CHAPTER 28 (A.I ROOM)

72 2 0
                                    


TAEWON’S POV

Kanina pa kami naghihintay ng hudyat ni kulot kung kailan na kami papasok sa A.I Room. Kung bakit kami nandito ay sa kadahilanang humingi siya sa amin ng tulong.

FLASHBACK

Andito pa rin kami sa labas ng office ni tita habang hinihintay na lumabas si kulot, kakausapin daw kami eeh.
Napatingin kami sa may pinto nang bumukas ito at lumabas na si kulot na walang buhay ang mukhaa.

Haaysst ano pa nga bang aasahan sa mukha niya.

“Miss kausapin daw ho kayo ni Miss Lincon” sabi nito sa secretary na madali namang sumunod.
Tumingin ito sa amin saka umupo so bale magkaharap na kami dahil kaming tatlo ay nakaupo sa mahabang couch at may mesang maliit sa gitna at single couch naman sa harap namin ang inuupuan ni kulot.

A-anong pag-uusapan natin Erriah?” tanong ni Lim kay kulot

Ngumiwi muna ito bago tumingin kay Lim Bukaspagsisimula niya “Kailangan ko ng tulong niyong tatlo” serysong sagot nito

“Ano namang tulong ‘yon kulot?” tanong ko naman sa kanya kaya napatingin naman siya sakin.

Haayst bakit ba ganyan ang mata niya, walang namang mabasa pero nakakatakot.

Sinabi sa amin ni kulot kung anong klaseng tulong niya at dahil nasabi naman niya it okay tita ay pumayag na kami. Excuse naman daw kami sa lahat ng subject bukas.

END OF FLASHBACK

Inilahad niya sa amin ang buong plano niya kahapon kaya naman heto kami ngayon kasama si tita, secretary niya, isang babaeng kaedad ni tita na hindi ko alam kung sino at ang nurse sa clinic. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa ng nurse na ‘yan dito eeh.


Kanya-kanya kaming tingin sa Cellphone namin ng bigla itong tumunog. Andito kami sa labas ng A.I ngayon pero hindi namin marinig ang pinaguusapan sa loob dahil sound proof daw ito at hindi rin namin makita dahil wala kahit isang bintana ito.

Dali-dali naming binuksan at binasa ang mensaheng dumating sa amin. ‘Yon na ang hudyat. Nagkatinginan kaming lahat saka lumakad si tita palapit sa pinto saka ito binuksan. Pumasok kaming lahat at doon namin nakita ang sila Natasha na nakatayo na parang aalis na.

Lumipat sa kaliwang parte ang paningin ko at doon ko nakita si Yuna na nagtatakang nakatingin sa amin, si Rhythm na nakatingin din sa amin pero namumugto na ang mata.

Anong nangyari dito?

Lumipat ang paningin ko kay kulot na seryosong nakatingin kay-kay

Sino siya?

Mi-miss President?” parang kinakabahang sabi ng lalaki na tinitignan ni kulot.

Napatingin ako kay tita pero nginitian lang niya ang tumawag sa kanya saka bumaling sa amin. Sinenyasan niya kaming umupo sa kaliwang parte kung saan sila kulot kaya sinunod naman namin ito. Umupo na din si tita ganon din yong lalaki. Nagsiupuan na din sila Natasha.

Who are they?” bulong na tanong ko kay Yuna dahil siya ang katabi ko.

Mga mommy nila” malungkot na sabi nito.

Nangunot naman ang noo ko dahil bakit parang sila lang ang may magulang tapos sila kulot wala.

Ehem May I ask you Miss President what brought you here?” tanong naman ng lalaki kay tita

BEAUTY in the End of ZIGZAGWhere stories live. Discover now