," sagot ko naman sabay lakad.

"Akin na yan." Sabi ni Grey sabay kuha ng isang plastic bag na dala ko.

"San ka na naman pupunta?" Tanong ko.

"Sa bahay niyo. Kakatapos ko pa lang mag-lunch and I thought of bringing you some food. May dala ako ditong Chop Suey," sabi niya.

"I- I thought nasa bahay niyo si Bianca?" Tanong ko.

"Umalis na. May inaasikaso daw siya dito. Ikaw nga si Jade nasa bahay niyo rin ah," sabi ni Grey.

"Yeah. She's cooking- kare-kare," sagot ko naman.

Medyo natigilan si Grey sa paglalakad. Umarte naman ako na di yun napansin. Tinitigan ko lang siya.

After ng nangyari samin, nagtataka ako kung bakit masyado siyang casual sa pakikitungo sakin. Ako nga eh mamatay-matay na sa awkwardness everytime na kausap ko siya pero si Grey hayun, parang walang nangyari samin the way na makipag-usap siya sakin.

Maybe after all wala lang yun sa kanya, baka pinagtripan niya lang ako. Yun na lang ang inisip kong rason niya.

At ang nakakainis, bakit hindi ako makaget-over sa nangyari? Nag-iinit pa rin ang pakiramdam ko everytime na naaalala ko yun. And ano ang mas malala? We're both guys! Ano sa palagay niya ang ginagawa niya? Jeez..

"Nandito na tayo sa bahay niyo, baka di mo alam," sabi bigla ni Grey.

Hayun, sa kakaisip ko eh absent-minded na naman ako. Hayy .. Ba't ba ako nagpapa-apekto masyado?

"Sorry," sabi ko naman.

Agad naman kaming sinalubong ni Jade. Medyo nagulat siya nung nakita niyang kasama ko si Grey.

"Hello Grey!" Bati niya.

Alanganin namang ngumiti si Grey.

Pagkapasok namin eh naabutan namin si Ate Jasmine, busy sa sketching ng mga designs ng damit.

Ngumiti siya ng makahulugan pagkakita saming tatlo.

"Initin ko lang tong Chop Suey ni Grey. And malapit na maluto yung kare-kare," sabi niya diretso pasok sa kusina.

"Narinig ko si Mama na kausap ka kanina sa phone," sabi ni Grey.

"WHAT?!"

He eyed me suspiciously.

"May kailangan ba akong malaman?" Tanong ni Grey.

"Uhm.. Wala. Wala. May pinasabi lang si Daddy," sagot ko naman.

Ako naman yung tinitigan ni Ate Jasmine.

Kaya after ng lunch, habang busy sa pag-uusap si Grey at Jade about sa mga kung ano-anong luto, (Na malamang eh pinag-uusapan nila ang mga favorites ko) eh kinaladkad ako ni Ate Jasmine sa kusina.

"Hoy, Kito, magsabi ka nga. May tinatago ka ba?" Tanong niya habang nakaturo sakin yung lapis na hawak niya.

"Wala. And don't call me KITO! Hindi na yan ang nickname ko!" Sabi ko naman.

"Asus. Kilala na kita. Yang mukha mong yan, naku, naku. Wag kang maglilihim sakin!" Sagot niya.

"Okay! Okay! I called Tita Jessica!" Sabi ko.

"And?"

"Malapit na kasi ang- ang birthday ni Grey kaya I- asked her if- if ano ang favorite dish ni Grey," sagot ko naman na namumula.

Natakip ng bibig si Ate Jasmine para pigilin ang tili.

"Oh my- OMG. Keith!!!"

"Ano?!" Irita kong tanong.

"I never thought na ganyan ka na ka-thoughtful! How sweet naman Keith," sabi niya na nakangiti.

"I'm only doing this kasi birthday ni Grey! At gusto ko ipakita sa kanya na thankful ako sa mga ginawa niya okay?! No more, no less!" Sagot ko.

"Okay! Ikaw na ang defensive!" Sagot niya.

Pero bigla siyang natigilan.

"But the problem is-"

"Hindi ako marunong magluto." I said flatly.

Hinawakan niya ako sa balikat. "Don't worry. Ate Jasmine is here to save the day."

•••

So yun nga, sa mga sumunod na araw eh wala akong ibang ginawa kundi ang mag-train kung pa'no magluto ng matinong Adobo.

Yung unang try ko na magluto eh epic fail agad, sunog.

Yung ibang luto ko naman sobra sa soy sauce. Yung iba sobra sa vinegar, mas naglasa daw na paksiw kesa adobo.

"I know you can do it Bro. Wag mo kasing ipapasa ang bitterness mo sa mga niluluto mo," sabi sakin ni Ate Jasmine isang gabi, habang kaharap ang niluto kong adobo na kinulang sa soy sauce at nabuhusan ng halos dalawang kutsarang durog na paminta.

"Wag ko na lang kaya gawin?" Sabi ko naman sabay gulo sa buhok ko.

"YOU WILL DO IT KITO. Bukas na ang birthday ni Grey, remember?" Sabi niya.

"Yah. I know. And stop calling me Kito," sagot ko naman habang kumakamot sa ulo ko. Kumuha ako ng juice mula sa ref.

"And wala ako dito bukas ng gabi. May pupuntahan akong dating classmates ko, nag-aayaya for a stay-in. I won't come back until Monday," sabi niya.

"What?!" Sigaw ko na biglang nataranta.

"Bingi? So magluluto ka all by yourself. I know you can do it! And ENJOY THE NIGHT," sabi niya na nakangiti.

Naibuga ko ang iniinom kong juice.

"ENJOY THE NIGHT?!!!"

Pero tumalikod na siya. Leaving me trembling all over my body.

Continue Reading

You'll Also Like

516 53 13
~A very very short story~ Ang magustuhan mo ang best friend mo ay masakit na sa damdamin pero mas titindi ang sakit kapag alam mong nagkakagusto ka s...
2.3M 58.8K 55
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
11.7K 610 35
"You starting to get me confuse." ********* "You don't fall in love with the gender. You fall in love with the person." COEN. He's Captivating yet...
68.6K 4K 62
[ My Kitten Tutor BOOK 1 : Between Us - E D I T I N G ] **** Ang isang baklang kuting na papasukin ang mundo ng kolehiyo, Kit Ten Perez, ay gagawin a...