His Story To Tell (R-18)

Da darlinreld

555K 19K 8.4K

How will you correct the mistake that you've done because of your past? Altro

Teaser
HSTT - 1
HSTT - 2
HSTT - 3
HSTT - 4
HSTT - 5
HSTT - 6
HSTT - 7
HSTT - 8
HSTT - 9
HSTT - 10
HSTT - 11
HSTT - 12
HSTT - 13
HSTT - 14
HSTT - 15
HSTT - 16
HSTT - 17
HSTT - 18
HSTT - 19
HSTT - 20
HSTT - 21
HSTT - 22
HSTT - 23
HSTT - 24
HSTT - 25
HSTT - 26
HSTT - 27
HSTT - 28
HSTT - 29
HSTT - 31
HSTT - 32
HSTT - 33
HSTT - 34
HSTT - 35
HSTT - 36
HSTT - 37
HSTT - 38
HSTT - 39
HSTT - 40
HSTT - 41
HSTT - 42
HSTT - 43
HSTT - 44
HSTT - 45
HSTT - 46
HSTT - 47
HSTT - 48
HSTT - 49
HSTT - 50
HSTT - 51
HSTT - 52
HSTT - 53
HSTT - 54
HSTT - 55
HSTT - 56
HSTT - 57
HSTT - 58
HSTT - 59
HSTT - 60
HSTT - 61
HSTT - 62
HSTT - 63
HSTT - 64
HSTT - 65
HSTT - 66
HSTT - 67
HSTT - 68
HSTT - 69
HSTT - 70
HSTT - 71
HSTT - 72
HSTT - 73
HSTT - 74
HSTT - 75
HSTT - 76
HSTT - 77
HSTT - 78
HSTT - 79
HSTT - 80
HSTT - 81
HSTT - 82
HSTT - 83
HSTT - 84
HSTT - 85
HSTT - 86
HSTT - 87
HSTT - 88
HSTT - 89
HSTT - 90
Epilogue
HSTT: Special Chapter 1

HSTT - 30

6.3K 199 65
Da darlinreld

🖤🖤🖤

Nagpa alam si Kuya Ryoga kay Kuya Raine nang umalis na sa bahay sila Kuya Luke. At first, Kuya Raine didn't want me to go with him dahil baka raw mapagod ako. But with the help of Ritsumi ay napa payag niya rin ito. Inuto uto niya kasi ito at sinabing isusumbong siya sa Dad nila kapag hindi siya umo-o. I didn't know my brother is scared of their father.

Sinungaling talaga si Kuya Ryoga. Sabi niya sakaniya takot si Kuya Raine pero mukhang takot ito sa tatay nila. Na curious tuloy ako tungkol sa Dad nila. Hindi ko pa nakikita 'yun ni minsan e.



"Nakaka takot ba Daddy niyo?" I asked habang nandirito na kami sa sasakyan at papunta na sa beach.

Yes, sa beach ang punta namin. He asked me where I wanna go and I chose na sa beach nalang kami pupunta. My happy place.

"Sakto lang?" Sagot ni Kuya Ryoga and he is the one who is driving. Ritsumi is at the back seat using her phone at ako naman ang nasa front seat.

"Sakto lang? Hindi siguro." Ritsumi answered "Si Red nga takot dun e."

"O edi nakakatakot na. Sandali lang ng problema pinapa haba mo pa. Tapon kita sa labas e."

"Sige tapon mo ako para isumbong kita sa kuya niyan."

Hinawakan ni Kuya Ryoga ang kamay ko atsaka niya ito ipinag salikop sa kamay niya. I kissed his cheek at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Wow, Rej? Hindi ka na nahihiya sa akin? Nandito lang ako oh." Ritsumi said and Kuya Ryoga laughed at her.

"Inggit ka lang. Palibhasa si Luther gusto ka lang pagka lasing. Kawawa ka naman."

"He likes me too even though he is not drunk kaya!"

I agree with Ritsumi. Malakas na talaga ang kutob ko na may gusto rin si Luther sakaniya. Hindi nga lang ganon ka showy si Luther sakaniya pero kitang kita ko noong malasing siya kagabi kung paano siya ka clingy sakaniya. It's either in denial si Luther o nag iinarte lang talaga.


"Ah kaya pala. Kaya pala lagi kang tinutulak palayo ano po?"

"Balak ko nga siyang isumbong kay Tito Ade e."

"Ano naman isusumbong mo kay Tito?"

"Secret. Abangan niyo nalang." She said and she laughed like a witch pero masarap naman sa tenga pakinggan.

"May saltik ka talaga." Umiiling na sabi ni Kuya Ryoga sakaniya.



It took us 3 hours travelling bago kami nakarating sa private resort. Sakanila pala ito at pagma may ari raw ito ng pamilya nila. Iba talaga ang Sibal Family. Super rich nila as in!


"Tayong tatlo lang sa villa na 'to?" Tanong ng ni Ritsumi habang papasok kami sa loob.

"Kung gusto mong lumipat sa kabilang isla pwede naman. Para kaming dalawa lang dito."

"Isumbong kaya kita sa Kuya niyan? Gusto mo?"

"Sumbungera ka talaga. Sa taas kami mag i stay dito ka lang sa baba. Huwag kang pupunta sa taas ah? Tatamaan ka sa akin." He said to his sister. Siniko ko siya dahil sa sinabi niya even though I know he was just joking.

"Ang sama mo talaga, Ryoga. Kung wala lang kapalit 'to hindi ako papayag na sumama sa inyo e." Inirapan niya kaming dalawa atsaka na siya nag walk-out. Hindi ko alam kung saan siya pupunta but probably she'll go in her room here.

"Anong kapalit nang pag sama niya sa atin?" Tanong ko. Hinila niya ang kamay ko atsaka na kami pumanhik sa taas.

"Gusto rin daw niya ng bakasyon kasama si Luther."

"Feeling ko naman kahit hindi niya hingiin ang tulong mo mapapasama niya si Luther."

"Luther is in denial in his feelings towards her. Akala ko nga ikaw ang gusto nun e."

Pumasok kaming dalawa sa loob ng isang kwarto at napa nganga ako sa sobrang laki nito. The paint color is gray at pati ang mga gamit ay kung hindi black, white naman.

"This is the master's bedroom kaya dito tayo."

"Ang ganda." I said while roaming my eyes around.

Kumpleto sa gamit ang kwartong 'to. The bed is so big na kahit yata limang tao ay kasyang kasya nang hindi nag sisiksikan. Lumapit ako sa side table and I saw a small picture frame there. Napa kunot ang noo ko nang makita ang larawan doon.



"Sino 'to?" Inabot ko ang frame and I saw a kid and a woman together. Tinitigan ko ang bata na buhat buhat ng isang babae roon and he looks like him.

"That's me. Cute ko noong bata ako no?"

So I am right. It's him. I found myself smiling while staring at his kid pic. He is smiling widely even though he doesn't have his front his teeth. He looks so innocent here na hindi mo maiisip na lumaking manyak ang batang 'to.


"Sino 'tong babae na kasama mo?" I asked and I looked at him. He stares became cold at kinuha niya sa kamay ko ang frame na hawak hawak ko.

"This woman? Sapalagay mo sino siya?" He asked at ipinatong niya sa table ulit ang frame but this time naka taob na ito. I was about to fix it but he stopped me.

"Labas na tayo." Aya niya.

Hinila niya ako nang tuluyan at lumabas kami ng kwarto. Bago kami maka labas ay nilingon ko ulit ang frame na nakataob sa table.

Sino kaya 'yung babae na 'yun? Kung titignan mo kasi ng mabuti mukha silang mag nanay. Pero hindi naman 'yun ang Mommy nila e. I know their Mom's face. Na cucurious tuloy ako! Ano ba 'yan!





"Mag luluto muna tayo ng pagkain natin. Gutom ka na ba?" Tanong niya sa akin nang dalhin niya ako sa kusina. Tumango na lamang ako bilang pag sagot dahil iniisip ko pa rin 'yung babae sa picture frame.

"Anong gusto mo?" He opened the refrigerator at may mga stocks don.

"Buti may laman na 'yan?" Tanong ko at kumuha ako ng isang kitkat. Ang daming laman e. May mga chocolates pa nga oh.

"Pina lagyan ko sa katiwala ng villa na 'to kahapon. Alam kong matakaw ka kaya pina puno ko."

"Wow ha." Tinapik ko ang braso niya atsaka ito tumawa. "Anong palagay mo sa akin? Patay gutom?"

"Ikaw nag sabi niyan hindi ako."

"Pang asar ka talaga no?"

Inilipag niya sa lababo ang meat na kinuha niya atsaka niya ako yinakap. He kissed my head and he smiled at me sweetly.

"Pikunin naman ng jowa ko. Halikan kita diyan e."

"Ha-ha! Nakakatawa." I rolled my eyes at him and he laughed even more.

"Cute mo. Sarap mong kurutin. Hmp!"

"Mag luto na nga lang tayo."


We cooked our food together at sobrang saya ko dahil don. Nagluluto lang naman kami pero iba 'yung saya na nararamdaman ko. Small things will make you happy talaga kapag kasama mo ang taong nagpapasaya sa'yo. It is like a magic.

After cooking, we ate together with Ritsumi na sobrang focus sa phone niya. Ka text niya raw kasi si Luther at ayaw daw ni Luther ng late replies kaya ganon na lamang siya kung maka tutok sa phone. Hindi ko alam na demanding pala si Luther.








"Parang ewan 'tong si Ritsumi." Reklamo ni Kuya Ryoga habang nasa dagat kami at lumalangoy langoy.

Nagpa hinga lang kami kanina ng 30 minutes after naming kumain at nag bihis para mag swimming.

"Hayaan mo na. Syempre ka text niya crush niya." I looked at Ritsumi na naka upo sa buhanginan at nag ce-cellphone pa rin. She's wearing her swimsuit but I think she won't swim dahil busy nga siya sa pakikipag text.

"Masyado siyang patay na patay kay Luther."

"Pabayaan mo nga sila. Ikaw nga hindi ka pinapakielaman ng kapatid mo tapos ikaw ang dami mong hanash."

"Akala mo lang hindi pero pakielamera 'yan."

"Does she know? That we're official now?" Ibinaling niya sa akin ang tingin niya atsaka siya ngumiti.

"Why are you smiling?" I asked at sinabuyan ko ng tubig ang mukha niya pero mabilis itong naka ilag. Ang liksi niya lang talaga. May lahing ninja siguro siya.

"Nakaka kilig pala marinig sa'yo mismo ang mga salitang 'yan." Lumapit siya sa akin at yinakap niya ang bewang ko.

"Kinikilig ka pala? Marunong ka pala no?" I looked at his ears and they turned so red. "Kinikilig ka nga. Namumula tenga mo."

"Horny ako kaya ganiyan."

"Bastos mo talaga." I put my hands around his nape at ipinilupot ko ang mga hita ko sakaniya para mabuhat niya ako.

Magka dikit na magka dikit ang katawan naming dalawa at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"You're so gorgeous, Rej."

"Thank you."

"Hinding hindi ako mag sasawang titigan 'yang mukha mo." I smiled with what he said. "Lalo na 'yang mga ngiti mo."

"You're the reason behind this smile."

"And I hope I won't be the reason for you to stop smiling like that." I looked at his eyes and his eyes are pleading. "Ayokong ako rin ang maging rason ng pag laho ng mga ngiti mong 'to."

"That will never happen unless you hurt me I guess?"

His eyes darkened at unti unting lumuwag ang pagkaka yakap niya sa akin. He looked away at sinundan ko ang tingin niya.

"Bakit?" Tanong ko at hinarap ko sa akin ang mukha niya. "Hindi mo naman ako sasaktan 'di ba?"

"Anong palagay mo sa akin? Santo? Masasaktan at masasaktan kita, Rej. Hindi ako perpektong tao. Magkaka mali at magkaka mali ako."

"I got your point naman pero sana kung sasaktan mo ako, huwag 'yung masakit na masakit ha?"

I am falling for him. He is one of my happiness now at ang isipin na sasaktan niya ako emotionally gives pain right now in my heart. Iniisip ko palang nasasaktan na ako. What more if it's for real na?

I smiled again but his face is just the same. He is just looking at me like he wants to say something but he can't.

