BEAUTY in the End of ZIGZAG

By MarjorieParanal

5K 522 95

Ang sarap at Ang saya mabuhay ayun sa iba pero pansamantala ko Lang iyong nARAMDAMAN Kasi ngayon puro sakit a... More

CHAPTER 1 (FIRST ENCOUNTER)
CHAPTER 2 (UNEXPLAINABLE FEELING)
CHAPTER 3 (TAEWON'S LIFE)
CHAPTER 4 (START OF FRIENDSHIP)
CHAPTER 5 (BEING RIGHT)
CHAPTER 6 (TWO Vs. ONE)
CHAPTER 7 (CHILDHOOD)
CHAPTER 8 (SIPA)
CHAPTER 9 (SATURDAY FIGHT)
CHAPTER 10
CHAPTER 11-BHYM AND ERRIAH
CHAPTER 12 (MAYOR Vs. VICE MAYOR)
CHAPTER 13 (JACKSON)
CHAPTER 14 (WON, LIM and CROCKER)
CHAPTER 15 (SAVING)
CHAPTER 16 (CONVERSION)
CHAPTER 17 (WITH JACKSON AGAIN)
CHAPTER 18 (UNFAIR)
CHAPTER 19 (VHYRONY IVORY)
CHAPTER 20 (RHYTHM'S FAMILY)
CHAPTER 21 (NEW CAR)
CHAPTER 22 (DANCE WITH HIM)
CHAPTER 23 (ANOTHER FIGHT)
CHAPTER 24 (BOARDING HOUSE)
CHAPTER 25 (ME AND WON)
CHAPTER 26 (CONCERN)
CHAPTER 27 (EXPULSION)
CHAPTER 28 (A.I ROOM)
CHAPTER 29 (A.I ROOM 2)
CHAPTER 31 (TAEWON AND HIS DAD)
CHAPTER 32 (RECITATION)
CHAPTER 33 (BANANA QUE)
CHAPTER 34 (RION)
CHAPTER 35 (20 Vs. 2)
CHAPTER 36 (MAY GUSTO KA BA SA AKIN?)
CHAPTER 37 (NERVOUS)
CHAPTER 38 (HUG)
CHAPTER 39 (PIKON?)
CHAPTER 40 (KISS)
CHAPTER 41 (LAKAS)
CHAPTER 42 (KING)
CHAPTER 43 (SACRIFICE)
CHAPTER 44
CHAPTER 45

CHAPTER 30 (TSG COFFEESHOP)

69 2 0
By MarjorieParanal


TAEWON’S POV

NAIINIS AKO, BWISEEET!!

Matapos ang matindi at emosyonal na kaganapan sa A.I Room ay nagkaroon nga kami ng punishment at magsisimula ‘yon bukas at kaya ako naainis dahil yong bwiset na kulot na ‘yon at mga kaibigan niya ay bigla na lang umalis at iniwan kami ng hindi man lang nagpapaalam.

Walang utang na loob, bwiseeet talaga!!!

“Hoy bakit ang sama-sama ng mukha mo diyan?” tanong ni Lim sa akin. Naglalakad na kami papuntang parking area dahil wala naman na kaming klase.

Pagkalabas kasi namin ng A.I Room ay dumiritso kami sa study room naming tatlo at doon naglunch. Nagulat pa nga kami dahil hindi sila kulot ang nagdeliver. Nakatulog din ako ng mga tatlong oras siguro. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon kahaba ang tulog ko eeh.

“Oo nga Won, kanina ka pa walang imik tapos parang hindi mo pa naririnig ang walang humpay na hiyawan ng mga fans natin” si Crocker na ang pagsasalita ay may kasamang pagpapacute.

Mukhang engot!

Naririnig ko naman ang mga walang kwentang pinagsasabi ng mga babae at bakla sa bawat madaanan namin pero wala naman kasi akong pakialam sa kanila saka hindi ko naman talaga sila pinapansin eeh.

“Naiinis kasi ako” sabi ko at ramdam na ramdam ko ang pagkakakunot ng noo ko

“Naiinis? Bakit?” nagtatakang tanong ni Lim sa akin

“Eh kasi yong bwiset na kulot na ‘yon hindi man lang nagpasalamat sa atin!!!” galit na sabi ko

“aaaah hahahahaha bakit gan’on?” si Crocker na may nakakalokong tingin sa akin

“Ano na namang iniisip mo Hamish ha!!!?” naiinis na tanong ko rito

“Hahaha affected ka kasi masiyado eeh samantalang pare-pareho naman tayong tumulong pero ikaw lang yong nagkakaganyan hahahahahaha” tinignan ko siya ng masama pagkasabi niya n’on

“Anong nagkakaganyan ha!!!? Alangan naman kasing matuwa ako na hindi man lang niya ko pasalamatan”

Hmm Bakit nga ba ganito na lang ako kanaiinis na pagkatapos n’ong lahat eh iniwan niya na lang kami?

“Iba na yan Won hahaha”

“Iba Psssh ano na naman ha, may gusto na naman ako sa kaniya? Utak mo Hamish pangkinder!!” 

“Hahahaha ako pa talaga yong may utak na pangkinder ha samantalang ikaw yong parang batang nagmamaktol diyan kanina pa hahahaha diba Lim?”

Naghanap ka pa talaga ng kakampi ha. Tinignan ko naman si Lim at noon ko nakita ang nakakalokong ngiti nito

“Hoy Clemet anong nginingiti-ngiti mo diyan ha?!!” galit na tanong ko rito

“Mamaya na natin pag-usapan hahaha punta tayong coffee shop diyan lang sa tapat” nginiwian ko lang ito dahil napakapilyo ng pagkakangiti nito sa akin

“Sure, basta libre mo Lim hahahaha” si Crocker

“cool, sa TSG Coffeeshop tayo” sabi niya pa pero imbis na magsalita ay tinanguan ko na lamang siya. Diyan lang naman kasi yon sa may dulo kaya alam ko, madalas ko din yong madaanan pauwi”

Maya-maya pa’y nasa coffeeshop na kami. Marami-rami ang tao pero may mga bakante parin namang upuan. Sa may pinakadulong part kaming tatlo umupo.

Oh my, look Kayce so handsome

Gosh Glecy I know them
They are my schoolmates

Really?

Rinig naming usapan ng mga babae sa kabilang mesa. Pinagtitinginan din kami ng iba pang mga nasa table pero talagang wala akong pakialam sa kanila.

ERRIAH’S POV

Matapos ang makabagbag damdaming sagutan sa A.I Room ay dumiristo na kami ni Yuna sa boarding house. Sinadya ko talaga hindi kausapin sila koreano dahil natatalo ako ng emosyon ko at makikita nila kung gaano kalungkot ang mukha ko at ayokong kaawaan nila ko.

Nag-isip-isip muna ako sa boarding house tungkol sa mga nangyari at ayusin ang mga plano ko pero walang nangyari dahil paulit-ulit na pumapasok sa isip ko mama. Kung buhay pa sana siya paniguradong ipagtatanggol din niya sa kanila.

Wala akong naayos kahit isa kaya inagahan na lang namin ang pagpasok sa trabaho para maukupa ng ibang bagay ang isip ko.

“Ibigay mo ‘to doon sa bagong dating” utos sa akin ni ate Suzette sabay abot ng menu card sa akin.

Si ate Suzette ay kapatid ng naging matalik kong kaibigan noong senior high kaya ganoon na lang kadali para sa amin ni Yunang makapasok dito sa trabaho.

Nakayoko lang akong naglalakad dahil masiyadong mapangmata ang mga costumer sa coffeeshop na ‘to ng makarating sa mesa kung saan nakaupo yong mga bagong dating yan iniabot ko agad isa-isa yong menu card pero natigil ako ng hindi parin ito kinukuha ng isa kaya naman nag-angat ako ng tingin at ganoon na lang ang panlalaki ng mata ng makita ko si koreano na nanlalaki din ang mga mata.

Tinakasan ko na nga kanina nagpakita pa rin ngayon.

Madali kong ibinalik ang itsura ko. Pinasadahan ni koreano ng tingin ang buong itsura kaya naman napalunok ako ng ilang ulit. Tinignan ko din silang tatlo kaya napansin kong hindi pa sila umuuwi dahil ganoon pa din ang suot nila.

Ngayon lang ba siya nakakita ng isang waitress? Tanong ko sa isip ko dahil nakailang ulit ng tignan ni koreano ang buong itsura ko.

“HOY KULOT” tawag niya sakin ng may diin. Tinignan ko naman siya ng sobrang tamad na tingin “Anong ginagawa mo dito ha?” biglang tanong niya

“Pssh ano bang paki’lam mo!?” mataray na sagot ko sa kanya kaya naman unti-unti ng umuusok ang ilong niya sa inis.

“Aba-aba, nagtataray ka sakin ngayon matapos ka naming tulungan” panunumbat niya sakin kaya naman naging masama ang tingin ko sa kanya

Pilit ko ngang kinakalimutan ang nangyari kanina pinaalala naman ng kumag na ‘to

“Pssh, hindi ako pwedeng makipagusap sa inyo tungkol sa kung ano man” sabi ko sa kanila at nakita at narinig ko naman ang panggagaya ni koreano sa sinabi ko kahit mahina lamang ‘yon.

May topak yata ‘to eh.

“Ahm Erriah Iced Espresso sakin” biglang sabi ni Lim

“Yon na din ang akin Erriah” sabi naman ni Crocker

Inilista ko na ang order nilang dalawa saka tinignan ko naman si koreano na kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa menu card. Napabuntong hininga ako habang hinihintay ang order niya.

1 minute

3 minutes

5 minutes

10 minutes

Bwiset na koreano ‘to hanggang ngayon hindi pa nakakapili ng order niya!!!! Nananadya yata ‘to eeeh. Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ako dahil pilit kong hinahabaan ang pasensya ko sa koreano na ‘to. Nakakangalay kayang tumayo.

“Won, your order, Erriah’s waiting for you” biglang Sabi Ni Lim

“Huh? Order? I didn’t say that I’m going to order” nag-init ang ulo ko pagkasabi niya n’on at ang masnakakainis pa don ay napakainosente ng mukha niya.

Humigop ako ng napakaraming hangin saka pinakawalan yon ng medyo may kalakasan bago ako ngumiti ng napakalawak sa kanila. Kinuha ko na ang menu card kay Lim at Crocker at binigay naman nila sakin ‘yon agad. Tumingin ako kay koreano at nakatingin naman siya sakin ng masama.

Hindi ko talaga alam kung anong klaseng utak ang meron ‘tong kumag na ‘to.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya pinapakitang hinihingi ko na ang menu card pero itong bwiset na koreano na ‘to tinalikuran ako saka nagtingin-tingin ulit sa menu card.

Akala ko ba wala siyang balak umorder pero kanina pa siya tingin ng tingin.

“Pasensyahan mo na Erriah, may regla kasi yan hahahaha” sabi naman sakin ni Crocker at kita ko namang nilingon ito ni koreano at tinignan ng masama.

Umalis na ako doon saka sinabi ang order ng dalawa. Nakakabwiset talaga, pumasok ng ako ng maaga para umayos-ayos ang utak ko pero ito namang koreano na ‘to maslalo akong binibwiset!!!

“Oh Erriah ayos ka lang?” Biglang sulpot ni Yuna na may dala-dalang mga ginamit na cup. “Kalimutan mo na ‘yong nangyari kanina, naging maganda naman yong resulta eeeh” dagdag niya ng hindi ko siya sagutin

Tsk” sininghalan ko lang siya

“Oh sila koreano yon diba?” sabi niya na animo’y nagulat “Sobrang baho na ba ng hininga mo at hindi ka nagsasalita ha? Doon na nga ako” inis na sabi niya saka pumasok sa loob.


Habang tumatagal ay nagiging maayos na ang performance ni Yuna dito sa coffeeshop. Noong una kasi nakabasag siya, at tapos muntik pang makipagsagutan sa costumer dahil masiyado daw matagal umorder. Ang daming sinakripisyo ni Yuna para lang magkasama kami kaya hindi ko talaga kakayanin kung may mangyaring masama sa kanya lalo na ng dahil sakin.

Pssst Erriah” tawag sakin ni Jhayne kaya lumapit na ako sa kanya “Order ba ito ng mga pogi doon?” tanong niya sabay nguso sa table nila koreano kaya tumango naman ako. “Ano ba namang mukha yan Erriah, mga naggagwapuhang lalaki ang bibigyan mo niyan oh kaya ngiti-ngiti din” dagdag pa niya pero buntong hininga lang ang naisagot ko sa kanya. Nilagay ko na sa tray ang order nila “Pero bakit dadalawa lang yan?” takang tanong niya na nakaturo pa sa mga orders.

“Nag-iinarte yong isa eeeh” sabi ko sabay tingin kay koreano at muntik na akong magulat ng paglingon ko ay nakatingin din ito sa akin buti na lang at napigilan ko.

Inirapan ko siya saka lumingon ulit kay Jhayne pero nagpapacute na ito habang kagat ang pangibabang labi.

Ewww

“Erriah, feeling ko type ako ng isa hahahahaha” sabi niya na tumalon-talon pa na parang kilig na kilig “Erriah hingin mo yong number niya pleassseeee” biglang sabi niya.

Number?

“Sige” nakangiting sabi ko sa kanya at tumalon-talon na naman ulit siya.

Si Jhayne ay isang transwoman. Kung hindi mo siya kikilalanin ng husto ay talaga namang aakalain mong babae talaga siya. Maliit na din naman ang boses niya pero kahit papano ay may bakas pa din ng pagkabakla. Agad niya saming inamin ni Yuna na transwoman siya dahil ayaw niya daw magsinungaling sa mga taong nasa paligid niya. Manager siya sa coffeeshop na ‘to at isa din siyang freelance model.

Lumakad na ako papunta sa table nila koreano bitbit ang order ng dalawang kasama niya at ramdam na ramdam ko ang talim ng tingin niya sakin.

Hindi ko talaga maintindihan ang topak ng lalaking ‘to. Lagi na lang galit samantalang may paiyak-iyak pa siya kaninang nagsasalita ako sa A.I Room.
Inilapag ko na sa harap nila Crocker at Lim ang mga order nila pagkatapos ay tumalikod na ako.

“Alam mo Erriah wala ka man lang talagang common sense” biglang angil ni koreano kaya nahinto ako sa balak kong paghakbang.

Tinignan ko siya ng pinakacold na tingin na kaya ko. Napalunok na naman siya.

“Anong sabi mo?” malumanay na sabi ko

“Wa-walang kang co-common sense” nauutal na sabi niya at bumungisngis naman ang dalawang kasama niya kaya nilingon niya ito at agad namang tumigil.

“At bakit naman ha?” malumanay parin na tanong ko

“Alam mo ba kung bakit hindi ako umorder ha?”

“Aba malay ko sayo!!”walang paki’lam na sagot ko

Ha” parang nauubusan na sabi niya “Hindi ako umorder kasi gusto ko magkusa ka”

Magkusa? Ha? Ano bang pinagsasabi ng koreano na ‘to.

Magkusang ano?” naguguluhang tanong ko sa kaniya

Wangya ka”

Wang’ya? Ano Yon?

Wangya? Ano bang pinagsasabi mo ha?” naiinis ng tanong ko ulit sa kanya

Wangya, shortcut ng walang hiya haayysssssst Ano ba kulot hindi yon ang pinag-uusapan natin ok”

Psssh at gumawa ka pa ng sarili mong salita ha o ako lang ang walang alam n’on

Ano bang pinag-uusapan natin ha?” tanong ko na naman sa kanya

“Alam mo kanina ka pa tanong ng tanong!!”


“Malamang hindi ko maintindihan ‘yang amats mo eeeh”


“Ang sama talaga ng ugali mo!!! Hindi ako umorder kasi gusto ko ikaw na mismo ang umorder para sakin ok!!!!”

“Boplaks ka ba ha!!! Bakit naman ako oorder ng para sayo ha?”

Iniinis na talaga ko ng koreano na ‘to. Konti na lang ihahampas ko na ‘tong tray na hawak ko sa kanya

“Boplaks mo mukha mo!!! Hindi ka pa nagpapasalamat sakin kaya automatic na ‘yon na dapat illibre mo ko”

Wow akala ko ako ang makapal ang mukha eh masmakapal pa nga ang mukha niya eeeeh.


“HA!! Malay ko bang gusto mong magpalibre sakin ah akala ko nga ayaw mong magkape eeeh!!!”

“Psssh wala ka kasing common sense na kulot ka!!!! O kaya naman ayaw mong manlibre dahil wala kang pera”

Kita mo ‘tong kumag na ‘to nanlait pa!!

Ok” sabi ko sa kanya at maslalong pumanget at expresyon ng mukha niya. Kinuha ko ang papel at ballpen sa bulsa ko saka binigay ‘yon sa kanya.


Ano ‘to ha?” nagtatakang tanong niya sakin

"Papel at ballpen" sagot ko NG nakangisi “Isulat mo ang cp number mo diyan” dugtong ko NG maslalong sumama Ang mukha niya

A-at bakit ha?”

“Hahahah iba ka Erriah, gusto mo palang maging textmate si Won eeh inaway-away mo pa” birong sabi ni Crocker


“Oo at maya-maya lang ay itetext ko na siya” sakay ko sa biro niya nanlaki naman ang mata ni Crocker.


Psssh mahilig magbiro pero hindi makahalata ng biro sa hindi


Isulat mo na” sabi ko kay koreano at sinulat naman niya

Pssh uto-uto.


Nang ibinalik na sakin ni Won ang papel at ballpen ay humarap agad ako kay Lim at Crocker.


Wag niyo ng bayaran ‘yan, sagot ko na ‘yan” sabi ko sa kanila ng nakangiti

Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Crocker at tumango naman ako

“Hindi mo naman kailangang gawin ‘to Erriah” sabi naman ni Lim


“Hindi ok lang Lim, Saka salamat sa ginawa niyo kanina, salamat talaga. Sige” sabi ko saka tumalikod na.


Sinadya ko talagang hindi pasalamatan si koreano at sigurado akong umuusok na ang ilong n’on sa galit dahil rinig na rinig ko ding pinagtitripan siya ng dalawang kasama niya.


END OF CHAPTER 30

THANK YOU FOR READING


PLEAAASSSEEEEEE DO VOTE, COMMENT, FOLLOW AND RECOMMEND THIS SIMPLE STORY OF MINE TO YOUR FRIENDS.

YOUR COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED.

THANK YOU💜💜

LAB YAAAAH😍😘

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...