To Live With You [COMPLETED]

By _kylux_

913 87 1

[WITH YOU SERIES # 1] Let's all meet Kayla Deene Swing, ang babaeng walang kasiguraduhan sa buhay. Ika nga ni... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Huling Kabanata
Huling Paalam
Facts

Kabanata 9

41 8 0
By _kylux_

A/n: GANYAN LANG UNG ITSURA NG SUSUOTIN NI KAYLA PERO UNG MUKHA HINDI GANYAN! AKO SI  KAYLA HAHAHAHAHA (ASSUMERA LANG)

--

Mabilis lumipas ang araw at ngayon nagalarm ako ng maaga dahil pupunta pa ako sa bahay nila Dion.

6am pa lang gising na ako kasi kapag 9am mag start ang event. Si Dedi na din ang bahala sa mga ingredients namin ang kailangan ko lang daw huwag maging sabaw sa harapan ng magulang niya.

"Oh Kayla aga mo nagising ah?" saad ni mommy na nasa dining nagkakape.

"Ah eh magluluto pa po kami ni Dion ng kareys sa bahay nila." magrereact na sana siya nang mag sign ako ng huwag na magsalita para hindi ako pagalitan ni daddy. Tumango naman siya kaya napangiti ako.

"Thanks mommae! Ligo na me mwaps!" kiniss ko pa si mommy sa pisngi dahil sa pagtatakip niya saakin.

Lord, sana po huwag ako maging lutang mamaya. Antok pa naman ako at kapag ganto ako kaantok hindi ko alam nagagawa ko. Huhu.

Naglalakad ako sa kanto ng village namin dahil doon naghihintay si Dion dahil sabi niya hindi daw niya ako hahayaan na magcommute magisa. Edi best friend award goes to Dion!

"Hi dedi good morning!" i said nang pagkapasok ko sa sasakyan niya.

He smiled, "Goodmorning dedi. Let's go."

Habang bumabyahe hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Paano kung masungit pala magulang ni Dion? Paano kung matapobre tulad ni Dion? Bahala na nga.

"Relax. My parents are the best. Hindi sila tulad ng nakikita mo sa tv na masama ugali. And my kuya? Siya ang pinaka mabait at responsable saaming dalawa. He is everything."

"Nako dedi crush ko na ata kuya mo ah!" nakita kong nagiba ang expression ni Dion kaya natawa ako sakanya. "Joke lang! Ikaw lang crush ko yieee!"

"Foolish." napa buntong hininga siya, "By the way that glasses looks perfect on you. I like it." napahawak naman ako sa salamin ko. Wala naman kakaiba sa salamin ko at clear glasses lang naman ito na nabili ko sa sunnies.

"Thanks. Nagmukha akong matalino." natawa lang siya at kung ano ano pa pinagusapan namin hanggang sa nakarating kami ng bahay nila sa Lagro. Isang oras din tinagal ng byahe dahil sa traffic.

Pagkapark ni Dion sa bahay nila pinagbuksan niya ako ng pinto at pinisil niya ang braso ko. Ginagawa niya un kapag pinapalakas niya loob ko or di kaya trip lang niya kasi malaman ito.

"Come on in, dedi." pagka pasok ko sa bahay nila lumabas mula sa kusina mga magulang ni dedi. Ang weird kasi nagkukulitan silang magasawa at gulo gulo pa buhok ng nanay ni dedi. Inaayos naman niya buhok nito at ung daddy ni dedi inaayoa ung polo. Okay so weird.

"Ugh. That's gross." rinig kong bulong ni dedi tsaka lumapit sa magulang niya at bineso ito.

"Oh my god bunso di ka naman nagsasabi na nandyan na pala kayo!" saad ng mommy ni dedi. Napangiti naman ako ng tumingin sa gawi ko ung mommy ni dedi. Nag wave ako ng kamay.

"Goodmorning po Mr and Mrs Potenciana." hinila ako ng mommy ni dedi tsaka niyakap nagulat naman ako at napatili.

"Oh my sweetie you're so gorgeous! Huwag na Mrs tawag mo saakin, mommy Nadia na lang at daddy Eman ang tawag mo saamin."

"Ah-eh hehehe sige po?" naiilang ako kasi hindi ko inexpect na ganto ka warm welcome ang papakita nila saakin. Sobra sobra sa good!

"Mom! You're scaring dedi let her go jeez." hinigit ako ni dedi papalapit sakanya at inayos ang nagulo kong buhok. Nahihiya na ako kaya tinabig ko kamay ni dedi.

"Oh love tignan mo nga naman oh may tawagan pa sila! But–isn't it bastos naman?"

"Darling let them be. Basta ako anak proud ako sayo! Mga tinuro ko sayo ah huwag mo kakalimutan. Ung mga position–"

"Dad! God just please get out? Magluluto na kami." kumunot naman noo ko kasi wala ako idea sa position na yan. Saan ba position gagamitin un? Baka pede namin gawin ni dedi un!

Nagtaas ako ng kamay, "Ah ano po position yan? Baka makatulong saamin ni dedi." i smiled. Tumawa naman ng malakas magulang ni dedi at napa face palm na lang si dedi. "Ah–ano po nakakatawa?"

"Hahaha! Nothing darling. Sige na magluto na kayo sa kusina. Wala kuya mo Dion, may pinuntahan." ani mommy Nadia.

"As usual. Tsk let's go dedi." hinila ako ni dedi sa kusina pero narinig kong may sinigaw pa mommy ni dedi.

"Keep her safe anak! Use protection!"

"Dedi ano ba ung position na sinasabi ng daddy mo at ano ung sinasabi na protec–"

"God dedi don't you know the word sex? That positions used when people are doing sexual intercourse and that protection is called condoms or so whatever! Now, are you satisfied? God you're so naive." napahilot sa sentido si dedi at ako naman napasabunot sa buhok.

"Yuck! Of course i know things dedi pero di naman ako bastos para iyon isipin ko! Malay ko ba kung anong position yan o kung anong protection? Shit that's so disgusting."

"Don't make this the hard way. Let's not talk about this. Come on let's cook."

Hindi na ako sumagot sakanya at sinimulan na lang ang pagluluto. Lagi kami nagtatalo ni Dion dahil mali mali siya ng paghiwa at nakailang batok ang nakuha niya saakin. Ginagantihan din niya ako pero ung ganti niya is guguluhin niya ang buhok ko.

Isang oras din tinagal ang pagluluto namin at nagprepare para sa paglalagyan ng kareys.

"Hay salamat natapos din! Jusko di na ulit ako sasama magluto sayo." saad ko kay dedi.

"Whatever. Sige na magbihis ka na. Doon ka na sa kwarto ko magpalit."

Tinawag naman ni dedi kasambahay nila para ituro saakin ang kwarto nito. Pagkapasok ko ng kwarto ni dedi nasa kama na niya ang susuotin ko. Iginala ko naman ang mata ko sa kwarto ni dedi, black ang mga pader ni dedi at may mga trophies, posters ng basketball. May mga medals din siya nakuha, ung iba sa academics at ung iba naman sa basketball.

Malaki din ang study table ni Dion at may sarili siyang bathroom dito. May isang pintuan pa dito sa kwarto niya na sa tingin ko ay walk in closet nito.

Pumunta na ako sa bathroom niya tsaka nagbihis. Ang laki din ng kubeta nito na kasing laki na ata ng kwarto namin ni kuya.

Nahirapan ako isuot ang filipiniana ko kasi ang laki at ang daming chechrbureche bago masuot! Jusko pinagpawisan ako sa pagsuot.

Ipinusod ko ang buhok ko at ginawa itong bun dahil malamang mapagpapawisan ako sa init ng suot ko dahil sa kapal nito.

May mga binili din si dedi na pamaypay ko at payong. Ang oa nga eh at parang ako lang mamaya na ganto ka gara ang suot.

Paglabas ko ng kwarto ni dedi nakasuot na din siya ng barong niya. Ang gwapo ni dedi ang ang bango bango!

"Naks bigatin tayo ah!" tinapik tapik ko sa braso si dedi. Inirapan naman niya ako at hinila na papunta sa sasakyan.

"Late na tayo."

Nakarating kami sa NRMF at potcha nahiya ako kasi ang oa nga ng suot ko! Naka dress ung mga babae pero mas oa naman saakin kaysa sakanila.

Napapatingin saakin lahat ng tao dahil totoo nga namang agaw pansin ung suot ko. Hiyang hiya ako kaya hinawakan ni dedi kamay ko at pinisil iyon. Napangiti ako sa ginawa niya.

"Tara na aking binibini." napangiti ako ng malawak sa sinabi ni dedi. Minsan lang siya magsalita ng tagalog kaya naman sa sinabi niya ngayon parang crush ko na siya! "Ano? Tatanga ka lang dyan?" charot lang pala! Inirapan ko siya.

Ayan nanaman ung mga kanta na naririnig natin kapag buwan ng wika na paulit ulit lang.

~Piliin mo ang Pilipinas
Kapuluang kwintas ng perlas
Piliin mo yakapin mo
Kayamanan nyang likas
Piliin mo ang Pilipinas~

Nagsasaya mga tao ngayon at ang ganda ng pagkakagawa ng bahay kubo nila! May mga umaakyat sa bahay kubo at hinaharana sila ng mga lalake.

May mga nakapangsuot na magsasaka ang mga lalaki at ung mga babae naman tinutulungan sa pagsasaka nito.

Inilapag namin ni dion ang kareys sa nakahilerang lamesa. Ang dami din nakalapag na pagkain at sa isang lamesa na mahaba nandun ng dahon ng saging at lahat ng 1st yr college doon magsasalo-salo.

Nagsimula na ang program at may mga nag preresent ng sayaw, tinikling, Carionosa.

Ang saya kasi may video presentation pa ang 4th year ng iba't ibang klasw ng street foods na matitikman sa Pilipinas. Mayroon din sila pinakita na mga iba't ibang style ng bahay.

Buhay na buhay ang mga tao at nagsasaya. Hindi kami mapaghiwalay ni Dion kasi kung saan siya pupunta hihilain niya ako at ganun din ako sakanya.

"Rosa!" nakita ko si Rosa na nagaayos ng mga pagkain. Ang ganda ng suot niya at bagay na bagay sakanya!

"Kayla ang ganda mo! Grabe pinag handaan talaga ah." abot langit ang ngiti ni Rosa kaya ginantihan ko iyon ng ngiti.

"Ang ganda ng suot mo. Bagay na bagay sayo." saad ko sakanya.

"Aba syempre! Gusto ko manalo sa pinakamagandang binibini award."

"Sigurado naman ako na makukuha mo yan. Ikaw pa!" kung ano ano pa naging usapan namin ni Rosa hanggang sa tawagin kami ng judge sa stage na rumampa. Hinili naman ako ni Rosa at siya ang naunang rumampa at ang ganda ng ginawa niyang lakad at mukha naman naimpress ang judge.

Sumunod ako rumampa at kahit nahihiya, ikinalma ko ang sarili ko at inayos man lang ang lakad ko para di mukhang tuod ako sa harapan.

Simple lang ang lakad na ginawa ko, malumanay lang at mahinhin. Hindi din naman ako makalakad ng mabilis kasi hirap ako sa suot ko.

After rumampa ng lahat nagkainan na kami at magkatabi kami ni Dion. Sinusubuan niya ako ng kamatis at itlog na malaat. Sinubuan ko naman siya ng tilapia na may kanin.

Natapos kami kumain at ngayon ay sayawan na. Pede gamitin ang field para sa sayawan. May mga kantang pang Carionosa at ung mga iba naman ay nagsasayaw.

"Gusto mo sumayaw?" tanong saakin ni dedi.

"Ayaw ko. Hirap sumayaw sa gantong suot eh."

Matapos ang sayawan mag aaward na ng mga nanalo. May mananalo na best dressed at ang pinakamataas na parangal na makukuha ay ung pinakamagandang binibini/ginoo.

Nanalo si Rosa sa pinakamagandang kasuotan kaya tumili ako sakanya. Halatang di makapaniwala si Rosa at inaasahan niya na ang pinakamagandang binibini ang makukuha niya. Pero hula ko siya din dun.

"At para sa pinakamagandang binibini at ginoo... We have Kayla Swing and Dionysius Potenciana!" nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi ko inaasahan na saakin mapupunta iyon. Dapat kay Rosa iyon!

Napatingin ako sa gawi ni Rosa at di din makapaniwala ang itsura niya ngayon. Ngumiti siya unti unti kahit pilit iyon tsaka sumabay sa palakpak ng iba.

Ayaw ko sanang tumayo pero hinila na ako ni Dion sa stage. Nag congratulate naman ang mga judges at sinabi pa na bagay kami ni Dion. Sinuotan ako ng crown at ng sash. Hindi ako makangiti sa photographer dahil nababahala ako sa iisipin ni Rosa.

Shit! Dapat di kona lang inayos lakad ko eh! Dapat ginawa kona lang tuod paglalakad ko. Aish.

"Ayos ka lang?" tanong ni Dion pagkababa namin ng stage.

Tumango na lang ako. Tapos na din ang program at kinuha lang ni Dion ang tupperware na pinaglagyan ng kareys tsaka ako dinala sa sasakyan niya.

"I know what will ease your mind." saad ni Dion pagkapasok ko sa kotse.

"Ano?"

"Wait and see." ngumiti siya saakin at binuksan na ang makina.

Hays. Siguraduhin mo lang mawawala ang iniisip ko ngayon Dion ah.

---

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 52.2K 165
Frankie (Epistolary with narration)
26.7M 929K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
13M 551K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
153K 4.9K 95
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...