"Hindi mo naman siguro ako ipag papalit sa iba no?"

"Hindi ah."

"Hindi ka mag hahanap ng iba?"

"Hindi rin."

"Hindi mo ako isasabay sa iba?"

"Mas lalong hindi. Ikaw lang."

"Then I am fine with it."

'Yun lang naman ang ikinakatakot ko sakaniya e. 'Yung ipag palit niya ako, 'yung iwan niya ako at maka hanap siya ng iba. Yes, most of the people say that I am pretty. I got the looks and brain but Kuya Ryoga is way too high for me.

Kumbaga kahit sabihin ng iba na maganda ako, matalino, sexy at nasa akin na ang lahat, alam kong hindi 'yun enough. Maraming mas better sa akin at mas may deserving kumpara sa akin.

"Okay."

I gave a peck on his lips and I hugged him so tight. Yinakap niya rin ako and he started to kiss my shoulder.

"Ang alat ng balikat mo." Bulong niya at natawa ako.

"Nasa dagat siguro tayo."






Umahon din kami nang mag didilim na ang langit at iniwan namin si Ritsumi sa labas dahil nakikipag tawagan pa siya kay Luther. Tawa siya ng tawa sa labas at para siyang nababaliw. She's really dead over heels kay Luther. Swerte ni Luther sakaniya ah.




I took a quick shower at lumabas ako ng CR para mag bihis. Binuksan ko ang walk-in closet dahil doon inilagay ni Kuya Ryoga ang bag namin at mga gamit. Nag bihis ako ron at palabas na sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang isang picture frame ulit na naka patong sa cabinet.


"Bakit ba may mga picture frames dito?" I asked myself at kinuha ko ito at tinignan.

I look at the picture and my eyes widened when I saw two women together with my Mom! Ito 'yung Mommy nila Kuya Ryoga, 'yung babaeng kasama niya sa pic noong bata siya tapos si Mommy! Are they friends?!



"Rej! Bilisan mo raw sabi ni Ryoga!" Dinig kong sigaw ni Ritsumi pero hindi ko siya pinakinggan dahil naka tuon ang mga mata ko sa frame na hawak ko.

Bumukas ang walk-in closet at mabilis na inagaw ni Ritsumi sa akin ang frame nang makapasok siya. She looked at it at maski siya ay parang gulat na gulat sa litrato.


"W-where did you get this?" She asked me at hindi ko madescribe kung anong expression ng mukha niya ngayon.

Bigla siyang naging aligaga at parang bigla siyang...



natakot?


"B-bumaba kana ron sa kusina. Hinihintay ka na ni Kuya."

"Okay ka lang?" Tanong ko sakaniya.

"H-huh? Oo naman. Okay lang ako." She answered but her face is saying the opposite one. "Sige na. Labas ka na."

"Hindi ka pa sasama?"

"Una ka na. May titignan lang ako."

"Okay?"

Lumabas ako ng walk-in closet at iniwan ko siya roon sa loob. Bakit kaya siya nagpa iwan? Anong meron? Napaka weird niya naman yata bigla. But hell! The picture! Mom was there.



Palabas na sana ako ng pinto ng kwarto nang marinig ko ang boses niyang nag salita. I looked back at may kaunting siwang ang pinto ng closet. I know this is bad but I am so curious.

Nag lakad ako ng dahan dahan atsaka ako lumapit sa walk-in closet. Tinutok ko ang tenga ko roon and she's talking to someone over the phone.




"Red, please come over here. I swear to God that this place is insane."

"Insane? Why?" Dinig kong tanong ng lalaki sa kabilang linya. Si Kuya Red 'yon. Naka loud speak ang cellphone niya at naririnig ko sila.

"I-I am scared."


Natatakot? Bakit siya natatakot? Ritsumi is the kind of girl who doesn't get scared base sa personality niya. In fact nandito kami para mag bakasyon right? Anong kinakatakot niya? May multo ba rito?



"Tatlo lang kayo?"

"Oo. Hindi ko alam kung bakit sa dinami rami ng lugar ay ito ang napiling lugar ni Kuya Ryoga para sakanila. N-natatakot ako sakaniya, Kuya."

Napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Kanino siya natatakot? Sa akin o kay Kuya Ryog? But hell, why is she so scared?!



"Ayain mo siyang umuwi. Sabihin mo pinapa uwi ko kayo. Umuwi kayo rito sa mansion at mag uusap tayo."

"As if he will listen to me!"

"Try to convince him. Message me kung ayaw niya atsaka ko siya tatawagan. Ano nanaman bang tumatakbo sa isip niyan."




"Rej? What are you doing there?"

Bigla akong nataranta nang marinig ko ang boses ni Kuya Ryoga sa likuran ko. I looked back at and he is standing beside the door. Sakto namang lumabas din si Ritsumi at gulat na gulat din itong makita ang Kuya niya.


"M-may nakalimutan lang ako. Yung charger ng cellphone ko."

"Kanina pa kita hinihintay sa kusina."

"Nasa baba na ako kanina. Nakalimutan ko lang talaga 'yung charger ko." Tinalikuran ko siya at nagpanggap akong hinahanap ang charger ko.

"Hoy ikaw na babae ka. Bakit ka nandito?" Dinig kong tanong niya kay Ritsumi.

"Wala. Chineck ko lang 'yung room niyo kung maganda."

"Bumaba ka na nga ron. Naiinis ako sa pagmu mukha mo." He said to Ritsumi. "Rej, bilisan mona riyan."



Hinawakan ko ng mahigpit ang charger ko atsaka ako humarap sakanila. Naka tingin sa akin si Ritsumi and I just smiled at her. Baka iniisip niya kung may narinig ba ako o wala.

Nag lakad na ako palabas ng kwarto kasama si Kuya Ryoga at dumiretso kami papuntang kusina. Lumilipad ang isip ko sa narinig ko at pinag usapan ni Ritsumi at ni Kuya Red.



"Baby, okay ka lang?"

"H-huh?"

"Sabi ko i-charge mo na 'yung phone mo."

Parang hindi ma absorb ng utak ko ang sinasabi niya at mukhang napansin niya ang pagka lutang ko. Kinuha niya ang cellphone ko sa akin pati ang charger at naka kunot ang noo nito habang nakatingin sa phone ko.

"Hindi ka pa naman lowbat ah? 90% ka pa pala oh."

"Ah hindi. Dinala ko lang para mamaya. Para hindi na ako aakyat sa taas."

"Okay ka lang? Mukha kang lutang? May masakit ba sa'yo?"

Lumapit siya sa akin atsaka niya hinawakan ang noo at leeg ko.

"Wala ka namang lagnat."

"Okay lang ako. Tara na! Mag luto na tayo." Aya ko sakaniya at binitawan niya ang phone at charger ko.

"Okay, baby!" Masaya na sabi niya at napa titig ako sa mukha niyang naka ngiti.

Sa likod talaga ng mga ngiti na 'to, ang dami kong hindi alam.








After naming mag dinner ay naisipan ni Kuya Ryoga na uminom kaming tatlo sa living room. Naka upo kami sa sofa at nasa small table ang mga alak at pulutan na pinrepare namin. Mag katabi kaming dalawa sa sofa habang si Ritsumi naman ay naka upo sa solo sofa at nag ce-cellphone ulit.



"Busy mo naman sis. Huwag kang masyadong loyal kay Luther. Sasaktan ka lang nun."

"Ba't mo alam?" Masungit na tanong niya atsaka niya binato ng ice cube si Kuya pero mabilis naman niyang na ilagan.

"Concern lang ako sa'yo. Ikaw din." He said while laughing.

Hindi sumagot si Ritsumi at naka tulala lamang ito kay Kuya. Kuya Ryoga started to drink again at pinag laruan niya ang mga daliri ko.

"Baby your fingers are so small. Ang cute."

"Cute size kasi 'yan." I answered at pinitik ko nang mahina ang matangos niyang ilong.

"Buti nalang hindi babae ang fumifinger sa aming mga lalaki no? Kase feeling ko hindi ako masasarapan diyan sa mga daliri mo. Ang liit." My eyes widened with what he has said at mabilis kong sinapak ang bibig niya.

"Bastos!"

