Chapter 15

96.3K 7.8K 3.5K
                                    

Chapter 15: The Woman in White Cloak

Lady Grenda was a witch... literally. Not just a witch but she was once the most powerful one. Bakit ngayon ko lang ito nalaman? Wala pa akong narinig na ganito kahit na kanino.

"As far as I know, she stopped practicing witchcraft a long time ago," saad pa ni Pinunong Bermudo. "I don't know the reason behind but that doesn't mean... she can no longer play with spells."

Kung gano'n ay masyado ko siyang minaliit. She shouldn't be taken lightly. I wonder if Brix knew about this or even Oscar?

"We should go now," pagputol ni Abel sa paglalim ng iniisip ko. "Kailangan nating makabalik bago sumikat ang araw. Hindi naman malayo 'yon pero hindi magiging madali ang pagpasok sa teritoryo nila."

Tumango ako. Inalog ko ang ulo ko. Ang dapat ko munang isipin ngayon ay ang kalagayan ng anak ko. Kailangan naming mahanap si Ginang Melendez dahil siya lang ang makakatulong sa amin.

Dinala sa akin ng isang kawal si Servena at ang isa namang kabayo pa ay kay Abel. Nauna akong sumakay sa kabayo. Bumaling ako kay Abel na nahuli kong nakatingin din sa akin.

"What?" I asked him.

Umiling ito. "Brix is so lucky to have you."

"Why?"

He just shrugged his shoulders.

Lumabas na kami ng tarangkahan. Nauuna sa akin si Abel habang nakabuntot lang ako sa kanya. Inisip ko ang mga maaaring mangyari. Lady Melendez is a witch and that means the territory we are about to enter in is the place of witches.

"Will they let us it?" I asked.

Witches and vampires are never in a good agreement. Though the rivalry between them is not as tough as with werewolves but still. I really don't think this will be easy.

"We will try," Abel responded. "Hindi tayo titigil hanggat hindi natin nakukuha ang sagot sa tanong."

"Hindi natin sila guguluhin, Abel," agap ko dahil parang nagbabanta ang boses nito. "We won't force them. They need to let us in voluntarily."

I heard him chuckle. "Of course."

After almost two hours of running inside the woods. Abel finally halted his horse. Hininto ko rin si Servena. I roamed my eyes around. I can't see anything aside from the trees.

"Andito na ba tayo?" tanong ko.

"Dito na nga."

Suminghap ako. I knew their place will be strange but I didn't expect it to be like this. Pakiramdam ko ay may salamangkang nakabalot sa paligid at ito ang dahilan kung bakit mga puno lang ang nakikita namin.

"Can you let us in?" Abel asked.

The gushing wind became sturdier as we stood here longer. Tila umaalon ang mga sanga ng puno dahil sa lakas ng hangin. Gano'n pa man ay walang nagpakita sa amin o sumagot man lang.

"Wala kaming ibang kailangan sa inyo. We just need a few answers to our questions," Abel continued talking to the wind. "We are from Esparago Clan. Alam kong alam niyo ang pangkat na 'yon."

Mas lalong lumakas ang ihip ng hangin, parang tinataboy na kami nito palayo.

Suminghap ako bago nagsalita. "Kailangan naming makausap si Ginang Melendez."

Biglang tumigil ang pag-ihip ng hangin. Ngayon naman ay tila hinigop lahat ng hangin kaya bumigat ang paghinga namin. Mabilis na may naamoy akong presensya sa paligid.


"Ano ang kailangan niyo?"

Hinila ko si Servena at tumalikod. Naabutan ko ang isang lalaking may hawak na lampara. May kwintas itong suot na umiilaw. Nakakapa itong kulay itim. Seryoso ang tingin nito sa akin.

Shattered SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon