Kabanata 34

1.9K 42 9
                                    

Kabanata 34

Confirmed

I quickly removed the comforter that was covering my body and immediately stood up away from my bed, running to the restroom. Hindi ko na napansin pa ang mga bagay na bumabangga sa 'kin dahil mas inisip ko ang nagbabadyang suka sa lalamunan ko.

I put both of my hands beside the toilet, kneeling on the floor. All I thought right now was me to vomit all the things on my stomach!

Unti-unti akong napaupo sa tiles matapos mag-flush. My lips parted as I stared at the floor, holding my stomach. A lot of things were running in my head right now. Am I really... pregnant?

Ilang minuto pa akong nanatili roon bago napagdesisyunang tumayo. I faced my own reflection in the mirror, staring at my flushed and shiny face; it was rosier than before. This wasn't my usual look... And I guess this was one of the signs I shouldn't ignore.

Pagkalabas ko, sinalubong ako nang malamig na hangin galing sa aircon. I had to walk slowly because I didn't want to wake Von up. Hindi naman siya mabilis magising pero masyado pang maaga.

Hindi na ako nag-abala pang maligo at kinuha na lang ang pastel pink hoodie ko na nakalapag sa kama. I turned the lamp off because the sun was peeping already. Naupo pa ako saglit sa kama para maabot ng labi ko ang noo ni Von at hinalikan. Naramdaman ko ang kaunting paggalaw niya.

A small smile was playing on my lips as I closed the door. At hanggang sa makalabas ako, ganoon pa rin. Nakaupo lang ako sa maliit na bangko sa tapat habang naghihintay kay Mang Ruben. I didn't want to drive today... hassle.

Isa-isa kong tinext sina Arianne, Aya, Dani, Hershey, at Rae ng 'good morning, gising ka na?' para sana magpasama. But turned out there was no response at all. Sa tingin ko'y mga tulog pa o kaya'y may mga pasok.

"Tara na po, Madame... Ang aga ho yata natin?" salubong sa akin ni Mang Ruben na nakasuot ng checkered polo at maong na kupas. Pinatunog niya ang sasakyan bago ako pinagbuksan.

I smiled at him and went inside the car. Deretso lang ang tingin niya sa harap. Ilang minuto niya pang pinainit ang makina bago kami nakaalis sa tapat ng bahay.

"May daraanan lang po sa... drugstore," nag-aalinlangan kong sinabi.

Hanggang sa makarating kami sa Mindanao Avenue, tahimik lang kami parehas. Maya't maya ang tingin ko sa phone, nagbabaka sakaling may nag-reply na sa mga kaibigan ko pero wala naman.

"Pahintay na lang po." Bumaba na ako sa sasakyan at kaagad na tinakbo ang pagitan ng pinto ng drugstore. Laking pasasalamat ko nang makitang iisang tao lang ang nakapila sa may counter. Maaga pa naman kasi talaga!

With my trembling legs walking towards the cashier, I was hesitating if I should ask or go and just find a pregnancy test. Pero wala akong makitang gano'n!

"Ano po'ng hanap nila?" the cashier asked. Napansin niya yatang panay ang tingin ko kaliwa't kanan, mukhang aligaga ako.

"Miss... Do you guys have pregnancy test?" I whispered beneath my shaking voice, afraid of what might others hear. Para namang may napatay ako o nagawan ng kasalan kung makapagtago!

Lumiwanag ang mukha ng babae. "Wait po." Kaagad siyang nawala sa paningin ko at pumunta sa likuran kung nasaan siguro ang mga gamit o ibang stocks. 

Pagkabalik ng babae, may dala na siyang p.t. Tatlo iyon at sa tingin ko'y iba-iba ang brand.

"Alin po rito?"

"Lahat. I-I'll take that all." 

Naglabas na ako ng pera at dali-daling lumabas nang hindi kinukuha ang sukli. Until I went home with Mang Ruben, the apprehension was filling in my heart.

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now