Memories of a Promise

By CristinaYllona

11.9K 262 11

Nabubuhay ka sa kasalukuyang panahon na masaya, kontento at nasa sayo na ang lahat..kayamanan, kasiyahan, kag... More

Memories of a Promise
Chapter 1- The Dream
Chapter 2- Red Box
Chapter 3- Villa Montero
Chapter 4- Paano
Chapter 5-Sino Ba Talaga Ako?
Chapter 6- Sawang-sawa
Chapter 7-Mi Amor
Chapter 8-Obsessed with the Memories?
Chapter 9- I Don't know what to Say
Chapter 10- Titigil sa Paghahanap?
Chapter 11- Eyes Reflects Emotions
Chapter 12- Walang Kami
Chapter 13- Paninindigan
Chapter 14- Hindi ko Alam Kung Ano ang Magagawa ko
Chapter 15- May Nagtangka?

Chapter 16- Tulungan Mo ako

955 25 9
By CristinaYllona

Pagdating namin sa labas ay may kotseng biglang huminto sa harapan namin ni Joyce. Agad na binuksan iyon ni Joyce at saka mabilis kaming pumasok doon at mabilis na pinaharurot iyon. Kumakabog ng husto ang dibdib ko dahil sa kaba.

"Okay lang ba kayo?" napalingon ako sa driver nang magsalita iyon at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ko iyon.

"J-Justine?" sambit ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ni Joyce. What's the meaning of this?Pinagkaisahan ba nila ako?

"I'm sorry Cas but we're just doing the right thing..may nagtangka sa buhay mo and we have to hide you from anyone para hindi ka mapahamak." wika ni Joyce. Nanginginig ang buong katawan ko. Sino ang magtatangka sa buhay ko? Hindi ko naiwasan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi pa ako nahimasmasan sa mga bagay na gumugulo sa buhay ko ngayon at mas lalong hindi pa ako nahimasmasan sa nangyari kanina dahil may nagtangka sa buhay ko? Napakuyom ako. Kung sino man siya ay talagang napakaduwag niya dahil hindi siya lumaban ng patas!.

"Bakit?! sino ba ang nagtangka sa buhay ko Joyce?!..kaya ko siyang harapin!" matapang na wika ko at saka pinahid ang aking mga luha. Hindi ako dapat na manghina sa panahong ito dahil pagtatawanan lang ako ng mga kalaban ko. Malungkot na tinitigan niya ako. Humugot ito ng malalim na hininga.

"Doon ka muna sa bahay ko mag-stay..safe ka dun Casandra at ako na ang bahala sa lahat." wika ni Justine. Tumulo ulit ang luha ko. Diyos ko natatakot ako. Ganun na ba talaga kadelikado ang buhay ko?

"P-please tell me..s-sino ang nagtangka sa buhay ko?" tanong ko.

"Si Ma'am Crisilda ang gustong pumatay sayo Cas.." what I heard broke my heart. Parang gumuho iyong natitirang pagmamahal ko para kay Mama. Napaawang ang bibig ko.

"B-bakit niya ako gustong patayin?anong kasalanan ko?" takang tanong ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Nagkatingin naman ang mga ito na tila ba nag-iisip kong dapat ba nilang sabihin sa akin ang totoong dahilan.

"Mamaya na tayo mag-usap sa bahay Casandra. We need to hide you dahil alam kong may mga tao ng naghahanap sayo ngayon." wika ni Justine. No! kailangan kong malaman ang dahilan.. Kinakabahan na ako. Baka nga hindi ako tunay na anak ni Mama Crisilda kaya niya ako ipapatay. Baka totoong may inililihim siya tungkol sa tunay kong pagkatao.

"No! kailangan ko silang harapin Justine! kailangan kong harapin si Mama kung bakit nagawa niya sa akin to?!..ano ang naging kasalanan ko sa kanya?!" galit na wika ko. Hinawakan ako ni Joyce.

"Cas kumalma ka..hindi mo pwedeng harapin ang Mama mo dahil baka kapag nagkaharap kayo ay hindi na niya mapigilan na patayin ka niya sa sarili niyang mga kamay." wika ni Joyce. Napahagolhol ako. Ano ang gagawin ko? Napakuyom ako. Nakita kong napatiim si Justine.

"Hindi pa ba naging malinaw sayo Casandra?..she's not your real mother! hindi ka niya anak dahil walang magulang na gusyong pumatay sa sariling niyang anak." wika pa nito. Biglang nag-init ang ulo ko. How dare him para pagsalitaan ang ina ko.

"Kung hindi ko man siya ina, may utang na loob pa rin ako sa kanya!" tanging nasambit ko lang. Nahampas nito ang manibela.

"And that's bullshit!!..ano?gusto mong magpakamatay dahil sa utang na loob mo na yan?.that's fucking bullshit!..hindi ko papayagang mangyari yun!" galit na wika nito. Napayakap ako kay Joyce. Impit lang akong lumuluha. Litong-lito na talaga ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon.

Huminto ang kotse ni Justine sa tabi ng dagat. Napakunot noo ako at saka nagkatinginan kami ni Joyce.

"What are we doing here?" takang tanong ko.

"Bumaba na kayo. Kailangan pa nating sumakay ng jet papunta sa safe na lugar." wika pa nito. Bumaba na ito ng kotse. Nagmamadali rin kaming lumabas ni Joyce.

"Saan ba talaga tayo pupunta Justine?.." hindi talaga ako mapalagay eh. Napipikong nilingon niya ako.

"Pwede ba Casandra, makinig at sumunod ka na lang muna sa akin sa ngayon. There's no time for arguments because we're running out of time. Tinutulungan lang kita. Let me handle the situation..let me handle your mother. Abogado ako and I'm willing to be your lawyer. Basta makinig at sumunod ka na lang muna sa akin." wika pa nito. Natahimik ako. Itong lalaking pilit kong itinataboy ay siya rin pala ang makakapitan ko sa ganitong pagkakataon.

"Cas, sumunod ka na lang sa kanya..I need to go. Si Justine na ang bahala sayo." wika ni Joyce. Nanlaki ang mga mata ko na napatingin sa kaibigan ko.

"What?!?..iiwan mo ako kay Justine?" hindi makapaniwalang wika ko. Akala ko ay sasamahan niya ako. Maybe, I am selfish right now pero hindi ko maiwasang matakot at kabahan. Hinawakan niya ako sa kamay.

"Cas, kailangan kong umalis kundi'y baka madamay ang pamilya ko. Alam mo naman si Tita Crisilda diba?gagawin niya ang lahat makita ka lang..kailangan kong umalis para sa kaligtasan mo. Ayokong paghinalaan nila ako na alam ko kung nasaan ka though hindi ko naman talaga sasabihin kung saan ka." Malungkot na wika nito. Hindi ako nakaimik. Tama naman siya. Hindi rin maatim ng konsensiya ko na may madamay na ibang tao dahil sa galit ni Mama sa akin. Naluhang niyakap ko siya.

"Joyce, salamat and I'm sorry for this trouble. Sana magkita pa tayo ulit pagkatapos nito." wika ko. Naiyak na rin ito at saka hinagod ang likod ko.

"Magkikita pa tayo..tandaan mo yan..Kailangan muna nating ayusin ang gulong to." wika pa nito. Tumango ako. Kumawala na ito sa pagkakayakap sa akin at saka tumingin kay Justine.

"Justine, ingatan mo ang kaibigan ko. I trust you..Ipapaubaya ko siya sayo at alam kong hindi mo siya pababayaan." wika ni Joyce. Tumango si Justine.

"I promise Joyce..Salamat sa tiwala. Mag-ingat ka pauwi. You can use my car if you want." wika nito. Tumango lang si Joyce.

"Sige..salamat. Mauna na ako." wika ni Joyce at saka kinuha ang susi ng kotse sa binata at muli akong niyakap bago pumasok sa kotse. Umiiyak pa rin ako. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon..I am so fucking scared!

Ilang sandali pa ay umalis na si Joyce. Mabigat ang pakiramdam ko. Napapitlag ako when Justine held my hand. Napatingin ako dito.

"Let's go..don't worry hinding-hindi kita pababayaan Casandra.." pagbibigay nito ng assurance. Somehow, it makes me lighter now. Tumango lang ako. Lumakad na kami patungo sa isang jet na nasa di kalayuan. Saan kaya niya ako dadalhin? Ah bahala na! Magtitiwala ako kay Justine. Hindi naman masama na magtiwala sa isang tulad niya and besides meron kaming pinagsamahan. Iyon na lang muna ang iisipin ko sa ngayon.

Napahigpit ang hawak ko sa kanya nang umandar ang jet at pinatakbo niya iyon ng mabilis. Naramdaman ko ang mga abs niya sa mga palad ko. Nakaramdam ako ng kakaibang damdamin--iyong damdamin na nararamdaman ko lang kapag siya ang kasama ko. Kahit na magulo ang buhay ko ngayon ay hindi pa rin mawaglit ang kakaibang damdamin ko para kay Justine.

"Hold me tighter! baka mahulog ka!" wika niya sa akin. Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya dahil natatakot naman kasi ako na mahulog.

"Where are we going?!" tanong ko dito.

"Sa safe na lugar!..iyong lugar na walang makakapanakit at magtatangka sa buhay mo!..I'm going to protect you Mariella!" wika niya. Marahan naman akong napasinghap at napalunok. There's something inside me melted. Nais kong maiyak. Wala akong naalalang may nagmalasakit sa akin ng ganito maliban kay Joyce at ang mas nakakapagpakaba sa akin ay ang tawagin niya akong Mariella.

Tatanggapin ko na ba ako si Mariella?

Hindi ako umimik dahil hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi naman ito nagsalita hanggang sa huminto kami sa isang maliit na isla sa gitna ng dagat. Gabi na kaya hindi ko masyadong maaninag ang paligid dahil malayo na kami sa metro. Bigla ay naramdaman ko ang paghampas ng malamig na hangin sa buong katawan ko kaya napayakap ako sa aking sarili.

Bumaba si Justine sa jet kaya bumaba na rin ako at sumunod dito.

"Giniginaw ka na.." biglang sambit nito at saka bigla niya akong kinabig at niyakap. Nanlaki naman ang mga mata ko pero nawala naman ang ginaw na nararamdaman ko dahil sa init ng katawan ni Justine. Hindi na ako pumalag pa. Inilalayan niya ako sa paglakad. Nakiramdam lang ako. Alam ko hindi ako ipapahamak ni Justine dahil iyon ang nararamdaman ko ngayon.

Ilang sandali pa ay narating namin ang maliit na simpli ngunit magandang bahay sa gitna ng isla. Walang tanong na sumunod ako kay Justine sa pagpasok dun sa bahay. Maganda ang loob noon kaya agad kong inilibot ang aking paningin sa buong kabahayan at ganun na lang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita ang malaking painting ni Mariella sa malaking pader.

"Maupo ka muna..ikukuha kita ng maiinum." wika ni Justine. Hindi ako kumibo dahil nakatitig lang ako sa portrait ni Mariella. Nang mawala na si Justine sa aking paningin ay hindi ko napigilan na lapitan ang portrait. Nanginginig ang mga kamay na hinaplos ko iyon.

"M-Mariella..I-I'm sorry..I'm sorry dahil hindi kita maalala." mahinang sambit ko at kasabay nun ang pagtulo ng mga luha ko. Inilibot ko pa ang aking paningin sa paligid..lahat yata ng pictures na nasa picture frames sa paligid ay andun ang mukha ni Mariella..silang dalawa ni Justine at sa mga nakikita ko ay may kakaiba akong nararamdaman. Parang hinaplos iyong puso ko.

"Cas..umin--why are you crying?" wika ni Justine pagkalabas niya mula sa kitchen.
Napapahid ako sa aking luha.

"Tell me the story about you ang Mariella..handa na akong makinig Justine..Please tulungan mo ako na may maalala." naiiyak na wika ko.

He didn't say a word.

Nakatitig lang siya sa akin pero naroon sa mga mata niya ang kasiyahan.

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 201K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
80.5K 4.7K 18
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.