Wounds of Fire (THE PRESTIGE...

By diorlevestone10

779K 16.6K 7.1K

The Prestige Series 2 Alliana had everything in life. For her, career and passion should always be her utmost... More

Disclaimer
Prologue
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue - Part 1
Epilogue - Part 2
Epilogue - Last Part
Note
SC 01: Healed
SC 02: Meet Amanda

05

14K 437 242
By diorlevestone10

Waited

"That'll be five million pesos, Ma'am."

My lips pursed as I gave the cashier my black card. Well, it's Abes' but he already gave it to me! Ang sabi niya ay gamitin ko iyon, edi ginamit ko. Nagshopping agad ako nang matanggap ko iyon. Hindi na ako nakapagpaalam sa kaniya. Bakit ko naman gagawin iyon diba?

Hanggang tenga ang ngiti ko habang nasa biyahe pauwi. My phone kept on ringing, that guy is calling me. I shrugged. When I gazed outside, there's a lot of resort around the place. Tanaw ko rin ang mga taong nagsusurf sa dagat at ang mga nagkakasiyahang tao sa mga nipa hut.

Pagkapasok ko pa lang sa napakalaking gate ay nakita ko na agad si Abes. Kunot ang noo nitong nag-aabang doon sa lugar kung saan niya kami sinalubong ni Lilac. I smiled sweetly when I was in front of him. He lifted his eyes at my back. Nagkukumahog sa pagbibit ang mga maid ng mga pinamili kong mamahaling gamit.

"I shopped," I said mockingly. Tinignan ko rin ang kuko ko na bagong manicure. I bet libo rin ang naubos ko dito.

"Ma'am, sa kwarto niyo na po ba namin ito ididiretso?" Tanong ng maid.

I smiled sweetly. "Yes, please."

My five million purchase is like vitamins to my eyes. Nagniningning ang mga mata ko habang nakatanaw sa pagpasok ng mga pinamili ko sa loob. Nang maglipat naman ako ng tingin sa aking kausap ay seryoso lang ito.

I smirked. "Five million lang naman."

"Lumabas ka nang hindi nagpapaalam sa akin," madiin niyang sabi.

I rolled my eyes. "As if I need to do that. We have our own business, Abes."

"But still, you need to tell me where you are going. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin o kung may mangyari man sa'yo."

My lips twisted.

I touched his chest seductively. "Why? Are you worried?"

Why would he? We already talked a while ago and we both agree to have a no strings attached relationship.

"Dinadala mo ang anak ko, Alliana. Mag-aalala talaga ako."

Oo nga naman. I smiled playfully. Bahagya ko ring inayos ang damit niyang nagusot banda sa leeg na parte. I tapped it one last time.

"Sure you do," I said playfully and went inside.

Kagaya nga ng sinabi ni Abes ay dumating ang mga gamit niya nang hapon. Simple lang akong nakahiga sa kama ko at bored na bored na nanonood ng T.V. Dinig ko ang medyo maingay at mabibigat na yabag ng tao sa baba, mga naghahakot ata. Abes called me from time to time to check up on me. Akala mo naman ay napakalayo namin sa isa't-isa.

"Ano pang gusto mong kainin?"

"Uhm...Bulalo? I want bulalo for late afternoon." I said lazily.

"Okay. Ano pa?"

"That's it. I want Bulalo from Tagaytay."

"Ha?"

Pinaglaruan ko ang kuko ko. "You heard me. I'm craving for some bulalo made in Tagaytay."

I know I'm being so bossy and picky right now but what can I do? I want bulalo! He told it himself that he will do anything for me. Pinagbibigyan ko lang ang gusto niya . Akala ko nga ay hindi papayag itong si Abes dahil ang layo ng Zambales at Tagaytay pero pumayag ito!

Aside from bulalo, I just told him to bring me some pie and cook me an adobo again. Hinahanap hanap na kasi ng panlasa ko ang ulam kagabi. I spent the whole afternoon inside my room. Nakatulog na nga rin ako lahat lahat pero mukhang hindi pa rin sila tapos. Seriously? Buong bahay ba ang inilipat niya?

Out of boredom, I opened my laptop and reviewed my requirements in school. This collection...papasa ako ng third year kung mayroon akong maipapasa. But how can I do that? Even Lilac and Abes is so strict with my bed rest. Hindi naman ako baldado.

Nanghihinayang pa rin ako sa mga bookings and shoots ko. Hindi naman ako tuluyang mawawala sa modeling pero sayang din ang isang taon. At isa pa, hindi na rin na makaattend ako sa fashion show. It's making me sad.

I walked towards my cabinet and looked for the abortion pills when I remembered it. My forehead ceased when I can't find it. Halos halughugin ko na ang cabinet pero wala!

"Oh, come on. Dito ko lang iyon nilagay!"

Nanginginig ang labi at kamao ko dahil baka nga posibleng pumasok sa kwarto ko si Abes. O ang mga maid? Did he took it? He entered my room without my permission?

Mukha pa siyang santo kaninang umaga iyon naman pala ay may ginawa siyang kasalanan sa akin! Fool me for getting my hopes up and almost trusting him!

Bumaling ako sa pinto nang marinig ang sunod sunod na katok.

"Alliana? Kakain na. Umalis na sila."

Bumigat pa lalo ang paghinga ko dahil doon. Kunwaring concern!

Padabog akong naglakad papalapit sa pinto. Sumalubong sa akin si Abes na may bitbit na good tray. Naroon ang mga pagkaing nirequest ko kanina. Agad na kumunot ang noo niya nang makita ang mapakla kong ekpresyon.

"Bakit? May masakit ba sa'yo?"

Hindi ako nagsalita. Masama lang ang tingin ko sa kaniya.

"Niluto ko iyong sinabi mo. Mamaya maya ay bibiyahe na ako para tumungo sa Tagaytay-"

"Ayoko niyan."

"Ha?" Naguguluhan niyang sabi. "Ayaw mo na nito?"

"Hindi mo ba narinig? Ayaw ko nga sabi e!"

Dahil siguro sa galit ay hindi ko na napigilan ang sarili kong itapon ang food tray na hawak nito. Tumalsik pa sa damit at kaniyang balat ang mainit na sabaw. Umalingawngaw sa buong kabahayan ang tunog ng nabasag na pinggan at baso. Agad kong nakita sa hagdan ang natatarantang mga maid pero umiling sa kanila si Abes.

"Saan mo dinala ang pills?"

He lifted his eyes to me.

I smiled sarcastically. "You went to my room? You throw it? Where did you bring it!"

"Pills?" Nagtataka niyang tanong.

"Oh, come on! Don't play numb to me. It was hidden in my cabinet, Abes. Tayong dalawa lang ang tao dito sa bahay. I am sure you took it. Give it back!"

He closed his eyes and took series of deep breathe. "Alliana, calm down-"

"How can I calm down? Pinasok mo ba ang kwarto ko habang wala ako kanina? Ng walang permiso ko?"

He remained silent. Panay lang ang paghugot niya nang malalim na buntong hininga na para bang kinokontrol ang sarili na huwag akong patulan. Hindi ko siya titigilan hanggang hindi niya sinasabi kung nasaan ang abortion pills!

Ganito ba siya kadesperado na matuloy ang pagbubuntis ko? Talagang pinakielamanan niya pa ang gamit ko. Unbelievable!

"It's you, right? You took it! Could you please say something!"

"Alliana, shut up!" Gigil nitong sabi pero sa mababang tinig.

Napatahimik ako.

Nang magmulat ito ng mata ay nabakas agad doon ang galit pero hindi na siya nagsalita pa. Umalis siya sa harap ko at dire ditetsong tumungo ng sala. Sinundan ko ito.

"And where do you think you're going?"

Kinuha niya ang car keys niya na nakapatong lang sa ibabaw ng T.V. Ramdam ko ang panonood sa amin ng dalawang maids, takot na pakielamanan ang pagtatalo namin.

"I am asking you you dumb ass! Don't turn your back to me!"

I almost jolted when I felt his strong manly hands on top of my shoulders. He is trying his best not to tighten his grip. His eyes are pleading.

"I don't know what pills you are talking about but for the sake of your peace of your mind, I took it. Ayos na?"

Pabalang kong hinawi ang kamay niya. "Give it back."

He frustratedly closed his eyes.

"I said give it back!"

"Please, huwag mo akong sigawan," bulong nito.

"Then give it back to me para matapos na tayo!"

Sinabunutan nito ang sariling buhok na para bang doon niya inilalalabas ang inis.
"You know what, fuck everything I said. I won't always adjust for you. Alam kong tinitingala ka ng maraming tao, pinagsisilbihan ka nila pero Alliana, hindi sa lahat ng oras ay sa'yo iikot ang mundo."

Tears easily pooled in my eyes. Sa tingin ko ay naputol na ang inaalagaan niyang pasensiya sa akin. Pero sino siya para pagsabihan ako? Sino ba siya!

"Who are you for you to say that to me! Hindi mo ako kilala!"

"Hindi mo rin ako pinapalamon kaya huwag mo akong sigawan," seryoso nitong sabi pero sa mahinahong paraan.

Agad na pumatak ang mga luha ko. He's quite shocked but he looked away. His jaw moved aggressively.

"Fuck you," diin ko.

Tumango tango ito at sinalubong muli ang tingin ko. "Hindi ko alam kung anong pills ang sinasabi mo pero wala akong ginagalaw sa gamit ko."

"Liar," sumbat ko.

"Hindi lang umayon ang sitwasyon sa paniniwala mo, sinungaling na ako agad. You know what...You need to learn to run in circles, Alliana. Hindi sa lahat ng oras kaya kang pagpasensiyahan ng mga taong nasa paligid mo. Hiindi sa lahat ng oras, ikaw ang masusunod at palaging kami ang mag-a-adjust."

Iyon ang tanging huli niyang sinabi sa akin bago ako iniwan sa bahay. Nanlilisik ang mata kong nakasunod sa sasakyan niya. When he got out of my sight, I cried like a baby. I even cursed him for hurting me!

"Fuck you, Adrielle! Fuck you! I won't like you ever! I will hate you until the day I die!

Run in circles? O sige! Magdodrawing pa ako ng malaking bilog diyan sa buhanginan at videohan ko pa ang sarili kong tumatakbo pabilog!

Ever since I was born, everything is served to my plate. I don't need to even lift a finger just to satisfy my needs. Kusa iyong ibinibigay sa akin. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Of course, I am one of the children of Del Crisostomo and Santiago Clan. My father is the owner of one of the famous Network in the country while my mother is a Santiago-she belongs to showbiz related blood line. She is once an actress.

I grew up in a rich household. I am molded to become a sophisticated woman and so, I know my place. May pera kami kaya gastudera ako. May pera kami kaya ginagawa ko ang lahat ng gusto ko. May pera kami kaya dapat lang na magmataas ako. I am a Del Crisostomo after all.

But right after I met this stupid and annoying guy, which is unfortunately, the father of my child-I somehow felt humilated and feel so low. How dare he to scold me! Ang kapal ng mukha niyang pagsabihan ako?! Bakit, nanay ko ba siya? At anong akala niya? Na porket lalaki siya e magfifeeling superior siya bigla at ako ang luluhod?

Over my dead body!

Kung may luluhod man sa aming dalawa, siya iyon at hindi ako!

Lumaki akong ako ang sinusunod. Lumaki akong ako ang pinagsisilbihan. Lumaki akong ako ang nag-uutos. Kahit pumutok pa ang ugat niya sa ulo at maputol pa ang litid niya ay hinding hindi ako susunod sa anumang iuutos niya.

Sino ba siya?

Hinding hindi ako susunod sa kahit kanino!

Even my boyfriend, Cahel, he never stop me from doing the things I want. He never shout at me. He baby me! Ultimong boyfriend ko na iyon ay inaalagaan na ako at iniingatan ang feelings ko tapos, itong bwakanang singkit na gulay na iyon ay pagsasabihan at uutos utusan lang ako?

"Tatay lang siya ng anak ko. Tatay lang! Hanggang doon lang iyon. He should now his limits! Huwag niyang pakielamanan ang buhay ko o ang pagkatao ko!" Patuloy kong pagsusumbong kay Lilac.

Magmula noong umalis si Abes ay agad kong tinawagan ang manager ko. Ayaw ko na rito! Ayaw ko dito. Ngayong isang araw pa lang kaming nagsasama ay inaaway na niya ako, what more pa sa susunod!?

"Uuwi na ako, Lilac. Ayaw ko nang makita ang pagmumukha ng lalaking iyon! Ang pangit!"

Lilac sighed again. Tahimik lang siyang nakikinig sa kanina ko pang paglalabas ng sama ng loob. Pero kahit anong gawin ko, kahit anong pagpapakalma ang gawin niya ay hindi ako matahimik! Naaalala ko ang mga sinabi ni Abes sa akin!

"Alliana, stay there. There's a typhoon in your place. Hindi ka ba nanonood ng balita? You know what, just...please, be patient to each other."

My eyes almost bowled out. "Patient? What the hell is patience? Sinong klaseng tao ang magpapasensiya sa unggoy na iyon?"

"He's not even look like a monkey. He's actually good looking. Even me, I would escort him to become one of my alaga."

"Lilac, don't you dare! Huwag mo ngang kampihan ang lalaking iyon. Inaway niya ako!"

"Ikaw ba ang inaway o siya ang inaway mo?"

I snorted. "Huwag mong kampihan sabi iyon! Ako ang halos dalawang taon mo nang kasakasama, Lilac tapos kakampihan mo ang lalaking kakakilala mo lang?"

She laughed hysterically. "Of course not, darling. I just know how short your temper is. I told you, I kept it hidden under your bed so in case he wouldn't see it. Sinabi ko naman sa iyo na matuto kang magcheck ng phone mo. Papaano kung emergency pala?"

"Edi namatay na!"

She laughed again.

Sobrang bigat ng paghinga ko dahil sa galit. Oo nga at napag-alaman ko na hindi nga si Abes ang nagtago ng abortion pills ko pero tama ba na inaway niya ako? Buntis ako, duh! He should now na bawal ang mastress sa akin diba?

"You two are like water and oil."

"The more I need to leave, Lilac! Sa ibang probinsiya na lang ako! O kaya mag-out of the country? Bawal ba iyon? Ayaw kong kasama ang lalaking iyon!"

Umiling iling siya at humilig sa swivel chair. I bet ay nasa office pa rin siya dahil sa pag-asikaso ng mga cancelled at postponed shoots ko o 'di kaya'y inaasikaso ang iba niya pang handle na modelo.

"Sa tingin mo ba ay gusto ka rin niyang kasama? We both know that he is only with you because of his child. Kita mo nga binigyan ka pa ng black card. Kung hindi naman dahil sa anak niyo ay wala siya diyan in the first place. Kaya huwag kang assuming."

Tumalim ang titig ko kay Lilac. Tignan mo ang matandang ito. Parang kinakampihan niya talaga ang chinitong hilaw na iyon!

"Stay there, Alliana. We already talked about so many things. Siya na raw ang bahala sa gastusin para sa inyo. Napakaresponsable at mabait na bata. Baka mafall ka."

I made a disgusted face. Humalakhak pa ito lalo.

"I fucking have a boyfriend!"

This conversation is fucking disrespectful for Cahel!

"Okay, chill. Kidding aside, learn how to deal with each other, Hija. You two will become parents. You need to compromise. You said it yourself, modern family ang magiging eksena niyo sa oras na mailabas ang inaanak ko. Mas mahirap ang sitwasyon na iyon kaya ngayon pa lang dapat ay magkasundo na kayo."

"Sa kaniya mo sabihin iyan, Lilac." Diin ko.

She took a deep sighed. "Look at your temper. See? Ngayon pa lang ay hindi ka na marunong tumanggap ng pagkakamali at opinyon. Darling, it's not about you anymore. It's about your child."

No matter how I tried to sink it to myself, I just can't fully absorbed it. I'll be having a child at an early age. I'm just on my third year and haven't finish the whole year! Siguro ay swerte pa nga ako dahil nabuntis ako at may pera naman kami but-I somehow wonder about those women who also got pregnant at an early age and yet, they didn't have any resources to continue their pregnancy and sustain their needs.

The whole night feels so lonely and silent. Tanging pagbuhos lang ng ulan ang naririnig ko sa buong magdamag. I was lying on my bed and trying to sleep but hours passed, I am still wide awake. I frustratedly woke up and went downstairs. Naabutan kong nag-uusap ang dalawang maid.

"Nasaan na kaya si Sir?"

"Hindi ko nga rin alam. May bagyo pa naman."

"Grabe naman kasi ang away nila kanina."

"Kawawa si Adrielle, Susan. Mapagpasensiya iyong tao at gayong nakita ko siyang nagalit kanina, alam kong napuno na siya."

Tumaas ang kilay ko. They are talking about us, huh?

I gazed at the wall clock, it's past twelve midnight. Abes is not yet home. Well, as if I care! Hindi ko naman siya hinihintay e. Maganda pa nga iyon dahil tahimik ang gabi ko plus the fact that it is raining. I love the rain so much so I find the night peaceful.

But I think, this night is an exception.

"Pareparehas lang naman tayong nag-aadjust dito. May gusto nga sana akong salihan na vocational program pero kinansila ko dahil gusto kong tulungan si Adrielle."

Sumang-ayon si Susan. "Kahit naman ako, Belinda. Dapat nga ay sa Maynila na ako lilipat pero pumunta rin ako dito para tulungan si Sir."

Belina exhaled deeply. "Biruin mo, doon pa lang sa pagbiyahe ni Adrielle mula dito sa Zambales hanggang Tagaytay ay malaking sakripisyo na. Mapapagod siya sa biyahe tapos mastress pa pagdating doon sa eskwelahan."

"Ito pa Belinda, kita mo ang mga pinamili ng babae ni sir kanina? Narinig ko na umabot iyon ng milyon."

That Belinda girl sighed heavily. I think this girl is close with Abes. She is even calling him from his first name!

"Matipid ding tao si Adrielle. Ang kuripot nga nun e kaya hindi ko rin inaasahan na hahayaan niyang lustayin ng babae niya ang perang pinaghirapan niya."

I scoffed. Babae niya? Why are they addressing me that way!?

Imbis na bumaba ay bumalik na lang ako sa kwarto ko. Niyakap ko ang sarili habang nakatanaw sa terrace ng kwarto ko. Ang lakas ng ulan. Ang malawak na hardin ay mayroong ilang mga ilaw kaya kitang kita ang malakas na hangin sa labas. I tried to catch a sleep again but I was bothered. I called Lilac and she also said the same thing. May bagyo ngayon dito sa Zambales.

Bumangon akong muli at tumungo sa kusina. Pinagtimpla naman ako ng gatas nung Susan. Panay ang pagsulyap ko sa bukana ng pinto habang nakaupo sa mahabang sofa. Mahina ang sounds ng telebisyon kahit na nakatodo na ang volume. Sobrang lakas ba naman kasi ng ulan.

"Hindi pa rin po nakakauwi si Sir Adrielle, Ma'am. Nag-aalala na po kami," sabi nito.

Pasimple ko siyang sinulyapan at umakto na parang wala akong pakielam.

"Baka nastranded na iyon, Ma'am."

What's with her? Why is she telling me that? It's getting me...worried!

Habang lumilipas ang oras ay mas lalo akong hindi mapakali. Dumagdag pa ang ipinalabas na balita na may nadisgrasyang sasakyan sa bangin sa zigzag area banda sa Olonggapo. Kumalabog ang puso ko. Wasak na wasak ang sasakyan.

Naalala ko si Abes.

"Jusko! Mahabagin! Huwag naman sana! Belinda!" Natatarantang pagtawag ni Susan kay Belinda.

