Chapter 16- Tulungan Mo ako

955 25 9
                                    

Pagdating namin sa labas ay may kotseng biglang huminto sa harapan namin ni Joyce. Agad na binuksan iyon ni Joyce at saka mabilis kaming pumasok doon at mabilis na pinaharurot iyon. Kumakabog ng husto ang dibdib ko dahil sa kaba.

"Okay lang ba kayo?" napalingon ako sa driver nang magsalita iyon at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ko iyon.

"J-Justine?" sambit ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila ni Joyce. What's the meaning of this?Pinagkaisahan ba nila ako?

"I'm sorry Cas but we're just doing the right thing..may nagtangka sa buhay mo and we have to hide you from anyone para hindi ka mapahamak." wika ni Joyce. Nanginginig ang buong katawan ko. Sino ang magtatangka sa buhay ko? Hindi ko naiwasan ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi pa ako nahimasmasan sa mga bagay na gumugulo sa buhay ko ngayon at mas lalong hindi pa ako nahimasmasan sa nangyari kanina dahil may nagtangka sa buhay ko? Napakuyom ako. Kung sino man siya ay talagang napakaduwag niya dahil hindi siya lumaban ng patas!.

"Bakit?! sino ba ang nagtangka sa buhay ko Joyce?!..kaya ko siyang harapin!" matapang na wika ko at saka pinahid ang aking mga luha. Hindi ako dapat na manghina sa panahong ito dahil pagtatawanan lang ako ng mga kalaban ko. Malungkot na tinitigan niya ako. Humugot ito ng malalim na hininga.

"Doon ka muna sa bahay ko mag-stay..safe ka dun Casandra at ako na ang bahala sa lahat." wika ni Justine. Tumulo ulit ang luha ko. Diyos ko natatakot ako. Ganun na ba talaga kadelikado ang buhay ko?

"P-please tell me..s-sino ang nagtangka sa buhay ko?" tanong ko.

"Si Ma'am Crisilda ang gustong pumatay sayo Cas.." what I heard broke my heart. Parang gumuho iyong natitirang pagmamahal ko para kay Mama. Napaawang ang bibig ko.

"B-bakit niya ako gustong patayin?anong kasalanan ko?" takang tanong ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. Nagkatingin naman ang mga ito na tila ba nag-iisip kong dapat ba nilang sabihin sa akin ang totoong dahilan.

"Mamaya na tayo mag-usap sa bahay Casandra. We need to hide you dahil alam kong may mga tao ng naghahanap sayo ngayon." wika ni Justine. No! kailangan kong malaman ang dahilan.. Kinakabahan na ako. Baka nga hindi ako tunay na anak ni Mama Crisilda kaya niya ako ipapatay. Baka totoong may inililihim siya tungkol sa tunay kong pagkatao.

"No! kailangan ko silang harapin Justine! kailangan kong harapin si Mama kung bakit nagawa niya sa akin to?!..ano ang naging kasalanan ko sa kanya?!" galit na wika ko. Hinawakan ako ni Joyce.

"Cas kumalma ka..hindi mo pwedeng harapin ang Mama mo dahil baka kapag nagkaharap kayo ay hindi na niya mapigilan na patayin ka niya sa sarili niyang mga kamay." wika ni Joyce. Napahagolhol ako. Ano ang gagawin ko? Napakuyom ako. Nakita kong napatiim si Justine.

"Hindi pa ba naging malinaw sayo Casandra?..she's not your real mother! hindi ka niya anak dahil walang magulang na gusyong pumatay sa sariling niyang anak." wika pa nito. Biglang nag-init ang ulo ko. How dare him para pagsalitaan ang ina ko.

"Kung hindi ko man siya ina, may utang na loob pa rin ako sa kanya!" tanging nasambit ko lang. Nahampas nito ang manibela.

"And that's bullshit!!..ano?gusto mong magpakamatay dahil sa utang na loob mo na yan?.that's fucking bullshit!..hindi ko papayagang mangyari yun!" galit na wika nito. Napayakap ako kay Joyce. Impit lang akong lumuluha. Litong-lito na talaga ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon.

Huminto ang kotse ni Justine sa tabi ng dagat. Napakunot noo ako at saka nagkatinginan kami ni Joyce.

"What are we doing here?" takang tanong ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memories of a PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon