TROPANG MATITIGAS ANG ULO
Martina Lopez went online.
CynthiaVilliar went online.
Jencherifer went online.
Martina: Ehem, 'yung isa diyan baka gustong magpaliwanag.
Jencherifer: Andami mo ng atraso sa amin, lex.
Jencherifer: 'Yung una kailangan naming malaman kung bakit 3 days kang offline.
Jencherifer: At ngayon naman kailangan naming malaman kung bakit kasama mo si Paolo kanina.
Jencherifer: Care to explain?
Martina: Beke nemen, Alexa.
Martina: Oy Cynthia 'wag ka ngang mang-seen diyan.
Martina: May alam ka ba about kay Alexa at Paolo?
CynthiaVilliar: Huh? Anong alam?
CynthiaVilliar: Ang alam ko lang naman ay mag-ex sila na, 'yon lang.
AlexaMagandaUgh2x went online.
AlexaMagandaUgh2x: Low.
AlexaMagandaUgh2x: Chinat ko si Paolo and guess what?
AlexaMagandaUgh2x: Taga dito rin pala siya sa lugar natin, grr!
AlexaMagandaUgh2x: Bakit sa dinami-dami ng lugar sa pilipinas, bakit sa lugar pa natin siya nakatira!
AlexaMagandaUgh2x: For sure hindi na naman ako titigilan nun!
Jencherifer: Bakit? Ano ba kasing kinukulit ng lalaking 'yon sayo?
CynthiaVilliar: Oo nga, tapos na kayo ah?
CynthiaVilliar: Dahil nga diyan sa pag-uusap niyong dalawa nauwi pa kayo sa isang malaking gulo.
Martina: Malaking gulo?
CynthiaVilliar: Oo, 'yung about sa panglalait ni Paolo kay Alexa hanggang sa mauwi sa pag-post ni Alexa sa facebook na siyang dahilan para masira ang pangalan ni Paolo.
Martina: Ay oo nga pala.
Martina: Alam mo, lex. Sa tingin ko dapat mong i-block si Paolo sa lahat ng social media accounts mo para hindi ka na niya guluhin pa.
Jencherifer: Suggest ko rin 'yan.
AlexaMagandaUgh2x: Eh paano sa personal?
AlexaMagandaUgh2x: For sure mauulit na naman ang pagkikita namin.
AlexaMagandaUgh2x: Hello? Nasa iisang lugar lang kami nakatira, hindi malabong mangyaring muli kaming makita.
CynthiaVilliar: How about pagbigyan mo na lang siya sa gusto niya?
Martina: Cynthia?!
CynthiaVilliar: What? Para nga tumigil na si Paolo kakakulit kay Alexa eh.
CynthiaVilliar: What do you think, lex?
AlexaMagandaUgh2x: No way.
AlexaMagandaUgh2x: Gusto niyang makipag-kaibigan sa akin, gusto niyang makipag-close at ayoko nun.
Jencherifer: Pakikipagkaibigan lang naman pala ang gusto eh, ba't 'di mo mapagbigyan?
AlexaMagandaUgh2x: Kasi ayoko.
Martina: Bakit? Bakit ayaw mo?
AlexaMagandaUgh2x: Kasi hindi pwede.
Jencherifer: Huh? Bakit hindi pwede?
Jencherifer: Marami kayang mag-ex na nagiging magkaibigan.
CynthiaVilliar: Isa pa, wala naman kayong feelings sa isa't-isa di'ba? Ba't ayaw mong makipag-kaibigan na lang tulad ng gusto niya?
AlexaMagandaUgh2x: Kasi ayoko nga at hindi talaga pwede, hindi maaaring maging magkaibigan kami o maging close sa isa't-isa.
AlexaMagandaUgh2x: Hindi pwede.
AlexaMagandaUgh2x went offline.
Martina: Eh?
Jencherifer: Cynthia, naiisip mo ba ang naiisip ko?
CynthiaVilliar: Hmm.... yep.
CynthiaVilliar: Hbu, Mar? Naiisip mo ba ang naiisip naming dalawa ni Jen?
Martina: Ha?
Jencherifer went offline.
CynthiaVilliar went offline.
Martina: Hatdog.