Chapter 2- Red Box

759 21 0
                                    

Chapter 2-Red Box

Sunday ngayon kaya nagsimba muna ako dahil si Mama at si Rosanna ay nag-a-out of town ng limang araw at naiwan akong mag-isa sa mansiyon. Pina-restday ko na rin ang lahat ng katulong para naman makabisita man lang sa kani-kanilang mga pamilya at ng masamantala nila ang panahon na wala si Mama. Tapos na akong magsimba kaya nagliligpit na lang ako ng mga gamit na hindi na kakailanganin at ilalagay ko na sa bodega. Ilang oras rin akong nagligpit at saka kinuha ko na ang susi sa bodega at ipinasok na ang tatlong cartons ng mga gamit na hindi na kailangan.

"Ang dami namang alikabok dito." usal ko. Ngayon lang kasi ako nakapasok dito-sa kasalukuyang alaala. Naghahanap ako ng pwedeng malalagyan ng tatlong carton nang biglang may nahagip ang kaliwang kamay ko na isang carton kaya nahulog ito sa kinalalagyan at nagkalat sa harapan ko ang nakapaloob dun. Isa-isa kong pinulot iyon nang may mapansin akong isang box na kulay red na may naka-usling picture. Out of my curiousity ay kinuha ko yun at saka pinagpagan dahil sa alikabok. Nang matapos ay napakunot noo sa nakita. Isang babae na hanggang balikat ang buhok na may kasamang lalaki at magkaholding hands at masaya. Ngunit mas napakunot noo ako nang matitigan ko ang mukha ng babae--she looks like me. May nakasulat sa lower part ng picture..Mariella and Justine Forever.. Napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla iyong kumakabog. Kinuha ko ang red box including the picture at nagmamadaling dinala ko iyon sa kwarto. Pagdating dun ay tinitigan ko ulit ang picture at saka tiningnan ang likod at may nakasulat dito.

I love you..I'll always love you Mariella ..no matter what..kahit saan ka man naroroon lagi mong tatandaan kung gaano kita kamahal..itago mo tong picture na ito para kahit saan man tayo dalhin ng tadhana ay maalala mo na merong tao na sobrang nagmamahal sayo at maalala mo kung gaano at paano kita minahal...ikaw lang ang mamahalin ko habang ako'y nabubuhay..always remember that..

                     -Justine-

"Sino si Mariella?kakambal ko ba siya?" tanong ko sa sarili ko. Bakit pakiramdam ko ay malaki ang kinalaman ko kay Mariella at Justine na to?Pero hindi ko sila kilala at hindi ko sila maalala. Hinalungkay ko ang red box at may nakita pa akong mga sulat, bracelet at necklace na may nakalagay na M & J at sigurado ako na Marielle and Justine yun. May nakita akong isa pang picture kaya agad ko iyong kinuha. Isang napakalawak na lupain na may batis at may nakasulat na Villa Montero. Pilit kong inaalala kung nakita ko na ba ang lugar na to pero sumasakit ang ulo ko. Kinuha ko ang laptop ko at niresearch ko ang lugar. Maya-maya pa ay nakita ko ang isang malawak na lupain and it was owned by Crisilda Deguzman. Napakunot noo ako.

"Pag-aari ito ni Mama?" kinakabahang wika ko. Pero bakit hindi ko alam to?May itinatago ba si Mama sa akin?..Ini-off ko ang laptop at saka itinago kong muli ang mga laman sa box at binitbit yun patungong kotse ko.

"I have to find them..baka kailangan nila ang tulong ko o baka ako ang matutulungan nila para maalala ko ang lahat." wika ko. Kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number ni Joyce at pagkaraan ng ilang sandali at sinagot rin ako.

"Yes Miss Casandra?" wika nito.

"Joyce, may itatanong lang sana ako." wika ko.

"Ano yun Miss Casandra?" wika nito. Tumingin muna ako sa box na dala-dala ko.

"Do you know Villa Montero?" dito.

"Naku Miss Casandra malayo yun..mga five hours ang biyahe nun galing dito sa atin..bakit mo naman natanong?" wika nito. Joyce is my trusted friend. Ito lang ang nakakaintindi sa akin kahit na baguhan pa lang ito sa kompanya.

"J-Joyce..are you busy?" muling tanong ko dito.

"Hmmm..hindi naman..bakit?" wika nito.

Memories of a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon