The Friendly Wedding (Season...

By FGirlWriter

11.9M 283K 42.4K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... More

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Season 2: Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Chapter Twenty-Seven

239K 4.8K 508
By FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-SEVEN

"BULAGA!"

Natatawang hinampas ni Sapphire si Johann sa mukha. Bigla kasi itong lumabas sa loob ng kumot nila.

"You look stupid," aniya at saka gumilid ng higa. Hinila niya ang kumot hanggang sa taas ng hubad na dibdib. "Let me sleep, mister."

"Ha? Maaga pa, ah," angal nito at saka siya hinalikan sa balikat.

"Umaga na!" she emphasized while pointing outside the window.

"Ay." Natawa ito at pinugpog siya ng halik sa pisngi. "Ang bilis ng oras, Misis. Kanina gabi lang kasi."

Napahikab siya at pinikit ang mga mata. A month since their surprise wedding and still parang hindi nauubusan ng energy si Johann sa kama.

Everyday with Johann now was a pure bliss. Naramdaman niya na ngayon ang dapat talagang maramdaman ng mga bagong kasal. And her husband never let any single day to be boring for her.

Kapag pumapasok ito sa trabaho, minsan sinasama pa siya tapos naiiwan siya sa faculty room at siya ang pinagre-record nito ng grades. Ginawa ba naman siyang personal secretary nito?

But it was okay with Sapphire since she enjoyed being with Johann. Hindi na nga sila mapaghiwalay. Kung nasaan siya, nandoon rin ito.

"Thank you," bulong ni Johann maya-maya.

Napangiti siya. Every day, Johann will thank her...

"Thank you for loving me," dugtong nito.

Tinanong niya noong unang araw na nag-thank you ito sa kanya kung bakit ito nagpapasalamat. At ang sagot lang nito,

"Gusto kong malaman mo kung gaano ako kasaya na pinili mong magmahal at ako ang minahal mo. Ang suwerte ko. Tinalo ko pa iyong mga may abs. Ano sila ngayon, ha?"

"You don't have to say 'thank you'."

"Pero gusto ko. Gagawin ko 'to araw-araw. Para hindi ka magsawa sa pagbibigay sa'kin ng pag-ibig. Naks!"

She laughed and kissed him. "I should be the one thanking you. Afterall, you're the one who have done so many things for me."

"Kinikilig ako, Misis. Enebe?"

She rolled her eyes. "Gay."

Ngumisi ito at pumaibabaw sa kanya. "Daanin mo na lang ang 'thank you' mo sa ilalim ng kumot. Okay?" Tinaklob na naman nito ang kumot sa kanila. "Round four! Fight!"

She laughed and wrestle with him under the sheets.

Naramdaman niya ang pagdampi ni Johann sa mga labi niya. "Tulog ka lang, Misis, ha? Mamalengke lang ako."

Dinilat niya ang mga mata. "Ha? Matulog ka rin. Hindi ka pa natutulog. Mamalengke ka pa?"

Bumangon ito at nagsuot ng shorts. "Marami naman akong energy at isa pa, Linggo naman ngayon. Walang pasok. Kaya puwede akong matulog buong araw mamaya." Kumuha ito ng tuwalya at sinabit sa balikat. "Pero ngayon, mamalengke ako. Para mapagluto kita ng masarap na agahan."

Napangiti na naman siya at saka sinubukang bumangon. "I'll come with you, then."

"Sasama ka sa'kin sa palengke? Sure?" naniniguradong sabi nito.

Tumango siya. "Yes. Why not?"

"Last time na dinala kita roon, puro ka angal, eh," anito sabay ginaya nito ang boses niya. "Oh my, why is it so mabaho here? Ugh! Johann, ang putek, yung feet ko ang dirty na!" maarteng panggagaya nito sa kanya.

Napasimangot siya. "I don't talk like that kaya."

Natawa ito at pinisil ang magkabilang pisngi niya. "You're so maarte kaya. Kagigil!" sabay halik nito sa kanya sa labi. "So, sasama ka talaga? Akala ko ba matutulog ka?" seryoso nang tanong nito.

"Later na lang rin katulad mo."

"Maglalakad lang tayo hanggang palengke."

"Huh? Hindi tayo magta-tryicycle."

Natawa ito. "Sige magta-tricyle tayo. Para sa'yo, handa ako ng maglagas ng bente pesos sa pamalengke."

"Kuripot ka talaga," aniya at saka bumangon na rin ng kama. "I'll take a shower first."

"Sabay na lang."

"No." Tumayo siya at mabilis na hinablot ang tuwalya.

"Pero, Misis, naniniwala ako na ang mag-asawang naliligo ng sabay... ay nakakatipid ng tubig."

She laughed and pulled his hair. "Ha-ha! Funny!" pang-aasar niya at saka naunang lumabas ng kuwarto. Nagdiretso na siya ng banyo at sandaling nagshower.

Paglabas niya ng banyo ay nakaabang na si Johann.

"Pinagtimpla kitang gatas. Nasa ibabaw ng lamesa," nakangiting sabi nito at saka pumasok ng banyo pagkalabas niya.

Papasikat pa lang ang araw ngunit hindi na mabilang kung ilang beses siyang napangiti ng asawa. Araw-araw, lagi nitong ginagawa iyon. At araw-araw, nakangiti lang siya.

It's such a wonderful feeling to be loved and taken care of. Lumapit siya sa lamesa at ininom ang gatas habang ang isang kamay ay nakahawak sa buhol ng tuwalya. Pagkaubos niya ng iniinom ay pumasok na siya ng kuwarto para magbihis.

Half an hour later, parehas na silang ayos ni Johann at magkasabay silang lumabas ng bahay.

"Maglakad na lang tayo papuntang palengke, Misis. Tapos pabalik, tricycle na."

Tumingala si Sapphire sa langit. Maaraw na ngunit umaga naman kaya healthy pa sa balat ang init ng araw. "Okay, fine."

Sinara ni Johann ang gate at pagkatapos ay pasimple nitong hinawakan ang kamay niya at saka sila naglakad papunta sa palengke. Ten-minutes walk lang naman iyon mula sa bahay nila.

"Ano pa lang bibilhin natin?" she asked him while they're walking. She intertwined her fingers with his, at kumapit pa iya sa braso nito.

"Pang-agahan at pangtanghalian para mamaya." Bumaling ito sa kanya. "Anong gusto mong breakfast?"

"Ikaw na bahala. Kahit tuyo pa iyan, okay lang."

Napangiti ito. "Tsk. Mahal mo na talaga ako. Okay na sa'yong kumain ng tuyo?"

"Yeah. I also can't believe that I can eat such food, and do stupid and jolog things with you. But maybe, this is how love works. So be it."

"Ayan ang misis ko." Hinalikan siya nito sa sentido. "Masayang makita na unti-unti nayayakap mo ang buhay na ginagalawan ko. Pero kung gusto mong tumira talaga sa mansyon, sabihin mo lang sa'kin."

"Why? Lilipat tayo?"

"Wala lang. Sinabi mo lang. Eh di alam ko lang," nakangising sagot nito.

She made face. "Annoying."

He chuckled. "Joke lang. Ikaw naman. Siyempre, hindi naman kita masisisi kung gusto mong tumira talaga sa malaking bahay. Kaya ko naman na itira ka sa ganoon. Pero next time na kapag may mga bulilit na tayo. Pag-iipunan ko muna."

"We can buy us a house."

"Alam ko naman, pero gusto ko, ako ang magpo-provide sa'ting dalawa, Misis. Kapag hindi ko na kaya, saka ako manghihingi ng tulong sa'yo. Kumbaga, back-up natin ang pera mo."

"It's our money, Mister. Walang problema kung sabay nating gagastusin iyon for us."

"Habang hindi pa masyado kailangan ang isang bagay, itatabi muna natin. Marami tayong kailangang paghandaan lalo na mag-uumpisa na talaga tayong magkapamilya." Dumapo ang isang kamay nito sa tiyan niya. "Wala pa bang laman 'to?"

Tinapik niya ang kamay nito. "Parang nakakatakot maging mommy, Johann."

"Natatakot kang maging nanay? Bakit naman? Twenty-eight ka na, ah."

"Ang laki kasing responsibility niyon," seryosong sabi niya. "Paano kung hindi pala ako magaling na mommy?"

"Sige, huwag muna nating pag-usapan. Hanggang sa maging ready ka na."

Napatingin siya rito. "Pero... excited ka nang magka-baby di'ba?"

"Oo... pero, hihintayin ko munang maging ready ka. Magtanong-tanong ka sa mga mommy. Mag-research ka sa internet paano mag-alaga ng baby. Para hindi ka natatakot sa kapasidad mong maging ina, Misis," nakakaintinding wika nito. "Hindi rin talaga biro ang maging magulang."

She smiled. "But, Mister, if ever I'll get pregnant, it's okay lang din naman."

"Eh di, okay. No rush. Just take your time. Isa pa, enjoy-in muna natin ang isa't isa. Masayang maglaro sa ilalim ng kumot. Yes?" Tumaas-baba pa ang mga kilay nito.

Natawa siya at binilisan ang paglalakad nila. Lalo na nagsisimula na naman siyang landiin ng asawa.

Pagdating nila sa palengke ay napakaraming tao kahit umaga pa lang. But it's a normal sight. Umaga naman talaga namamalengke ang mga tao dahil sabi ni Johann, lahat pa ng paninda ay fresh.

Sa dami ng tao ay mahigpit na mahigpit ang hawak ni Johann sa kamay niya at pinoprotektahan siya nito na huwag mabunggo.

"Excuse me po. Excuse," anito habang naglaka sila papunta sa bilihan ng mga puto, kutsinta, kakanin, suman at kung anu-ano pa. "Excuse me po. May maganda po akong asawa. Baka po masagi niyo."

Natawa siya. "Why announce it?"

"Proud mister ako!" turo pa nito sa sarili. "Excuse me... dadaan po ang maganda kong asawa."

"Para kang tanga," natatawang sabi niya. Pero natutuwa naman siya sa ginagawa nito. She felt like a queen.

Nang makarating sila sa bilihan ng mga kakanin ay bumili si Johann ng dalawang bundle ng suman na isinasawsaw daw sa asukal.

"Masarap din 'tong suman sa lihiya," turo nito sa isang pa-rectangle na suman na nakabalot ng green banana leaf. "Lalo na kapag sinasawsaw 'to sa pinaghalong niyog at asukal. Tapos sasabayan pa natin ng mainit na mainit na tsokolate."

Sinasabi pa lang nito ay kumakalam na ang sikmura ni Sapphire. Hindi naman sa hindi pa siya nakakakain ng suman pero hindi pa siya nakakakain sa paraang sinasabi ni Johann.

Pagkatapos nila bumili niyon ay dumiretso sila sa loob ng bilihan ng karne. Magluluto daw ito ng caldereta na sinag-ayunan niya. Nakikipagtawaran si Johann sa karne ng baka na bibilhin nito nang bigla na lang napalingon si Sapphire.

Nagpaling-linga siya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang napalingon.

"Sige na, two-hundred na lang, Manong. Para sa misis kong maganda naman iyan, eh. Pagluluto ko siya ng masarap mamaya," narinig niyang sabi ni Johann sa matandang tindero.

Aba't ginamit pa siyang dahilan.

"Bagong kasal ba kayo?"

Inakabayan siya ng asawa. "Opo. Bagong-bago."

"Ah, kaya pala ang lambing mo pa," pang-aasar ng matanda rito saka bumaling sa kanya. "Nako, ineng, pagtumagal na kayo, ikaw na lang mag-isa mamalengke at tatamarin na iyang mister mong sumama sa'yo."

"Hindi mangyayari iyon, Manong," Johann confidently said. "Baka nga, ako ang lagi niyong makita ritong namamalengke. Hindi ko patatapakin mag-isa Misis ko rito, baka ma-kidnap pa 'to."

"Ay sows! Nasasabi mo lang iyan dahil bagong kasal pa." Naiiling na sabi ng matanda habang hinihiwa ang karne. "Ang tamis ay sa una lang. Pagkatagal puro away na."

"Ay sows! Ang bitter mo, Manong," natatawang sabi ni Johann. "Choice naman ng asawa kung mananatili siyang malambing o normal na lang pagkatumagal. Siyempre may mga away pero hindi ko paiiyakin 'tong misis ko. Hindi na lilipas ang isang araw at gabi na hindi ko 'to lalambingin."

"Sabagay. Eh, ang ganda-ganda naman niyang Misis mo. Sinong hindi susuko diyan?"

"Kaya nga, Manong. Sige na, two hundred na lang iyang baka."

Napakamot sa ulo ang matanda. "O, siya. Pasalamat ka at maganda ang asawa mo at naiintindihan ko pa ang mga bagong kasal." Bumaling na naman sa kanya ang matanda. "Lasapin mo lang iyang ka-sweet-an ng asawa mo. Habang hindi pa nagloloko."

"Oy. Di ko 'to lolokohin. Mamatay ka man, Manong."

Napamulagat ang matandang tindero. "O, bakit ako?"

"Mas matanda ka, Manong, eh," pilyong sabi ni Johann habang nakangisi. "Pero, siyempre joke lang iyon. Basta, di ko 'to lolokohin, Manong. Add mo ko sa FB para lagi kang updated sa'min."

"Hindi naman ako marunong ng ganoon-ganoon. Sige, maniniwala na lang ako sa'yo. Mukha ka namang matino."

Natawa si Johann. "Salamat, manong! Next time dito ulit ako bibili ng beef!"

Pagkaalis nila ni Johann ay pasimple niyang piningot ang tainga nito. "Ikaw, sa lahat ata ng sulok ng palengke, pinangalandakan mong asawa mo 'ko."

"Aba siyempre! Para kapag susunod na makita ka nila, sasabihin nila, 'ay! Iyon iyong magandang babae na asawa ng pogi'."

She chuckled. "Ewan ko sa'yo. May bibilhin pa ba tayo?"

Tinignan nito ang mga pinamili. "Patatas at carrots na lang tapos puwede na tayong umuwi."

Tumango siya at saka siya iginiya ni Johann sa bilihan ng mga gulay. Pumipili na ang asawa ng magagandang patatas ng maramdaman na naman ni Sapphire na parang may nakamasid sa kanya. Kaya bigla na naman siyang napalingon.

Pero wala naman siyang nakita. Puro mga tao lang na naglalakad.

Napailing-iling na lang siya at saka dumikit kay Johann. Yumakap siya sa braso nito.

"Bakit?" tanong nito sa kanya nang mapansin mahigpit niyang pagkapit rito.

"Parang kanina pa may sumusunod ng tingin sa'kin tapos kapag lumingon ako, wala naman."

Napalinga-linga ito. "Wala naman, Saphi."

"Kaya nga, eh. Baka imagination ko lang."

"Baka pinagtitinginan ka lang kasi ngayon lang sila nakakita ng dyosa."

"Yeah, right."

Hinapit siya nito sa baywang palapit rito at saka siya kinintilan ng halik sa noo. "Hayaan mo na. Baka nga imagination mo lang iyong parang nakatingin o ano. Wala ka pa kasing tulog."

"Ikaw kasi," paninisi niya rito.

Ngumisi ito. "Huwag nang manisi. Parehas naman tayong nag-enjoy."

Tumawa na lang siya at pasimpleng nagpaling-linga ulit. Baka nga nagha-hallucinate lang siya.

Sino naman kayang posibleng sumunod sa kanya ng tingin, eh, wala namang ibang nakakakilala sa kanya sa lugar na iyon?

Natapos na sila mamili ni Johann kaya umuwi na rin sila nito. Sumakay sila ng tricycle kaya mas mabilis silang nakauwi ng bahay.

Nawala na rin kay Sapphire ang feeling ng parang sinusundan ng tingin.

Pagpasok nila ng bahay ay pina-upo agad siya ni Johann sa hapag at ito na ang nag-serve sa kanya ng suman sa lihiya at ito na rin ang nagtimpla ng hot chocolate.

"Tikman mo." Sinubo sa kanya ng asawa ang maliit na portion ng suman na nasa tinidor at isinawsaw nito sa niyog na may asukal.

Binuka niya ang labi at saka kinain iyon. Nang malasahan ay napatango siya. Masarap nga! Nag-thumbs up siya rito at pagkatapos ay uminom siya ng hot chocolate.

Perfect combo it is!

Magkatabi sila ni Johann na kumain. Sinusubuan pa siya nito. Siya naman, tuwang tuwa na kumakain lang.

Nagtatawanan sila nang haplusin ng asawa ang gilid ng labi niya. Huminto na ito sa pagtawa at nakangiti na lang habang nakatitig sa kanya.

"Why?" she asked him while munching her food.

He flashed that "matinee idol"- smile. "Mahal kita," biglang sabi na lang nito.

Napangiti siya. Randomly, bigla na lang iyong sasabihin ni Johann. He'll say he loves her in most unnecessary moments. Minsan pagkalabas nito ng banyo pagkatapos maligo, bigla na lang siya nitong lalapitan at magsasabing mahal siya nito. Ganoon ito ka-random.

"Mahal kita," ulit nito sabay hapit sa mga baywang niya.

"I love you, too, Mister," aniya at saka ito hinalikan. "Bigla bigla ka na namang nanlalambing."

"Kasama sa 'hashtag galawang Johann' iyon!" Parang nanggigil na niyakap siya nito at ibinanaon pa ang mukha sa leeg niya.

She just giggled and stroked his hair. Parang isa itong batang kung manlambing.

"Ang ganda talaga ng legs mo," puri nito habang nakatingin sa legs niya. Bumaba ang kamay nito doon. "Nakaka-adik!"

"Perv."

"Legs, legs, legs mo ay nakakasilaw," pakantang sabi nito habang hinihimas-himas ang binti niya.

"Stop that! Hindi pa 'ko natutulog, Johann. Don't start."

"Legs, legs, legs mo ay nakakatunaw..." patuloy pa rin nito sa paghaplos.

Impit siyang napatili nang mabilis siya nitong nabuhat at naihiga sa sofa. Johann started to rain tiny sweet kisses on her neck and collarbone.

"Walang kumot," nasabi niya.

Natawa ito at saka mabilis na pumasok ng kuwarto. Paglabas, may dala na itong kumot.

"Multiplication time!"

Wala na. Nakipag-"multiply" na lang si Sapphire sa asawa. Mamaya na lang sila matutulog.

Sana talaga makatulog sila.


***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 111K 32
COMPLETED || General Fiction || Light Romance || Mature Cover by: xxsleep_addictxx -- WARNING! TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS ARE PRESENT IN THIS STOR...
662 57 29
"Walang istorya ang hindi nagtatapos. Kaya bibigyan ko ng wakas ang ating pagmamahalan. Masayang wakas." Matalik na kaibigan, iyan si Dion Felix Rom...
49.1K 3.5K 30
ALABANG GIRLS SERIES #5 Shin Yu, the youngest daughter of a wealthy but dangerous Chinese family, lives in a different world inside her mind. After d...
1.7K 237 9
Transferring to several schools because of his family's business and getting adored by random strangers for his handsome Westerner features, Jonas St...