Si Belinda naman ay natatarantang tinipa ang cellphone. Dinaga ang dibdib ko dahil sa kaba. Muli akong napabaling sa balita patungkol sa disgrasya.

"Baka naman magkaparehas lang ang sasaktan nila?" Pagkumbinsi ko sa aking sarili.

Napabaling silang dalawa sa akin.

"Kung bakit ba naman kasi inaway away si Adrielle," I heard Belinda's murmur.

Agad na kumunot ang noo ko. Bakit parang ako pa ang sinisisi niya?

As much as I want to confront her, I don't have any energy at all. My heart is beating too fast...I am worried, fine!

Muli akong napatingin sa orasan, alas dos na ng umaga pero wala pa rin ito. I checked my phone if he sent any messages pero wala.

Okay, we were both mad at each other. I get it! And I know I was out of line but he was also! So quits lang. Pero ano ba iyong magsend lang siya ng isang message na hindi siya uuwi ngayon diba? Basta basta lang kasi siyang umalis!

I shamelessly called his number but I almost jolted in shocked when I heard it rang just above the television. Great!

Naunahan ko si Belinda na patayin ang tawag pero nagtagal ang titig doon nang makita ang wallpaper niya.

Ultrasound ko iyon.

May kung ano namang humaplos sa puso ko. This guy. He really love our child.

I ran inside my room and get the abortion pills below my bed. Mahigpit ang hawak ko roon. How insane I am to keep this! Tinapon ko ang lahat ng tablets sa bowl at niflush ang mga iyon. I will continue this pregnancy. E ano naman kung hindi kami ayos ng tatay ng batang ito? Wala siyang kasalanan. Deserve ng anak ko ang mabuhay.

Guilt easily consumed me when I realized how bitchy I was towards him. At ngayon, naghahalo halo na ang emosyon ko dulot din ng napakinggang balita. Ayaw kong mag-isip ng masama pero what if, si Abes ang nadisgrasya?

"Oh shut your mind, Alliana!" Frustrated kong sabi sa sarili.

Naiiyak kong tinawagan ang manager ko nang hindi na ako mapakali. Nakakahiya man dahil madaling araw na pero sobrang natatakot lang ako. I fucking can't believe I got scared for his life.

"Alliana, maghunos dili ka ngang bata ka! Alam mong masama ang stress sa baby tapos ikaw itong laging high blood at iyak nang iyak!"

Nagpabalik balik ako ng lakad sa aking kwarto at kinakagat na ang thumb nail ko. Panay ang paghaba ng leeg ko sa oagtanaw sa terrace, nagbakakasakali na susulpot bigla ang sasakyan ng lalaki.

"P-pero what if sa kaniya iyon?"

"Tinawagan mo na ba?"

"He left his phone!"

"Then search for his speed dial or any of his contact! Maybe naroon muna siya nagstay? How about sa Tagaytay siya nagpalipas ng buong magdamag?"

"He should've text me!"

Hindi naman ako gaano kasama 'no! Sana inisip niya man lang na magtext kahit isa!

"Eh galit ka nga e. Papaano iyon magtetext sa iyo?"

"Oh, shut up! You're not even helping-"

I was cut off when I saw an approaching car in the gate. Iniisip ko kung si Abes ba iyon o isa lang sa mga pipitchuging tao lang dito sa isla.

"Alliana?"

"There is someone coming," I said in tremble voice and walked downstairs.

"Baka si Abes na iyan! Ikaw bata ka, pinag-alala mo pa ako! Ang beauty rest ko!"

Dali dali akong kumuha ng tuwalya sa aking cabinet. Hapo ako nang makarating ako sa sala. Tama nga ako, ang taong hinihintay namin ay dumating na.

Si Abes na basang basa dahil sa lakas ng ulan. Halos makita ko na ang balat nito sa ilalim ng kaniyang puting tshirt and pantalon. Bitbit sa isang kamay ang isang basa ring karton ng sikat na AC. Mukha iyong mabigat pero parang balahibo lang sa kaniya. Sa kabilang kamay naman ay isang supot.

"Sir! Jusko nag-alala po kami sa inyo!" Nangingiyak na sabi ni Susan.

Hinampas ni Belinda ang braso ni Adrielle na siyang ikinataas ng kilay ko. I know that they are somehow close but that move irritates me. Inabutan niya rin ito ng tuwalya.

"Saan ka ba nanggaling? Pinag-alala mo ako!"

"Napanood namin Sir ang disgrasya sa Olonggapo. Kung sino sinong santo na ang tinawag ko, Sir!" Ngitngit ni Susan at inabutan ng tuwalya si Abes.

Dahan dahan kong itinago ang bitbit na tuwalya sa aking likuran. Parang nakalimutan ko kung paano ang huminga nang mga sandaling iyon. Kung hindi ko lang narinig ang natatarantang boses ni Lilac sa kabilang linya ay hindi talaga ako gagalaw doon.

"Ano? Alliana, sumagot ka! Patay ka na ba? Anong nangyari? Sumigaw ka!"

Wala sa sarili kong sinagot ang manager ko. "Abes is...here."

Napatingin silang tatlo sa akin. Malamlam ang mata ni Abes samantalang si Belinda ay halos tumagos na sa akin ang titig.

"Nandiyan na?"

"Oo," sabi ko sa maliit na tinig habang diretso pa ring nakatingin kay Abes.

"Sabi ko sa'yo ay si Abes iyon. Totoo ang Diyos, Alliana. Buhay-"

"Can I call you back?" I asked in small voice.

Mas lalo kong itinago sa aking likuran ang tuwalya nang magbaba roon ng tingin si Abes. Nakatingala silang tatlo sa akin dahil naestatwa ako sa kalagitnaan ng hagdan.

"H-huh?"

I ended the call.

Gamit ang kamay ay pinipiga ni Abes ang buhok niya maging ang basang basang damit.

"Bakit gising ka pa?" Nag-aalala niyang tanong, titig na titig sa akin. Sa dinami dami ng tanong na ibinato sa kaniya kanina ay ako lang ang kinausap nito. "Anong nararamdaman mo? Wala ka pang suot na tsinelas. Baka malamigan ka."

Shocks. Ano, nagkaamnesia ba siya? O baka siya talaga ang namatay sa aksidente at kaluluwa niya lang ito? Bakit parang wala kaming naging sagutan kanina?

Imbis na punasan ang sarili ay isinakbit niya lang ang tuwalyang sa kaniyang balikat.

"I..."

Syempre hindi ko sasabihin na hinintay ko siya at nag-aalala ako kahit papaano! That's not so me!

"Uhm," nauutal kong sabi. "Maaga talaga akong nagigising."

"Hmm," nagdududa niyang sabi at sumulyap sa likuran ko.

Mas lalo ko pang itinago ang tuwalya. A ghost of smile appeared in his lips but it was hidden right away.

"Sir, pasok na ho kayo. Malamig diyan para po makapagpahinga na rin kayo," si Susan na ngayon ay inaasikaso ang aircon na dala ni Abes.

"Pumasok ka na nga!" Sigaw ni Belinda.

Abes never left my eyes.

He bit his lower lip for the last time. "Uhm, sa likod na lang ako dadaan para hindi maglawa diyan. Pwedeng...pabukas ng pinto?" Sabi niya kina Belinda pero nasa akin pa rin ang atensyon.

Agad naman siyang sinunod ni Susan samantalang si Belinda ag nagpapalit palit ng tingin sa amin.

"Ako na ang...kumuha ng aircon mo. Ikakabit ko na lang mamaya."

Is he fucking serious? Despite of our argument a while ago he is still true to his words!

"Tapos," marahan niyang itinaas sa ere ang supot. "Binilhan kita ng bulalo sa Tagatay kaya ako umalis kanina. Traffic din kasi dahil may bagyo kaya...ngayon lang ako nakauwi. Pasensiya na...Are you still craving for it?"

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

86.1K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
855 53 10
Start: August 13, 2023 End: From the country Japan, the playful and doesn't want to commit-Stella Ayana del Mundo flew back to the Philippines for d...
856K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...