The Sex Teacher

By nonwingedangel1

823K 6.2K 391

SELENA'S POV Ilang taon na ang nakalipas pero di ko parin maiwasang maging bitter. Paano kasi di pa ko nakaka... More

The Sex Teacher
TS - Chapter 1
TS - Chapter 2~ Maximillo AKA Maxene
TS - Chapter 3 ~ Meeting him...
TS - Chapter 4 ~ The Consultation
Chapter 5 ~ The Incident (Part 1)
Chapter 6 ~ The Incident (Part 2)
Chapter 7 ~ Her Decision
Chapter 8 ~ His Answers
Chapter 9 ~ Her Rules
Chapter 10 ~ The Checklist
Chapter 11 - Damn the Checklist
ANGEL'S NOTE (not an update)
TST - Chapter 12: Dating 101
TST - Chapter 13: Dating 102
TST ~ Chapter 14: She's back
TST ~ Chapter 15: Sisters forever
TST ~ Chapter 16: Kissing 101
TST~ Chapter 18: Panic Mode
EXTRA CHAPTER: The Lost Boy and the Other Girl
TST~ Chapter 20: Facing Fear
SURVEY: THIS IS NOT AN UPDATE

TST ~ Chapter 17: Kissing 102

20K 150 2
By nonwingedangel1

Mula chapter 16 hanggang dulo gagawin ko na before matapos ang isang chapter may POV ni Jason para naman may idea kayo kung ano ang nasa isip niya. ☺

TST – Chapter 17: Kissing 102

 SELENA’S POV

 Nakatambay ako ngayon sa office ni Max dahil hindi ako mapakali sa sarili kong office, knowing Jason is inside the lecture room. Nakaka-two hours na siya sa loob ng room na iyon. Gusto ko siyang turuan ng maayos pero hindi ko naman siya pwedeng bantayan dun. Babae ako at lalaki siya. Di magandang tignan. Kahit pa professional ako, mahirap basahin ang utak ng mga lalaki.

 “Selena, may sarili kang office. Bakit ka ba nakatambay dito?” mataray na sabi ni Max habang nagtetext.

 “Basta.” Ayoko kasing sabihing…

 “Nasa lecture room si Jason noh? OMG. Sabi ko na nga ba eh! Tara let’s peek!” Sabay hila sa akin patayo sa kinauupuan ko. Mind reader na ba si Max ngayon?

 “No! Max, hayaan na natin siyang matuto mag-isa. Lalaki ‘yun. Yakang-yaka niya na iyon.” Umupo ulit ako.

 “Kill Joy! Malay mo may ginagawa siyang…” nagtaas-baba ang kilay ng bakla “alam mo na. Kyaaaa~ baka makita ko pa ang samurai niya!” pumalakpak pa talaga ang loka na akala mo nanalo ng korona!

 “Magtigil ka nga! Igalang mo naman yung kliyente ko.” Sumimangot naman si Max habang hawak pa rin ang phone niya at pindot ng pindot.

 “Silip lang naman eh. Para namang di ka rin curious kung ano na ang ginagawa nun dun sa loob?” Curious ako pero ayoko pa ring tignan. Naniniwala kasi akong ‘curiosity kills the cat’ at hindi ako pusa para ma-curious.

 Isa pa, hindi man virgin ang mata ko, ayoko pa ring makita ang hindi dapat makita sa kanya. Malaking problema ‘yun pag nagkataon.

 “Sus! Si Ateng nag-iisip kung sisilip o hindi! Ayiiie~!” sinundot pa ako ni Max sa tagiliran. “Sisilip na ‘yan!” inulit niya pa ang pagsundot sa akin hanggang sa mahampas ko siya sa kamay niya.

 “Tigilan mo nga yang kalokahan mo! Hindi ako katulad mo noh. Sino ba ‘yang katext mo?” pinilit kong maagaw ang phone niya pero ang baklita mahaba ang mga galamay.

 “Huwag mong ibahin ang usapan! Ano ba? Sisilip na ba tayo o hindi?” ngumiti pa siya ng nakakaloko.

 Sisilip ba kami?

----

 Nandito kami ni Max sa opisina ko. Nakaupo ako sa swivel chair ko at nakaharap sa computer. Habang siya ay nasa tabi ko na patalon-talon at halatang excited.

 “Ano na? matagal pa ba? Baka hindi na natin makita ang dapat makita!” niyugyog pa ako ng bakla. Sinamaan ko lang siya ng tingin, buti naman at tumigil siya ng kakaungot.

Hinahanap ko kasi ‘yung shortcut para sa CCTV cameras sa loob ng Lecture Room. And yes, tama kayo. Napilit pa rin ako ng baklang ito na silipin si Jason sa loob. Isa pa, talaga namang ginagawa ko ito para na rin sure akong safe sa loob ang mga clients ko. Ang kaibahan nga lang ngayon, lalaki ang kliyente ko.

Sa wakas, nahanap ko rin.

“Ayan na ata! Go na! Click mo na!” walang tigil na kalabit sa akin ni Max.

“Pwede ba tumigil ka ng kakakulit mo. Hindi natin itutuloy ‘to!” Umaktong sinara niya ng parang zipper ang bibig at tinapon pa ang susi sa kawalan. Pagkatapos ay ngumiti sa akin ng wagas. Psh. Manyak!

Click.

Okay. Nakikita naming si Jason na nakaupo sa couch at nanonood ng TV. Nakatitig lang siya dito. Parang normal lang na nanunood ng teleserye.

“Aww. Boring!” singhal ni Max. Hindi ko na lang pinansin.

At dahil Hi-Tech ang CCTV na kinabit ko, naiililipat ang angles ng camera. Inusod ko ng konti ang camera para makita kung ano ang pinapanood niya. At nagulat ako. Wala kasi ‘yun sa binigay ko sa kanyang mga DVDs.

“Ooooooh~~~.” Naeexcite na reaksyon ni Max.

Paano kasi isang hardcore porn ang pinapanood ni Jason. Bida ang dalawang lalaki at dalawang babae. Foursome. At nasa intense part na yung video. Get the picture? Hard diba?

“Bakit ganun? Di’ba dapat may ginagawa na siya? Bakit nganga lang siya?” nakakunot ang noo ni Max.

Pero mukhang napako si Jason sa kinauupuan niya. Nakatitig pa rin siya sa screen. Kung gagalaw man siya, aayusin niya lang ang salamin niya sa mata o kakamot sa batok niya. Paminsan ding maniningkit ang mata niya pero after nun, wala na.

“Ayy, ano ba yan! Ang boring ah! Makapagtrabaho na nga lang. Aksaya sa oras. Psh.” At tuluyan nang nagwalk-out si Max. Ako naman nakatitig pa rin sa screen ng computer at inaabangan ang gagawin ni Jason.

Isasara ko na sana ang monitor ng bigla kong napansin na tumayo si Jason.

Tumayo siya habang nakatitig pa rin ang mga mata niya sa TV screen. Kumurap-kurap pa siya. Bigla niyang ginulo ang buhok niya. Pumikit at binalik ulit ang tingin niya sa screen. Biglang pumula ang mukha nito at dali-daling pinatay ang TV.

At umupo siya, isa-isa niyang binuksan ang butones ng polo niya. Sa gulat ko ay yung AVR ang napatay ko imbis na mai-shut down ko ng maayos ang computer. Great! Sana hindi ko nasira yung computer ko. Ugh.

Now I conclude, iisa lang ang takbo ng utak ng mga lalaki.

JASON’S POV

Nahihilo ako sa mga binasa ko. Puro tungkol sa kiss. Iba’t-ibang klaseng kiss. Mga kiss na nakakapag-lead on sex at iba pa. At dahil bookworm ako nung Highschool. Mabilis akong natapos sa mga iyon.

Sinunod ko naman ang mga DVDs na dapat kong panuorin. Grabe. May ganito ba talaga? Tutorial on Kissing? Seriously! Sinong nasa tamang katinuan ang gagawa at bibili ng ganitong mga bagay? Tss.

Sinalang ko ang una kong nadampot na DVD. Kissing Methods.

May babaeng nag-eexplain sa screen. Mahalaga raw ang pakikipaghalikan lalo na sa nagmamahalan dahil isa daw ito sa bumubuo ng pundasyon ng isang relasyon.

Kalokohan naman ata ‘to eh! Tinanggal ko yung DVD at binalik sa case. Nagsalang ako ng iba. Hanggang sa huling DVD na. Kissing 101. 

Sa DVD naman na ito. Technique mismo ang tinuturo. Kaya pinanuod ko iyon ng maigi hanggang sa matapos. Tinandaan ko yung dapat tandaan. Medyo mahaba pala ang DVD na ‘yun kaya parang sumakit ang mata ko. Pinikit ko ito ng ilang minuto.

Bigla kong naimagine na kasama ko si Kate at maglalapit na ang mga labi namin. Malapit na. Malapit na malapit. Hanggang sa magdikit na nga ang mga labi namin. Dinilat ko ang mga mata ko upang makita ang reaksyon niya. Pero nagulat ako sa nakita ko kaya napamulat ako at naalala kong nasa loob ako ng lecture room.

Umiling ako para mawala ang nasa isip ko. Pumunta ako sa DVD rack at kumuha ng isa. Sinalang ko ang laman ng case ng hindi tinitignan ang title nito.

Umupo ako sa couch at tumitig sa TV screen. Pero imbis na yung DVD ang nakikita ko ay yung naiimagine ko kanina ang nakikita ko.

Nakatitig ako sa kanya at ganun din siya sa akin. Ngumiti siya. Hinaplos ko ang pisngi niya. Hinilig niya ang ulo niya sa kamay ko. Hanggang sa maglapit ang mga mukha naming habang nakangiti. Ang saya ng pakiramdam ko. Hinawakan ko ang baba niya at kinabig siya papalapit sa akin.

Umiling ako. Hindi ko dapat iniisip iyon. Tss. Bakt bigla atang uminit ang paligid? Pinatay ba yung aircon? Tumayo ako at ginulo ang buhok ko. O mas tamang sabihin na halos sabunutan ko ang sarili ko. Binaling ko ang tingin ko sa TV screen. At tumakbo ako para patayin ang TV. Bakit porn ang naisalang ko sa DVD player? Ang malala foursome pa! Buti at lumilipad ang isip ko kanina at hindi ko napanuod ang nakakababoy na ginagawa nung apat na ‘yun.

Pabagsak akong umupo sa couch. Binuksan ang polo ko. Sht. Ang init talaga. Pero hanggang itaas lang ng dibdib ang binuksan kong butones. Ano bang nangyayari sa akin?

-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_-

Hey! Update! :) Haha. Sorry kung ngayon lang. Ngayon lang natuto magupdate gamit yung tab (na bunga ng raffle xD). And busy kasi ako sa dalawang thesis and may work pa. ;)

Anyways, happy holidays! :) End the year with a BANG! ♥

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...