Everything has Changed

By hyacinthdreamer

19.4K 988 1K

What would you do, if the man you love is the same man who will break your heart? They say love will change y... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
DISCLAIMER
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31

CHAPTER 17

368 25 45
By hyacinthdreamer

"Three points for Montenegro!"

"WAAAAHHHHHH!!!!!!"

"GO MONTENEGROOOOO!!!!"

"GO BEBE SILVEEEEER!!"

"GO USTTTTTT!!!"

Halos mabingi ako sa lakas ng sigaw dito sa loob ng gym nang makapag-three points shot ulit si Silver sa limang pagkakataon.

Kahit ako man ay nakatayo na at nagtitili. Alam kong magaling maglaro si Silver kaya siya naging Team Captain, pero di ko naman inaasahan na ganito siya kagaling at halos lampasuhin niya na sa loob ng court ang mga taga ADMU.

"Kyaaaaah!!! Go Silveeeerrrrrr!!!" At halos mamaos na din si Jen kakasigaw sa tabi ko. 

Tinignan ko ulit ang score-board, 92-101, in favor of Silver's team.

Nag time-out muna ang game, readying for the 4th/last quarter.

Tumakbo papalapit si Silver sa mga teammate niya na nasa baba lang namin. Eto naman kasing si Silver, binigyan kami ng upuan pero nasa harapan talaga. Sa sobrang lapit, halos nakikita ko mga pawis nila mula sa noo pababa sa katawan nila. 

"Bes, ba't di mo pa pinapakita tarpaulin mo? Last quarter na oh!" 

Tinignan ko ang tarpaulin na nasa upuan ko lang, nahihiya akong ipakita to. Pero sayang naman kasi pinagpuyatan ko to.

"Sa tingin mo, Jen, okay lang kaya kay Silver pag nabasa niya yung nakasulat?" Nakakamot sa ulo kong tanong.

Hinampas nama  ako mg mahina ni Jen sa balikat at nag roll eyes. "Oo naman bes noh! Ako kaya ang naka-isip sa sinulat mo kaya malamang masisiyahan si Silver pag nakita yan!" 

Yun na nga eh. Si Jen ang nagpumilit sa isusulat ko sa tarpaulin kaya mas lalo akong nagdadalawang-isip kung tama ba na sinunod ko siya.

Di ko na sinagot si Jen at tumingin na kina Silver na seryosong-seryosong nakikipag-usap sa mga teammate niya. Halos isa-isa niya itong kinakausap sabay turo doon sa court. Parang nagpaplano ata siya. Ang coach nila ay nakikinig at minsan sumasabat habang may hawak na parang board na may nakaguhit na basketball court. 

Napatingin naman ako sa kabilang team, ang mga taga Ateneo. Parehas ni Silver ay busy din kakasalita ang Team Captain nila. Halos klaro na ang ugat niya sa leeg kakasalita. Marahil ay tensed na din siya dahil last quarter na at dehado pa sila.

Napalingon ako kay Jen nang kumalabit ito sa akin at may nginunguso. "Tignan mo bes oh." 

Tinignan ko ang tinuturo niya at nakita ko si Silver na papalapit sa amin. 

Mali…

Sa akin pala.

"Cheer for me on the last quarter, okay?" 

Tumango naman ako. Kahit di niya sabihin, susuportahan ko naman siya.

"Oo naman. Galingan mo ah?" Nakangiti kong sabi sa kanya. 

Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya, si Jen naman ay halos itulak na ako kay Silver habang nagtitili.

"B-bakit?" Tanong ko nang makalapit na ako sa kanya. 

Dumukwang siya at hinaplos ang buhok kong nakalugay. Inayos niya ito at nilagay sa likod mg tenga ko. I can hear other people's gasp and whispers. Nagtataka siguro sila kung ba't ganito umakto si Silver sa akin. And not to mention suot ko pa ang isang jersey ni Montenegro.

Namula naman ang mukha ko at nagbaba ng tingin sa hiya. Sa pagkakaalam ko ay may Live sa Facebook ang laro, baka makita pa kami dito. 

"W-what are you doing?" 

He just shrugged. "Just wanna hold my lucky charm again." 

"Ay ang landi!!!" Dinig kong sigaw ni Jen sa likod ko. Humalakhak pa ito.

"O-okay." 

"Go back to your seat now, the game will start already." He said. Tumango naman ako sa sinabi niya at akmang tatalikod na nang may maalala ako.

"Wait lang, Silver." Tawag ko sa kanya. Tinignan niya naman ako na parang sinasabi niyang ituloy ko ang sasabihin ko.

"Ahm… pwede bang tumingin ka dito mamaya? May ipapakita lang ako."

 Naguguluhan man ay tumango ito at tumakbo na pabalik sa mga kasama niya. Ilang segundo nalang ay magsisimula na ang last quarter.

Pagkaupo ko sa upuan ay agad kong kinuha ang di kalakihang tarpaulin at nilagay sa harap ko. Mamaya ko na to ipapakita pag feel ko kailangan na. 

"Ano bes? Di mo pa ba yan bubuksan? Kakaloka! Pa suspense ka gurl?!" Natatawang sabi ni Jen sa akin. Di ko siya sinagot at napanguso nalang. Eh sa ayaw ko pa eh.

The last quarter started at randam mo na agad ang tensyon sa dalawang team. Halos di mo na makita kung sino ba talaga ang humahawak ng bola sa sobrang bilis nila kumilos.

Kinabahan ako nang sampung minuto nalang ay matatapos na ang laro at lamang ang mga taga Ateneo.

