Chapter 11

100K 8.8K 7.3K
                                    

Chapter 11: Message

Ilang minuto na rin akong nakatingin sa kawalan. Palalim na rin nang palalim ang gabi. Binalingan ko ng tingin ang mga kawal na nakatumba rin sa tabi ko. May matinding lason ang mga palaso ko at siniguro kong tinamaan sila sa parte na hindi kayang labanan ang lason.

I counted all the arrows. Out of all the arrows I've released, I only had missed one.

If I had another set of arrows and a more lethal poison, I wouldn't hesitate to shot them again. I don't know what to feel. I am enraged and frustrated at the same time.

I lost another one.

"Ano'ng nangyari dito?"

Nakarinig ako ng mga hindi pamilyar na tinig sa likod, malamang na mga kawal. Gano'n pa man ay pinanatili ko ang tingin sa malayong bangin. There was nothing but darkness just like the feeling of emptiness inside me.

Someone grabbed my arms forced me to stand up. Napayuko na lang ako. Parang tinakasan ako ng lakas ngayon. Kahit na anong gawin nila sa akin ay hindi ako makakapagpumiglas. I am physically and emotionally tired. When was even the last time I had a good sleep?

"Sa 'yo ba ang mga palasong ito?" tanong ng isa sa kanila.

Suminghap ako pero hindi nagsalita. I could still her scream somewhere in my head. She stood up for me when everyone else was afraid. Meanwhile, I couldn't do anything but to watch her suffer. So fucked up.

"May lason ang mga palaso, Pinuno," dinig kong sabi ng isa pa.

"Magiging maayos pa ba sila?" tanong ng Pinuno.

"Hindi na sa tingin ko, Pinuno."

Mas naging marahas ang pagkakahawak nila sa braso ko.

Hindi. Hindi sila mamamatay. Walang lason ang makakapatay sa isang bampira kahit na saan sila puntiryahin. Matatagalan lang bago makabawi ang katawan nila pero hindi sila mamamatay. Mapaparalisa lang ang katawan nila pero hindi masasawi.

Damn. If only a poison that can easily kill a vampire exists. Nabasa ko na lahat ng libro pero walang paraan. There's only a specific kind of metal that can end a vampire. Iyon ang sandata na hawak ng mga kawal.

"This is an act of treason. Put her on ropes!"

Someone bent my arms on my back and tied them with ropes. They dragged me out of the woods and we headed to the Main. May sumipa sa binti ko kaya napaluhod ako.

"Ano'ng nangyayari dito?" tanong ng isa sa mga nagbabatay na kawal sa Main.

"Tumabi kayo!" May mga nagdatingan pang kawal at bitbit nila si Lady Feera na walang malay, may tama ito ng palaso sa dibdib. Kilalang-kilala ko ang palaso na 'yon dahil ako ang nagmamay-ari nito. "Natagpuan namin siyang walang malay sa kakahuyan! Ipatawag ang manggagamot ngayon din!"

Wait. What's happening?

Tumingin sa akin ang Pinuno ng mga kawal na dumakip sa akin. Dumiin ang pagkapula ng kanyang mga mata. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang panga ko. Parang babasagin niya ito sa tindi ng pagkakahawak.

"Bakit pati si Lady Feera ay dinamay mo?" madiin na tanong ng Pinuno.

Maging ako ay hindi alam ang sagot sa tanong na 'yon.

"Ano'ng kaguluhan ito? Natutulog na ako!" Lumabas sa bungad ng Main si Lady Grenda na nakapang-tulog na. Bumaba ang tingin niya sa akin at nakita ko ang pagdaan ng ngisi roon bago napalitan ng pagkagulo. "Lady Astra? Bakit ka nakagapos?"

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Bakit may tama rin ng pana ko si Lady Feera?

"Apat sa mga kawal natin ang kasalukuyan ngayong kritikal ang kalagayan dahil sa babaeng ito, Lady Grenda." Lumapit ang pinuno kay Lady Grenda at binigay ang pana ko. "Siya ang nagmamay-ari ng pana na tumumba sa mga kawal. Maging ang pana na nasa dibdib ni Lady Feera ay galing sa kanya."

Shattered SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon