Chapter 7-Mi Amor

520 13 0
                                    

"Ate, bagay ito sayo oh.." wika ng kapatid ko. Kasalukuyan kaming nasa isang mall. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nag-away kami ni Mama at hindi kami umalis sa bahay dahil sa laki pa rin ng respeto naming magkakapatid sa kanya. Kung hindi lang dahil sa pagmamakaawa ni Rosanna ay baka tuluyan na akong umalis sa mansiyon. Hindi ko naman maatim na maiiwan si Rosanna sa malupit naming ina. Ngayon ay nag-yayang magshopping ang kapatid ko para raw mawala pansamantala ang hinanakit namin kay Mama. Napangiti ako kahit papano. Kahit na pinagbawalan ni Mama si Rosanna na lumapit sa akin ay hindi ito sinusunod ng kapatid ko. Natuto na itong lumaban kay Mama.

"Oh sige nga patingin.." nakangiting kinuha ko ang damit na nagustuhan nito para sa akin. Nalukot ang mukha ko nang makita ang damit. Masyado itong maikli at ayaw na ayaw ko ng ganun lalo na kapag lumalabas ako ng bahay. Okay lang sana kung pangtulog ito pero hindi E. Bumunghalit ng tawa si Rosanna nang makita niyang nalukot ang mukha ko.

"What?..ayaw ko ng masyadong maiksing damit Rosanna. Ano ba yang pinili mo?I don't like it." wika ko.

"Yeah alam ko. Pero naman Ate, change yourself. Maganda ka pero pwede namang paminsan-minsan ay magdamit ka ng ganito?" natatawang wika. Napahagikhik tuloy ako. Minsan na akong nagsuot ng seksing damit pero sobrang hiya ko ng pinagsabihan ako ng isang gwapong lalaki na ayaw niya ng sobrang sexy na halos makikita mo na lahat. Napapailing na lang ako. Alam ko naman kasi na si Rosanna ay mahilig sa mga ganung damit kaya siguro naisipan nitong bagay rin sa akin.

"Ahh..excuse me Miss." napatigil kaming dalawa ni Rosanna nang may lumapit na maganda at seksing babae dito.

"Yes?" wika ng kapatid ko.

"Kukunin mo ba ang damit na yan?if not, gusto ko sanang kunin if hindi niyo nagustuhan." magalang na wika ng babae. Napatingin si Rosanna sa akin. Tumango ako at saka hindi ko naman maisusuot ang ganung klaseng damit kahit na gaano pa iyon kaganda.

"Oh sure..bagay to sayo Miss." wika ni Rosanna at iniabot nito sa babae ang damit. Ngumiti ang babae sa aming dalawa.

"Thank you so much.." wika nito.

"C'mon babe..I found a dress that match our motif!" tawag ng babae sa kung sino. Awtomatikong lumipad ang tingin ko sa tinawag nito at agad na nalaglag ang panga ko at saka medyo nanlaki ang mga mata ko. Tumingin sa akin ang lalaki na halata rin ang pagkagulat sa mukha nang makita ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nandun na naman iyong familiar na damdamin.

"Here babe..diba ang ganda?" wika ng babae. Meron na pala siyang girlfriend. Bakit parang may masakit sa bahagi ng aking pagkatao sa kaalamang may girlfriend na ito?

"Uhm..y-yeah..it's nice." komento ng lalaki na paminsan-minsang nakatingin sa akin. Naiilang ako at saka ano bang pakialam ko sa mga taong hindi ko naman kilala?

"Ah..Rosanna, tayo na." wika ko. Tumango ito.

"Ahh wait!..ako nga pala si Johanna Montereal at ito naman si Justine Falcon, fiance ko." wika ng babae na nakangiti at dikit na dikit kay Justine. I rolled my eyes bago ako humarap sa kanila. Kailangan pa ba talagang magpakilala?ang sarap pagsabihan na wala kaming pakialam kung sino man sila dahil hindi ko sila kilala.

"Ah ganun ba..well, nice to see you both..mauna na kami." wika ko at saka hinila na si Rosanna. Hays!

"The hell I care for them! ni hindi ko sila kilala!" sambit ko.

"Huh? are you okay Ate?" takang wika ni Rosanna at nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Napailing ako. Na-i-voice out ko pala ang nasa isip ko.

"W-wala..pasensiya ka na nainis lang ako dun sa babae. Kailangan ba talagang magpakilala? duh! wala naman tayong pakialam kung mag-fiance sila!" wika ko at itinirik ang mga mata.

Memories of a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon