Meet Me In Clark High (Reistr...

By peachyangelus

109K 4.1K 661

After transferring to Clark High School, Anella Victoriane Reistre was able to start a new, significant life... More

Reistre Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
Author's Note

Chapter 20

1.6K 64 8
By peachyangelus

Chapter 20: Call

“Where have you been?” bungad ni Kuya nang makarating kami sa open area malapit sa garden.

“Library. Nagprint lang,” kaswal kong sagot.

Naningkit pa ang mga mata ni Kuya sa akin bago siya sumuko at inutusan akong umupo sa tabi niya.

“Let’s start,” ani Sam, hindi makatingin sa akin.

Kanina ay hindi ko rin sila maintindihang dalawa kaya hindi na lang ako nagsalita, naiwan si Jace sa loob dahil tinawag ng mama kaya awkward kaming nagsabay ni Sam pabalik.

Hawak-hawak ang mga module namin ay nagsimula na kaming mag-aral sa History na subject ni Sir Payne.

“In Greek mythology, twelve gods and goddesses ruled the universe from a top Greece's Mount Olympus. These Olympians had come to power after their leader, Zeus, overthrew his father, Cronus, leader of the Titans...” Inintindi muna namin ang mga nakasulat bago nagbatuhan ng kaalaman.

“The most powerful of all... Zeus was god of the sky and the king of Olympus... ang Roman name niya ay Jupiter.”

Tumango kami sa sinabi ni Kent.

Inabot kami ng mahigit isang oras sa pagbabasa tungkol sa Greek Mythology nang dumating si Jace na may dalang stool. Pumuwesto siya sa pagitan ng bench kaya pinagigitnaan namin siyang lahat.

Aniya pa ay magvolunteer daw siya as a teacher namin kaya nagsi-payag sila para mas mapadali at matuto kaming lahat. 

Nagstory telling pa siya bago nagsimula.

Ang daldal niya.

“Game! Question number one...” Huminto muna siya. “Who was the Greek God of love?”

“Easy peasy! Cupid!” confident na sagot ni Chesca sa tapat ko.

Natawa si Trisha na nasa tabi ko naman.

“It‘s not Cupid,” si Jace kay Chesca na mukhang ayaw maniwala.

“Eros was the Greek God of love, his equivalent in Roman mythology was Cupid,” simpleng sagot naman ni Kent na tinanguan namin.

“Mali yata ang naasinta ni Kupido sa iyo, sa halip na puso ay utak mo ang natamaan,” pang-iinis ni Trisha.

Nagpalipat-lipat kami ng tingin sa dalawa.

“ARIANE, pumunta ka rito sa kuwarto namin dali!” nasasabik na sabi ni Mama sa kabilang linya. 

“What‘s wrong, Ma?”

Kaninang alas singko kami umuwi, magko-commute sana kami dahil walang Kuya Jul na susundo sa amin. Kaya lang Tita Lyn insisted na si Jace na lang daw ang maghatid sa amin which is pabor talaga sa huli kaya ang naghatid sa amin ay si Jace.

Ako sa front seat sa likod naman si Kuya at Kent. Samantalang sa sasakyan naman ni Archie sina Trisha at Chesca, ayaw pa nga ng dalawa kaso sa isang direksyon lang naman din ang daan papunta sa mga bahay nila kaya napilitan na lang sila.

“Basta, we have something to tell you.”

Ngumuso ako dahil hindi ko alam kung bakit. Bago pa man ako makapagsalita ay ibinaba na ni Mama ang tawag.

Lagi na lang akong binababaan!

Nang pumasok ako sa kuwarto nila Mama ay nadatnan ko sila na parehong nakaupo sa kama at nakatutok sa laptop na nasa harap nila. 

“Come here! May ipapakita kami.”

Naglakad ako patungo sa kanila at sumiksik sa gitna nilang dalawa.

“Sweetie, tingnan mo.” Itinuro ni Papa ang screen ng laptop.

Ni-scroll ni Mama ang feed sa Instagram kaya dumungaw ako.

Baby picture ko!

Binasa ko ang caption na 'my baby girl in a lifetime.'

Uminit ang pisngi ko at halos dumugo ang aking labi dahil sa mariing pagkagat nito.

Sumimangot na lang ako para hindi halatang kinikilig. “Ano namang mayroon diyan?”

Nagkatinginan si Mama at Papa bago nanliit ang mata sa akin.

Umiwas ako.

“He‘s sweet, isn‘t he?” panunuya ni Mama.

Nagkibit balikat ako.

“He even posted your baby picture, he‘s that obsessed to you, huh?” Papa smirked.

“Ano naman kung magpost po siya?”

Tumawa si Mama at ikunuwento kay Papa ang tungkol kay Jace.

Ngumiwi naman ako.

“Alam mo, pang. Binalita sa akin ni Zirdy na simula noong nakaraan ay panay ang punta ni Jace roon sa eskwelahan, ang sipag pumasok. Akalain mo walang palya, whole day present!”

Hindi ko alam pero boto talaga sila kay Jace, well, I cannot blame them. Iba-iba naman kami ng pananaw sa isang tao.

Nagpaalam na ako kay Mama at Papa na matutulog na ako na patuloy pa rin akong ipinagkakanulo kay Jace!

“Whatever! Good night, I love you both!” paalam ko atsaka sinara ang pintuan ng kuwarto nila.

Sabado bukas kaya naman ay napagpasyahan kong pumunta sa kuwarto ni Kuya pagtapos kong kunin ang aking cell phone sa kuwarto.

“Kuya!” pagtawag ko sa labas ng pintuan ng kuwarto niya.

Agad naman itong binuksan.

Sumilip ako sa loob ng kuwarto niya at nakita ko si Kent na nasa kama niya at kumakain ng popcorn, bumaling ako sa gilid at nakitang nanonood sila ng palabas sa TV.

“What are you doing here, Ari?” Hindi pa rin siya umaalis sa hamba ng pintuan.

“Bawal na ba akong pumasok?”

“Nagtatanong lang ako,” iritado niyang sagot.

Sumulyap ako sa kamay niyang nakahawak sa door knob.

“Ari, bakit ka narito?”

Napasulyap naman ako kay Kent na nasa likuran ni Kuya.

“Ano bang problema niyo sa akin?! Hindi na ba ako pwedeng mapadpad dito?” singhal ko.

Sumipol si Kent. “G na g iyan.”

Hinawi ko ang kamay ni Kuya sa hamba para makapasok, nagulantang naman siya kaya binalik niya ang kamay niya roon.

“Anong ginagawa niyo, ha? May babae ba sa loob?” boses pang-aakusa ko.

“Wala, we‘re just watching movie since wala pang TV sa room ni Kent.”

“Bakit hindi ako pwedeng pumasok?”

Nang hindi sila sumagot ay sumilip kaagad ako sa TV at saktong may kissing scene doon, nanlaki ang mata ko kaya bumalik ako sa dating puwesto at napalunok.

Si Kent naman ay nataranta habang si Kuya ay pinaliliit ang espasyo ng pintuan.

“Sus, kaya naman pala! Nakapanood na rin ako ng ganyan!”

Nanlaki ang mata nilang dalawa kaya tuluyan na silang lumabas at sinarado ang pinto, napaatras naman ako.

“Napanood mo na ang Fifty Shades?!” bulalas nila.

Nalaglag ang aking panga.

“Huli kayo! ‘Yan pala ang pinapanood niyo, ha!”

Nalukot ang mga mukha nila.

Naningkit ang mata ko sa kanila at humalukipkip. “Ang ibig kong sabihin ay nakapanood na rin ako ng mga romance gaya ng Never Not Love You ng Jadine, akala ko kasi ganiyan ang pinapanood niyo. Sumbong ko kayo!”

Itinuro ko sila gamit ang dalawa kong daliri. “Bakit nga ba kayong dalawa lang ang nanonood?”

Wala akong ideya sa pinapanood nila pero sana niyaya nila ako!

“Ano ang gusto mo buong pamilya tayong manonood ng Fifty Shades?” tanong ni Kent parang hindi makapaniwala sa paratang ko.

“Gusto mo bang malatigo ni Lolo?” si Kuya.

“Nagsisimula pa nga lang iyong palabas kanina nang inistorbo mo kami! Hindi na namin itutuloy,” sabi ni Kent. “Huwag mo kami isumbong.”

Paulit-ulit na umiling si Kuya at bumaling kay Kent na nasa tabi niya.

“Palitan mo ng ibang palabas! Manood na lang tayo ng SpongeBob!”

SpongeBob? Favorite ko iyon!

Binuksan ni Kent ang pinto at dumiretso malapit sa TV, sumunod naman ako at umupo sa sofa na nasa gilid.

Si Kuya naman ay ibinagsak ang katawan sa kama at ibinato sa akin ang isang snack na Caramel popcorn.

“Mag-enjoy ka.” Bakas sa boses ni Kuya ang sarkasmo.

Ni-play ni Kent ang isang episode ng SpongeBob. They really are serious, huh?

Umupo naman siya sa kabilang gilid ng kama malapit sa akin at naglagay ng unan sa kaniyang hita.

“Fifty Shades na naging Spongebob pa.” Narinig kong bulong ni Kent sa gilid.

Natawa na lang ako.

Tumunog ang aking cell phone kaya binuksan ko ito at nakitang nag-text si Jace.

Mr. Playboy: hello, baby

Ako: baby mo mukha mo

Nagreply naman kaagad siya.

Mr. Playboy: what are you doing?

Ako: watching fifty shades

Nilapag ko muna ang aking cell phone sa gilid ng sofa dahil naengganyo ako kay Squidward.

Nalaglag naman ang aking panga nang narealize kung ano ang nireply ko!

Kinuha ko kaagad ang cell phone at napansing hindi pa rin nakakareply si Jace.

Nanlaki ang aking mata nang nakitang 'sent' na iyon. “Luh, paano na ito!”

Ako: spongebob pala sorry na wrong type

Teka, sino nga bang maniniwala na wrong type iyon, e, magkaibang-magkaiba ang word!

“Ano ba iyan!”

Bumaling si Kuya, hindi ko siya pinansin dahil sa crisis na nangyayari sa akin ngayon.

Nagitla ako nang nakitang tumatawag siya. FaceTime! Nataranta ako hindi dahil sa text kung hindi sa itsura ko! The text, that’s the least of my concern now!

Pinasadahan ko ang aking buhok gamit ang mga daliri at tumikhim bago sinagot ang tawag.

Naka dim lights na dito sa kuwarto ni Kuya pero may liwanag din naman na nanggagaling sa TV kaya medyo nakikita niya pa ako sa camera.

“Baby!” nakangiting aniya sa akin sa camera.

Medyo malapit sa camera ang gwapo niyang mukha kaya hindi makita ang nasa paligid pero alam kong nakahiga siya.

Sumimangot ako sa camera. “What?” mahinahon kong sagot.

He wiggled his eyebrows. “Ang cute mo Pakiss nga.”

Uminit ang pisngi ko kaya iniwas ko muna ang mukha sa camera.

Bumaling ako sa dalawa na seryosong nanonood talaga ng Spongebob.

“Baby, show your face!”

Umayos ako at nagpakita na lang sa camera.

“You were watching Fifty Shades —”

“No!” Napahawak ako sa bibig nang nakuha ko ang atensyon ng dalawa.

“Sino ba iyan?” tanong ni Kent.

Pinakita ko sa camera si Kuya at Kent.

“Nakikita mo iyan? Magkasama kaming tatlong nanonood ng Spongebob,” mahinahon kong sabi at ipinakita ang TV na may SpongeBob episode.

Ibinalik ko na sa front ang camera kaya naman ay nakita ko siyang nakadungaw at nanliliit ang mata, gulo na ang kaniyang wavy na buhok kaya medyo natatakpan ang noo. 

“Fine, naniniwala na ako,” sumang-ayon na rin siya at kumindat sa camera.

“Wait lang.” Naka-video call pa rin kami nang lumabas na ako ng kuwarto.

Isinarado ko ang pinto at ibinagsak ang katawan sa kama. “Okay na,” sabi ko sa kaniya, pinapanood niya lang kasi sa camera ang pinaggagagawa ko.

“Like your collarbones.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at kita nga naman ang collarbone ko dahil nakasando lang ako kaya nagbalot ako ng comforter sa katawan.

“But I like you more,” dagdag niya.

Ngumuso ako.

Nangunot ang aking noo nang lumapit pa siya sa camera at... did he just kiss the screen?

“I really like you,” malambing na amin niya.

Ako, speechless.

Naghuhuramentado na naman.

“Please stop!” saway ko, nakagat ang labi para pigilan ang ngisi.

“What‘s wrong, baby?” Humalakhak siya sa kabilang linya bago ulit nagsalita.

“My heart melts,” bulong ko, nahihiya.

Yuck, Ariane. Corny mo!

“No one is allowed to make your heart melts aside from me. Clear, baby?”

“O-Okay,” Hindi ko namalayan na sumang-ayon na pala ako may patango pa.

Humikab ako.

“You have to rest, baby. We‘ll talk next time, Good night,” sabi niya nang napansin niya yatang naghikab ako.

Tumango ako.

“You too, bye.” Ako na mismo ang nagbaba, ayaw kong ako ang binababaan kaya inunahan ko na!

Nang nag Sabado ay gumala kaming lahat sa Regina Rica sa Tanay, Rizal.

I was wearing my misty rose halter top paired by my boyfriend jeans and white shoes.

Kani-kaniya kami ng lakad, si Papa at Mama ay nauna na sa pag-akyat sa mahigit isang daan na hakbangan paakyat sa malaking statue. Sumunod naman si Tito Von, Lolo, at Kuya Jul.

Nasa likod ko naman ang dalawang mokong habang ako pinagmamasdan ang magandang tanawin at kanina pa kumukuha ng pictures.

“Kuya! Can you take me a picture, please?” Inilahad ko sa kaniya ang cellphone ko.

Kinuha naman ni Kuya at kinuhanan ako ng litrato. 

Nilagay ko kaagad sa story ko sa Instagram nilagyan ko sa bandang ibaba ng caption na 'scenery that makes my day.'

Nang sumunod naman na linggo ay nasa bahay lang din kami. Pagkagising ay kumain ng breakfast, nanood ng TV, naligo at nagpicnic din kami .

Kaharap ko ang module ko ngayon sa study table, sinusulat ko ang mga meaning para ma-analyze ko nang maayos nang natapos na ako sa History ay nagbasa-basa naman ako sa Science Biology.

Mga ganap naman ng sumunod na araw hindi na masyadong pumapasok ang professors dahil busy kaya naman ang ginagawa namin ay mag-review para sa paparating na exammination.

Siguro sa isang linggo parang tatlong beses lang na nagpakita si Jace, ang sabi naman niya ay naghahanda raw siya college niya at magte-take up siya ng Engineering.

“I will take up Civil Engineering,” aniya nang nag-usap kami through phone.

“What‘s with the sudden change of mind?”

“Napaisip kasi ako, paano kita bubuhayin pati ang future na mga anak natin kung hindi ako magtatrabaho?”

I left speechless.

He chuckled on the other line. “Hmm, baby?”

“Loko! Sumeryoso ka nga! Puro ka kalokohan!” singhal ko.

“Kapag naging engineer na ako, may kukunin pa akong isang pangarap pero mauuna ko iyong tutuparin,” aniya.

“Ang dami mo namang pangarap, ano naman ang iba?” tanong ko.

“Hindi ka marami, hindi ka rin iba. Ikaw lang nag-iisa,” sambit niya at parang matagal na niya iyong minemorize dahil sa tono nang salita niya!

Natawa na lang ako.

“Jace Bryan?! Are you really out of your mind?” Namumula na ako sa kakatawa sa kacornyhan ng isang ‘to!

Kaya naman nang dumating ang araw ng exam ay todo review kami noong nagdaang araw.

Mr. Playboy: Good luck, baby! Study not so hard, don’t stress yourself too much. Health is more important than education. ♥

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
154K 6.7K 200
This story follows the early life of James also known by his street name Headshot or Shooter. James had an extremely rough childhood, one that turned...
3.3K 200 21
In 1969, Apollo 11 reached the moon. 15 years later, they sent another, not to the moon, but beyond. They sent Superbia-001, the lifebearer. Nations...
16.9M 650K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...