JB5: Set Me Free, Mr. Busines...

Oleh biisool

2.3M 109K 33.8K

Juariz Bachelors #5 [BXB] [MPREG] Tyga Xerxes Mondejar, isang miyembro ng malaking sindikato. Sa kabila ng p... Lebih Banyak

Juariz Bachelors 5
Neil Francis Juariz
Tyga Xerxes Mondejar or Mason Flynn Schmidt
Prologue
1
2
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
Epilogue
THANK YOU, EVERYONE!

3

43.6K 2.2K 1.1K
Oleh biisool

Tyga's dictionary😂:

Chololo- gwapo
Avocado-abogado
Earnie Lopez- Ear/s
Watashi-ako
Itez-ito
Pansin Canton- Pansin
piyaya-yaya
kyota-bata o baby


Tyga Xerxes Mondejar

Medyo nakakawindang ng beauty ang mga pangyayari nitong nagdaang linggo simula nang mawala sa amin si mareng Andrea. Hindi ko maiwasang maiyak noong isinaboy na sa dagat ang abo niya. Lumakas kasi ang hangin at halos lahat ng abo niya ay dumikit sa akin.

Ilang araw rin akong walang tulog dahil doon. Mabuti nalang at nakahingi ako ng isang galloon na holy water sa simbahan. Iyon ang ginamit kong panligo. Pagkatapos n'on ay nakapag-beauty rest na rin sa wakas ang lola mez.

Nagsimula na kaming dalawa ni bossing na sumabak sa madugong training para paghandaan ang pagdating ni Frank sa buhay namin. Sa susunod na linggo ay sisimulan na namin ang pagaasikaso sa sakal—este kasal naming dalawa. Uuwi na kasi ang mudra at pudra ni mareng Andrea sa susunod na buwan.

"Ehem." Agad akong nabalik sa reyalidad nang marinig ang pagtikhim ng suplado at papansin kong boss. "That's the contract. Read and sign it."

Napakamot ako ng ulo habang nakatingin sa folder na inilapig ni bossing sa harapan ko. Medyo makapal ito ng kaunti.

Kanina lang ay ipinatawag niya ako dito sa kanyang opisina mula sa maid's quarter. Doon niya muna kasi ako pinatulog. Hindi niya ako pinatulog sa mga guest room dahil bawal daw ang pangit doon. Ang liit ng utak, anlaki naman ng ulo.

Dahan-dahan ko itong inabot at binuklat. Para agad ko din siyang nabitiwan ng makita ang laman n'on. Napatakip ako sa aking bibig habang tinuturo iyon. Namimilog ang mata kong napatingin kay bossing na nakakunot ang noo sa akin.

"What?" Ang suplado niyang tanong.

Napalunok ako.

"Boss..." Ang tawag ko sa kanya. Mas lalong nagpang-abot ang kanyang pak na pak kilay sa pagtawag ko sa kanya.

"Tarantado! Ano nga?!" Ang inis niyang bulyaw sa akin.

Mabilis kong dinampot ang folder at iniharap ito sa kanya. "Ang ganda ko dito! May copycat ba kayo nito? Ipa-pa-print ko lang po." Ang pakurap-kurap kong tanong sa kanya.

Kahapon kasi kinunan ako ng litrato ng isa sa tauhan ni boss para daw isama sa mga papeles ko. Napakapangit daw kasi n'ong ikinabit ko sa aking resume. Nagpa-makeup talaga ako doon sa girlfriend ng tauhang inutusan ni boss na kunan ako ng litrato.

"Guard!" Ang sigaw ni boss na nagpasamingot sa akin. Ang arte! Pati ba naman ang picture ko ipagdadamot niya? Ako lang to oh!

"Yes, sir?" Napatingala ako sa guard na nakasuot ng itim, naka-sunglasses na itim at may earpiece pa ang lolo niyo. Black na black ang pormation ni daddy. Bumaba naman ang paningin ko sa kanyang bakat na bakat na batuta sa gitna ng kanyang hapit na itim na pantalon. Daks na daks! Werlalo ba ang lamay, papshie? Sa kama ba? Ahehe.

"Nothing. Bumalik ka na sa pwesto mo." Ang pagtataboy ni bossing dito na ikinadismaya ko.

Magiging katrabaho ko kaya siya? Kanina kasi pagpasok namin dito sa ibang valur niya, pansin canton kong mga chololo ang mga bodyguards ni bossing. Kaya mas lalo tuloy na excite ang aking bilatchi.

"Manyak," ang bulong ni boss na hindi nakalagpas sa tenga ni akembang.

Walang modo talaga 'tong si bossing. Ang gwapo nga, masarap ang katawan, matalino, mayaman at daks pero apaka gaspang naman ng ugali. Babaero pa!

"Pakboy," bulong ko rin.

Nakita ko ang paniningkit ng kanyang mata. Akmang aagawin niya sa akin ang folder pero mabilis ko itong nailayo sa kanya.

"Give me that damn papers so I can tear that off in your face, Mr. Mondejar. You are free to find other works. Tingnan ko lang kung may tatanggap diyan sa ugali mo." Ang sabi niya sa mababang boses. Seryosong-seryoso ang gwapo nitong mukha habang nakatitig ng masama sa akin.

Agad kong pinagsiklop ang aking mga kamay sa kanyang harapan at nagpa-cute. Dinampot niya ang isang ash tray sa tabi at itinaas ito sa iri. Mabilis naman akong napaayos ng upo.

"Joke lang naman, boss! Masyado kayong pisikal. Ganyan ba kayo maglambing sa magiging asawa niyo?" Ang biro ko dito at saka tumawa. Mukhang magiging battered wife yata ang role ko dito.

Agad na nalukot ang kanyang mukha sa sinabi ko.

"What the fck? Kilabutan ka nga, gago. I'm not gay. And I don't date people with mental and facial defects. Iniisip ko pa lang na ikakasal ako sa'yo nasusuka na ako."  Ang dire-diretso nitong pangiinsulto sa kagandahan ko.

Hindi ko na lang siya pinatulan. Kaming mga diyosa, hindi kami pumapatol sa ganyang mga uri ng nilalang. Like hello? Mental and facial defects?  May sayad lang ako pero pinagaagawan tong gandang to sa school dati. Lalo na kapag naglalabas ako ang intermidiate paper. Kabog na kabog ang muse naming walang silbi.

Binasa ko nalang ang laman ng kontrata.

Dalawang uri ng kontrata ang nakasilid doon. Una ay ang Employment contract ko bilang piyaya ng kyotatalet na si baby Frank. Ang ikalawa naman ay relationship contract.

Pagkatapos kong mabasa ang benefit clause ng employment contract, hindi ko na binasa ang iba pang nakasulat doon. Wit ng nag-inarte ang lola niyo, besh. Grabeng pagdurusa ang dinaanan ni watashi para lang makuha ang kontratang ito kaya kahit sampung peso pa ang ipasweldo sa akin ni boss basta dito lang ako nakatira sa valur niya keri na yon.

Sunod kong tiningnan ay ang relationship contract. Napagusapan namin kagabi kung anu-anong ilalagay namin dito kasama ang chololong avocado ni boss.

RELATIONSHIP CONTRACT

This agreement establishes a relationship between Neil Francis Juariz and Tyga Xerxes Mondejar herein referred to as a Married Couple and is set forth this 20th of July, 2xxx for a period of 3 years.

IN CONSIDERATION of the promises and other good and valuable consideration the parties agree as follows:

1. Both parties agree that they will at all times faithfully, industriously, and to the best of their skills,
ability, experience and talents, perform all of the duties as  'husbands' and 'parents" under the presence of Mr. and Mrs. Solomon and their people.

2. Mr. Mondejar agrees not to interfere with Mr. Juariz's romantic/sexual relationship outside their  marriage.

3. Both parties are only allowed to have an intimate physical contact under the presence of Mr. and Mrs. Solomon and their people.

4. Both parties agree to respect each other's privacy. They will not in anyway invade each other's private space without reasonable cause.

5. Both parties agree to sleep on the same bed whenever it is needed.

6. Both parties agree to be present on special occasions and holidays for documentation purposes.

7. Both parties agree to place Franco Arc Juariz's wants and needs as their utmost priority.

8. Both parties agree to use langga as their eanderment.

9. Both parties agree not to harm or murder each other if conflict arises.

10. Both parties agree to pay an amount of 100, 000 pesos if one of them decides to terminate the contract and/or disobey the clauses within the relationship contract. If the termination is a product of a mutual agreement, no money will be exchanged.

CONFIDENTIALITY

The existence, nature, terms and conditions of this agreement are strictly confidential and shall not be disclosed by both parties in any manner or form, directly or indirectly to any person or entity under any circumstances.

"Atty. Yap. Maupo ka."

Insaktong pag-angat ng tingin ko, ang gwapong mukha kaagad ni avocado Yap ang sumalubong sa akin. Parang may sariling buhay ang mga kamay ko nang umangat ito at inipit ang aking imaginary hairlalu sa aking tenga.

Napakunot ang noo ni boss Francis sa akin at napailing.

"Don't mind him, Gerald. Paminsan-minsan ay inaatake talaga 'yan ng sakit niya." Ang sabi ni bossing habang hinihilot ang kanyang noo.

"Sakit?" Ang kuryusong tanong ni avocado Yap my labs.

"HAHAHAHA!" Malakas akong tumawa para pigilan ang bunganga ni bossing. Hinampas-hampas ko pa iyong lamesa. " Ikaw naman, boss. Masyado ka talagang mapagbiro. May medical record ako bab—este, attorney. Beke geste nyeng tengnen?"

Hays. Ito talaga 'yong betlalo ko eh. Bet kong makawasak sa aking virgin coconut hole. Siya 'yong klase ng lalaking gentleman sa panlabas pero wild naman sa kama. Iyong mapapasigaw ka nalang ng choke me, daddy! Gan'on! Kay bossing kasi mapapasigaw ka nalang sa sama ng loob.

Tumawa ng mahina si attorney. Hindi ko maiwasang mapatulala sa chololong avocado na itez. Ang sarap sa Earnie Lopez ng lalaking-lalaki niyang tawa. Paano pa kaya kapag ungol na?

"Um, attorney. May tanong lang po ako." Ang sabi ko sa pormal na boses. Baka ano na naman kasing magiging side comment nitong boss kong pakialamero.

"Sure. Ano 'yon?"

Napasulyap ako sa boss kong humalukipkip sa kanyang upuan. Mariin itong nakatitig sa akin. Iyong titig niya parang nagbabanta. Wala sa sarili tuloy akong napalunok. Parang isang maling salita lang ay pupunitin na niya itong kontrata.

"Ano..paano po kapag gusto kong makipag-date, makipag-jowa gan'on. Pwede po ba 'yon? Alam niyo na...baka lang po."

Napaangat ang gilid ng kanyang labi. Shuta! Ang gwapo. "Are you in relationship right now?"

Kung liligawan niyo po ako, baka.

"In realtionship? Naku, hindi po! Virgin na virgin at single na single pa p—"

"He's married, stupid." Ang humihikab na pagputol sa akin ni bossing. Walang modo talaga!

Pero teka, ano daw? Married? Married as in kasal? Kasal?! Kasal as in married?!

Dahan-dahang bumaba ang paningin ko sa kanyang kamay at nakita doon ang kumikinang niyang singsing. Parang may kung anong napunit sa puso ko. It kennat be! Wititit!

Gumapang ang mga kamay ko sa aking dibdib at sunod-sunod na huminga ng malalim.

"W-What's wrong with you?! " Ang tarantulang tanong ni bossing sa akechi. "Gerald, tumawag ka ng doctor!"

Pareho silang napa-standing ovation sa kanilang kinauupuan at napatakbo sa pwesto ko. Hinawakan ni boss Francis ang magkabila kong balikat at malakas akong niyuyog. Iyong yugyog talagang yugyog na halos magsitalsakin na sa buong kwarto ang mga parte ng patpatin kong katawan.

Shuta! Matutuluyan ako ako nito sa ginagawa niya. Malakas kong hinampas ang kanyang kamay at sumigaw, "Tama na! Maawa ka sa akin, boss! Heartbroken lang ako hindi ako mamamatay."

Humihingal siyang napatigil sa pagyugyog sa akin. Taas-baba ang kanyang malapad na dibdib dahil sa lakas ng ginagawa niyang paghinga. "You're fuvkin what?"

"Heartbroken..." pinausli ko ang aking ibabang labi at nag-beautiful eyes sa kanya.

Isang malakas na kaltok sa noo ang natanggap ko sa kanya matapos marinig ang sagot ko. "ARAY! DAHAN-DAHAN NAMAN!" Ang malakas kong daing habang hinihimas-himas ang parte ng ulo kong tinuktukan niya.

Angs sakit n'on ah.

"This!" Itinuro niya ako gamit ang kanyang kaliwang kamay habang ang kanyang kanang kamay naman ay nakahawak sa bewang. Nakaharap siya ngayon sa ex-crush kong avocado habang humihinga ng mabigat.

"Anong problema?" Ang nag-aalalang tanong ni attorney sa kanya.

"I don't think I can marry something like this! He should be inside a mental hospital at hindi dito sa pamamahay ko."

Napahawak ako sa dibdib ko at maarteng napaatras sa aking kinauupuan. "Ang choosy mo, sir, ha! For your information lang, ikaw ang humila sa akin pajusok sa kwartong iyon."

"And that's the biggest mistake I have ever made in my entire life. I should have pulled someone from the maid's quarter at hindi ang baliw na kagaya mo. "

Humalukipkip ako't umirap.

"Ang harsh niyo ah! Kita niyo ba 'yong drama ko doon? Pang-FAMAS level 'yon. Narinig mo ba akong nanghingi sa iyo ng talent fee? Wala!

Ang swerte-swerte niyo nga sa akin. Bukod sa cute ako't maganda, talented rin ako at loyal. Marunong akong magtago ng sikreto, bossing. Kahit ang lalaki ng mga offer ng mga news outlet, hindi ko pa rin kinanta na ikaw ang ka-fubu ni mayor Louisa Villegas-Ignacio na asawa ni Governor Leonardo Ignacio. Hindi ko rin ipinagkalat na ikaw 'yong naghatid kay Lana Cruz sa bahay nila matapos mo siyang anuhin sa pang pakboy mong sasakyan. Marami pa akong alam pero wit kong ipinagkalat dahil ayokong madungisan ang pangalan ng amo ko."

Nakita ko siyang napatigil sa kanyang kinatatayuan. Halata ang gulat sa kanyang mukha matapos niyang marinig ang hanash ko. Huminga siya ng malalim at napakuyom ng kanyang kamao. Dinampot niya sa lamesa ang ballpen at itinapon ito sa akin.

"Dami mong dada. Pumirma ka na."

-----------------------------------------------------------

Hello, guyses! Nagkaproblema kanina si wattpad kaya nag-aalala ako kung dapat ba akong mag-update ngayon pero iniwi, parang umayos naman po siya. HAHAHAHA. Ayon lang po! Thank you po. Stay healthy, keep safe and God bless you always po. Ayon lang! Labyu ol. Mwuah mwuah. Ciao!

Tyga's dictionary😂:

Chololo- gwapo
Avocado-abogado
Earnie Lopez- Ear/s
Watashi-ako
Itez-ito
Pansin Canton- Pansin

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

733K 24.9K 45
《C O M P L E T E D》 [BxB | R18 | Mpreg] El Grande Series 2nd installment. WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is w...
53.9K 3.5K 54
Si Shane ay isang laking probinsya na mapupunta ng Maynila para makasama ang kaniyang ina at para na rin ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa kolehi...
464K 9.4K 48
(Historical Boys Love Story) "Kasabay ng pagdilim ng maliwanag na kalangitan ay ang paglisan ng aking mahal." Bata pa lamang ay namulat na si Ryannel...
87.7K 7.5K 37
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...