Nag time-out muna at diretsong nagsilapitan sila agad sa kanya-kanya nilang mga team. Si Silver ay hinihingal at alam kong pagod na ito base sa hitsura niya. 

Nakita kong tumingin sa akin saglit si Silver na parang nagtataka. Siguro iniisip niya kung bakit ko siya sinabihan kanina na may ipapakita eh wala naman akong hinahawakan ngayon.

Ngumiti ako sa kanya. "Later!" I mouthed silently. Nag nod naman siya at diretso nang tumakbo nang tapos na ang time-out.

Ako naman ngayon ang kinakabahan para sa gagawin ko mamaya. Jusko. Kailangan ko ba talagang gawin ang sinabi ni Jen? Pero bahala na. Ito nalang ang paraan ko para mapakitang sinusuportahan ko si Silver.

"Bes, gawin mo mamaya ah? Lagot ka sakin!" Biro ni Jen. Nakikita niya atang nagdadawang isip ako. Tumango lang ako sa kanya at ibinalik ang atensiyon sa laro.

Dalawang minuto nalang at lamang ang Ateneo nang dalawang  puntos. Naka'y Silver ang bola na hinaharangan din ng team captain ng Ateneo. 

Shit! Mukhang ngayon ko na ata gagawin!

Masyadong tahimik ang mga estudyanteng nanonood, tense na tense sila kakatutok kung makakalusot si Silver sa natitirang oras.

Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at sumigaw…

"YOU CAN DO IT CAPTAIN! GIVE ME A THREE-POINTS SHOT!!"

Then I opened my tarpaulin widely.

'Go Baby Silver! Win it!

#mycaptain❤
#yourbabe❤'

Alam kong pinagtitinginan nila ako dahil ako lang mag-isa ang sumigaw pero wala akong pake. Alam kong kabado si Silver at gusto ko siyang suportahan.

Lumingon sa akin si Silver at mabilis na binasa ang nakasulat sa tarpaulin at ngumiti ng napakalapad. 

Tumakbo ito sa pwesto kung saan wala masyadong nakabantay at pumwesto sa three points shot. Tumingin muna ito sa akin at kumindat bago sumigaw.

"This is for you, Babe!" And he shoot the ball.

3

2

1

*buzzed

"And Montenegro shoot the ball,again for three points!" Sigaw ng announcer.

"KYAAAAHHHHH NANALO TAYOOOOO!!!!" 

"UST! UST! UST!"

Kami naman ni Jen ay nagtatalon habang tumitili. 

"Oh my god! Nanalo boylet mo beees!!!" Inalog pa ni Jen ang balikat ko. 

Tumawa ako sa sinabi niya at tinignan si Silver na ngayon ay binubuhat ng mga kasama niya habang may hawak na trophy. He also won the 'MVP of the year'.

Halos lahat ng mga kasama namin ay bumaba at kinocongratulate ang team namin.

Kami nalang ata ni Jen ang natitira dito sa bench dahil ang iba ay umalis na at ang iba naman ay nakikisaya sa baba.

Nakangiti lang ako habang tinitignan ang masayang mukha ni Silver. Nakakahiya man ang ginawa ko kanina but I don't care. 

Mas importante si Silver kaysa sa hiya ko.

Nang binaba na si Silver sa mga kasama niya ay agad itong tumakbo papalapit sa amin na may malapad na ngisi.

"Congrats Silver ah! You deserved it!" Kaagad na sabi ni Jen nang nasa harapan na namin si Silver.

Ngumiti lang sa kanya si Silver. "Thank you, Jen." 

"Oh siya, maiwan ko muna kayo at may makikisali ako dun sa baba." Bumaba si Jen dala ang bag niya, sumenyas pa ito sakin at kumindat bago tuluyang umalis. I know she was giving us some privacy.

"Congrats Silver." Nakangiti kong bati sa kanya. Humakbabg ako para mas makalapit sa kanya bago inabot ang tarpaulin.

"Sa'yo na to. Remembrance mo sa akin." Nahihiya kong saad. 

Tumawa naman ng mahina si Silver at napa-iling. "Thank you, babe. In return, I'm giving this to you." And he handed me his 'MVP of the year' trophy.

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "P-pero sayo yan—"

"And I'm giving it to you. This is my way of saying thank you for your support." 

Wala na akong magawa at tumango na lang. Atleast meron na din akong gamit galing sa kanya.

"Capt! Halika muna dito!" Tawag ng isang kagrupo ni Silver sa kanya. Marahil ay mag-uusap sila kung saan magce-celebrate mamaya.

Nakatingin na sa amin lahat ang mga kasama niya at ibang mga estudyante.

Tumango naman si Silver. "Wait a second!"

"Punta ka na dun Silver. Mamaya nalang tayo mag-usap." Sabi ko sa kanya.

"Okay, Let's eat after we're done here, okay?"

Tumango lang ako sa sinabi niya at nginitian siya. "Oo naman."

"All right." At tumakbo na ito pabalik.

Nagtaka naman ako nang bigla itong huminto at humarap ulit sa akin...

At sa harap ng maraming tao…

Tinakbo niya ang distansya namin dalawa at niyakap ako habang hinalikan ako sa noo na siyang ikinamula ng mukha ko.

"Thanks again, babe." 

Nakarinig ako ang ilang hiyawan at nagsisipulan habang inuulan kami ng tukso.

"Yun oh! Dumadamoves na si Kapitan!"

"Iba talaga ang galawang Pilak!"

Ngumisi naman si Silver sa narinig niya at kinindatan ako.

Damn you, Montenegro!

Continue Reading

You'll Also Like

40.5M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...