Committed to Love You [Part 1]

By theashtone

475K 17.7K 550

Keith and Grey were the best of friends nung mga bata palang sila. But Grey suddenly left the Philippines to... More

Prologue
Stubborn as a Pimple
Keith Ivan Kun
A Glimpse of the Past
A Big NO
Insecure
Childhood Memories
Weak
Promise? Promise.
Unexpressed
Broken and Defeated
I'll Be There
Show-off
Simbang Madaling-araw
Da Moves
"I'm trying!"
Muntikan Na
Love Square?
Prejudiced
Bittersweet
Smile
Medyo Awkward
#SelosKills
Truth or Consequence
Past and Present
palusot.com
Loner Or Nagpapaka-loner?
Sorry
Keith's Three Laws of Courtship
Ninja!!!
Double-Date
Takas
Seventeen
Painkiller
Puzzle
From the Beginning
Balak
Questions
Broken Once Again
Fallen
Sampal
Systolic Heart Failure
Realization
Acceptance
Epilogue: Come Back to Me

Effort

10.3K 387 1
By theashtone

Effort

Grey's P.O.V.

Christmas season passed quickly. Namalayan ko na lang na nasa harap na naman ako ng gate ng school namin.

"Grey!" Tawag sakin ng tumatakbong si Keith. His aura reminded me of a ten-year old Keith na tumatakbo papunta sakin nung mga bata pa kami.

Pagkalapit niya eh nakatitig lang siya sakin. He hesitated, but spoke, "G-good morning."

"Tsk.. Anong ginawa mo kay Keith?" Sarkastiko kong tanong.

"Eh di wag," sagot niya sabay lakad papasok sa gate.

"Huy. Nagbibiro lang. Sayang. Ang tamis pa naman nung good morning," sabi ko na nakangiti.

Pinadaanan niya lang ako ng matalim na tingin.

"You know what, I'm getting used to the cold and sarcastic Keith. Imagine? That was the first time you greeted me ever since na bumalik ako dito sa Pilipinas," sabi ko.

"Di na yun mauulit," sagot niya.

"Huy. Sorry. Pinapatawa lang kita-"

"Pwes di ka nakakatawa," sagot niya.

"Sorry!" Sagot ko na nakataas ang dalawang kamay.

Di na siya nagsalita.

"Seriously, that was a start! Keep it up!" Sabi ko sabay gulo sa buhok niya. Natigilan lang siya.

"Huy. Tatayo ka lang diyan? Late na tayo," sabi ko.

"Ang aga pa," sagot niya.

After kasi ng New Year eh bumalik na ulit siya sa bahay nila. Medyo kampante na ako ngayon kasi kasama na niya si Ate Jasmine. Pero bibisitahin ko pa rin naman siya kahit papano. Naghahanap kasi ng trabaho ngayon si Ate Jasmine as a fashion designer.

And as you could see, dala ata ng New Year, eh medyo umaliwalas na ang aura ni Keith. Hindi na siya ganun kagagalitin at kanina nga eh nag-good morning pa siya sakin.

I am really hoping na sana eh bumalik na siya sa dati. I become excited everytime na naiisip ko na ulit yung dating Keith.

After matapos ng morning period namin sa klase eh agad ko naman siyang inaya papunta sa canteen.

"Dadaan ako sa library," sagot niya sakin.

"Okay. Samahan na kita. Baka pag nawala ka sa paningin ko may mangyari na naman sa'yo," sabi ko.

Pinadaanan niya ako ng matalim na tingin.

"Hindi ako war freak. Ginawa ko lang yun dahil-"

"Dahil you care for me," sagot ko naman agad.

Nanginig yung kamay niya na nakahawak sa libro. Pa-simple naman akong tumakbo palabas ng room bago ko narinig yung lagapak ng libro at yung sigaw niya.

"Bumalik ka dito! Wag kang mag-ilusyon!" Sigaw niya.

Ngumiti na lang ako. Maya-maya pa ay lumabas na rin siya. Kulang na lang umapoy yung mga mata niya sa titig niya sakin.

"Sorry," sabi ko naman agad. Baka ma-ruin ko pa yung effort niyang magbago.

"Tara na," sabi niya sakin. Tinaas niya yung kamay niya para kaladkarin ako pero napamali siya ng hawak, instead, kamay ko ang nahawakan niya.

For a fraction of a second eh tumayo lang kami dun, nakatitig sa magkahawak naming kamay.

Sabay kaming napatalon at nagbawi ng kamay namin.

"Sorry," sabi ni Keith na di makatingin sakin ng diretso.

"Yan. Mag-iingat ka kasi. Kung ano-ano na nahahawakan mo," sagot ko.

Binigyan na naman niya ako ng matalim na tingin.

Nag-peace sign naman ako agad.

"Maghihintay ka dito o sasama ka?" Tanong niya sakin pagkarating namin sa library.

"Sama na ako. Baka may matipuhan akong libro," sagot ko.

Sumunod ako sa kanya. After naming mapresent ang library card namin eh pumasok na kami.

Lumiko si Keith sa isang shelf dun. Sumandal naman ako sa kabilang side ng shelf kung saan siya naghahanap.

Maya-maya pa ay nakita ko siya na may inaabot sa tuktok ng shelf. Kaso masyadong mataas yung shelf para sa kanya kaya hindi niya naabot yung kinukuha niya.

Napangiti na lang ako habang tinatanaw ko siyang trying hard na abutin yung libro. Tumalon-talon na siya pero di pa rin niya makuha.

"Lintik na height to. Matangkad naman ako ah," bulong pa niya sabay kamot sa ulo habang tinitingala yung tuktok ng shelf. Napatawa na lang ako.

Lumapit na ako na nakangiti. Nagkunwari naman siyang may hinahanap sa gitna nung shelf.

Inabot ko yung libro na kinukuha niya at binigay ko yun sa kanya.

"Di yan ang hinahanap ko," sabi niya.

"Nakita kita. Checkmate," sabi ko na nakangiti.

"Eh di ikaw na matangkad," sagot naman niya.

"Matangkad ka naman eh. Medyo mataas lang ako kasi mas matanda ako sa'yo," sagot ko.

"Ng one year! Kaya stop treating me as a little brother na kailangan mong tulungan parati!" Singhal niya naman sabay agaw nung libro.

"And thanks!" Habol pa niya bago ako tinalikuran.

Napa-iling na lang ako. Masyado tong moody na taong to. Kanina lang ang ganda ng mood, ngayon naman eh ang sungit sungit na naman. Hayy.. Talo pa babaeng naglilihi o may monthly period.

"You know what di talaga kita matantiya," reklamo ko sa kanya nung hapon na at naglalakad na kami pauwi.

"Ano?" Tanong niya habang kumakain ng burger na nilibre ko pa sa kanya para lang sumabay siya sakin na umuwi.

Nagtaas ako ng dalawang kamay sa batok ko habang naglalakad.

"Kaninang umaga ang ganda ng mood mo, tapos bigla na lang umasim kanina habang nasa library tayo," sabi ko na di sa kanya tumitingin.

"Mahirap i-maintain ang good mood lalo pag gutom ka," sagot niya sabay inom ng mineral water.

Tumawa lang ako.

"Wait.. Dadaan lang pala ako sa supermarket. May pinapabili sakin si Mama, sama ka?" Tanong ko.

"Oo na," sagot naman niya.

Nasa gilid lang naman kasi ng dinadaanan namin yung tinutukoy naming supermarket. Kaya naman parati kaming dumadaan dito.

"Ano ba hinahanap mo?" Tanong niya sakin.

"Fresh milk. Ubos na raw kasi yung nasa bahay sabi ni Mama," sagot ko sabay kuha ng apat na bote ng fresh milk na nasa ref.

Paglingon ko eh agad na napako ang paningin ko sa candies at gummies na nandun. Nakita ko ang isang lollipop na shaped smiley.

"Uhm Keith. Pwede padala nito sa labas? CR lang ako. Hintayin mo na lang ako sa labas okay? Sabi ko.

Tumango naman siya sabay kuha ng pinamili ko.

