TST ~ Chapter 14: She's back

14.4K 147 4
                                    

 

SELENA’S POV

            Natapos na rin ang pagsagot ni Jason sa form at agad rin itong umalis dahil may dinner meeting pa raw siya. Nagpatawag na rin ako ng staffs na magliligpit ng mga kalat sa office ko. Napasulyap ako sa labas at napansin kong madilim na. Hindi ko namalayang ginabi na pala ako dito.

            “Uhm, guys pwede niyo na iyan ipagpabukas. Gabi na rin eh.” Sabi ko sa kanilang tatlo since half way through na.

            “Sige po ma’am. Aagahan na lang po namin bukas. Goodnight po.” Nagsilabas naman sila.

            Nagligpit na rin ako ng mga gamit at sinukbit ang bag ko sa balikat ng magring ang phone ko. Tinignan ko kung sino at halos tumalon ako sa tuwa. Agad kong sinagot ang tawag. Miss na miss ko na kasi ang boses niya.

            “Missed me? Baby girl?” malambing niyang sabi.

            “Of course, Mama! Sino bang di makakamiss sa lovable kong mother?” tumawag si Mama! Gosh, I missed her so much. Ilang buwan din kasi siya sa Spain. May “inasikaso” daw. Eh sigurado naman kami ni Max na mga ka-fling niya yung pinuntahan niya dun.

            Yes, she’s still into those flings. Pinakabata niya ngang naging ka-fling is a 17-year old son of one of her friends. Pero siyempre di alam yun ng friend niya. Mamaya masabihan pa siya na cradle-snatcher.

            “Oh baby, bolera ka talaga! How are you?”

            “I’m fine Mama. Kailan ba ang balik mo? I’ve got many things to tell you.”

            “In two days, honey. Actually, nasa Philippines na ako. But not in Manila. May piangkaka-abalahan lang. May inaalam kasi ako eh.” Nagchuckle pa siya. Para talaga siyang hindi 40+.

        Oh, don’t tell her I mentioned her age. Magagalit siya panigurado. Ayaw niya kasing natatawag na matanda. At pag tinawag mo siya nun ang dinig niya dun ay “maganda”

 

                “Playing detective, Mama?” I teased.

                “A bit. Pero this is something important. For me.” I sensed seriousness in her voice.

                “Okay. Let me know if nasa Manila ka na. Alam na ba ni Max ‘to?”

                 “Not yet. Ako na lang ang magsasabi sa kanya. Sige na baby girl, bye na. Gabi na at kailangan ko pa ng beauty rest.” Natawa naman ako dun.

                “Okay , Mama. Be safe. Love you~” malambing kong sabi.

                “I love you more baby girl.” And the line went dead.

                Pero ang weird. Never pang hindi nagsabi si Mama kay Max kung nasaan siya talaga. At mukhang seryoso ang inaalam ni Mama. Ano kaya yun?

The Sex TeacherDonde viven las historias. Descúbrelo ahora