Pink Skies

By aryzxxi

64K 2.3K 472

Skies Series #2 πŸ”ΈοΈApril 7, 2019 πŸ”ΉοΈAugust 30, 2020 More

Pink Skies
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
xviii
xix
xx
xxi
xxii
xxiii
xxiv
xxv
xxvi
xxvii
xxviii
xxix
xxx
xxxi
xxxii
xxxiv
xxxv
xxxvi
xxxvii
xxxviii
xxxix
xl
xl.i
xl.ii
xl.iii
xl.iv
xl.v
a.n.
xl.vii
xl.viii
xl.ix
L
el fin

xl.vi

1K 35 5
By aryzxxi

Imbis na kabahan ay namangha ako sa itsura ng mansyon kung saan nakatira ang lolo at lola ni Fire. The white classic mansion looks majestic at napapalibutan pa ito ng mga bulaklaking mga halaman. Payapang-payapa rin sa parteng ito ng Santa Ana.

Ang nakapagtataka lang ay parang iba ang itsura ng kaliwang bahagi ng mansyon kumpara sa kanan. Maybe it has something to do with the incident that happened years ago.

Kilala ang mga Salvador sa lawak ng mga koneksyon nila at business kaya naman naibalita ang tungkol sa nangyareng sunog at pagkakasaksak kay Señor Arturo noon. I was shocked to hear that and sympathize with their family kahit na hindi ko naman sila nakilala sa personal. Pakiramdam ko lang ay mabait ang lolo nila.

"Fire! Ikaw pala yan," napahinto sa pagbaba sa ng hagdanan ang isang matandang kasambahay na naka-uniporme nang makita kami.

Fire held my hand as he leads the way paakyat sa malaking double doors ng mansyon.

Napahawak ako sa mukha ko nang matanto ang titig sa akin ng babaeng nasa harap namin, nakaawang pa ang labi niya.

"S-Si ano ba ito?" pabulong niyang sinabi habang tinataas ang nanginginig niyang daliri para ituro ako.

"Opo, Aling Anita. Si Ziana po, girlfriend ko." sabi ni Fire.

My heart leaped happily in my chest, pinigilan ko rin ang pangiti. Ilang beses niya na rin naman akong naipakilala sa mga kaibigan at kasyoso niya trabaho pero laging ganito ang reaksyon ng puso ko. Parang hindi pa rin sanay na girlfriend na niya ako.

Napagdesisyonan kong una nang bumati dahil parang nabibigla pa rin ang kaharap namin.

"Good afternoon po."

"M-Magandang tanghali rin," sabi niya at sinubukang ayusin ang nakataling buhok at ipunas ang mga kamay niya sa suot. "Bakit nga pala kayo naparito? A-Ay, tuloy kayo. Nakaharang pala ako sa daan. Hehe.."

Gumilid siya at dumaan kami. Panay ang tanong niya kay Fire kung dito ba kami magtatanghalian at magpapalipas ng gabi habang ako ay nililibot na ng tingin ang loob ng mansyon.

"Sigurado, matutuwa si Senyora! Tatawagin ko lang."

May malaking painting sa isang pader na napapalibutan naman ng mga mas maliliit. Gusto ko sanang lapitan para tignan kaso bumaba na ang lola ni Fire. Halos mabigla ako sa taas ng boses niya nang makita kami.

"Fire.. Ziana! Hala!" she said as she hurried down the grand staircase.

"Lola, ingat po," sabi ni Fire at sinalubong siya. Nilapitan din siya ni Aling Anita na may sinabi sa kanya bago umalis.

Niyakap ni Senyora Cassandra ang kanyang apo at pagkabitaw ay naglakad agad palapit sa akin. Tuwid na rin naman na ang tayo ko kaya hindi ko na alam ang pwede pang gawin maliban sa pag ngiti.

She's wearing a white collared blouse and flowy floral skirt. Her black strappy wedge is also making a sound as she walks on the shiny floor.

Ang gara ng suot niya kahit nandito lang siya or maybe she went somewhere kaya ganon.

Matangkad ako sa kanya that's why I crouched a bit when she tried to envelope me to a hug.

"Good afternoon po. Pasensya na po sa abala," bati ko habang marahang tinatapik ang likod niya.

"Ano ka ba! Ayos lang," nakangiti niyang sinabi. "Saktong-sakto dahil matagal na kitang gustong makita! Ito kasing si Fire.." nilingon niya ang apo na nakasandal sa pader na may mapaglarong ngiti sa labi. ".. ayaw niyang bisitahin kita. Mangangamusta lang naman."

"Wag ako Lola. Alam ko yang style mo." Fire said na parang natatawa pa.

Mariin siyang tinignan ni Senyora Cassandra bago ibinalik ang atensyon sa akin at ngumiti.

"I've seen you on television at masasabi kong maganda ka talaga!" puri niya. "Kaya ang dami mong endorsements! May billboard ka nga na malaki doon sa plaza."

"Salamat po. Kayo rin po maganda," sagot ko naman. Tumawa siya at halatang natuwa sa mga binitawan kong mga salita.

It's true though. Even with her age, masasabi kong maganda pa rin siya at halatang inaalagan niya ang sarili.

"As expected, magaling ka ring pumili. Sana ganyan din si Hughes," aniya na parang dismayado.

Nilapitan kami ni Fire at iginiya papunta sa dining area kung saan rinig na namin ang pag-aayos sa hapag.

"Hayaan na po natin siya Lola."

"Hmp! Kung pumayag lang siya sa engagement edi sana hindi na sumakit pa ang ulo ni Theresa."

Anong meron sa babaeng gusto ni Hughes? At engagement? Hindi ko alam yun, ah. The Prietos own Aria Academy where we studied at kung may balita man tungkol sa mga mamamahala non in the future, sana at nalaman ko.

Hindi na nasundan pa ang usapan tungkol doon nang umupo sa kabisera si Senyora Cassandra. Titig na titig siya sa akin habang nakangiti. I feel slightly awkward.

"What conditioner do you use hija? Ang ganda ng buhok mo," tanong niya. I told her the local brand I am endorsing, noong bata pa lang ako ay iyon na ang gamit ko. "Ah, really? Akala ko imported brand. Parang gusto ko tuloy bumili."

Nagmamadali ang mga kasambahay sa paglapag ng mga pagkain sa mesa. This is the first time I've seen this many house helpers in one time.

May ibang hindi tumutulong pero nakasungaw lang ang mga ulo sa kusina at nagbubulungan.

"G-Good afternoon po," pabulong na bati sa akin ng isa na mukhang teenager pa lamang.

Ngumiti ako at babati rin sana kaso kinuha uli ni Senyora Cassandra ang atensyon ko.

"Dalawang taon na kayo ni Fire. Wala pa ba kayong balak na magpakasal?"

Sa gulat ay muntik nang mabitawan ng kasambahay na bumati sa akin ang hawak niya. Her face reddened because of her mistake and hurriedly left.

"Si Alfred at Ysabelle ay wala pang isang taon, kinasal na. Tignan mo ngayon ay may anak na," she said as a matter of fact but Fire looks like he's having none of it. Abala lang ito sa pagpili ng ulam na iaalok sa akin.

"Gusto mo nito?" inilapit niya ang sa tingin ko ay tokwa't baboy. Tumango ako at nilagyan niya ang pinggan ko. Hindi ko na siya pinigilang gawin iyon dahil parang nakagawian na.

His grandmother hid her smile while sipping her water.

"Hay," then she sighed. "Si Fiona ay mas abala sa business at mas gustong makasama muna ang asawa niya bago magka-anak kaya matagal pa bago ako mabigyan ng apo mula sa kanya. Kayo ba Fire baka meron na?"

Muntik na akong masamid! Inabot ko ang table napkin at pinunasan ang bibig ko.

Senyora Cassandra smiled at me as if she likes my reaction. Her eyes gleamed then she stared at her grandson who is still ignoring her words.

"Gusto mo ng juice?" alok sa akin ni Fire.

"Fire, iabot mo ang kanin sa akin," utos ni Senyora Cassandra.

Inuna siya ni Fire. Ang kasambahay na nasa gilid ni Senyora ang naglagay ng kanin sa pinggan niya.

"Hindi pa ba nagtatanong sina Jaine at Charlotte tungkol sa kasal niyo Ziana?" malambing niyang tanong.

Why is she so excited about it?

"Uhmm. Nagtanong na po.."

Senyora leaned forward, looking interested. "Then? Anong sabi?"

"Uh. Bahala raw po kami kung kailan namin gusto.."

Bigo siya napayuko at sumandal sa kanyang upuan. Napangiti naman ang kasambahay na nasa likuran niya. Fire raised a brow and mockingly started at his grandmother.

"Kumain na po tayo," he said while gesturing the food in front of us.

Habang kumakain ay sumusulyap ako kay Fire. Sa tuwing nahuhuli niya ang tingin ko ay namumula ako lalo na't naalala ko rin ang ginawa namin sa simbahan kanina.

I bit my lip. Parang gusto ko na nga ikasal.

"Sana naman ay maabutan ko pa kayong ikasal," his grandmother grimly said. Fire frowns at that pero di iyon pinansin ng lola niya. "Si Thelma ang bata pa at abala sa pag-aaral. Si Hughes naman... hay ang mga apo ko."

Malungkot siyang sumubo ng kanin. Nang hindi pa rin iyon pinatulan ni Fire ay sumuko na si Senyora Cassandra.

"Magtsaa tayo Ziana at magkwentuhan sa hardin!" anyaya niya sa akin pagkatapos kumain. Hindi pa ako nakakaupo sa sofa ay nagtawag na siya ng kasambahay.

Fire is holding my waist. Saka niya lang ako binitawan nang hinawakan na ni Senyora Cassandra ang kamay ko at iginiya papunta sa labas.

Nilingon ko si Fire na nakatingin sa amin. He's smiling lazily before standing up and following us.

"Maganda ang hardin namin alam mo ba yon?"

Nasa porch na kami ngayon at may metal na mesa at mga upuan dito. My eyes scanned the whole place at totoo nga na maganda! Parang galing sa isang fairytale ang itsura ng paligid. I could imagine my young self to be running around here wearing a dress and picking flowers.

"Maganda nga po!" pagsang-ayon ko bago naupo.

"Pero mas maganda ang hardin nina Ysabelle at Alfred sa bahay nila.." may sasabihin pa yata si Senyora pero hindi niya tinuloy agad dahil mukhang hinihintay niya si Fire.

Nang makarating ito at naupo sa tabi ko ay tinuloy niya ang sinasabi.

"Why don't you two visit them? Para naman makita mo Ziana and their baby too! Nako! Napaka-cute!"

I glanced at Fire na parang gustong ngumiti but maintains an annoyed look.

"At nang makapag-practice na rin kayo."

"Po?" tanong ko. Umiling-iling si Fire at natawa.

Ano ang pagpapraktisan? Yung bata ba?

Senyora Cassandra only smiled at my question. Patuloy lang ang pagku-kwento niya hanggang sa dumating ang tsaa. I don't usually drink tea pero masarap din naman itong inalok niya, hindi gaanong matapang ang lasa.

"You like that?"

"Opo."

"This is from London. Regalo ni Lucas."

"Yung napangasawa po ni Harley?" tanong ko.

"Yes! You know him?" tanong niya. Sasagot na sana ako nang tinuro niya si Fire. "Kita mo! Ako na lang pala talaga ang hindi nakikilala sa personal itong si Ziana."

"She's here now Lola." bored na sagot ni Fire.

We decided to stay there until dinner dahil na rin sa pagpupumilit ni Senyora. Mukhang namiss niya talaga si Fire.

Nagkaroon din ako ng pagkakataong makilala ang lolo ni Fire. Tulad kanina ay ninerbyos ako pero matapos siyang makausap ay gumaan ang loob ko sa kanya. Tama nga ang hinala ko, mabait si Señor Arturo.

"Hayaan mo na ang mga bata na magdesisyon para diyan Cassandra," he said when his wife brought up the talk about the wedding again.

Aapila pa sana siya pero nang mahuli akong nakatingin ay ngumiti na lang.

"Babalik ka pa ba sa trabaho Ziana?" tanong ni Señor Arturo.

Fire shifted on his seat while I cleared my throat.

Lumipad ang isang kamay ni Senyora papunta sa labi niya at may gulat na ekspresyon sa mukha.

"Hindi ba ilang beses ka nang napahamak hija?" she shook her head. "This is worse than Jaine's case." umiling-iling siya.

Señor Arturo is still looking my way, waiting for my answer.

May parte sa akin na gusto pang bumalik at magperform pero mayroon ding gusto ng tahimik ng buhay. Ang kaso ay hindi ko alam kung magagawa ko ba iyon.

"Opo. May mga naudlot po kasi akong plano."

Then Señor Arturo glanced at Fire. "Ano naman ang gagawin mo tungkol doon Fire?"

"Kung ano po ang gusto niya ay susuportahan ko."

Señor Arturo smirked. "Iyan ba ang payo sayo ng iyong ama?"

Nag-iwas ng tingin si Fire at tinawanan iyon ng kanyang lolo.

"Sana ay mapanood ka naming magperform muli kung ganon Ziana," Señor Arturo said as his eyes gleam in happiness.

May naiisip akong ideya, ang kailangan na lang ay pagsisikap at tapang para ituloy iyon.

Alam ko na talaga ang gagawin ko. Sigurado na ako.

"Do you follow?" tanong ni Amy mula sa screen.

"Yes pero mas maganda yata kung sa likod na lang muna ako para mas makita si May sa part niya."

"Si Eugene kasi yung sunod na kakanta, eh kaya tama lang.."

May moved to her left,"Edi, gigilid na lang ako ng ganito para-- wait! Anak saglit lang!"

Inilapit ko ang mukha sa screen upang makita kung ano ang nangyare. May's son jumped from his bed at natumba.

Natawa si Ayumi sa nangyare, kanina pa ito tahimik at mukhang kanina pa pinapanood ang ginagawa ang anak ni May.

"Ang hirap mag-ensayo sa ganito ha," reklamo ni Amy.

"Kailan ka ba kasi uuwi Ayumi?" tanong naman Eugene sa kanya.

Ayumi's voice got drowned by the cry of May's son kaya inulit niya ang sinabi niya.

"Next week nga. Miss niyo na ako?"

Inismiran iyon ni Eugene at natawa si Ayumi.

Sasali sana ako sa usapan nang may kumatok sa pinto. Agad akong nagpaalam sa kanila at tatawag na lang uli mamaya.

"Bye!" paalam ko at agad na pinatay ang tawag.

Hinablot ko ang face towel ko sa malapit at nagmamadaling binuksan ang pinto. It revealed Fire wearing a white shirt and black trousers.

"H-Hi! Nakauwi ka na pala!"

His eyes drifted from my head to toe. Suot ko ngayon ang pink na tanong crop top at leggings na kasama sa mga pinadalang damit nina Mommy kay Zian dito sa Santa Ana noong nakaraan.

Even when Zian is quite sulky about it, sangayon siya sa desisyon nina Mommy at Daddy na payagan akong dito muna sa rancho nina Fire na manirahan. Nakakahiya nga nang maabutan pa ako rito nina Tita Jaine at Tito Nicholas but they don't mind.

"We understand Ziana. Ayos lang talaga," sabi ni Tito Nicholas.

I am grateful to them kaya todo ang pasasalamat ko. Mas madali lang din kasi na nandito ako kaysa sa Manila lalo na't isang buwan na lang ang preparation namin para sa concert na ihahanda ni Teacher Maricel.

"Exercise?" Fire asked. Gumilid ako para makapasok siya sa kwarto ko.

"Yes.." sabay punas ko sa pawis sa mukha.

Sometimes, I feel guilty for lying to him na may inaasikaso akong trabaho na utos ni Mommy para lang makapag-usap kami nina Eugene. Seryoso kasing sekreto lang dapat ito even though I badly want to tell him about this.

He smiled and sat on my bed. Doon siya natanggal ng cufflinks at sapatos. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi na siya nagtanong pa.

Iniisip ko na nga ang palusot ko for next month para payagan niya akong umalis mag-isa so I can go to one of Teacher Maricel's condo unit. Doon kasi namin balak magkita-kita lahat so we can practice for a bit.

"Come here," Fire held out his hand. Lalapit na sana ako kaso naalala kong pawisan ako.

"M-Maliligo lang muna ako."

Umiling siya pero kumaripas na akong ng takbo papunta sa banyo. Saka ko lang natanto na wala pala akong nadalang damit dito sa loob nang patapos na ako. Nasanay kasi akong magbihis sa banyo noong magkasama pa kami ni Fire sa kwarto. I can trust either him or me if I walk around the room with just a towel on my body.

Hindi naman ako dapat lilipat sana ng kwarto kaso Zian assumed that I am sleeping in the guest room. Baka sermonan ako non kapag nalaman niyang hindi kaya naman lumipat ako, lalo na't tinatawagan pa ako non minsan via video call.

I sighed. Ang daming oras non, hindi ba yon busy? He should get a girlfriend. Marami namang nagkakagusto sa kanya.

Pagkalabas ko sa banyo ng nakatapis lang ay nakita ko si Fire na topless at nakahiga sa kama ko. He's watching me walk towards the walk-in closet. I blushed profusely in every step I take.

His stare gets intense sa tuwing sinusulyapan ko siya. Nag-init ang mukha at katawan ko. Basta-basta na lang akong kumuha ng nightgown at underwear pagkatapos ay nagmamadaling maglakad pabalik sa banyo upang magbihis.

Pagkalabas ko ay muntikan na akong mapasigaw nang makita siyang tuwalya na lang ang suot sa bewang!

"Dito ako maliligo." sabi niya.

Gumilid naman ako at halos idikit ang sarili sa malamig na hamba ng pintuan para makadaan siya. "A-Ah. Sige."

Nang maisara niya ang pinto ay napahawak ako sa dibdib ko. Kinabahan ako don! Akala ko naman may gagawin siyang iba..

Pagkaupo ko sa kama ay hinagilap ko ang phone ko. I sent them a message that hindi na ako makakasabay sa pag-uusap nila ngayon. Delikado dahil baka mahuli ako ni Fire. Babawi na lang ako bukas dahil medyo mabigat ang pakiramdam ko.

When I heard the bathroom's door opened, mabilis kong tinago ang phone sa ilalim ng unan ko. Nahuli pa yata ako ni Fire pero nginitian ko lang siya bago humiga ng tuluyan.

"Dito ka ba matutulog?" I asked. Tumalim ang tingin niya sa banda ko.

"Oo."

"Okay!"

Pinagpagan ko pa ang pwesto niya habang hinihintay siya. He's only wearing his boxer shorts. Kumalabog ang puso ko sa itsura niya. Kahit nakatalikod ay maganda talaga ang katawan niya. He's still involved with the labor work sa rancho kaya siguro ganyan.

Wala na siyang ibang sinabi pa pagkahiga niya. I scoot closer to him then he wrapped his arms around me. Dahil siguro sa pagod kanina ay madali akong dinalaw ng antok.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 129K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
3.5K 162 48
[COMPLETED] Gallianna Navarro -a person hated by the world. Since childhood ,she has experienced living with anger in her heart for his father. Becau...
328K 11.8K 56
"I guess so" "But dogs are nice. Dogs are loyal. As a dog you have no free-will. You obey your master blindly." ____________________________________...
3.3K 733 38
Former title: A Fight for Us Teen Series #2. Ashanti, was a happy-go-lucky girl back then. And, did not expect that she will meet the President of he...