The Friendly Wedding (Season...

Von FGirlWriter

11.9M 284K 42.5K

Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake n... Mehr

Content Warning & Disclaimer
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty Four
Season 1 Finale: Chapter Twenty Five
Season Two: You To Gain
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty (Part 1)
Chapter Fifty (Part 2)
Epilogue
Special Chapter

Season 2: Chapter Twenty-Six

244K 5.3K 780
Von FGirlWriter

CHAPTER TWENTY-SIX

AS SAPPHIRE walked down the aisle, hindi niya akalain na hindi na pala katulad ng unang naramdaman ng kinasal sila ni Johann more than two months ago ang mararamdaman niya ngayon. To think na symbolic wedding lang naman ang kasalang ito.

            Sure, she's nervous at their first wedding. Pero ngayon, nahalo na ang excitement at lahat na ng emosyon na puwede niyang maramdaman. Parang gusto niyang tumakbo na kay Johann but at the same time, gusto niya ring tumakbo paalis... argh! Damn, wedding jitters!

            Si Johann na naghihintay sa kanya, mukhang okay naman na. Mas sumingkit lang ang mga mata dahil sa pagkusot-kusot nito kanina. Nakangiti na ito habang nakatingin sa kanya.

            Nang nasa harap na siya nito, kinuha nito ang kamay niya.

            "O, bakit ang lamig ng kamay mo?" tanong nito sa kanya. "Kinakabahan kang magpakasal ulit sa'kin?"

            She chukled. "Silly. Bakit naman ako kakabahan?"

            "Hindi na lang 'to basta para sa isang taon, Sapphire," sabi nito habang naglalakad silang dalawa palapit sa altar. "Buong buhay na 'to."

            "I know," she smilingly said. "I'm ready to love you for the rest of my lifetime, Johann."

            Parang nanginig ito kaya napasulyap siya rito at nakita niyang sobrang laki ng pagkakangiti nito. Namumula pa ang tainga.

            Mahina siyang natawa. "Don't tell me na kinikilig ka?" she teased him.

            Umiwas ito ng tingin sa kanya at halatang pinipigilan na ang pagkakangiti. Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

            "Yiee. Blushing groom!" pang-aasar niya pa.

            "Ehh..." parang babaeng angal nito.

            Muntikan na siyang mapatili ng sinundot nito ang tagiliran niya at napaigtad siya.

            Umayos lang sila nang nasa harap na nila ang isang reverent pastor at sinimulan na nilang magdasal.

            Maya-maya pa'y magkaharap na sila ni Johann para sa exchanging of vows.

            Magsasalita na sana siya ng vows niya na siya na mismo ang gumawa nang pigilan siya ni Johann.

            "Huwag ka nang masyadong magsalita, Misis. Ayokong mapagod ka."

            Tinaasan niya ito ng kilay. "Ayaw mo lang yata makita ng lahat kung paano ka kiligin, eh."

            Ngumisi ito. "Ayoko lang makita nila na maiyak ako rito. Dahil alam kong lahat ng lalabas sa mga labi mo ngayon, tatagos lahat sa puso ko. Sapat na sa'king marinig na mahal mo 'ko."

            Ganoon ba iyon? Okay, then. Sasabihin niya na lang ang mga gusto niyang sabihin kapag silang dalawa na lang. Ang mahalaga lang naman talaga ngayon ay mapangako niya sa harap ng Diyos na mamahalin niya si Johann.

            Dahil suot na ni Johann ang wedding ring nito, hinawakan niya na lang ng mahigpit ang dalawang kamay nito at sinalubong ang mga tingin nito.

            "I love you, Johann. And I promise to continue loving you every single day that the Lord will make," madamdaming sabi niya na ikinangiti nito. "I just want to thank you now for being who you are and what you are. Thank you for showing me what it felt like to be cherished and to be kissed by a real man like you. I don't care if you sound so gay sometimes, I love it. I love you just the way you are. Kahit walang abs."

            He chuckled. Binawi nito ang isang kamay sandali at may kinapa-kapa sa bulsa ng pantalon nito. Ilang saglit lang, nilabas na nito ang wedding ring niya na hinubad niya sandali.

            "Nauto na naman tayo ni Kuya Bari sa ganitong scripted na pagtatalo at surprise na kasalan. Pangalawa niya na 'to, tsk. Bakit hindi ko pa nahalata?" Nilingon nito ang mga pinsan na nakaupo sa harapan at tahimik na. "Kayo na sunod!"

            Nagtawanan ang mga ito at parang wala lang sa mga ito ang posibilidad na baka nga ang mga ito naman ang gawan ng ganoon ng pinaka-kuya ng mga ito.

            Bumaling na ulit sa kanya si Johann. "Misis, alam mo bang noong first wedding natin, while you're walking down the aisle, natulala ako?"

            "Huh?"

            Tumango ito. "Para akong nakakita ng dyosa o ng isang napakagandang anghel na ipinadala sa lupa."

            "I'm far from being an angel," tukoy niya sa kanyang ugali.

            "Oo nga, eh. Kaya napagdesisyunan kong... tama, isang dyosa ang nakikita ko na papalapit sa'kin ng mga oras na iyon para pakasalan ako." Napangiti ito. "Ang pogi ko talaga."

            She rolled her eyes. "Yeah, yeah."

            "Basta, noong kinasal tayo ng una, alam kong... alam kong hindi na kita pakakawalan pagkatapos niyon. Kaya yung vows ko noon? Impromptu iyon. Totoo iyon."

            "I will take all your bitterness away and will fill our life with sweetness every day." Natatandaan niyang iyon ang vow nito noon. At tinupad nga iyon ni Johann.

            "Misis, makinig ka sa'kin ng mabuti. Minsan lang ako mag-e-english." Humugot ito ng malalim na hininga at sinimulang isuot sa kanya ang singsing. "Now, I have taken your bitterness away, then I'll just continue filling our life with sweetness, gayness, and happiness every day..."

            "Johann..."

            "I cannot promise a perfect marriage. Pero pangako ko sa'yo, Sapphire Danaya Monteverde-Anderson, na hinding-hindi kita iiwan at hinding-hindi ako titigil na mahalin ka kahit anumang gulo, away, at hirap ang danasin nating dalawa. I won't just be your husband but I will be your best friend forever...

"Hinding-hindi ako gagawa ng mga bagay na makakapagpawala ng pag-ibig mo sa'kin." Nang tuluyan na nitong maisuot sa kanya ulit ang singsing niya ay itinaas nito ang dalawa niyang kamay at masuyong hinalikan iyon. "Nangangako ako sa harap ni Lord, na iingatan ko ang blessing na ibinigay Niya sa'kin. Ikaw ang blessing na iyon, Sapphire. Kasama natin si Lord lagi sa marriage na 'to."

Nakagat ni Sapphire ang ibabang labi dahil sa pagtagos sa puso niya ng mga sinabi nito. Buong intensidad at puso pa ang paglalahad niyon ni Johann.

Tumikhim ito at nagsalita pa ulit. "God gave me you to show me what's real," anito. "There's more to life than just a feel."

Napakunot noo siya. That sounds familiar.

"I love you more than you'll ever know. I love you more than you ever see, more than my heart could ever show." buong emosyong dagdag pa nito. "I love you more than you'll ever know. I love you so. And I will never let you go 'cause you mean everything to me. I just wanna let you to hold me in your arms forever."

Nagtatawanan na ang mga bisita.

"Mister, mga kanta naman iyan, eh!" naiinis niyang sabi.

Tumawa ito. He smiled guiltily. "Sorry na. Pero akma naman ang lyrics sa gusto ko talagang sabihin sa'yo. Wala lang talaga akong maisip na iba ngayong kundi ang mahalikan ka at makatabi sa kama."

Nagtawanan na naman ang mga bisita at nagsipulan ang mga pinsan nito.

"Hashtag galawang-Johann! Papa-trend na ba natin 'to?" sigaw ni Charlie.

"Worldwide trend dapat, ah!" sabi pa ni Johann bago muling bumaling sa kanya. "Me loves you, Misis," pa-cute nitong sabi.

Argh! He's annoying yet so adorable that she can't help but to answer, "Me loves you, too, Mister," aniya kahit super korni. Hayaan na. Mahal naman niya itong talaga.

Nagsimula na ulit magsalita ang pastor sa harap nila. Hanggang sa sabihin nitong, "You may now kiss your bride. Mr. Anderson."

Parang batang excited na nagningning ang mga mata nito. Inangat agad nito ang veil na nakatabing sa mukha niya. Next, he gently cupped her face.

Habang papalapit ang mukha nito sa kanya ay nakita niya ang pagpikit nito ng mga mata. Napangiti siya at ipinikit na rin ang mga mata. And when their lips touched, they instantly felt the magic of love and blessing in that kiss.

Dahil nasa harap ng altar, Johann just made the kiss very short yet so sweet.

Nagpalakpakan ang mga bisita nila. Nang maghiwalay ang mga labi nila niyakap siya nito ng sobrang higpit. She hugged him back.

"Happy birthday," bulong niya rito. "Are you happy?"

"Sobra pa sa sobra," anito at saka siya hinalikan sa pisngi.

***

"PAGBILANG ko ng tatlo, takbo na tayo, ah? Isa, dalawa, tat—"

            Hinampas ni Sapphire ang asawa sa dibdib. "Umayos ka nga. We cannot run away sa reception natin."

            Nagsasayaw silang dalawa ngayon. May ibang mga pares na nagsasayaw na rin. Katatapos lang ng nilang kumain, kaya sayawan na ang sumunod.

            "Gusto na kitang i-uwi at simulang mag-multiply!"

            She laughed. "Ewan ko sa'yo. Hindi ka na wholesome."

            Mas hinapit siya nito sa baywang palapit sa katawan nito. He swayed her more to the sweet rhythm. "Naiinip na 'ko. Gusto ko ng buksan ang regalo ko."

            "Regalo?"

            Napangiti ito ng malapad habang nakatingin sa kanya. "Ikaw ang regalo ko di'ba? I want to unwrap you, beybeh!" pilyong sabi nito.

            "Johann!" saway niya rito.

            "Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang umuwi," makulit na sabi nito.

            She rolled her eyeballs. "Hindi mo pa nga nakakausap halos lahat ng bisita."

            "Gusto ko nang mag-honeymoon."

            "Mister."

            "Gusto na kitang masolo."

            "May gustong kumausap sa'yo," aniya rito nang makita si Czarina sa likod nila. Hindi na siya threatened sa babae dahil nag-usap na sila nito ng isang araw at nilinaw nito sa kanya ang lahat.

            Hindi daw talaga nito mahal si Johann sa romantikong paraan. Johann and Czarina grew up together kaya kapatid lang talaga ang turing nito kay Johann.

            "Ayokong makipag-usap. Gusto na kitang iuwi," makulit pa ring sabi nito.

            "Johann... Kuya Johann," tawag pansin ni Czarina rito.

            Agad namang napalingon si Johann rito. "Uy! Ikaw pala."

            Nginitian ito ng dalaga. "Peace na tayo, ah? Iyong kiss, acting lang iyon," diretsang pag-amin nito. "Pati lahat ng sinabi ko, scripted."

            "Aha! Kaya naman pala," bulalas ni Johann. "Sige na, kalimutan na natin iyon. Kasabwat ka pala nila sa pagpapasaya sa'kin ngayon kaya, okay na. Absuwelto ka na. Basta huwag mo nang uulitin iyon."

            "Sorry talaga. Napilit lang. Basta, magkaibigan pa rin tayo?" tanong pa ni Czarina.

            "Oh, sure! No problemo!" nakangiting sabi ni Johann at saka ito niyakap saglit. "Ngayon, nagpapasalamat ako na binasted mo 'ko. Kundi, hindi ko makikilala si Misis."

            "Sabi sa'yo, eh. May mas tamang babae na para sa'yo."

            "Oo na. Huwag mo nang ulitin ang 'pambabasted' lines mo. Sige na. Alis na kami ng Misis ko. Mag-iingat ka lagi. Kumusta mo na rin ako kay Tito Ed."

             "Okay!"

            Hinila na siya ni Johann. "Let's go home, Misis. The bed is waiting," nakangising sabi nito.

            "Hey!" natatawang saway niya rito pero nagpapahila naman siya palabas ng restaurant kung saan ginanap ang reception nila. "Hahanapin nila tayo, Johann."

            "Hayaan mo sila. Habang naghahanap sila, tayo happy-happy na."

            "Why are you're so eager to have sex ba?" prankang tanong niya.

            Nilingon siya nito. "Sex ka diyan? Makikipag-make love ako sa'yo, ano ba?"

            "Pinagandang term lang ang 'make love'. It's still sex."

            "Kahit na, Misis. Parang ang harsh kasi ng 'sex' na salita. Parang walang pagmamahal," anito habang nasa parking lot na sila at hinahanap ang kotse nito. "Gusto mo ba kapag inaaya kitang makipag-make love, sasabihin ko, 'Misis, sex tayo!' Tsk. Parang walang puso naman. Di'ba? Di'ba?"

            "Ang dami mo talagang alam."

            "Pasensya na. Pogi na teacher lang."

            "Yeah, right."

            "Nasaan na ba iyong kotse ko?"

            "Dinala mo ba iyong car mo rito?"

            Natigil ito sa paghahanap at nilingon siya. "Hindi."

            "Eh, paano natin mahahanap? Ugh, stupid!" aniya pero natatawa siya. Wala naman pala roon ang hinahanap nilang kotse.

            "Ang harsh mo sa'kin, Misis. Iha-hard kita later, kita mo. Di 'ka makakatayo bukas."

            Napailing-iling lang siya. "So, paano tayo makakauwi?"

            "Mag-jeep tayo."

            Nanlaki ang mga mata niya. "You'll make me ride a jeepney while wearing my wedding gown?" gulat at maarteng sambit niya. "You're crazy!"

            "MRT na lang?"

            "Let's take a cab."

            "Eh, traffic sa EDSA.  Bukas pa tayo makauwi sa'tin kapag nag-taxi tayo."

            "Why not try a limousine?"

            Sabay na napalingon sina Sapphire at Johann nang marinig ang boses ni Ibarra.

            He was confidently standing beside a black limousine. "This limousine would take you to Amora Province. Just a forty-five minute drive from here. Puwede kayong mag-stay sa maliit kong villa doon, for your honeymoon, what do you think?"

            Nagkatinginan sina Sapphire at Johann.

            "Anong kapalit?" naghihinalang tanong ni Johann sa pinsan.

            Umangat ang gilid ng labi nito. "Just be happy loving each other." Binuksan na nito ang pinto ng likod ng limousine. "The driver would safely take you to Amora."

            "Bakit mo 'to ginagawa?" tanong ni Johann rito. "Una si Dylan at Lana. Tapos, kami. Ao ba 'to? Balak mo ba kaming isa-isahin?"

            "Now that you suggest it, why not?" He manly chuckled. "Dylan and you had your first weddings with very unlikely reasons. Makapangyarihan ang kasal. I just want you both to experience being married for the sake of love alone."

            "Ganoon?" di makapaniwalang sabi ni Johann. "Eh, bakit kailangang surprise pa sa'ming mga lalaki? May scripted pa na away?"

            "So, girls can see how you truly wanted them. Para umiyak kayo ni Dylan."

            "Iyon lang?"

            "Ang mga totoong lalaki, umiiyak. Iyon ang gusto kong makita ni Lana noon at ni Sapphire ngayon. Anong mas matindi pang pagmamahal sa lalaking hindi takot magpakita ng emosyon?"

            Nagkatinginan na naman sila ng asawa.

            "Mas marami siyang alam kaysa sa'yo," aniya kay Johann.

            "Oo nga, eh. May hugot. Ang deep!"

            "So, are you going to take my offer or not?"

            Mabilis na siyang hinila ni Johann papasok ng limousine.

            "Salamat, kuya Bari," ani Johann rito pagkasakay nila. "Kahit last year niyo lang ako nakilala na pinsan niyo, tinanggap niyo 'ko ng buo."

            "We're family. We're brothers in spirit."

            "Kikiligin na ba ako?" pakuwela pa ng asawa.

            Ngumisi lang si Bari. "Have fun," sabi nito at saka sinara ang pinto ng limousine.

            Nang umaandar na ang limousine papunta sa Amora ay nagsalita si Sapphire.

            "He seemed scary. Pero mabait pala siya?" aniya kay Johann.

            "Oo. Pero pakialamero. Pero, sige na lang. Maganda naman ang outcome." Inakbayan siya nito. "Saan ba iyong Amora? Ano ba iyon? Lugar ba iyon?"

            "It's a small province lang bago na lagpas ng kaunti sa Bulacan. Governor doon ang father ni Haley," sagot niya.

            "Ay, oo! Doon pala vice-mayor si Gideon. Amazing!"

            Idinantay niya ang ulo sa balikat nito. Inabot naman ni Johann ang isa niyang kamay. Their fingers intertwined. Sabay pa silang nakahinga ng maluwag.

            Siguro kasi, panatag na silang dalawa na mahal na mahal talaga nila ang isa't isa. And they're starting again a marriage that would last a lifetime.

            "Mahal kita," bulong ni Johann.

            "You have said that for a couple of times now."

            "Mahal kita," ulit na naman nito.

            Napangiti na lang siya at pinikit ang mga mata.

            "Mahal kita, Misis."

            Ang kulit talaga. "I love you, too, Mister."

***

"FLORELLA," basa ni Johann sa pangalan ng villa na pinagbabaan sa kanila.

            May isang babae na nagbukas ng black steel gate papasok doon. At sa pagkamangha nila ni Johann ay napapalibutan ng mga bulaklak ang buong lugar.

            "Wow. Parang flower garden," komento niya. Lahat ata ng klase ng bulaklak ay nakatanim doon. Makulay ang buong paligid dahil punung-puno ng mga bulaklak. Tanging ang pathway na nilalakad nila ang puwedeng daanan.

            Hinatid sila ng babae sa isang maliit na bahay na parang dome dahil pabilog ang hugis. Parang animated na bahay na nakikita lang sa mga cartoon shows. Pagkabukas ng pinto ay napakasimple lang ng loob. At may malaking kama sa gitna ng pabilog na bahay.

            "Kay Bari talaga 'tong villa na 'to?" tanong niya kay Johann pagkaalis ng babaeng nag-assist sa kanila.

            "Hindi rin ako makapaniwala, Misis," sabi nito habang nililibot ang tingin sa buong lugar na kompleto naman sa gamit. Maya-maya ay nagkibit-balikat ito at lumapit sa gitna ng kama.

            "Anyway, heto na Misis. This is the moment!"

            "H-Ha?"

            Lumapit sa kanya si Johann at hinila siya palapit sa kama.

            "Papipiliin kita. 'Galawang Johann version two-point-O' or 'Galawang Johann-pinaka-hot na version'?"

            Kumunot ang noo niya. "What's the difference?"

            Umangat ang kamay ni Johann sa nakatali niyang buhok. Inalis nito ang tali niyon at bumagsak ang mahaba niyang buhok. "Parehong dirty pero mas hard iyong isa," nakangising sabi nito habang umiikot na ang kamay nito sa zipper ng gown niya sa likod.

            Napalunok si Sapphire. Hindi niya na alam kung nagjo-joke pa ba ito dahil kakaiba na ang tingin nito. His eyes were suddenly full of passion.

            "I-It's my first time....s-so, I'm going to chose the hard one," pilyang sabi niya. Trying to avoid the nervousness in her system. She trusts Johann. She's safe with his friendly gay husband.

            Ang lakas ng tawa nito. "Hard pa gusto, ah!"

            Napatili si Sapphire nang buhatin siya nito at ihiga sa kama. Pagkatapos ay dahan-dahan nitong hinila ang wedding gown niya hanggang sa underwear na lang ang suot niya. Then he went on top of her.

            "Ready ka na bang ma-Johann?" tanong pa nito habang hinuhubad ang coat at ang iba pang damit sa ilalim niyon.

"Y-yeah. I think so." Nakahubad na siya, eh. Sino pa bang hindi ready?

Wala na rin itong suot pang-itaas. As usual, underdeveloped man ang abs nito na halos wala talaga, still, maganda ang katawan nito.

Hindi niya rin alam kung paano mabilis nitong naalis ang suot na male slacks. Tinitigan siya nito sandali at saka siya hinalikan ng buong alab sa mga labi. Nagdikit ang mga hubad nilang dibdib and a tingling spark happened.

Lumayo sandali sa kanya si Johann at hinila nito ang comforter. Nakangisi ito habang nasa ibabaw niya pa rin. "I love you, Misis. Ready ka na talaga? Final answer na?"

"Ugh! Come on! Just shut your mouth and make love with me!" nabibitin na sabi niya.

            Kaylaki at lapad ng mga ngiti nito. "Ito na! Galawang Johann time! Happy birthday to me!" sabi pa nito at saka tinaklob ang comforter sa kanilang dalawa.

            And under the sheets, Johann's hands, mouth, and 'big pride' did the moves that made Sapphire moan, laugh, shout, scream, and love her husband more.

***

Follow my official FB Pages:

FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

2.6K 196 5
Reposting from Patreon. MULTIPLE POVs ♥ Sabrina Dardenne-Mendoza ♥ Jaesie Rosenthal-Dardenne ♥ Kyline Chua-Scott ♥ Melanie Vizcarra-Lauchengco 10/11...
824K 28.6K 47
#1 in Mystery 08/05/2018 #1 in Thriller 12/12/2018 Published (Necropolis - Viva Books) ⭐UPG Trilogy Book 1⭐ Kinailangang mag-transfer si Arle...
3.7M 88K 19
Saan dadalhin ng twelve years age gap ang pagmamahal ng mapaglarong si Haley sa respetadong vice-mayor na si Gideon? Written ©️ 2014 (Published 2017...
558K 27.5K 44
1/3 of Lord Series "He's like a lightning. He will strike you once and it's either you'll be destructed or you will be marked. In my case, I am both...