Through the Light and Dark (S...

By estellica

118K 4K 4.8K

Saudade Series #1 The hardest decision was to choose between your happiness and what was right. Ever since h... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Author's Note

Kabanata 27

2.2K 38 110
By estellica

Kabanata 27

Contract

"Mga Maristella raw! Oo, matagal na palang patay si Sir Jirch?"

"Sa kanilang mansiyon pala ang pinasok dati? Siguro nga ay wala pala talaga tayong alam sa pamilya nila."

"Napaka-private naman kasi nilang tao. Dating Gobernador ng Batangas si Sir Jirch Maristella! Akalain n'yo 'yon? Paano kaya nangyari 'yon, e, hindi ba't naging CEO na siya ng Shining M?"

"Gaga, hindi ka lang siguro nakikinig sa teacher mo dati. Pamilyar kaya ang apelyido nila sa 'kin! Parang nabasa o narinig ko na dati noong nag-aaral ako. Hay, ewan ko ba!"

I just had to keep my posture as I walked in front of them. It was office hours but why were they here? Were they not aware of the rules at their company that it wasn't allowed to talk about the personal lives of the Maristellas? Their bosses?

I thought I would just let it pass, but I immediately turned my head around them, causing their eyes to grow bigger. Napaawang ang labi ng isa, hindi makapaniwala na narinig ko lahat. Naghihilaan paatras ang tatlo.

"M-Ma'am Ja-"

Kunwari akong tumingin sa relo ko. "Hindi ba kayo aware na may pasok kayo ngayon?" Nagtaas ako ng kilay, sabay halukipkip.

"I-I apologize, Ma'am," sabi ng isa na nagsabing matagal nang patay si Dad. Paano nila nalaman 'yon? Pribado ang bagay na 'yon! Limitado lang ang nakaaalam kaya, paano?

"Ma'am, sa balita lang po namin nalaman. We're sorry, Ma'am Jaryllca. Hindi na po mauulit."

"Tara na, may pasok pa tayo," anang babae sa isang garalgal na boses, sabay hila sa kaniyang dalawa pang kasama. Yumuko ang isa sa akin bilang paghingi ng tawad.

Ngayon lang naging ganito ang asal ko sa kanila. I was always kind to them. I've never raised my voice because there was no valid reason to do so. But now? I couldn't do that anymore. What's private stays private. It's not that hard to mind their own business.

Naging dahan-dahan ang pagpihit ko sa pinto nang maalala ang sinabi ng babae kanina. Sa balita raw nila... nalaman?

Pagkapasok ko, dali-dali kong binuksan ang aking bag para kunin ang laptop. I logged in my Facebook. Paulit-ulit akong nag-scroll sa feed ko pero iisa lang ang laman. Iisa lang ang topic. It was about my father's death, and him being a Governor in Batangas before. That was all brought up today.

Hindi malabong may binagong impormasyon. O hindi kaya'y dinagdag at binawas. Dahil hindi lahat ng nasa balita ay totoo.

Sino'ng nagpakalat nito? Bakit ngayon pa! Tapos na ang lahat, bakit binabalik pa nila?

BREAKING: Ang dating gobernador na si Jirch Maristella, patay na, 5 taon ang nakalipas. Ngayon lang isinapubliko ng pamilyang Maristella ang bagay na iyon. At ang unang nakaalam ay ang mga natitirang sindikato na nanloob sa mansiyon ng mga Maristella kung nasaan ang Mayor Jocelyn Ledres noong 2002, na siyang pinatay rin ng mga matagal nang nagtatago sa mga kasalanang ginawa; ngayon ay mga nakakulong na.

Hindi ko na namalayan ang paghahabol ko ng hininga pati ang pamumuo ng luha sa 'king mga mata. Hindi ko na rin napansin ang sunod-sunod na katok mula sa pinto. Wala akong lakas para pagbuksan ang kung sino mang 'yon.

Lumagpas na sa limang katok pero hindi pa rin ito tumitigil. Bukas naman iyon at wala na akong kasalanan kung hindi ko siya mapagbubuksan. My heart was becoming tight because of what I had read. Ex-Governor of Batangas and was the CEO of Shining M, Jirch Maristella, my Dad.

Hindi ko alam kung paano at kailan, pero sobrang proud ako sa kaniya. Sobra pa sa sobra. He was the best Dad I've ever had.

Nagulat na lang ako nang makita kong pumihit ang doorknob ng pinto. Napakaraming katok na pala ang nagdaan pero hindi ko man lang iyon napansin dahil masyadong okyupado ang utak ko sa nabasa ilang minuto ang nakalipas.

"Jaryllca, what the heck are you doing?!"

Saka ko lang namalayan na may hawak na pala akong bagay na patalim. It wasn't my intention to hold that thing! Ayaw ko nang maulit pa ang muntik na akong ma-tempt sa ganito.

Pinakatitigan ko ang gunting na nasa kamay ko na. Kaagad ko naman itong binitawan nang mapagtanto kung ano at para saan iyon.

Nakaawang ang aking labi habang nakatingin kay Von na paulit-ulit niyuyugyog ang aking mga balikat. Nakatulala lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya sa harapan ko, labas-pasok lang sa tainga ko ang mga sinasabi niya. Ni isa ay wala akong maintindihan doon at tanging tibok lang ng puso ko ang naghahari.

"Baby..."

Doon lang umayos ang lahat. Iyon lang ang tangi kong narinig sa dinami-rami ng mga sinabi niya.

"B-B-Bakit ka narito?" I asked, stuttering, and was staring at his eyes. Nababasa ko roon ang pag-aalala at ang galit. Mabilis ang kaniyang paghinga at hindi ko mawari kung paano siya napunta rito.

"What do you think you're doing, huh?"

Saka ko lang napansin na may hawak pala siyang folder ng mga blueprint nang ilapag niya iyon sa ibabaw ng office table ko. Mabilis siyang naglakad papunta sa harap ko at kaagad akong hinagkan ng yakap. Napasinghap ako sa kaniyang ginawa, hindi inaasahan.

"Pinag-alala mo ako..." Hinawakan niya ang aking ulo at inilayo sa kaniyang katawan. "Baby, what did happen?" humahangos niyang sinabi. We were both staring at each other. Hindi ko alam kung tama ba ang nababasa ko roon pero talagang purong pag-aalala iyon. And I guess I wasn't hallucinating.

"A-Ano'ng ginagawa mo rito?" pag-uulit ko, binaliwala ang kaniyang mga sinabi. Paulit-ulit akong pumikit para alamin kung totoo nga talagang nasa harapan ko siya—pero totoo talaga. Narito siya, nakatayo sa aking harapan, nag-aalala sa nasaksihan.

I gasped when he threw the scissors on the floor. Saglit pa akong napatulala, hindi alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon.

"Mabuti na lang at hindi ako nagdalawang-isip na pumasok. Baka... kung ano pa'ng nangyari. I can't afford to see that..."

"What are you doing here, Von?"

Nauubusan na ako ng pasensiya. Kasagutan ang gusto kong marinig.

He snorted. Ang bilis magbago ng mood niya!

"Aren't you aware that Yvonne was just the substitute a few days ago? I talked with your assistant, marami raw ang tumatanggi sa gusto mo dahil hindi pa raw sila ganoon kagaling..." Tumigil siya sa pagsasalita. "I'll be the Architect for this project."

Tumango-tango lang ako sa kaniyang harapan. I really did miss him. Halos isang linggo ko rin siyang hindi nakita.

Tumikhim siya at inayos ang tindig. "Architect Von Cuyler Ledres, Ma'am Jaryllca Sai Maristella. And I'll accept the project of your own photography exhibit." Sa simpleng pagngiti niya ay kaagad na lumabas ang kaniyang biloy sa kanang pisngi.

Naglahad siya ng kamay na kaagad ko namang tinanggap. Naging mahigpit at matagal iyon. Nostalgia immediately grabbe me when I remembered the first time I held his hand during his birthday.

A small smile slowly crept in my lips. "T-Thank you for accepting my offer, Architect Ledres..." saad ko sa isang pormal na tono. "Uh... Ito 'yong kontrata. Nakapirma na ako riyan pati si Engineer Fabellon, ikaw na lang ang hindi."

Lumayo ako nang ilang distansya para kuhanin ang contract sa drawer. Sinenyasan ko siya na maupo muna, na siyang ginawa niya naman. Kaagad ko naman iniabot sa kaniya ang papel nang mahanap ko iyon.

Inabutan ko siya ng ballpen. He removed the cover of the pen with his teeth, which he didn't know that it was a non-sexual thing, but I was so attracted to him doing that! Ilang minuto pa niya iyon binasa bago pinirmahan. "Signed, Miss."

I held my breath when our eyes met again. He didn't take them off even when he was looking for a Short Form Architect Client Contract that I needed to sign, too. It was their obligation to do under the Code. Nilalaman no'n ang covering letter, services schedule, and standard terms of the agreement. Mayroon din na kailangan kong ilagay kung ano'ng mga objectives ko para sa proyekto, description ko sa mga drawing, at kung magkano ang kailangang bayaran sa service na iyon.

Nakapapagod basahin ang mga iyon pero kailangan ko pa ring tapusin hanggang dulo para makasigurado.

"An offer, acceptance, and coordination, are the things I needed. That's it. May... tiwala naman ako sa 'yo, Architect."

"Yes, Ma'am. I won't disappoint you." Sumandal siya sa kinauupuan niya.

Hindi ko alam kung maiirita ba ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin ng 'Ma'am', para kasi siyang nang-aasar! Pero alam kong dahil parehas dapat kaming propesyonal dito. It was just for the work.

Pasimple na lang akong napairap.

Muli ko namang binasa ang kontrata. Halos malula ako sa kung magkano iyon. Pero alam kong ganoon naman talaga ang minimum. Depende pa kung hindi ko magugustuhan ang ilalatag niyang blueprints. And all of it would be worth it. It would all paid off in the end.

"Almost 3 million..."

Hindi ko namalayang nasabi ko iyon. Nag-angat siya ng kilay sa akin nang magbaling siya kaya imposibleng hindi niya iyon narinig, kaya naman kaagad akong napakagat sa pang-ibaba kong labi dahil sa hiya.

"Was it too pricey?" he asked, tilting his head as he read the contract.

Dali-dali naman akong napailing sa kaniyang tanong. You were so embarrassing, Jaryllca! What the actual fuck did you say?!

"Ah, no!" kaagad na tanggi ko. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa ibabaw ng lamesa.

Ayaw ko namang tumawad dahil baka malugi siya!

"Answer me, Ma'am," aniya at inangat ang nakayuko kong ulo dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Bahala siya! Siya ang dapat may alam kung mahal ba iyon! Kung maganda naman ang kalalabasan, dadagdagan ko pa ang bayad!

"Y-Yes..." Mariin akong napapikit dahil sa naging sagot ko. He was my boyfriend! Baka sakaling babaan niya kahit papaano!

"Okay, then..." Huminga siya nang malalim bago kinuha ang ballpen sa kamay ko at dinampot ang kontratang nasa ibabaw ng mesa.

I watched him reading the contract as he glided the pen on his cheek. The side of his lips rose when he looked at me. And as he did that, I knew that he would say something that would make me want to disappear into thin air.

"Come back to me, and I'll make it half of its price. And once I change that surname of yours into Ledres... I'll make the project for free. The choice is up to you."

I gave him an unbelievable look. Paulit-ulit ko iyon sinubukang iproseso sa aking utak pero hindi talaga kaya. Sino ba naman ang hindi magugulat sa sinabi niya?!

"A-Architect Ledres..."

Iyon lang ang nasabi ko. Heto na naman ang puso kong nagwawala. How can my love for him die? Sa lagay na ito, kakayanin ko pa kaya ang makalimutan siya?

"What?" he chuckled, at sa paraan ng paghagikgik niya ay para pa siyang nang-aasar. Napahilot na lang ako sa aking sentido.

I won't ever forget that I loved this man. Hindi ko naman mapigilan ang puso ko. Mahal ko siya. At kapag sinabi kong palagi, habangbuhay na iyon.

I didn't even realize that I was smiling already. Halo-halo talaga ang nararamdaman ko ngayong araw. Hindi ko alam kung ano ba'ng nangingibabaw pero marami pa akong gustong malaman tungkol sa nabasa ko kanina.

Kaagad namang naglaho ang ngiti sa aking labi. I knew it. He was just trying to trick me if I was still fragile for him. He has a wife already, what was I thinking? Why didn't I think of that?

"Mayroon ka nang asawa, Architect Ledres," mariin kong sinabi.

Mabilis na napakunot ang kaniyang noo sa narinig. Sarkastiko pa siyang natawa at tumingin sa gilid bago nag-abot ang paningin namin. Tumayo siya mula sa upuan, sabay talikod.

"Masyado kang nagpapaniwala sa mga nakikita mo, Jaryllca... Know the story first before you talk. Parang noon lang."

Pati ako ay napatayo na, nakasunod ang tingin sa kaniya. I was holding my breath as I waited for his next words. It took a minute before he talked again. He was already holding the doorknob.

"It was nice to talk with you again... without feeling any awkwardness. Pero hindi ko lang alam sa 'yo..." Tumikhim siya, nakatalikod pa rin. Tumataas-baba ang kaniyang likod dahil sa bigat ng paghinga niya. "The next meeting we'll have with the engineer, just text me if you want something. May madaraanan naman ako. Just save my number, Ja." Tuluyan na siyang lumabas pero sa bawat segundong lumilipas na wala na siya sa loob ng opisina ko, pabilis nang pabilis ang kalabog ng aking puso.

Samu't sari ang mga salitang binitawan niya. Hindi ko alam kung alin ba roon ang una kong iintindihin.

Maling akala lang ba na asawa niya si Czyrell?

Hindi ko naman mapigilang mapailing kung sakaling hindi nga talaga sila. Napasabunot na lang ako sa buhok ko... Parang noon lang kay Yhaneiza. My god! I just couldn't help myself to overthink. But I knew by myself that I already changed to grow.

Because of what happened, I was hoping that it was me—that there was still a chance. He gave my heart hopes that my mind never imagined he would still give me. Because of his words, he transformed my dark and hazy skies into clear ones.

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 138K 46
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
3.9M 162K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
180K 4.3K 16
finished - august 12, 2017 In which they just might be able to teach each other how to trust again.
2.9M 54.4K 17
"Stop trying to act like my fiancée because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...