CHAPTER 29 (A.I ROOM 2)

74 2 1
                                    


TAEWON’S POV

“THAT’S NOT TRUE!!!!!” sigaw ni Tefanny na nanlilisik pa ang mga mata

“Miss Park!!” malumanay pero may diin na tawag ni Miss Jeny kay Teffany kaya medyo kumalma ito pero masama pa din ang tingin kay Rhythm. “Continue Miss Archambault”

“Tefanny kept on pushing me towards the bowl but I’m very thankful that Erriah and Yuna came and they helped me”


“I’m confused becaused according to Miss Park Kayong tatlo ang nanakit sa kanila” parang naguguluhang sabi ni tita

“IBIG SABIHIN PO N’ON MISS LINCON NAGSISINUNGALING YAN SI TEFANNY!” biglang malakas na sabi ni Yuna na napatayo pa kaya nagulat kaming lahat.

“HOY UKAY-UKAY GIRL TOTOO LAHAT NG SINABI KO!!” sigaw naman pabalik ni Tefanny na napatayo din


“KITA MO NA PO MA’AM JENY AND MISS LINCON UKAY-UKAY GIRL ANG TAWAG NIYA SAKIN DAHIL NGA BULLY SIYA!!! NILALAIT NILA LAGI ANG SUOT NAMING TATLO” may galang na sabi ni Yuna pero malakas pa din ang pagkakasabi

“That’s not true Miss President” biglang mabait na sabi ni Tefanny

“Miss Park sit down and Miss Takanaya kindly state your side” biglang sabi ni Ma’am Jeny

Bumuntong hininga muna si Yuna at parang kinalma ang sarili. Napatingin naman ako kay kulot na seryoso lang na nakatingin kay Yuna. Bumalik naman na sa pagkakaupo niya si Crocker.

“Totoo po lahat ng sinabi ni Rhythm Miss Lincon and Ma’am Jeny at nagpapasalamat po ako dahil binigyan niyo po kami ng chance namasabi ang side namin” sabi niya na nilingon pa si Dean Watson “Matapos po ng insidente sa Comfort Room ay napagalitan pa kami n’on dahil nalate po kami sa klase”

Ahhh kaya pala sila nalate daahil tinulungan nila si Rhythm


“Then after po ng klase ay papunta na kami n’on sa canteen ng may isa pong babae na nagsabi kay Erriah na may naghahanap daw po sa kanyang lalaki kaya naman sumunod kami sa kanya ng bigla pong may bumuhos kay Erriah ng mga binasag na itlog at di nagtagal ay may nambato sa kanya ng mga hinog na hinog na kamatis. Pakatapos po n’on ay tatawa-tawang lumabas sila Natasha!”

Bigla akong nakaramdam ng kaba ng banggitin ni Yuna ang pagbuhos sa mga itlog.

Tumingin naman ako kay kulot dahil sabi nya hindi kami madadamay at hindi nila kami isusumbong

“MI-MISS PRESIDENT THEY’RE LYING!!” biglang sabi ni Natasha


“Yes Miss President they’re absolutely lying because my daughter won’t do that” sabi naman ng mommy ni Natasha na matalim ang tingin kay Yuna


“Miss Watson hindi ho ko nagsisinungaling, pero diba Natasha hindi kayo ginantihan ni Erriah kahit ganoon kababoy ang ginawa niyo sa kanya!! Napahiya siya sa harap ng maraming estudyante pero pinalagpas niya lang ‘yon” lumuluha ng sabi ni Yuna.


Bigla akong nakonsensya at napayoko.


“Then sumunod naman n’on ay binully mo si Erriah dahil sa suot niya, kesyo inuulit-ulit niya ang mga damit niya eh ano namang masama d’on ah. Required ba sa school na ‘to na dapat hindi mo iulit ang damit na naisuot mo na!! Unang week pa lang naramdaman na namin ang discrimination sa school na ‘to. Hindi ko na natiis ‘yong panlalait ninyo n’on kaya sinagot ko kayo pero hindi ko naman inakala na ipapabugbog niyo pala kami after class” napapahagulhol ng wika ni Yuna.

BEAUTY in the End of ZIGZAGWhere stories live. Discover now