2025: The Second Half

Da scitusnim

255K 19.1K 10.4K

⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enoug... Altro

-
2025: The Second Half
1 - First of July
2 - W Virus
3 - 8:57pm
4 - They're here
5 - Fuck this
6 - Friend or Foe
7 - Who am I?
8 - Luna
9 - Bravery
11 - Not Crying
12 - Changed
13 - Round 2
14 - Calm (Part 1)
15 - Calm (Part 2)
16 - Run
17 - Which is worse?
18 - The Price of Friendship
19 - Now
20 - You need him
21 - All Gone
22 - The biggest heart
23 - The Unknowns
24 - She is Me
25 - You're wrong
26 - That Kid
27 - Counselling
28 - Fucked Up
29 - Run Again
30 - A Better Story
31 - Worst Field Trip
32 - Questions and Answers (Part 1)
33 - Questions and Answers (Part 2)
34 - Last Twenty Rounds
35 - The Subject
36 - Junior
37 - Chaos
38 - Connected
39 - Miracles do happen
40 - Saying Goodbye
Special Chapter
Special Chapter #2 - The Wedding
Special Chapter #3 - The Date
Bonus Chapter
2025: RL

10 - Deepest

5.2K 416 217
Da scitusnim

10 - Deepest



Bagaman komportable na sa mga kasama sa kwarto, naalimpungatan si Yuan sa kalagitnaan ng gabi. Sinubukan niya pang bumalik sa pagtulog ngunit tuluyan ng nagising ang kanyang diwa. Nagpasya na lamang siyang bumangon muna.



Maingat na umalis ang dalaga mula sa pagkakahiga sa tabi ni Mariz at tahimik na nilaktawan sina Rina at Aiah na natutulog sa foam na nakalatag nasa sahig. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pilit na hindi gumawa ng kahit anong ingay hanggang sa makalabas.



Nang makalapit sa hagdanan ay natanaw na agad ni Yuan ang binatang mag-isang nakaupo sa dining area at seryosong nakatutok ang atensyon sa isang laptop. Bahagya siyang napangiti bago tuluyang bumaba sa hagdan at lumapit.



"What are you doing?"



Natawa ang dalaga noong halos mapatayo si Kevin dahil sa gulat. Sa sobrang focused nito sa ginagawa ay mukhang hindi nito namalayan ang pagdating niya. Napahilamos pa ito ng palad sa mukha na para bang pinipilit ang sariling magising.



"Bakit gising ka pa?" Hindi inaalis ni Kevin ang tingin sa dalaga. Pilit niyang binabasa ang mga mata nitong walang buhay sa kabila ng masigla nitong mukha. Hindi pa nila nakukumpirma ni Dr. Vergara pero hinala nila ay naapektuhan din ng virus o ng antidote ang emosyon ng dalaga. Walang makapagpaliwanag kung bakit tila bumalik na ito sa dati. Masaya silang hindi na ito nagmumukmok pero hindi sila sigurado kung makabubuti ba ito sa dalaga.



Hindi pinansin ni Yuan ang tanong. Hinila niya ang upuan sa tabi ng binata at pumwesto doon. "May internet?"



Bumuntong hininga si Kevin. "Wala nga, eh. May kuryente dito pero wala namang signal. I've been reading the journals, articles, and studies that Dr. Vergara had saved in his flashdrive, since last week. Hindi pa din ako nangangalahati."



"Mukha ka na ngang zombie."



Kahit pa natawa si Kevin ay hindi pa rin nawala ang antok at pagod sa mga mata niya. "Aiah said that Crescent did some modifications with the contents of the virus so it's slightly different with what Dr. Vergara accidentally made."



"So, that means hindi rin perfect yung antidote?"



"Yeah. That's why you're still under observation, and we're still doing research." Bahagyang iniharap ni Kevin ang screen ng laptop sa dalaga. "Do you want to help me?"



Sandaling pinaningkitan ni Yuan ang screen upang magadjust ang mga mata niya sa liwanag at sa maliliit na texts at charts. Agad siyang napangiwi. "I really hate chemistry."



"It's microbiology," nakangiwi ding sabi ni Kevin.



Napairap ang dalaga. "Whatever it is, I don't get it."



"Come on, you're good at analysis."



"Tamad ako."



Kahit pa naiiling ay hindi mapigilan ni Kevin na mapangiti noong isinubsob ng dalaga ang mukha nito sa lamesa. Masaya na siyang hindi ito naiilang sa kanya matapos niyang sabihin ang tunay niyang nararamdaman. Hindi niya na ito pinilit at muli niya na lamang iniharap ang laptop sa sarili.



Maya-maya ay napansin ng binata na bumabagal na ang paghinga ni Yuan. Ilang minuto na din ang lumipas noong huli itong gumalaw. Bahagya niyang iniatras ang sariling upuan upang makaharap ng diretso sa dalaga. Marahan niya itong tinapik.



"Go back to your room. Baka sumakit ang katawan mo dito."



Kunot-noong nagmulat si Yuan. Ilang segundo pa niyang hinayaang mag-adjust ang paningin bago nagsalita. "Are you done?"



Muling napangiti si Kevin dahil sa napapaos na boses ng dalaga. Halatang halata na antok na antok pa ito. "Matatapos na din 'to."



"Then, I'll wait for you."



Nawala ang ngiti sa mukha ng binata. Napatitig siya kay Yuan na ngayon ay maayos ng nakaupo ngunit pipikit-pikit pa din.



"A-Are you sure?" tila wala sa sariling tanong ni Kevin. Napalunok siya ng lumingon sa kanya ang dalaga.



"Dito lang ako."



"O-Okay."



Pinilit ni Kevin na ituon ang atensyon sa pagbabasa. Ramdam niya ang panginginig ng kamay sa tuwing may mga impormasyon siyang isinusulat sa kanyang notes pero pilit niya din iyong binalewala. Hindi niya maintindihan kung bakit kinakabahan siya sa tuwing nagsasalita ang katabi at nagtatanong ng tungkol sa ginagawa niya. Naiinis siya dahil mukhang siya pa nga ang naiilang.



"Do you think I'll be able to come back again if ever na maging zombie ako ulit?"



Nanigas nanaman ang mga kamay ni Kevin ng muling magsalita si Yuan. Napatigil siya sa pags-scroll at lumingon sa dalagang nakatingala lamang at tila nililibang ang sarili sa kung anong nasa kisame. Halatang nagiisip lamang ito ng maaari nilang pag-usapan upang hindi tuluyang makatulog.



"That, we're not sure. Kaya sana, hindi ka na maging zombie ulit."



"I'm not that strong, though." Kumapit ang dalaga sa lamesa at itinulak tulak iyon upang i-ugoy ang kanyang upuan. "Sa tingin ko, ako yung zombie na hindi nakakatakbo. Baka nga hindi ako umalis sa pwesto at mag-abang nalang na may tangang lumapit sa akin."



Ibinalik ng binata ang tingin sa screen. "Lumapit ka kay Lucas."



"Well, siguro malandi din talaga ako," biro ni Yuan pero siya lamang ang natawa.



"Just don't get yourself bitten again," sabi na lamang ni Kevin. "Hindi natin alam kung kakayanin pa ng antidote kapag pangalawang beses na."



"That actually got me thinking." Binitawan ni Yuan ang lamesa at hinayaang bumagsak ang mga paa ng kinauupuan niya. "Ang pinaka-nakakatakot maging zombie sa ating lahat, well aside from the military people, si Rina."



"Because she's a black belter?"



"I've never encountered a zombie who attacks with high-kicks."



Bahagyang natawa si Kevin. "Ang layo ng nararating ng imagination mo."



"Talaga naman--"



Sabay na napalingon ang dalawa noong mamalayang may bumababa sa hagdan. Nang makalapit ito sa kanilang puwesto ay doon lamang nila naaninag kung sino ito.



"Can't sleep?" tanong ni Yuan.



Umiling si Aiah. "Nagigising talaga ako lagi para uminom ng tubig. Anong ginagawa niyo?"



"Research," tipid na sagot ni Kevin habang sinusundan ng tingin ang dalaga na nagtungo sa refrigerator.



"Need help?" tanong muli ni Aiah habang nagsasalin ng tubig sa isang baso.



Tinignan ni Yuan si Kevin na sumenyas lamang sa kanya ng "No."



"Hindi na, matatapos na din naman 'to," ani Yuan. "Since, two hours ago matatapos na 'to eh."



Natawa na lamang si Aiah noong napaawang ang bibig ni Kevin. Inilagay niya ang ginamit na baso sa lababo bago nagpaalam na aakyat ng muli.



"What's your problem with Aiah?" Hindi napigilan ni Yuan na tanungin ang binata noong silang dalawa na lang muli ang nasa unang palapag ng bahay.



Muling itinigil ni Kevin ang ginagawa at diretsong humarap sa dalaga. "Is it weird that I just can't force myself to trust her?"



