Chapter 16

105K 10.5K 13.4K
                                    

Chapter 16: Flickering Lights

There are so many things going on in my head and it's adding weight to my chest. I thought I could clear up some questions tonight but it just got more complicated.

With my quaking hands, I pulled the reins of my horse and altered course. I couldn't feel Abel next to me so I pushed the strength even more so I could make at least create a huge distance between us.

I don't want to return yet. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko kay Aya. Hindi pa naman sumisikat ang araw kaya may kaunting oras pa ako para makapag-isip.

When I made sure Abel didn't manage to follow me, I halted Servena. Tumalon ako pababa at hinila siya palapit sa sapa. Tinali ko ang lubid niya sa bato at siniguro kong mahigpit na 'yon para hindi na siya makawala.

I stepped back as I watched her drink on the flowing water. That's when I realized this is the same spot where I stopped last time when Brix and I were being chased by an archer.

Time flies fast. I am in a different situation now. No one is chasing me. No one is with me but my clouded mind.

I sat on the rock as I soaked my feet in the freezing water. Suminghap ako bago pinatong ang baba ng mukha sa aking tuhod. Pinagmasdan ko ang pag-agos ng malinaw na tubig.

Aya needs to endure the pain until she learns how to control it. It sucks when I can't do anything to help her. What's worse is I can't even be with her for a long time.

I need to go and leave soon.

I wiped the tears on my face. Ang dami kong kasalanan sa kanya. Hindi ko talaga alam kung paano ipapaintindi sa kanya ito balang-araw. Kung paano ko ipapaliwanag na... ang buhay niya ay isang malaking pasakit lamang sa kanya.

In other news, Lady Melendez is missing for an unknown reason, too. Kung ano man 'yon ay alam kong may kinalaman sa amin. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nalalaman ang rason.

That Lady Majika, too.

I immediately shook my head.

I came here to seek answers. Pero mukhang aalis ako nang may mas marami pang katanungan. Pakiramdam ko ay sa bawat pagdaan ng araw ay palubog ako nang palubog. The only thing that keeps me in sane is my daughter.

I gasped when I felt a splash of water on my face. Bumaling ako kay Servena na nakatingin sa akin. Muli niyang sinipa ang tubig papunta sa akin. Napangiti ako sa ginawa niya.

"I'm fine, Servena. It's just..." I shrugged my shoulders. "I don't know. I really don't know."

"Andito ka lang pala..."

Hindi ko nilingon si Abel. Naramdaman kong tinali niya rin ang kabayo niya sa tabi ni Servena saka tumabi sa akin. Tinupi niya ang kanyang pantalon para ibabad sa tubig ang mga binti.

"I knew you were not heading home," he said.

Tinuon ko lang ang atensyon sa umaagos na tubig. Ramdam ko na ang lamig sa aking mga binti. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko dahil kagabi pa ang huli kong inom.

"Are you leaving tomorrow?" he asked.

That's when I grasped... my time here is almost over. Bukas din ay may panibago na naman akong kakaharapin. That also means... I need to leave my daughter again.

"Hindi nakakarating sa amin ang mga balita sa labas. Maaari ko bang malaman ang mga nangyayari, Astra?" mababang boses na pakiusap ni Abel. "Kung hindi ka rin naman kumportable—"

"Pupunta kaming Severus Clan bukas," putol ko sa kanya. "If you are not aware yet, that's the clan Brix leads."

Awtomatikong napalingon sa akin si Abel pero sa tubig pa rin ang atensyon ko. I know that's disturbing. Halos kalaban ng lahat ang Severus Clan. Maging ako...

Shattered SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon