TILL FATE DO US PART (Fate Se...

By dreyaiiise

20.1K 2.8K 556

She was having difficulty locating her father in order to make her mother happy. She encountered many difficu... More

TILL FATE DO US PART
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABABATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
KABANATA 58
KABANATA 59
KABANATA 60
KABANATA 61
KABANATA 62
KABANATA 63
KABANATA 64
KABANATA 65
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 51

160 17 1
By dreyaiiise

-How can I move on?-

Gumising kami nang alas dos nang madaling araw dahil 10am ang oras nang flight namin.

"Sigurado kana ha?" paninigurado ko kay Iza.

"Alam kong may pangako tayo sa isa't-isa na sasasama ka sa akin o sasama ako sa'yo kahit na akong mangyari, pero ngayon binibigyan kita nang pagkakataon na mamili" dagdag ko pa.

Sa lahat nang pagkakataon hangga't maari kaming dalawa ang magkasama. Pero ayokong diktahan ang desisyon niya sa buhay.

"Okay na kami, kaya gusto ko lang na samahan ka ngayon dahil kailangan mo ako"

Hinatid kami ni Kuya sa Airport. Hindi siya makakasama dahil walang aalalay sa kumpanya niya.

Kaya sa susunod nalang raw siya. Hindi ko po nababanggit sa kanila ang tungkol sa desisyon ko na bumalik sa US. Sigurado akong hindi papayag si Papa dahil nga mahihiwalay nanaman ako sa kaniya. Lalo naman kay Mama.

Nasa window seat ako nang makaupo na kami. Tulala lang ako sa buong biyahe namin. May mga oras pa nga na bigla nalang tumutulo ang luha ko.

I put my headphones on, nakinig ako nang Taylor Swift songs. Iyong Speak Now album niya.

Nasakto pa sa 'If this was a Movie' ito ang pinakamasakit para sa akin.

"Come back, come back, come back to me like
You would, you would if this was a movie

Stand in the rain outside 'til I came out
Come back, come back, come back to me like

You could, you could if you just said you're sorry
I know that we could work it out somehow
But if this was a movie you'd be here by now"

Kung nasa pelikula lang nga sana kami, baka mayroon pang tiyansa na magkabalikan.

But, he's a liar and cheater! Pero bakit hindi ko magawang magalit sa kaniya?

Akala ko kasi noon, kaya mayroong 'love' para maging masaya ang mga tao pero bakit puro sakit lang ang naidudulot nito sa akin?

Sana tama ang ginawa kong paglayo. Alam kong magiging hadlang lang ako sa inyo.

Mahal kita pero siguro hanggang dito nalang talaga tayo. Baka hindi nagkasundo ang kapalaran natin?

Natutulog ang dalawa kaya tahimik ang buong biyahe. Magkatabi naman si Mama at Papa.

Tinignan ko ang Instagram posts niya. Baka kasi inalis na niya ang mga litrato namin dito.

Sinimulan ko sa beach nila, kinuhanan niya ako doon nang hindi ko alam.

Nandito pala lahat nang alaala namin eh, nandito ang birthday party niya. Simula sa kinantahan ko siya hanggang sa sinagot ko na siya. Kaarawan ni Kuya Herron, mga outings namin. At kung ano-ano pa.

Hindi siya ganoon mahilig magpost sa IG niya kaya halos ako lahat ang makikita mo o magkasama kami kapag pinuntahan mo ang account niya.

"EHEM!" pinatay ko ang phone ko nang marinig si Alja.

"Malapit na raw tayo" sabi ko.

"Ah oo nga"

Pinuntahan ko naman ang akin, naalala ko sa bawat litrato ko ay siya ang kumukuha. Lalo na nung nasa beach kami.

Miss na miss na kita, Honey.

"Hindi mo pa ba idedelete yan?" si Iza ang nagtanong. Kung galit ako kay Vaughn, mas galit sila.

"Hindi pa sa ngayon"

Nang makarating kami sa South Korea, ito ang matagal ko nang gustong mapuntahan. Pero parang wrong timing ako ngayon dahil brokenhearted eh.

"Anak, magkahiwalay tayo nang condo kaya bibisitahin ko nalang kayo"

Pang isang buwan itong tinitirhan namin ngayon, bakasyon lang naman eh.

Nang makarating kami, natulog lang buong araw hanggang sa magising na nang gabi.

"May pagkain na tayo dito, pinagluto tayo ni Tita"

Gising na ako pero tamad akong tumayo para kumain.

"Lori, lalamig ito. O gusto mo subuan kita?" si Iza naman, ayaw niyang pinaghihintay ang pagkain. Gusto niya sabay-sabay kami.

"Sige, ito na"

Kumain na kami, nang matapos si Alja ang naghugas nang plato.

Itong condo naman namin malaki siya kaso isa lang ang kwarto dahil iyon ang gusto nila para tabi-tabi kami.

"Aba! Kasalan na pala sa April?" narinig kong sabi ni Alja. Pinalo naman siya ni Iza.

"Sino?" baka kasi hindi naman sila.

Ang tanga ko 'no? Iniisip ko pa rin na hindi ito matutuloy pero alam kong malabo.

"Sorry" nilapitan nila ako dahil nagsimula nanamang tumulo ang luha ko.

"Sigurado ba siyang may nangyari sa kanila?" biglang tanong ni Alja.

Hindi pumasok sa isip ko ito dahil alam naman naming lahat na lasing si Vaughn.

"Kasi kung lasing si Vaughn tapos si Eunice hindi naman..Edi kagustuhan pa niya? O baka pakulo nya lang ang lahat?"

Nagkaroon ako nang konting pag-asa sa sinasabi ni Alja, baka nga naman?

Baka lang...

"Tignan natin kung lumaki yang tiyan niya sa April. Ang sabi sa akin ni Caleb hindi pa magpapakasal si Vaughn hangga't hindi lumalaki ang tiyan nito"

"Sana nga"

Naglakad ako papunta sa veranda. Gusto kong isipin na panaginip ang lahat nang ito.

Masaya palang kami eh habang kinakasal sina Mama at Papa, pero bakit pagkatapos nito ay ang pagguho ng mundo ko?

"Saan ka pupunta?"

"Magpapahangin lang"

Ayokong ipakita sa kanila na umiiyak nanaman ako, paano ba kasi mag-move on?

Lumabas ako, nakakita naman ako nang maraming magkasintahan.

Kaya pumunta ako sa isang parke, mabuti nalang mayroong swing na bakante kaya umupo ako doon.

Kaso...naalala ko nanaman ang una naming pag-uusap. Ang pagbigay niya nang jacket niya sa akin. Ang pakikinig niya sa kadramahan ko sa buhay.

Isa siya sa mga pinagkatiwalaan ko sa lahat nang bagay. Dahil alam kong hindi niya ako iiwan. Siya kasi yung pumawi sa lahat nang sakit na nararamdaman ko eh, akala ko kasi noon tinapos na niya yun.

Yun pala mas dinagdagan pa niya...

Naglakad ako paalis doon dahil naaalala ko nanaman siya. Kaso nakakita ako nang lalaking binuhat niya ang isang babae.

Ganito rin siya noong nagkalagnat ako tapos hinanap ko siya kaya napunta ako sa playground.

Pumunta ako sa isang kainan para bumili nang kung anong magustuhan ko doon.

Papasok na sana ako nang makita ko ang isang lalaki na may dala-dalang dalawang kahon nang pizza. Naalala ko noon na kahit gabi na dinalhan niya pa rin ako nito.

Nakakainis naman eh! Bakit sa bawat galaw ko siya ang nakikita ko?

Napili ko nalang na sumakay sa elevator paakyat sa condo namin.

May magjowa na namang naghaharuhatan. Naalala ko noong nalasing sila tapos hinatid namin sa kanya-kanyang kwarto. At doon na siya umamin sa akin na gusto niya ako.

Paano ba kasi mag-move on?? Kung sa bawat ginagawa ko, dinadaanan, makita siya lahat ang naalala ko! Hindi ba niya ako tatantanan?

Nakita kong lumabas si Mama galing sa kwarto nila kaya nakita niya ako.

"Anak, saan ka nanggaling?"

Sinabi ko lang sa kanya na umikot lang ako baba para magpahangin. Pero wala eh siya pa rin ang naalala ko.

"Anak, are you okay?"

Okay? Ako? Siguro?

"I bet you're not"

Niyaya niya akong pumasok sa kwarto nila ni Papa.

"Anak, marami kang pwedeng gawin dito para makalimutan mo ang sakit na nararamdaman mo"

"Paano po? Sa lahat nang pupuntahan ko siya ang nakikita ko"

"Baka siya pa rin ang nasa isip mo?"

"I guess.." nagkibit-balikat ako. Hindi siya ganoon kadaling kalimutan.

"Anak, kung gusto mong makalimot sa sakit...Patawarin mo siya"

"Ma? Pwede ba iyon?"

"That's possible, Anak. Nagawa mo nga iyon kay Joaquin, 'diba?"

Bakit kasi ang hirap tanggapin na wala na kami! Wala nang namamagitan sa amin, pero alam ko sa sarili ko na mahal pa niya ako.

"Ma, it's so hard for me to let him go and ofcourse, to forgive him. I want him to be my forever, but it's not meant to be.."

I started crying again, I cried all over again...minsan nga iniisip ko kung ganito rin kaya ang nararamdaman niya?

"At the end of the day, you will choose to forgive them. Not because you're weak, but because you wanna have peace in you're heart and mind"

Hindi ko na alam, kung kaya ko bang kalimutan itong ginawa niya sa akin! Ginawa nila sa akin.

I know that forgiveness is the biggest thing that could bring us peace

"Kung palagi mong iniisip ang pagkakamali niya mas masasaktan ka"

"Pero.."

"Yes, I know. But you can!"

Ilang sandali pa kaming nag-usap, pinakalma niya ako saka humiga sa kandungan niya habang hinahaplos niya ako.

"Thank you Mama" nakapikit kong sabi.

"Sweetie, the world may turn its back on you but Mama will always be here beside you"

And that hits me! Yes, nandito siya sa akin kahit anong mangyari. Kamusta naman si Lord? Hindi niya ako tinalikuran gaya ni Mama.

"Baby?" nalingat ako nang tawagin ako ni Papa.

"Hi, Papa"

"I have something to tell you"

2 weeks later....

Lumabas kami para kumuha nang maraming litrato dito.

Dalawang linggo rin kasi kaming nanantili sa loob dahil nga wala pa ako sa sarili ko, at ayaw ko lumabas kaya mas pinili nilang samahan nalang ako.

"Hoy, dalawang linggo nalang tayo dito kaya sulitin na natin"

Natutuwa ako sa kanila dahil hindi nila magawang magalit sa akin sa kabila nang lahat.

Gabi-gabi bigla nalang ako iiyak, tapos patatahanin nila ako. Tapos kinabukasan kapag may bagay nanaman na naalala ko tungkol sa kanya ay iiyak na naman.

Nagsawa na rin ako kaya mas pinili ko nalang na huwag na muna siyang isipin. Oo, mahirap! Pero kung gusto mo talagang makaalis sa sakit ay kakayanin mo.

Hindi naman pwedeng habangbuhay kang ganoon dahil sa nangyari.

Someday, this pain will be useful to me. It makes me stronger, you'll never know how strong you are until you choose it.

I posted some of my pics on IG and captioned it with 'Let go of the past, be tough'

Wala na rin akong balita kay Vaughn, dahil sa lahat nang social media ko naging offline ako. Dito lang sa IG ang natira.

"Nice caption, sweetie" asar sa akin ni Iza.

"Mabuti nga yan na worth it ang pagpunta natin dito dahil pagkabalik doon ay lalaban ka na"

Ah oo, this January pala ang pageant namin sa MU.

Mabuti nalang talaga si Gab ang kapareha ko, kundi baka magback-out na ako.

"Ano sabi mo kay Caleb?" ako ang nagtanong.

Miss na miss na raw siya nito. Nasa Hongkong ang pamilya ni Caleb kaya malayo talaga sila sa isa't-isa.

Doon raw sila magpapasko at bagong taon.

"Miss ko na rin siya" maikli nyang sagot.

"Alja, hindi ba magagalit sina Tita Delotie?"

"Nope, okay nga sa kanila eh dahil wala rin namang oras para mag-pasko kasama ko"

Kaya madalas gusto niya na kasama kami dahil sa amin niya raw nararamdaman na magkaroon ng isang pamilya.

"Aww, we're always here for you...We love you sweetie" sambit namin ni Iza kay Alja.

We don't want her to feel that way, kasi kaya naman naming punan ito. Si Iza naman pinayagan dahil darating rin si Tita dito.

"Mamaya pa pala ang dating ni Mommy, so umuwi na muna tayo"

Susunduin namin ito sa airport. Hindi kasama ang ate niya na si Lalaine dahil kasama nito ang Daddy niya.

"Buti nalang talaga kasama ko kayo, kundi boring nanaman ang pasko ko" sambit ni Alja.

Nagtawanan naman kami, pinuntahan namin si mama at papa habang kumukuha nang sariling litrato.

Inagaw namin ito sa kanila para kami kuhanan sila dito sa Bukchon Hanok Village. Maaliwalas dito, at malamang malinis.

Sunod naming pupuntahan ay ang Haedong temple pagkatapos nun, kakain na kami.

Habang naglalakad kami, may nakita kaming parang street foods pero ibang-iba ang sa kanila.

Chicken Skewers, eomuk, tteokkbokki, and Ssiat Hotteok(famous in busan where haedong temple is)

Masarap naman ang lahat, natikman ko na ito sa Pilipinas pero masasabi kong mas masarap talaga kapag sa South Korea mo talaga kinain.

Christmas Day

Ito ang plano naming dalawa, ang mag-pasko nang magkasama. Ito sana ang unang taon na kasama ko siya sa pagselebrasyon ng pasko pero ito rin pala ang una na may hapdi sa aking puso na sasalubungin ang pasko.

"Merry Christmas!" binati namin ang bawat isa na kasama namin.

Nagpasahan rin nang mga regalo. Natuwa ako sa ibinigay nila akin dahil puro motivational frames, hoodie, shirts, cases and more. Well, masaya naman ako para sa mga ito. Atleast 'di ba mas nakakaganang suotin nun.

Marami kaming handa ngayong pasko. May mga Korean foods syempre, tulad ng donkatsu, sundae, beef tartare bibimbap. And bingsu for dessert.

At may Filipino foods din na karaniwang hinahanda sa araw ng pasko.

"Hi! Merry Christmas" pagbati ni Caleb sa amin.

Ngumiti naman ako, siyempre hindi ko naman maiwasang mailang dahil kaibigan niya yung ex ko...Pero alam kong wala silang kasalanan kaya ganun pa rin naman ang pakikitungo ko.

Nag-usap lang sila ni Iza pagkatapos nun si Gab naman ang nakausap nila.

Sumisilip lang ako sa laptop para batiin sila pero umaalis rin ako kaagad. Wala lang ako sa mood ngayon.

Hinayaan nila ako hanggang sa matapos na ang gabing iyon. Kinabukasan naman naisipan naming bumili nang mga bagong gamit na iuuwi sa Pilipinas.

"Hoy! Kanina ka pa tulala diyan" bungad sa akin ni Alja nang makita niya akong nakatitig sa isang couple shoes.

Naalala ko lang yung binigay ko sa kanya noong kaarawan niya, tinapon niya kaya yun?

"Hindi naman siguro" sagot bigla ni Iza.

Kaya nanlaki ang mata ko, alam talaga nila kung ano ang iniisip ko.

Kumuha kami nang maraming litrato sa bawat lugar na madaanan namin, maganda kasi dito eh. Sobrang lamig nga lang kaya kailangan makapal ang jacket mo tulad nang suot ko.

A black Quilted Jacket. Quilted jackets hit that sweet spot between keeping you warm, stylish, and edgy all at the same time. Kaya kahit na balot na balot ako, maganda pa rin!
This is where your puffed up jackets are too heavy, and leather jackets don't suffice. Since fall and spring are all about being fashionable, you need to get one of these and keep it handy.

"Tara na doon! Mamaya ah, unfollow mo na siya"

Halos matabunan na ang mga litrato namin sa mga posts ko dahil bawat kuha sa akin ni Iza ay siya na mismo ang naglalagay sa Instagram.

"Bakit naman?"

"Para 'di na niya makita pa yung mga posts niyan or stories"

Nung isang araw kasi nakita kong si Eunice ang nasa story niya sa IG sabi niya doon "with my fiancé"

Sinong hindi masasaktan doon? Siguro mali lang talaga na inaakala kong mahal pa rin niya ako.

Malapit na akong maging okay, minsan nga sumasakit pa ang ulo ko pero mabilis na naming naagapan ito dahil kasama ko naman ang mga kaibigan ko.

Ang sabi kasi nang doctor ko, huwag raw ako masyadong mag-isip nang kung ano-ano dahil nagugulo ang isip ko kaya nagiging sanhi iyon nang pagsakit nito.

Wala akong ginawa kundi humiga nalang ulit sa kama namin nang makauwi. Napagod rin kami kaiikot.

Naisipan kong tignan ang mga huling mensahe niya na pinadala sa akin. Kaso hindi ko rin kinaya ang mga ito.

"Makinig nalang kaya tayo nang kanta ni Adele?" suhestiyon ni Iza.

Paborito naming dalawa si Taylor Swift pero paborito niya rin si Adele. Si Alja naman kahit sino naman raw as long as maganda ang kanta.

"Taylor Swift muna, yun yung nalagay ko" dala ko kasi ang iilang album niya para may mapakikinggan kami kahit na pwede naman sa phone pero mas gusto naming sa CD player para mas malakas.

Pinakinggan namin ang Album na Speak Now, naunang tumugtog ay ang 'Back to December'

Ewan ko ba kung sinasadya nila o coincidence lang talaga.

"Uy! Back to December kuno" asar pa nila.

Sabay-sabay naman naming kinanta iyon, at sabay-sabay ding nawalan ng hininga dahil sa walang espasyong kanta ni Taylor.

Hindi naging malungkot ang araw ko ngayon, naisalba nanaman ito nang pakikinig ko sa musika.

"You already know you're hurting me so bad, but why are you still being so selfish?" sambit ko sa kanya, lalong bumuhos ang luha ko.

*******************************************

Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
9.9K 486 45
Wandering without a map is indeed scary. Walking on a path without knowing where it will lead you is nothing but bravery. Some are lost under the moo...
23.1K 609 46
When he started singing, he shines like the brightest star in the night sky. A star that I don't want to stop from shining, because when it does I kn...
348K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...