Shattered Souls

Por KnightInBlack

4.3M 370K 275K

Cardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 2) *** Falsely accused of treason, betrayed by his own family, and later... Más

Work of Fiction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
NOTE

Chapter 11

100K 8.8K 7.3K
Por KnightInBlack

Chapter 11: Message

Ilang minuto na rin akong nakatingin sa kawalan. Palalim na rin nang palalim ang gabi. Binalingan ko ng tingin ang mga kawal na nakatumba rin sa tabi ko. May matinding lason ang mga palaso ko at siniguro kong tinamaan sila sa parte na hindi kayang labanan ang lason.

I counted all the arrows. Out of all the arrows I've released, I only had missed one.

If I had another set of arrows and a more lethal poison, I wouldn't hesitate to shot them again. I don't know what to feel. I am enraged and frustrated at the same time.

I lost another one.

"Ano'ng nangyari dito?"

Nakarinig ako ng mga hindi pamilyar na tinig sa likod, malamang na mga kawal. Gano'n pa man ay pinanatili ko ang tingin sa malayong bangin. There was nothing but darkness just like the feeling of emptiness inside me.

Someone grabbed my arms forced me to stand up. Napayuko na lang ako. Parang tinakasan ako ng lakas ngayon. Kahit na anong gawin nila sa akin ay hindi ako makakapagpumiglas. I am physically and emotionally tired. When was even the last time I had a good sleep?

"Sa 'yo ba ang mga palasong ito?" tanong ng isa sa kanila.

Suminghap ako pero hindi nagsalita. I could still her scream somewhere in my head. She stood up for me when everyone else was afraid. Meanwhile, I couldn't do anything but to watch her suffer. So fucked up.

"May lason ang mga palaso, Pinuno," dinig kong sabi ng isa pa.

"Magiging maayos pa ba sila?" tanong ng Pinuno.

"Hindi na sa tingin ko, Pinuno."

Mas naging marahas ang pagkakahawak nila sa braso ko.

Hindi. Hindi sila mamamatay. Walang lason ang makakapatay sa isang bampira kahit na saan sila puntiryahin. Matatagalan lang bago makabawi ang katawan nila pero hindi sila mamamatay. Mapaparalisa lang ang katawan nila pero hindi masasawi.

Damn. If only a poison that can easily kill a vampire exists. Nabasa ko na lahat ng libro pero walang paraan. There's only a specific kind of metal that can end a vampire. Iyon ang sandata na hawak ng mga kawal.

"This is an act of treason. Put her on ropes!"

Someone bent my arms on my back and tied them with ropes. They dragged me out of the woods and we headed to the Main. May sumipa sa binti ko kaya napaluhod ako.

"Ano'ng nangyayari dito?" tanong ng isa sa mga nagbabatay na kawal sa Main.

"Tumabi kayo!" May mga nagdatingan pang kawal at bitbit nila si Lady Feera na walang malay, may tama ito ng palaso sa dibdib. Kilalang-kilala ko ang palaso na 'yon dahil ako ang nagmamay-ari nito. "Natagpuan namin siyang walang malay sa kakahuyan! Ipatawag ang manggagamot ngayon din!"

Wait. What's happening?

Tumingin sa akin ang Pinuno ng mga kawal na dumakip sa akin. Dumiin ang pagkapula ng kanyang mga mata. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang panga ko. Parang babasagin niya ito sa tindi ng pagkakahawak.

"Bakit pati si Lady Feera ay dinamay mo?" madiin na tanong ng Pinuno.

Maging ako ay hindi alam ang sagot sa tanong na 'yon.

"Ano'ng kaguluhan ito? Natutulog na ako!" Lumabas sa bungad ng Main si Lady Grenda na nakapang-tulog na. Bumaba ang tingin niya sa akin at nakita ko ang pagdaan ng ngisi roon bago napalitan ng pagkagulo. "Lady Astra? Bakit ka nakagapos?"

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Bakit may tama rin ng pana ko si Lady Feera?

"Apat sa mga kawal natin ang kasalukuyan ngayong kritikal ang kalagayan dahil sa babaeng ito, Lady Grenda." Lumapit ang pinuno kay Lady Grenda at binigay ang pana ko. "Siya ang nagmamay-ari ng pana na tumumba sa mga kawal. Maging ang pana na nasa dibdib ni Lady Feera ay galing sa kanya."

Lady Grenda's lips slightly parted. I stared at her. She wasn't shocked at all.

"W-why would you do that?" Mas lumapit sa akin si Lady Grenda. Nakakagulat ang pagkahinahon ng kanyang boses. "Bakit ka may armas? Bakit mo tinumba ang mga kawal? At bakit pati si Lady Feera ay dinamay mo? Nahihibang ka na ba?"

Lumunok ako. No. There's something wrong here.

I didn't shot Lady Feera. Yes. It was one of my arrows but... I didn't do it. Not me.

Sasagot pa lang sana ako nang makita kung sino ang lumabas ng Main. Natikom ang bibig ko at tuluyang sumabog ang napakaraming katanungan sa isipan ko.

What the hell?

"A-Astra?" Si Blessy.

Shit.

"Bakit nakagapos si Astra?" natatarantang tanong ni Blessy. "Lady Grenda! Pinangako mo sa akin na hindi madadamay si Astra kapag nagsabi ako ng totoo sa mga pinuno!"

"A-ano'ng totoo, Blessy?" tanong ko. Maging sa boses ko ay madadama ang panghihina.

Lumungkot ang mukha nito. "Ang katotohanan na hindi totoo ang pambibintang ko kay Lady Grenda. Sinabi ko na gawa-gawa ko lang ito dahil naiinis ako sa kanya. Hindi siya ang may gawa sa peklat mo sa leeg."

Kahit kaunti ay nalilinawan na ako sa mga pangyayari.

"Some of my armies are in a critical condition." My gaze shifted to the man who just got out of the Main, Lord Behemoth. Beside him was Lord Sentero. "I'm sorry, Lady Astra, but I can't let this one pass."

"What do you mean, Lord Behemoth?" asked Lady Grenda.

"Are you admitting that you shot them?" tanong sa akin ni Lord Behemoth. Marahas ang tingin nito sa akin. Kung hindi lang ito nagpipigil ay baka nasaktan na niya ako. "If so, for what reason?"

"I-I thought—"

"You just admitted it." Lord Behemoth let out a heavy sigh. Umiling-iling pa ito na animo'y nabigo ko siya. "Now, I am asking you why did you do that? Why would you show your own kind?"

Bumaling ako kay Blessy. She's alive. That means... everything that happened was fake. Pinasunod nila ako sa gubat at pinakita nila sa akin na may tinapon sila sa bangin para gumamit ako ng dahas. They tricked me to do something that's forbidden.

It was a trap.

I stared at Lady Grenda. It's her idea.

"I am asking you, Lady Astra!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Lord Behemoth. "Bakit mo pupuntirhin ang mga kakampi mo? Hindi ba kakampi ang tingin mo sa kanila?!"

"Kumalma ka, Lord Behemoth. Mukhang nabibigla si Astra sa mga nangyayari," ani Lady Grenda bago mas lumapit sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Alam kong hindi naging madali ang buhay mo rito, Lady Astra. Pero umamin ka na... matutulungan kita."

"Aminin na ano?" tanong ko.

"Na ikaw ang mga mata ni Brix dito."

Tinikom ko ang bibig ko. I can see now where's this heading to.

"Spy?" Si Lord Sentero. "You are a spy?"

"Teka!" Lumapit din sa akin si Blessy. "Mukhang hindi tayo nagkakaintindihan dito. Paano magiging ispya si Astra? Hindi siya kailanman tumiwalag sa grupo namin. Lagi namin siyang kasama. Itataya ko ang buhay ko na wala siyang kinalaman kay Brixton."

"Lady Blessy..." Bumuntonghininga si Lady Grenda saka marahan na ngumiti. "Bumalik ka na sa tirahan niyo. Hindi ka na makakatulong dito. Maraming salamat sa pagsasabi ng totoo."

"Ano'ng gagawin niyo kay Astra?"

"Guard... pakihatid na si Lady Blessy," utos ni Lady Grenda.

Wala nang nagawa si Blessy nang kaladkarin siya ng mga kawal palayo. Habang ako ay naiwang nakagapos ay nakaluhod sa harapan nila. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pero alam kong hindi ito maganda.

"You should be punished," ani Lord Behemoth. "That's the only way to settle this."

"Pero Pinunong Behemoth, ang bilin ng anak ko ay huwag siyang sasaktan," pagtatanggol sa akin ni Lady Grenda. "It's one of his rules. Don't lay your hand on her."

"Pero ang mga kawal ko ang napahamak dahil sa kanya—"

"Kawawa naman si Lady Astra," ani Lady Grenda. "Baka mahirapan siya. Nakikiusap ako, Pinunong Behemoth. Bigyan mo siya ng ikalawang pagkakataon na patunayan ang sarili niya."

"Mapaparusahan siya o titiwalag ako sa pangkat niyo?" pagbabanta ni Lord Behemoth. "Hindi ko mapapalagpas ito nang gano'n lang. Maghihintay ako ng sagot." Saka na umalis si Lord Behemoth.

Lady Grenda shook her head as she turned her attention to me. She was not being sympathetic of my condition. Ibang tuwa ang nararamdaman ko sa lungkot na pinapakita ng kanyang mga mata.

"Susubukan ko lahat ng makakaya ko para hindi ka masaktan—"

"Why would you do that?" I asked.

"What do you mean?" pagmamaang nito.

I gritted my teeth. "It's you, right?"

"Nahihibang ka na talaga, Lady Astra. Parating na rin si Lord Oscar. Siya na ang magpapasya para sa 'yo..." Nilapit niya sa akin ang kanyang mukha. "Nakakaawa ka, Lady Astra. Good luck."

Tumalikod na rin si Lady Grenda at muling pumasok.

"Sa ngayon ay ikulong muna ang babaeng 'yan!" utos ng naiwan na si Lord Sentero. "Hangga't wala ang hatol para sa kanya ay mananatili muna ito sa selda."

Muling hinawakan ng mga kawal ang mga braso ko at sapilitan akong itinayo. Pagkatalikod ko ay si Lady Celeste ang agad na bumungad sa akin. Puno ng luha ang kanyang mukha.

"A-Astra..."

She was about to hug me when one of the guards stopped her. "Hindi niyo maaaring hawakan ang isang traydor, Binibining Celeste. Pero maaari niyo siyang bisitahin sa pihitan."

Hinila na ako uli ng mga kawal. Binalingan ko pa si Celeste. Wala rin itong nagawa kung hindi ang pagmasdan lang ako. Dinala ako ng mga kawal sa isang pamilyar na lugar. Ang dilim ay hindi na bago sa akin pero ang katahimikan ay ang mas lalong magpapabagsak sa akin.

They opened one of the cellars and pushed me in. Napaupo ako sa sahig pero agad ding bumangon.

"P-pwede niyo na lang bang kalagin ang tali sa kamay ko?" pakiusap ko dahil nangangawit na ako. "Pakiusap kahit 'yon na lang."

Nagkatinginan ang mga kawal at sa huli ay pinalaya rin nila ako. Nang makandado ang pihitan ay iniwan din nila ako agad. Umupo ako sa sulok at niyakap ang mga tuhod.

I stared at the only torch emitting light. Hirap pa rin ako lunukin ang mga pangyayari. Pero sa kabilang banda ay may tuwa sa dibdib ko. Masaya ako na buhay si Blessy.

I forced a smile as I rested my back on the cold floor. Hinarap ko ang pader sa gilid. Binaluktot ko ang katawan ko dahil medyo malamig sa lugar na ito. Hindi ko maatim na isipin na narito si Erikson sa loob ng halos isang taon.

"Hindi ka maaaring pumasok—"

I heard a noise coming from the guards outside. Someone's trying to get in here.

"Astra!" tinig ni Erikson. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko siya makita pero narinig kong ginalaw niya ang mga bakal ng rehas. "Astra! Harapin mo ako!"

I ignored him when I closed my eyes,

"N-not again..." I heard him whisper. "Fuck it! Just wait. I'll get you out of here—"

"I-I miss him..." Those words suddenly slipped out of my lips. It's always been there. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na aminin ito. "I miss him so much."

"A-Astra..."

I miss her, too.

"We need to talk to Lord Behemoth, Erikson." I heard Randolf. "Sumulat na rin ako kay Lord Oscar para agad silang makabalik. Pero sa tingin ko ay bukas pa ng hapon sila makakabalik. The trial will happen this morning."

"What trial?" asked Erikson.

"I've overheard that a third-degree punishment will be put on Astra's shoulder. That means... Lady Astra will be put in jail for six months. Still, it won't happen until Astra admits that she's Brixton's spy here. Pero kapag tumanggi rin si Astra ay mas pahihirapan siya para mapaamin. Si Lord Behemoth lang ang makakapagtigil nito."

"How's that possible? Wala silang katibayan na si Astra nga ang umatake sa mga kawal!"

"She admitted it herself. Nagising na rin si Lady Feera at siniwalat nitong si Lady Astra nga raw ang pumana sa kanya. Mas matibay na ngayon ang pagdiin nila kay Astra."

"No. No. I don't believe it. Astra isn't that kind of woman."

Mapait akong napangiti dahil sa sinabi ni Erikson.

"I know, Mr. Nadija. Pero hindi lang sapat na tayo ang naniniwala. Kailangan nating makausap si Lord Behemoth."

"Fine. Mauna ka na. Susunod din ako."

"Bilisan mo lang. Don't worry, Astra. We will do our best to save you."

Narinig ko ang mga palayong yabag ni Randolf.

"I don't want to promise anything now. Ayokong mabigo na naman kita, Astra."

"You never failed me, Erikson."

Suminghap ito bago nagsalita. "I will be back. I won't fail you this time."

Hindi na ako sumagot pa.

Nang makaalis siya ay agad din akong nakatulog. Nagising na lang ako nang marinig ang paggalaw ng kandado ng rehas. May umalalay sa akin na makaupo.

"Uminom ka muna, Astra." Celeste lent me a pack of blood. "Nagdala rin ako ng pagkain pero pinigilan ako ng mga kawal. Pasensya na kung dugo lang ang kaya kong ibigay."

Sinimot ko ang laman ng supot hanggang sa huling patak. May sumisilip na liwanag sa labas. Umaga na rin pala. Hindi ko inakalang makakatulog ako rito.

"M-magiging maayos din ang lahat, Astra..." ani Celeste. Pigil na pigil itong umiyak. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos. "P-patawad kasi hindi na kita matutulungan sa ganito."

Umiling ko. "Salamat, Celeste. You've been so good to me. I won't forget it."

Napatayo si Celeste nang pumasok ang dalawang kawal. Tumalikod agad ito nang makita niyang ginapos na naman ako sa lubid. Nakita kong umiiyak na naman ito bago umalis.

"Mas mapapadali ang lahat kung aamin ka, Lady Astra," sabi ng isang kawal. Isa itong Nightfall guard. Kita ko ang pag-aalangan sa kanyang mukha. "Pakiusap, umamin ka na lang para hindi ka masaktan. Makukulong ka lang naman nang ilang buwan."

"Bakit ba nangangatog ka diyan?!" singhal sa kanya ng isa pang kawal na mula sa ibang pangkat. "Mas matakot ka kapag nakawala ang isang 'to. Si Lord Behemoth mismo ang pupugot sa ulo mo."

"Isa ako sa saksi nung gabing 'yon, hangal! Wala kang alam!"

"Wala akong pakialam! Halika na. Ihatid na natin ito!"

Lumabas na kami ng madilim na pihitan. Nakayuko lang ako at iniiwasan ang mapanuring mata ng mga madadaanan namin. Naririnig ko pa ang bulong ng mga ito. Taksil.

"Lady Astra!" Agad na pinigilan ni Lola si Blessy nang lalapit ito sa akin. "Patawad, Lady Astra! Ang akala ko ay tutupad siya sa usapan pero hindi pala." Lumuhod ito habang umiiyak. "S-Sorry..."

Napatingin ako sa batong bumagsak sa akin. Ang isa ay nadagdagan hanggang sa hindi ko na mabilang ang mga batong bumabagsak sa akin galing sa ibang mga babaeng tagapagsilbi.

They have been calling me names such as traitor, bitch and a spy.

Mabuti na lang hinarang ng mga kawal ang kanilang kalasag para hindi ako gaanong matamaan. Napangiwi ako nang may dumapo sa noo ko. Agad kong naramdaman na may umagos doon.

"Lumayo kayong lahat!" Napatingin ako sa sumigaw. Si Celeste na madiin ang tingin sa mga babaeng tagapagsilbi. "Lahat ng mga nagbato ay sumunod sa akin ngayon din!"

"Ang bango ng dugo mo," dinig kong bulong ng isang kawal.

Pumunta kami sa battle arena kung saan nakaabang ang mga pinuno na hahatol sa akin. Pumirmi ang tingin ko kay Lady Feera na nakatayo sa likod ni Lady Grenda. She looked good now.

Umiwas ito ng tingin.

Muli nila akong pinaluhod sa harapan ng mga pinuno. Suminghap ako. Walang-wala ito sa mga dinanas niya. Hindi ko maisip kung ano ang naramdaman niya nung gabing tinalikuran siya ng lahat.

"Bakit dumudugo ang noo niya?" tanong ni Lady Grenda.

"Ang mga babaeng tagapagsilbi..." sagot ng isang kawal.

"Ang bad naman nila..." Hindi niya naitago ang ngiti.

The leaders are back again. I immediately roamed my eyes around to look for a specific woman but I don't think she's around. Hindi pa ba siya nakakabalik?

"Kung si Lady Christy ang hinahanap mo ay pinagbawalan na siyang bumalik dito," sambit ni Lady Grenda nang mapansin na may hinahagilap ang mga mata ko. "Wala na rin naman siyang maitutulong dito. Pabigat lang siya."

"Where's Nigel? My son?" dinig kong tanong ni Lord Hezuera.


"Ang sabi po niya ay hahanapin niya si Lord Oscar," sagot ng isa sa mga kawal. "Malamang na kasama na niya ito ngayon at pabalik na rin ito. Wala kayong dapat ipangamba, Pinunong Hezuera."

"Umpisahan na ang paglilitis," madiin na sambit ni Lord Behemoth.

Tumahimik na ang lahat. May isang lalaking pumunta sa harapan at may hawak na kulay kayumangging papel na nakarolyo. Unti-unti niya itong binuksan at binasa.

"Narito ngayon sa harapan niyo ang nasasakdal na si Binibining Astralla Martin ng pangkat na Nightfall sa salang katiwalian at pag-anib sa ating kalaban. Inaamin mo ba ito, Binibining Astra?"

All eyes are on me now. They are all waiting for one answer.

"Inamin mo na kagabi na ikaw nga ang pumuntirya sa mga kawal ko," ani Lord Behemoth. "Ang gusto na lang naming marinig ngayon ay ang pag-amin mo na ikaw ay espya ng aming kalaban."

"One more thing..." Lady Grenda added. "Why did you attack Lady Feera, too? You just made things worse. Maging ang iyong ka-clan ay inatake mo na rin."

I ignored their interrogations. Ginala ko uli ang tingin ko sa paligid. Nasaan sina Erikson at Randolf?

"Tinanong ka ng mga pinuno, Binibining Astra."

"Gusto ko munang marinig ang 'yong sasabihin, Lady Feera," untag ni Lady Grenda. "Ano ba talaga ang nangyari kagabi? Maaari mo ba itong isiwalat sa lahat?"

Napatingin kami kay Lady Feera nang magsalita ito. "Sinusuri ko ang mga tagapagsilbi kagabi gaya ng madalas nang bigla kitang makita na tumatakbo, Lady Astra. May hinukay kang armas at dahil nahuli kita ay sinibat mo ako, maging ang mga kawal na nakakita sa 'yo at pinuntirya mo na rin."

"A traitor!" yelled by Lord Behemoth.

"Inaamin mo ba ito, Lady Astra?"

"Umamin ka na, Lady Astra," udyok ni Lady Feera. "Patatawarin naman kita sa nagawa mo. Alam kong nagulat ka lang din at natakot na magsumbong ako."

"Talaga ba?" May isang babaeng lumitaw sa gilid ng mga kawal. Siya ang isa sa mga anak ng pinuno. Ang babaeng mailap na kinatatakutan din ni Prince Nigel Hezuera.

"Lady Vienzara. Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Lord Vienzara.

"We have a witness here!" Lumitaw rin sa gilid niya si Erikson na madiin ang tingin kay Lady Feera. "Isa siya sa mga saksi sa totoong nangyari kagabi. Pakinggan niyo rin siya!"

Nabahala ang mukha ni Lady Feera. Maging si Lady Grenda ay hindi nakapagsalita. I guess the tables turned around now. But I am also curious. What really happened to Lady Feera?

"Ano'ng ibig mong sabihin, anak?" tanong ni Lord Vienzara. Nakita kong nasisiyahan ito sa pinapamalas na lakas ng loob ng anak. "Huwag kang matakot magsabi ng totoo."

"Hindi lahat ng detalye ay alam ko," banggit ni Lady Vienzara. Lumipat ang tingin niya sa akin. "Nakita kong unang hinukay ni Lady Feera ang mga palaso mo. Nakita ko rin na siya mismo ang tumusok ng palaso sa kanyang dibdib."

I knew it.

"Sinungaling siya!" sigaw ni Lady Feera na nangingilid na ang luha. "Gumagawa siya ng kwento para pagtakpan si Lady Astra. Walang katotohanan ang kwento niya."

"Inaakusahan mo bang nagsisinungaling ang anak ko?!" tumaas ang tinig ni Lord Vienzara.

"Y-you lied, Lady Feera?" tanong ni Lady Grenda. Namumula na rin ang mukha nito.

"L-Lady Grenda..."

"Kung gano'n ay bakit inatake ni Lady Astra ang mga kawal ko?" naguguluhang tanong ni Lord Behemoth.

"Tinangkang sagipin ni Lady Astra ang isa sa mga kaibigan niyang dinakip ng mga kawal niyo, si Lady Blessy." Napatingin ako kay Lola na humakbang din sa harapan. "Isa itong patibong para mapalabas si Lady Astra at gumamit ng dahas."

Napatingin si Lord Behemoth kay Lady Grenda. "A-ano ang ibig sabihin no'n? Ikaw ang nagpapunta kay Lady Blessy sa Main para linawin na wala kang kinalaman sa pananakit kay Lady Astra."

"Gano'n na nga." Lumunok si Lady Grenda bago tumayo. "Pero mukhang nilason ni Lady Feera ang utak ng mga kawal para baliin ng mga ito ang utos ko."

"Lady Grenda!"

"Manahimik ka, Lady Feera! Hindi ba naiinggit kay kay Lady Astra? Ito ang dahilan kaya gusto mo siyang mapahamak! Hindi ko inakalang maging sa akin ay magsisinungaling ka."

"Pareho tayo—" Hindi na pinatapos ni Lady Grenda si Lady Feera. Agad nitong hinugot ang espada ng kawal na malapit sa kanya at tinusok ito sa dibdib ni Lady Feera. Tumumba ito agad at hindi na nasabi ang katotohanan na... kasama si Lady Grenda sa plano na ito.

Katahimikan ang sumunod na nangyari.

"Andito na si Lord Oscar!" Sumulpot bigla si Nigel. Nakangiting lumapit ito sa akin at kinalag ang pagkakagapos sa akin. "Lagot sila ngayon, Astra. Sinumbong ko sila."

Lord Oscar finally came into the scene. Una nitong tiningnan ay si Lady Grenda bago bumagsak ang tingin kay Lady Feera na walang buhay. Hindi ito nagsalita pero ramdam ko ang pagpipigil nito sag alit.

"Look at Astra, Lord Oscar," madiin na sambit ni Erikson. Nakakuyom ang mga kamao nito. "Is this what Nightfall Clan has become? Ito ba ang gusto mo sa mga nasasakupan mo?"

Oscar didn't look at me.

"Why don't you look at her, Milord?" pang-aasar pa ni Erikson. "You have put me in jail for months. Wala kang narinig sa akin. But I don't think this one is acceptable. You hurt Astra."

"Walang kasalanan si Astra. Si Lady Feera—"

"Shut up, Mrs. Phoenix," Erikson shut her off. "You still have time, Lord Oscar Cardinal. Do you really care for this clan? If so... you know what to do now."

Madiin na tiningnan ni Lord Oscar si Lady Grenda na umiwas ng tingin.

"I will just say it once..." Finally, something came out of my lips. Diretso kay Lady Grenda ang tingin ko. Pinunasan ko ang dugo sa noo ko. "Don't touch my friends."

Inirapan lang ako nito.

"What do you mean close all the passages?" asked by Lord Hezuera.

That's the moment Oscar looked at me. The stillness of his eyes shifted into burning red. He suddenly withdraw his sword and shouted, "All of you, be prepared!"

"What's happening?" asked by Nigel.

I was confused at first but when I saw the crawling fog on our feet, I've had flashbacks. Mabilis na tumataas ito. Pinaligiran ako agad nila Erikson at Randolf.


"I-it's happening again..." whispered by one of the guards.

"Tumakbo na tayo!"

I sniffed when the fog filled our eyes. No one was suffocated unlike the last time. Payapa ang hamog na ito. Binulag lang nito ang aming paningin at pang-amoy.

What's this?

Tumagal nang ilang minuto ang hamog bago ito naglaho. I thought that was all. Napansin kong nakatulala ang lahat sa pinakadulo ng arena kaya sinundan ko ang tingin nila.

I gasped when I saw Lord Behemoth's head on a spike. His blood was dripping on a message below it.

"Welcome to The Unus."

Seguir leyendo

También te gustarán

25.6M 304K 72
Now a published book under Summit Media. Php 195.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) 3W8L Book 2 is divided into two parts, so th...
22.8M 331K 64
Published under Summit Pop Fiction (English, P175). Grab a copy now!
41.5M 828K 61
Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.
14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...