"Is it weird that I trust her?" tanong ni Yuan pabalik.



Napakunot ang noo ng binata. "You do?"



"I mean, she hasn't done anything bad since we met her. Is that not enough reason to give her my trust?"



"I think you're too trusting, Yuan," seryosong sabi ni Kevin. Humugot siya ng malalim na hininga. "You just met her."



"And, I brought you to my house the same day I first met you," sarkastikong kontra ng dalaga.



Muling napaawang ang ibabang labi ni Kevin. "You trust me?"



"Of course." Nagsalubong ang kilay ng dalaga noong ngumiti ng sobrang lawak ang kaharap niya. "So bakit nga hindi ka nagtitiwala kay Aiah?"



"Gut feeling?" Nagkibit-balikat si Kevin. "Maybe, I'll trust her someday. But, now? I don't think so. I'm kind of feeling hate towards her, actually. Maybe, because I know she's the daughter of the man behind all of this."



"Mukha naman siyang mabait."



"She has an attitude."



"Yep. And I do too. But you like me" kaswal na sabi ni Yuan.



Tila binuhusan ng nagyeyelong tubig ang binata. Hindi siya makapaniwala kung gaano kasimpleng lumabas iyon mula sa bibig ng dalaga.



"Or was that just a prank?"



"What the fuck?"



"Kevin!" Nahampas ni Yuan ang braso ng binata. "You're the only human in this house na hindi nagmumura, tapos ang reaksyon mo 'what the fuck'?"



"Sorry, okay? But don't ever doubt my feelings for you. It's real."



"Okay," ani Yuan. "Joke lang naman kasi."



Napakurap-kurap na lamang ang binata noong tila hindi nanaman naapektuhan si Yuan sa kanyang sinabi.



"Going back to the original topic, Aiah and I have the same attitude. But you like me and you hate her?"



"I love you," nakasimangot na pagtatama ni Kevin habang nakaiwas ang tingin.



Doon lamang natigilan si Yuan. Hindi niya inaasahang maririnig iyon mula sa binata. Ito yata ang unang beses na may nagsabi sa kanya ng tatlong salitang iyon.



"O-Okay. You love me... and you hate her. Don't you think you're being unfair?"



Napabuntong hininga na lamang si Kevin. Suko na sa pagiging kaswal ni Yuan habang sobrang init na ng mga pisngi niya. "You still have differences and I can't love two ladies at the same time."



"Yes, you can. But, with different levels of affection. That doesn't necessarily mean that you're cheating or nag-two time ka. Pwedeng you just care for the first person but yung pangalawa yung great love mo talaga. Still, you love them both. Off-topic pero that's what Kuya Wawie said," nakataas pa ang isang hintuturo na pangaral ng dalaga.



"No, I can't. I'm giving everything to only one lady and you know who that is." Buong lakas na tumingin si Kevin sa dalaga. Naikuyom niya ang mga palad ng magtama ang kanilang mga paningin.



"You're just avoiding the question," nakataas ang isang kilay na sabi ni Yuan. "Bakit nga hindi ka nagtitiwala kay Aiah?"



Hindi malaman ni Kevin kung maiiyak ba siya o matatawa. Tila hindi nakakarating kay Yuan ang lahat ng sinasabi niya. Hindi niya rin alam kung ilang beses na ba siyang humugot ng malalim na hininga.



"She's... I think, she's hiding something." Sinagot na ng binata ang tanong, tutal mukhang doon naman talaga interesado si Yuan. "I'm even thinking that she's worse than Pia. Everybody doesn't like how Pia speaks but that's just really how she is. At least, she's showing us her true colors. While, Aiah, hindi ako sure kung siya ba talaga 'yong pinapakita niya sa atin."



Yumuko ang dalaga at tila nag-isip ng mabuti. Lumipas ang ilang segundo at hindi ito nagbigay ng komento sa huling sinabi ni Kevin. Hinayaan niya na lamang ang dalaga at bumalik na siya sa ginagawa.



Mahaba-haba na ulit ang nababasa ni Kevin noong naramdaman niyang nakatitig sa kanya si Yuan. Bahagya pa siyang napaatras ng makita ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. "W-Why?"



"So you like Pia better..."



Napakurap-kurap si Kevin, hindi sigurado kung tama ba ang narinig.



"I love you." Hindi din alam ng binata kung bakit niya iyon inulit. Tila gusto niya biglang iparating na seryoso siya sa sinabi kanina.



"I know." Nawala na ang nanghuhusgang tingin sa mga mata ni Yuan. Ngumiti siya sa binata. "I know and I can feel it. Thank you."



Bumalik ang malawak na ngiti sa mga labi ni Kevin. Sobrang saya niya dahil sa narinig. Pakiramdam niya ay hindi siya nagkamali ng babaeng nagustuhan. Mas humanga pa nga siya dito dahil sa paraan nito ng pagtanggap sa nararamdaman niya. Hindi siya nito pinapangunahan. Sinabi niya lang ang feelings niya kaya doon lamang ito nagbigay ng komento. Walang rejection na naganap dahil hindi naman siya humihingi ng kahit na ano.




*****



Naalimpungatan si Mariz ng mamalayang wala na siyang katabi sa kama. Nang magmulat ay pansin niyang mayroon ng liwanag na tumatagos sa mga kurtina. Bumangon siya at nag-ayos ng sarili bago lumabas.



Napatigil ang dalaga sa pagbaba ng hagdan ng makita ang nasa dining area. Nakasandal sa lamesa ang ulo ng natutulog na si Yuan habang tila binabantayan naman ito ng nakangiting si Kevin. Kitang-kita niya ang kaligayahan sa puyat na mga mata ng binata. Napabuntong-hininga siya at naiiling na lumapit.



"Don't hurt yourself," mahinang sabi ni Mariz noong dumaan siya sa likod ng binata. Dire-diretso siyang nagtimpla ng kape at ramdam niyang sinundan siya ni Kevin ng tingin.



"I know you're aware of what's happening between her and Lucas," ani Mariz matapos ipatong ang tasa ng kape sa harap ng binata.



"Yeah," mapait ang ngiting bulong ni Kevin, nag-iingat na hindi magising ang dalagang nagpuyat para masamahan siya. "Wala naman akong balak sirain 'yon."



"I'm not implying na magiging kontrabida ka sa story nilang dalawa, Kevin." Humigop si Mariz sa sarili niyang mug. "What I'm trying to say is, you don't deserve to be just a second lead. Kung alam mong walang patutunguhan 'to, pigilan mo na ang sarili mo habang maaga pa."



"But how?" Kumislap ang mga mata ni Kevin kasabay ng isang mapaklang tawa. "Even the ocean would be jealous of how deep this already is."



Hindi agad nakapagsalita si Mariz. Nahabag siya lalo pa noong muling nilingon ni Kevin ang pinakamatalik niyang kaibigan. Sa totoo lang, ay hindi pa din niya alam kung kanino niya ibibigay ang kanyang boto. Alam niyang gusto ni Yuan si Lucas pero hindi maikakailang handang-handa din si Kevin na magbuwis ng buhay para sa dalaga.



Kahit kailan ay hindi nawala ang kagustuhan ng binata na lumaban para lamang manatili si Yuan sa ligtas na lugar. Hindi na maaaring kuwestiyunin kung hanggang saan ang nararamdaman nito dahil kahit noong inakala ng lahat na wala na sa kanila si Yuan, hindi ito tumigil sa paggawa ng paraan para makabalik ang dalaga. Kamatayan ang kinontra ni Kevin para maibalik ang dalagang alam niyang hindi siya ang babalikan.



"What's your plan?"



Matagal bago nakasagot si Kevin. "I'm not asking for anything in return, but I'll do everything for her."



"You know how her mind works, Kevin. Hindi ko minamaliit ang kakayahan mo, but I'm reminding you that sticking with someone who doesn't even think twice of putting herself in danger is suicide. Kung hindi mo kayang iligtas ang sarili mo, please, 'wag na lang. Ayokong dumating ang araw na sisisihin kita dahil nagbuwis ng buhay ang bestfriend ko para lang iligtas ka."



"I'll be the one to protect her, I promise," seryosong sabi ng binata. "2025 will end and Yuan will still be with us."

;











Continua a leggere

Ti piacerà anche

45.6K 2.9K 48
⚠️TW: Violence, Sexual Harassment Just the opposite of its meaning, the Scarper House won't let us run away.
1.4M 80.3K 71
GIFTED SERIES #4 Listen to me. Hurry. Seek help. The end is near. The Goddess is here. Genre: Fantasy Language: Tagalog / English Started: December 2...
51.6K 2.4K 31
[Wasteland Series #1] An adventurous teenager discovered a literary piece owned by a fortunate survivor from the breakthrough of the undead five yea...
39.1K 4.1K 45
Ang pakikipagpaligsahan ng mga tao sa alon ay nakakabilib kung minsan. Hindi nila tinitigilan ang paghahanap ng tatalo sa akin, ilang libong taon man...