Kianna and The Stones (COMPLE...

By LorreignneScarr

21.2K 1.3K 43

Having special ability is difficult. Yet, aspiring to do good deeds. That's what Kianna thought when she sudd... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Epilogue

Chapter 18

547 48 3
By LorreignneScarr

~~~~~

Kianna step backwards. Hindi siya
makapaniwala na makita niya ulit ang kanyang ama na matagal ng hindi nagpapakita sa kanya. Pati ito ay gulat na gulat ng makita siya.

Si Casmer o kilalang tawag ni Kianna na Blue ay nagulat din.

"Kilala mo siya Bryan?" tanong ni Casmer sa lalaki.

Samantalang hindi naman maipaliwanag ni Kianna ang nararamdaman. Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang makita ang ama o kagalitan ito. Nananatili lamang siyang nakatitig dito. Sa mahabang panahon ay ngayon lamang ulit niya nakita ang mukha nito na kailanman ay hindi niya nakalimutan. Tila ba bago lang ang pangyayare na iniwan siya nito at ng ina.

Kianna got misty eyes. Pero mas nanaig pa rin dito ang hinanakit sa ama.

"Kianna, anak..." humakbang na wika ni Bryan ngunit humakbang din palayo si Kianna.

"You are not my father! My father left me! And he will never come back!" naiiyak na wika ni Kianna habang pinipigilan ang galit na namutawi sa dibdib niya.

"Kianna, I'm sorry for leaving you. Sumama ka sa amin at sabay nating iligtas ang mundong ito." napatiimbaga naman si Kianna sa narinig mula sa ama at saka pinahid ang luhang kumawala mula sa mga mata.

Dumating naman sina Reynara na hinihingal. "Kianna!" ngunit napansin nila ang tension na namamagitan sa kaibigan at sa lalaking kaharap nito.

Pinandilatan naman nila ng mga mata si Casmer ng makita ito.

Kianna scoffed, "Iligtas? Hindi dapat ang mundo na ito ang iligtas kundi ang mga kaibigan ko."

Bigla naman may mga dumating na mga space monsters at pinalibutan sila.

"Kung gano'n ay wala na akong magagawa pa." sambit ni Bryan at tumalikod, at hindi naman makapaniwala si Kianna sa narinig kaya napakuyom ito ng kamao. Mas sumikdo lalo ang galit niya sa ama. Hindi ito ang ama na nakilala niya. Pero kung nagawa siya nitong iwan ay magagawa din siya nitong iwan ulit.

"Bakit niyo ako iniwan, Papa?" naiiyak na sambit ni Kianna na ikinasinghap ng mga kasama. "Dahil ba dito? Sa kapangyarihan?" wika niya habang nagpalabas ng kapangyarihan sa mga kamay.

Ngunit hindi siya sinagot ng ama at naglakad na ito paalis kasama si Casmer. Agad naman pumalibot sa kanila ang mga space monsters.

"Hulihin sila." malamig na sambit ni Bryan.

Napayuko naman si Kianna at napayukom ng mga kamao ng sobrang higpit. Pag-angat ng kanyang ulo ay nakita ng lahat ang pag-aapoy ng mga mata nito at sumiklab naman ng apoy ang buong katawan nito. Kinain na ng galit si Kianna. Agad nitong sinugod ang mga space monsters at wala man lang itong kalaban-laban dahil nasusunog lamang ang mga ito tuwing lalapit kay Kianna at kapag natatamaan ng apoy nito. Dahil sa nag-uumapaw na emosyon ay wala na ngayong control sa katawan si Kianna. Nakangisi lamang ito ng nakakatakot.

Nagkatinginan naman sila Reynara at ng tatlo pang fairies. Tumango sila sa isa't isa at sumugod na din sa mga space monsters.

Ang lahat ng mga monsters ay napatalsik sa isang tira lang ng kapangyarihan ni Kianna. Her eyes were still blazing with fire. Lahat ng nadadanan nito ay kanyang pinapatay ng walang awa. Natatakot naman sila Reynara sa nakita pero nilakasan nila ang loob para dito.

Marami pang mga monsters ang sumugod sa kanila habang papunta sila sa pinakaitaas ng building.

Samantala, nakamasid lamang si Drago kasama si Alileo at Bryan kay Kianna mula sa malaking monitor. Pinag-aaralan nila ang mga galaw nito, kung paano ito gumagamit ng kapangyarihan. Patuloy naman sa pag-scan si Alileo sa katawan ni Kianna habang hinahanap pa rin ang bato. Ngunit wala ulit itong makita na bato kundi isang enerhiya lamang.

Ang grupo naman ni Casmer ay nakabantay sa mga bihag na dalaga. Wala pa ring malay ang mga ito habang nasa loob ng tube. May tinurok kasi ang mga monsters dito upang hindi magising ang mga ito. May nakakonekta din sa mga katawan nito na mga maliliit na tube. Tila ba pinag-eexperimentuhan ang mga katawan ng mga ito.

Dumating naman si Alileo sa lab at tinignan ang kondisyon ng tatlong dalaga. May pinindot ito sa monitor at ilang sandali lamang ay tumunog ang meter na nakakonekta sa tatlong dalaga. Nangingisay ang mga ito at umiilaw. Kahit walang malay ang mga ito ay may tumulong luha sa mga mata nito na napansin naman nina Casmer.

"Casmer, bakit sila lumuluha?" tanong ni Green dito o mas kilala sa pangalang Allen.

"Hindi ko alam." clueless na sagot nito. Habang ang dalawang kasama ay napatulala lamang na nakatingin sa tatlong dalaga na nangingisay pa rin.

Samantalang naramdaman naman ni Kianna ang enerhiya ng tatlong kaibigan. Biglang lumiwanag ang kanyang mga mata at nahanap niya ang kinaroroonan ng mga ito. She smirked and teleported. Nagkagulo naman ang mga monsters ng biglang nawala si Kianna. Kahit sila Reynara ay nagulat din ng biglang naglaho ang kaibigan. Inisip nalang nila na nagteleport ito kung nasaan ang mga kaibigan.

Samantalang ikinagulat naman nina Drago ang biglaang paglaho ni Kianna kaya naman ay nataranta sila ni Bryan. Lumabas naman si Bryan upang hanapin ang anak.

Nagteleport nga si Kianna sa laboratory kung nasaan ang mga kaibigan. Nakita siya nina Casmer at nanlaki ang mga mata nito.

Dahil sa galit ni Kianna sa mga ito ay agad niya itong pinagtitira ng apoy dahilan upang masunog ang ibang parte ng laboratory habang napapailag naman ang apat at nilagyan ng proteksyon ang mga sarili. Nagsisigaw naman ang mga monsters na scientist at si Alileo ng makita ang sunog. Tumunog naman ang alarm. Inutusan naman ni Alileo ang mga ito na kunin sa loob ng tube ang tatlong dalaga.

Ngunit bago pa nila ito mahawakan ay mabilis na tinira ito ni Kianna ng apoy. At pinaghihiwa ito.

Nakita nila si Kianna na may nag-aapoy na mata at puno ng dugo. Pinahid nito ang tumalsik na dugo sa mukha at pinandilatan ng mata ang apat na lalaki at si Alileo. Napapalunok naman ng laway si Alileo habang nakatingin sa mga monsters na nagkapira-piraso. Gamit ang laser eyes ay hiniwa ni Kianna ang glass tube na nakabalot sa tatlong kaibigan. Ngunit wala pa rin itong malay.

Napangisi naman ang apat na lalaki at naglabas ng enerhiya. Napansin iyon ni Kianna ngunit napatalsik siya ng matamaan ng suntok ni Brown o mas kilala sa pangalang Luis. Pinagsusuntok siya nito at napaigik naman siya. Ngunit agad siyang nakabawi at umilag sa suntok nito at bumawi ng suntok dito. Napatalsik ito sa wall at lumusot dito dahil sa malakas na impact. Pinahid niya ang dugo sa gilid ng labi at tinignan ang tatlo pa na isa isang kinuha ang katawan ng mga kaibigan na wala pa ring malay.

Ngunit nahuli siya dahil naglaho ito bigla habang dala ang mga kaibigan. Napamura naman siya sa sobrang galit.

"Aaaaahhhhhhhhh" malakas na sigaw niya dahilan upang lumindol ng malakas at yumanig ang buong building. Unti-unti namang nasira ang buong building.

"Graziel!" sigaw ni Yuri ng makitang natabunan si Graziel ng mga sirang debris. Naipit ang isang paa nito dahilan upang mapapikit ito sa sakit. Pinagtulungan naman nila itong kunin mula sa pagkakatabon. Lahat sila ay may mga sugat na dahil sa mga sirang debris na tumama sa kanila.

Pagkakuha nila kay Graziel ay agad silang tumakbo ng mabilis at muntik na silang matabunan ng bigla na lamang bumagsak ang buong building.

Nakita nila si Kianna na nakalutang sa himpapawid ngunit bigla silang natakot dahil nag-iba ang awra nito. Halos hindi sila makahinga sa lakas ng enerhiyang pinapakawalan nito. Nag-iba din ang hitsura ni Kianna. Naging lila ang kulay ng buhok nito at mga mata.

Ang mas ikinagulat nila ay ang unti-unting pagkatunaw ng mga bagay na nasa ibaba ni Kianna. Pagkumpas ni Kianna ng mga kamay ay biglang lumutang ang lahat ng mga bagay at ito'y nagtagpi-tagpi. Agad naman silang napatakip ng mga mata ng bigla itong sumabog at naging abo.

Napasinghap naman sila ng makita ang isang bahagi ng planeta na unti-unting nasisira.

"Reynara! Please do something! This planet will explode!" natatakot na wika ni Princess Amesha dahil alam nitong walang control si Kianna sa sarili nito at puno ito ng galit.

Natataranta naman sila dahil hindi nila alam ang gagawin.

Napanganga naman si Bryan at Drago ng makita si Kianna na biglang nagbago ng anyo. Nakasakay na sila ngayon sa malaking space ship. Nakatakas ang mga ito bago pa sumabog ang building. Inutusan naman ni Drago sina Casmer, Allen, Luis at Blake upang kalabanin si Kianna.

Agad naman sumunod ang apat at pinalibutan si Kianna. Wala namang emosyon si Kianna na nakatingin sa apat na lalaki.

She smirked at isang iglap lang ay napapahawak na sa mga leeg nito ang apat habang naghahabol ng hininga. They were choking because of lack of air.

Pinatid niya ang mga ito at napatalsik ang mga ito sa lupa. Tinignan ni Kianna si Reynara at nakuha naman ito ng huli ang nais ipahiwatig ni Kianna.

Kaya naman naghiwa-hiwalay sila Reynara, Amesha, Yuri at Graziel upang kalabanin ang apat na lalaki.

Agad naman lumipad si Kianna at hinabol ang papalayong spaceship na sinasakyan ni Drago at ng ama nito.

Samantalang, malapit ng matapos ang ginagawang pag-eextract ng mga bato sa katawan nina Ammy, Jasmine at Charlene.

"Alileo, nakasunod sa atin si Kianna. Bilisan mo!" sambit ni Drago at agad naman binilisan ni Alileo ang takbo ng spaceship. Samantalang tahimik lamang nakamasid si Bryan sa anak.

Napansin ni Kianna ang pagbilis ng takbo ng spaceship at mas binilisan din niya ang paglipad. Napangisi siya at nagteleport papasok sa loob ng spaceship. Sumalubong sa kanya ang mga army ng space monsters pero isang tira lang niya ay bumulwak ang mga ito. Dahil sa impact ay nasira ang ibang bahagi ng spaceship.

"Bryan! Anong nangyare?!" gulat na wika ni Drago at napatayo sa kinauupuan.

