CHAPTER 45

58 1 0
                                    


ERRIAH'S POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko pero nanlalabo ang paningin ko pero alam kong may tao sa paligid ko kaya naman kahit hindi ko makita ang buong paligid ay hinanap ko kong nasan ito at nakita kong nasa gilid ko lang ito.

Isang babae at isang lalaki? Sino kayo?

Pilit ko silang inaaninag pero talaga namang malabo ang paningin ko, ilang minuto pa silang nanatili na at pinakatitigan ako saka umalis. Hindi ko sila kilala dahil kung si tita at tito iyon ay dapat nagsalita sila pero hindi eh, tinitigan lang nila ko. Muli kong ipinikit ang mga mata ko at mukha ni mama at papa ang nakita ko.

FLASHBACK

“What do you want to be when you grow up king-king?” tanong ni papa sa akin habang kandong-kandong niya ako

“Gusto ko pong maging nars”

“Nars?” nakangiting tanong sa akin ni papa

“Ay hindi po pala papa, gusto ko pong maging titser”

“Hahahaha teacher not tister” pagtawa niya

“Ay mali pala papa gusto ko maging business woman”

“Wow, business woman. Ano naman ang business na ibibuild mo?” malumanay na tanong niya sa akin

“Ahm ano po, ahm tindahan po ng banana que, tama tindahan ng banana que” masayang tugon ko sa kaniya

“Hahaha tindahan ng banana que, baka naman ikaw lang kumain ng tinda mo” pagbibiro niya sa akin

“Hahaha hindi po papa”

“O tama na muna ang inyong kwentuhan at magmiryenda na kayo” sabi ni mama saka ako kinarga ni papa papunta sa maliit naming kusina

“WOOOOOOWWWW Banana que” sigaw ko ng makita ko ang maraming banana que na bagong luto sa mesa, iniupo ako ni papa pero imbis na kumain na ay tumayo ako at kumuha ako ng maliit na tupper wear at naglagay doon, batid kong nakatingin sila sa akin pero hinayaan lang naman nila ako sa ginagawa ko.

“Para kanino naman iyan king-king?”tanong ni mama na tinulungan akong isara ang tupper wear

“Ahm kay lakas po mama”

“Lakas? Pupuntahan mo ba siya?”

“Susunduin niya po ako mama, pupunta po kami kanila nanay Marilou at tatay Jose para maglaro” masayang wika ko na habang naglalagay ng banana que sa platito ko

“Is that so?” tanong ni papa kaya napatingin naman ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit parang may nakakalokong tingin siya sa akin

“Opo papa, bakit po?”

“Crush mo ba siya?”

“Kras?” inosenting tanong ko

“Hahaha never mind, oh kain ka na ng makaligo ka na” sabi niya saka kami kumain

END OF FLASHBACK

Ang sweet-sweet mo sa amin ni mama kaya akala ko mahal na mahal mo kami pero hindi eh nagawa mo kaming iwan sa hindi ko malaman na dahilan, namatay si mama ng hindi ka man lang sa kaniya nakakahingi ng tawad. Wala kang kwentang papa at asawa, pssssh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BEAUTY in the End of ZIGZAGWhere stories live. Discover now