EUL III - Abused [BOYXBOY] [C...

By RainIV

36.6K 1.8K 960

#1 IN ROMANCE After he has succeeded his father's chairmanship in the Madrigal-Espinosa Group of Companies, t... More

PROLOGUE
EULIII1
EULIII2
EULIII3
EULIII4
EULIII5
EULIII6
EULIII7
EULIII8
EULIII9
EULIII10
EULIII11
EULIII12
EULIII13
EULIII14
EULIII15
EULIII16
EULIII17
EULIII18
EULIII19
EULIII20
EULIII21
EULIII22
EULIII23
EULIII24
EULIII25
EULIII26
EULIII27
EULIII28
EULIII29
EULIII30
EULIII31
EULIII32
EULIII33
EULIII34
EULIII35
EULIII36
EULIII37
EULIII38
EULIII39
EULIII40
EULIII41
EULIII43
EULIII44
EULIII45
EULIII46
EULIII47
EULIII48
EULIII49
EULIII50
EPILOGUE

EULIII42

522 45 42
By RainIV

-

"Hide Eul... and wait for me..."

-

Third Person's POV

Sa narinig na sigaw ni Spiro ay hindi agad nakapag-react si Cassey. Nakita niya nalang ito na tumakbo pataas ng hagdan at mabilis na kumilos upang hilain ang taling nakausli sa kisame.

Nang makagalaw ay mabilis niya na ring sinundan si Spiro. Tumambad sa kanila pareho ang panibagong hagdan na isa-isa nilang hinakbangan paakyat.

Malakas na ubo ang pinakawalan ni Spiro nang masinghot ang hindi pamilyar na amoy. Nanginginig at sobrang nagiinit ang kaniyang buong katawan.

Nang makasampa sa sahig ay wala siyang sinayang na sandali. Natakot pa siya na baka ito ay isang muling pantasya na gusto niyang maging reyalidad.

Dahan-dahan niyang tinahak ang daan palapit sa malaking higaan. Mabilis ang kabog ng dibdib at hindi mapigilan ang sariling hindi maluha sa samu't saring ideyang tumatakbo sa kaniyang isipan.

Sa isang iglap ay napako siya sa kinatatayuan habang nakatitig sa nakaaawang si Eul. Ang luhang ilang linggong naipon ay tuluyan nang rumagasa. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makapagsalita sa gulat.

Nakita pa siya ni Cassey na umiiyak kaya't taka itong tumingin sa tinititigan ni Spiro at walang ano-ano'y tumakbo sa kinaroroonan nito at niyakap ang kaibigang walang malay na si Eul. Tinakpan niya pa ang ari nitong nakabalandra.

"Eul!" Sigaw ni Cassey upang bahagyang gisingin ngunit hindi nagtagumpay. Kinapa pa niya ang leeg ni Eul at napahinga nang malalim nang maramdaman ang pulso nito.

Parehas nilang pinagmasdan ang buong katawan ni Eul. Puno ng mahahabang pasa at sugat. May mga bakas pa ng kagat sa magkabilang leeg nito maski na sa magkabilang braso.

Bahagya pang dumudugo ang mga iyon na sa isip nilang pareho ay sariwang sariwa pa.

"Spi..." mahinang sambit ni Cassey sabay tingin kay Spiro. Napakuyom nang mahigpit ang parehong kamay ng huli at muling naglakad palapit sa kinaroroonan ni Eul.

Pinagmasdan niya ang leeg nito na walang awang kinagat ng demonyo. Lumunok pa siya ng ilang ulit at napaluhod sa uluhan ni Eul.

"Eul... why..." lumuluhang turan ni Spiro at hinimas ang ulo ni Eul. Payapa parin itong natutulog. Tinitigan niya ang maamong mukha ng minamahal at mas lalong naiyak sa malupit na sinapit nito.

"Papatayin ko gumawa sa'yo nito..." umiiyak ngunit ubod ng tigas niyang pagkakasambit.

"Spi..." pagaalo naman ni Cassey sa kaibigan sabay marahang himas sa likod nito.

"All these time... buhay siya... ginagago lang siya ni Itchan... binababoy lang siya ng putanginang 'yon!" Puno ng galit na bigkas ni Spiro habang nakatitig sa kawalan. Tumayo siya at muling iginala ang mga mata sa loob ng madilim na silid habang si Cassey naman ay lumuluhang yakap ang kaibigan.