"Sh*t!" nagulat sila ng biglang nasira ang pintuan at nakita nila si Kianna na nababalot ng lilang awra.

Nakita nila ang pagngisi ni Kianna at bigla naman silang natakot.

Nakita ni Kianna ang ginawa ng mga ito sa kaibigan at sumikdo ulit ang galit sa kanyang dibdib. Agad may lumabas na laser sa kanyang mga mata at pinutol ang mga tube na nakakonekta sa katawan ng mga kaibigan. Tumunog naman ang mga monitor at may nakalagay ditong 'warning'.

Napasinghap sila ng bigla na lamang silang lumutang at nagdikit na parang magnet sa isa't isa at pilit naman ang mga itong kumawala sa pagkakadikit. Nakatingin lamang si Kianna dito ng masama habang nakaangat ang kamay.

The spaceship halted. At inilabas naman ni Kianna ang mga kaibigan sa mga tube at inilagay sa isang air bubbles at saka pinalutang sa kanyang likod.

Ang kanyang mga mata ay naggoglow pa rin ng kulay lila. Her cold gazed fixated to the man that was once part of her life. When they leave her, she consider them die and will never ever come back.

"Tell me, why did you leave me?" ng hindi ito sumagot ay unti-unting binawasan ni Kianna ang hangin na hinihinga nito at ngayon ay naghahabol na ito ng hininga.Sina Drago at Alileo ay pilit pa ring nagpupumiglas mula sa pagkakadikit sa bawat isa.

Binalik ulit niya ang hangin sa katawan nito. "Again, why did you leave me alone?" mahinang tanong niya at naalala na naman niya ang mga araw na nag-iisa siya at umiiyak.

"Dahil sa mama mo..." mahinang bulong ni Bryan. Napakunot naman ang noo ni Kianna. Ng walang makuhang reaksyon mula kay Kianna ay nagpatuloy sa pagsasalita si Bryan habang may naglandas na luha sa mga mata nito. "Kianna, ang mama mo at ako ay isang Dromedian. She leave me because of Amaro and go back to planet Dromeda. I tried getting her back for you but she refuse and told me to take care of you. Pero hindi ko matanggap na iniwan niya ako para sa ibang lalaki. Kaya nakipagsabwatan ako kay Drago upang maghigante. Nasira ang kalahati ng planet ng space monsters dahil sa mga Dromedian kaya tinulungan ko si Drago upang kunin ang mga bato para maibalik muli ang mga nasira." napabuntong hininga naman ito at tumingin kay Kianna sa mga mata. "Sa galit ko ay nakagawa ako ng bagay na pinagsisihan ko dahil namatay ang iyong ina. Sumabog ang buong planeta ng Dromeda ng hindi namin nakuha ang mga bato."

Hindi namalayan ni Kianna ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Tumatak sa utak nito ang sinabi ng ama na namatay ang kanyang ina kasama sa pagkasabog ng planetang Dromeda. At ang katotohanang iniwan talaga siya ng ina para sa ibang lalaki.

"You are lying!!" sigaw ni Kianna at biglang humangin ng malakas ang buong kwarto. Napatalsik naman ang mga ito at napaigik ng tumama sa pader. Bigla na lamang nagsilutang ang lahat ng gamit sa spaceship.

And then Kianna's eyes turns to jet black.

 
 
xxxxxxx

Continue Reading

You'll Also Like

58.4K 3.4K 56
Rebirth Series #3 (SLOW UPDATE, REALLY SLOW) Unwanted? Ugly? Ilan lamang iyan sa mga maaari maging Description ng isang Roselyn Doctolero. But despi...
7.6K 208 31
May isang babaeng mahilig magsulat ng story sa Wattpad. Marami ding nakikibasa sa kanyang mga sinulat. Hindi alam ng mga kaklase niya na siya ang sum...
316 114 32
[Revised] It is believed that the spirit world send us message. Dreamcatcher sort messages, trapping nightmares to prevent disturbing in sleep. Bount...