Agad ko namang pinulot yung smiley lollipop at binayaran yun sa counter.

Malapit na kami sa bahay ni Keith nung inabot ko na sa kanya yung lollipop na binili ko.

"Para sa'yo yan," sabi ko.

"What's this?" Tanong niya.

"Malamang lollipop," sagot ko naman.

Tumitig lang siya sa lollipop na hawak niya. Huminga siya ng malalim at tumitig sakin.

"Am I too intimidating?" Tanong niya.

"Well, judging by the opinions of our classmates and my opinion also, yes," sagot ko.

"Do they think na masama ang ugali ko?" Tanong pa niya.

"I don't think so. Alam ko na alam nila na mabait ka. But they can't handle a sarcastic and cold person like you. May nagkakagusto sayo sa room pero they are too afraid na i-approach ka o makipag-close sayo. Para ka kasing time bomb, di mo alam kung kelan sasabog," sabi ko naman .

"Do you think walang magkakagusto sakin nito?" Tanong niya.

Of course meron..

"Di naman. Meron na ngang nagkagusto sayo na classmates natin eh. Sina Hannah at Venice yung may gusto sayo. I heard them last year pa na pinag-uusapan ka," sagot ko naman.

"Eh ikaw? May crush ka ba kahit sa isa nating classmate?" Tanong ko pa.

"Wala." Sagot naman niya agad.

"Wala? As in wala?" Tanong ko.

"Wala nga. Malamang kung meron malalaman mo na. Tsismoso mo kaya," sagot niya.

Nasa tapat na kami ng gate ng bahay nila nung natigilan na naman siya.

"Er- gusto mo pumasok?" Tanong niya sakin.

"Woah. Ngayon mo lang ako na-welcome sa bahay niyo ah," sagot ko.

"Eh di umuwi ka na. Dami pang dada," sabi niya sabay pasok sa gate ng bahay niya.

"Uy wait lang!" Tawag ko naman sabay sunod sa kanya.

Nakita ko siya na nakatayo sa gitna ng daan papunta sa pinto ng bahay nila. Nakatitig lang siya sa bintana kung saan may dalawang taong nag-uusap at nagtatawanan sa table na nakikita mula sa labas.

Lumapit ako at nakita ko si Tita Karla at Tito Iñigo na nag-uusap na nakangiti. May bouquet pa of roses na nakalatag sa mesa. Si Keith naman eh nakatayo lang at nakatanaw sa kanila.

Pagkatapat ko kay Keith eh magsasalita sana ako pero natigilan ako pagkakita sa kanya.

He's smiling.

Napako lang ang mga mata ko sa mukha niya. Ito yung eksaktong ngiti ng Keith na nakilala ko almost five years ago. Yung ngiting makikita mo rin sa mga mata niya. Though medyo malamlam pa ang ngiti niya pero what matters is that he's smiling. Hindi man ako ang rason pero at least nakangiti siya.

Inakbayan ko na siya. Saka lang ata niya naramdaman ang presence ko kaya agad niyang binura yung ngiti niya.

"Kaya sana mag-effort ka na para naman araw-araw ko na makikita yung ngiti mo," sabi ko.

Di siya nakasagot. "Papasok na ako sa loob," sabi niya after ng ilang segundo.

"Uuwi na rin ako. Pakumusta sa parents mo," sabi ko.

Tumango naman siya.

Nasa may pinto na siya nung tinawag ko ulit siya.

"Keith!"

"What?"

"Goodluck!" Sabi ko sabay kindat.

Tumango lang siya. Medyo madilim kaya di ko nakita yung mukha niya, but I am sure na I saw him with a faint smile at his face.

Continue Reading

You'll Also Like

12.6K 759 41
Mavey who scared to fall in love again. Pero sa hindi inaasang pagkakataon ay nahulog ang loob nya sa taong nakatakdang ipakasal sa kaybigan nya kay...
1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
226K 3.4K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
56K 2.6K 50
Ang kwentong ito ay tungkol sa kademonyitahan ni Demetria Orteza at buhay niya kasama ang mga paminta. Kung sa tingin mo ay mabait ka nang lubos, lum...