Nasa kalagitnaan siya ng pagaanalisa sa silid nang makarinig ng malakas na tunog na nanggaling sa labas. Mabilis na nagtitigan ang dalawa at nanlaki ang mga mata sa napagtanto.

"Itchan..." marahang sambit ni Cassey at kinakabahang tumayo.

Walang sinayang na sandali si Spiro at walang ano-ano'y binuhat ang kawawang si Eul. Binalot niya pa ang katawan nito ng kumot.

"Cassey... tara na..." mahinang wika ni Spiro at dahan-dahang naglakad pababa ng hagdan. Nasa likod niya si Cassey at parehas na iniiwasang makagawa ng ingay.

Ilang hakbang pa ay nasa bukana na sila ng solidong pinto nang parehong tumigil. Nakarinig sila ng mga yapak na sa tantiya nila ay isang palapag nalang ang layo sa kanila. Si Itchan.

Tinitigan ni Spiro si Cassey at mariing umiling. Nilagay pa nito ang kaniyang hintuturo sa mga labi para patahimikin ang kaibigan. "Shhh... kaya mo ba si Eul?" Tanong ni Spiro.

Hindi pa nakakasagot ang huli ay agad na binigay niya ang minamahal sa kaibigan. Pagkuway na ininda pa ni Cassey ang bigat ni Eul ngunit ginamit ang buong lakas upang mabuhat ito. Nang mapunta ang tingin sa gawi ni Spiro ay wala na ito sa kaniyang tabi.

Si Itchan naman ay napatigil nang mapansing nakauwang ang bakal na pinto. Tumingin siya sa kaniyang magkabilang gawi at dahan-dahang yumuko. Kinapa ang kaniyang likod at nilabas ang baril.

Kinasa niya pa 'yon na narinig naman ni Cassey. Mariin pa itong napapikit habang yakap-yakap si Eul.

Naglakad si Itchan nang dahan-dahan at siniguradong walang kaluskos na magagawa. Tinutok ang baril sa kaniyang harapan at tila'y handang paputukin ito sa kahit na sinong makikita.

Si Spiro naman ay hinihingal na sumandal sa malaking poste. Pilit na pinakikiramdaman ang presensya ni Itchan. Nang marinig ang kasa ng baril ay napapikit siya nang mariin.

Sumulyap siya sa bawat espasyo at pinanood si Itchan. Hindi ito pwede... buhay pa si Eul... kailangan naming mabuhay. Sa isip-isip niya at dahan-dahang umupo upang tanggalin ang sapatos.

Binato niya iyon sa gawing likod ni Itchan na ikinalingon nito. Naglakad pa ang huli patungo sa pinanggalingan ng tunog. Hindi niya inalis ang kaniyang tingin sa dating kaibigan hanggang sa makita nito ang sapatos na kaniyang binato.

Walang sinayang na sandali si Spiro at mabilis na tumakbo sa gawi ni Itchan. Sa gulat ay hindi agad nakagalaw ang huli kaya't matagumpay itong napatumba ni Spiro.

Tumalsik ang baril sa kung saan kaya't kinuha niya ang pagkakataon na pasalubungan ito ng malalakas na sapak.

"Putangina mo!" Paunang sigaw nito sabay pakawala ng mabigat na suntok sa pisngi nito. "Binaboy mo si Eul!" At sa kabila. Tumalsik pa ang dugo sa bunganga nito.

Saglit siyang tumigil upang pagmasdan ang mukha nito ngunit mas lalong nanggigil nang makita ang nakangiti nitong mga labi.

"Papatayin kita!" Muling usal ni Spiro at pinasadahan ng sunod-sunod na kamao si Itchan. Tumama ito sa buong parte ng kaniyang mukha. Maski ang ilong ay nasira na. Nagawa pang hawakan nang mahigpit ni Spiro ang ulo nito at ilang beses na inuntig sa sahig. Buong lakas at walang pagiimbot na nilabas ni Spiro ang lahat ng galit at pagkamunghi sa dating kaibigan.

Samu't saring sugat pa ang tinamo nito sa bawat parte ng ulo. Nang hindi na makagalaw ay tinadyakan pa siya ni Spiro sa mukha at mabilis nang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Eul.

Lingid sa kaniyang kaalaman ay hirap na hirap na gumapang ang demonyong si Itchan at pilit na inabot ang baril. Dumudugo ang buong mukha, nahihilo at nanghihinang nakuha ang pamatay na armas. "Uhhh!" Buong lakas pang ungol na pinakawalan ni Itchan sabay pihit dito.

Malakas na tunog ang namayani sa palapag na gumising kay Eul. Bumungad sa kaniya ang takot na takot na si Cassey habang yakap siya. Hindi agad rumehistro sa kaniyang utak ang nangyayari at hindi maiwasang hindi maisip na siya ay nasa isang panaginip.

"Ca-Cassey?" Nanghihinang turan ni Eul na kinaangat ng ulo ng kaibigan. Ang takot sa mukha nito ay mabilis na napawi. Nanlalaking mga matang tinakpan niya ang bibig ni Eul ngunit huli na.

Nang bumagsak si Spiro ay nakarinig si Itchan ng pamilyar na boses. Bumuntong hiningang nilapag ang sariling ulo sa sahig at nanliit ang mga matang tumingin siya sa solidong pinto. Nawala ang atensyon kay Spiro na ngayon ay bumagsak malapit doon.

Tinamaan ito sa hita. Bumubulwak ang sangkatutak nitong dugo. "Fuck!" Reklamo pa ni Spiro sa sakit na nararamdaman. Napatingin pa siya sa sariling dugo na ngayon ay tila gripong tumatagas sa kaniyang hita. Ubod ng kirot.

Ang wala nang lakas na si Itchan ay pinanood nalang ang sunod na nangyari. Lumabas si Cassey buhat-buhat ang minamahal na si Eul.

"Spiro!" Sigaw pa ni Cassey sabay lapit sa kaibigang ngayon ay naliligo sa sariling dugo.

"Cassey... umalis na kayo dito..." mahinang sabi ni Spiro. Si Eul naman ay napatingin kay Spiro at naluha sa nakikitang kalagayan nito.

"Spi..." mahinang turan ni Eul. Napansin siya ni Spiro at ngumiti ng ubod ng tamis. Pareho pa silang lumuluhang nagtitigan.

Ilang sandali pa ay umiling si Spiro at sinita si Cassey. "Umalis na kayo!"

"No!" Bwelta naman ni Cassey ngunit napatigil nang marinig ang sunod na sinabi ni Spiro.

"Cassey... make sure na ligtas si Eul... kahit anong mangyari... 'wag na 'wag mo siyang ilalabas..." paunang bulong ni Spiro habang nakatitig sa minamahal na si Eul na muli namang binuweltahan ni Cassey.

"No! Paano ka?" Sabay tingin sa paligid. Nakita niya pa si Itchan na ngayon ay nakahigang nakatitig sa kanila. Hindi niya maiwasang hindi mapuno ng galit sa presensya nito.

"Cassey... kaya ko pa... ipasundo mo ako kay Kevin... fuck!" Sa huling sigaw ay hindi niya napigilang hindi mamilipit sa sakit na nararamdaman.

Tila naramdaman pa ni Eul ang panghihina ni Spiro. Gustuhin niya mang tulungan ito ay hindi siya makagalaw bagkus ay luha lamang ang tanging nailabas niya.

Pumikit pa si Spiro nang malalim upang tiisin ang kirot bago bumaling sa kaibigan at huling naglitanya.

"Hide Eul... and wait for me..."

-

Itutuloy

-

Continue Reading

You'll Also Like

730K 21.4K 47
#1 out of 7.19k stories in boyxboy. Updated on April 12, 2020 12:25AM #7 out of 4.38K stories in boyxboy #1 out of 185 stories in ManxMan Updated in...
62.4K 2.9K 31
ᴅᴀɴɢᴇʀᴏᴜs ᴍᴀɴ sᴇʀɪᴇs ••• "With you, all my playtime is over." - Alfred Tale
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
61.6K 3.3K 28
[BXB] [MPREG] [COMPLETED] Si Cryle ay hamak na bakla lamang, mahirap at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ano ang mangyayari sa kanya? Paano kung mala...