"Joke lang. Pero huwag kang mag totomboy ha? Kawawa magiging girlfriend mo." He said and he laughed like an idiot.

"Bwisit ka talaga!"

"Ah, Ryoga. May sasabihin sana ako." Singit ni Ritsumi.

Tumigil kami ni Kuya Ryoga sa pag aasaran namin at umayos ako ng upo.

"Ano nanaman?" He asked.

"Umuwi na kaya tayo?" Tanong ni Ritsumi.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pag aaya niyang umuwi. Buong oras ng dinner namin kanina ay hinintay kong sabihin niya ito dahil 'yun ang utos ni Kuya Red pero hindi siya nag sabi. Ngayon palang yata siya nagkaroon ng lakas ng loob para mag aya.



"Baliw ka ba? Bukas pa tayo uuwi ng hapon." Sagot ni Kuya Ryoga sakaniya.

"May pasok si Rej bukas 'di ba?" She looked at me. "A-absent ka?" Tanong niya rin sa akin at nag kibit balikat na lamang ako.

"Holiday bukas. Bakit ba gusto mong umuwi?"

I looked at Kuya Ryoga at naka taas ang kilay niya habang seryosong naka tingin kay Ritsumi. Binalingan ko ng tingin si Ritsumi at kitang kita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya. She looks scared and she even gulped.

"Nag aaway kasi kami ni Luther." She answered. She's lying!

"G-gusto ko lang sana na makapag usap kami ng personal. Alam mo naman 'yun. Saksakan ng pride at a-"

"Sinungaling." Tumatawa na sabi ni Kuya Ryoga at nabaling ulit ang tingin ko sakaniya.

"Sabihin mo kay Red bukas tayo uuwi." He added and my eyes widened!

How the fuck did he know about Kuya Red?!


"K-Kuya, sorry. Sorry."

Tumayo bigla si Ritsumi sa kinauupuan niya at nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ni Kuya Ryoga. Naka yuko siya at pa ulit ulit siyang humingi ng sorry! What the hell is going on?!


"Huwag ako, Ritsumi Ayon. Ano bang pinoproblema mo?"

Hinawakan ko ang kamay ni Kuya Ryoga dahil hindi ko kinakaya ang nangyayaring 'to. Bakit kailangang lumuhod ni Ritsumi sa harapan niya?! At bakit hindi niya ito pinapatayo?! He is just letting his sister!

"Gusto ko lang talagang umuwi."

"Edi umuwi ka mag isa mo. Problema ba 'yun? Hindi naman kita pipigilan e."

Tumayo sa pagkaka luhod si Ritsumi atsaka niya ako tinignan.

"I-isasama ko si Rej." She said. Why does she want me to bring with her?!

"If you want to go, go. Don't bring my girlfriend with you."

"Pero da-"

"Nag dedesisyon ka ba para sa akin?" Seryosong tanong ni Kuya Ryoga sakaniya at bigla akong nakaramdam ng takot sa tono nang pananalita niya.

"H-hindi po, Kuya." She answered again habang naka yuko na ito.

"Ayus ayusin mo mga pinag gagawa mo. Lumayas ka sa harapan ko."

"Sorry." She bowed in front of his brother and she immediately walked away.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok ito sa loob ng kwarto niya.Bumitaw sa pagkaka hawak ko si Kuya Ryoga at tumayo siya mula sa pagkaka upo niya.

"Magpapa hangin lang ako sa labas. Huwag mo akong susundan." He firmly said atsaka siya nag lakad palabas ng villa.



Naiwan akong mag isa rito sa living room with a shocked mind. Just the what hell did I just witness?! Seryoso ba 'yun?!


This is not good.

Continua a leggere

Ti piacerร  anche

900K 18.7K 25
Aso't pusa, magkaka-baby? โ€ข ๐—–๐—ข๐— ๐—ฃ๐—Ÿ๐—˜๐—ง๐—˜๐—— / ๐—ฃ๐—ข๐—ฆ๐—ง๐—˜๐——: ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿญ๐Ÿฐ โ€ข
2.6M 167K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.1K 414 30
SCHOOL SERIES #1 | 18+ Ending your high school days journey is almost like ending your teenage life and to open again a new book to embrace the adult...