TS - Chapter 1

97.3K 687 16
                                    

Dahil may 200+ ang nagbasa neto maga-update ako~ xDD ang babaw ko diba? hahahah kala ko kasi walang makakapansin eh~ salamat din sa mga nag add ng story na to sa reading list nila! pero wag po kayong mahiya na mag COMMENT, hindi ako nangangain LOL so here's chapter 1 dear readers~~ ^^

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

"Thank you very much, Ms. Selena. I really don't know what to do without you." iniabot niya ang kamay kay Selena.

"No need to thank me, Ms. Paz. You know my clients are my top priorities." nginitian niya ang kausap and they shook hands. "Just let me know if you have any developments." kinindatan niya ito bago niya bitawan ang kamay nito.

"Of course. You'll be the first one to know. I'll go now." tumayo siya sa upuan at lumabas ng opisina ni Selena.

SELENA'S POV

Paglabas ni Ms. Paz ay dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko. Ikaw ba naman ang umupo ng siyam na oras dun hindi sasakit ang pwet mo? Nag-inat ako ng katawan at tinignan ang wall clock. 5pm. Sakto, pwede na kong mag-out. 

Inayos niya muna ang mga papel na nakakalat sa desk niya. Mga files ito ng mga clients niya.

Ayy, di pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Selena De Vera, 21 years old at nagtatrabaho sa isang kakaibang company. Bakit? Hindi kasi ito yung normal na company na makikita niyo sa tabi-tabi na nagbebenta ng mga produkto o serbisyo na kailangan ng marami.

Love and Sex  Associates ang tawag sa company namin. Hindi kami mga GRO ah? We just give advices sa mga taong di kayang ihandle ang sitwasyon nila. 

Our company consists of two departments; Love Department and Sex Department.

Sa Love Department ang mga clients ay may mga sawi sa pag-ibig, na-Friendzone, nabasted, unrequited love, MU/ magulong usapan... basta tungkol sa love. 

Sa Sex Department naman, which is where I belong, we give advice sa mga taong masyadong malakas ang desire or drive for sex, mga sawa na sa usual routine nila kasama ng partners nila, mga gustong magexperiment para ma-fulfill ang lust nila, mga first-timers, mga takot na ipakita ang lust nila sa partner nila.

Maliit lang ang company namin, though we are known by many. Bakit? Kasi mahirap mag-expand lalo na kung maraming tao ang hindi pa bukas ang isip when it comes to sex. Parang may-ari lang diba? Well, close kasi kami ng boss ko kaya alam ko yan. Hahaha.

Back to the story, naalala kong gusto ko na palang umuwi kasi pupunta pa ko sa bar mamaya. I grabbed my keys sa desk ko together with my bag at lumabas ng office ko. Nakasalubong ko ang kadepartment kong beki na si Max.

"Girl, taeng-tae umuwi ah? May date?" intrigera talaga tong bakla na to.

"Wala naman girl, gusto ko lang mag bar mamaya para matanggal ang stress ko sa mga clients ko." Ikaw ba naman magkaron ng limang kliyente sa isang araw lang eh, di ka ba naman mapagod?

"Ah, kala ko sa wakas eh may ka-date ka na eh, papamisa sana ako kahit hindi linggo! Hahaha!" Tumawa siya ng malakas. Buti na lang wala na masyadong tao sa office kasi past office hours na kundi napagalitan to ni boss.

"Ewan ko sayo! Sama ka na lang bakla! Madaming pogi dun sa bagong bukas na bar na alam ko." I actually hate being alone in a bar, kaya lagi kong inaaya tong si Max na sumama sakin kahit pa buong gabi niya kong pinipilit na makipag-date na.

"Hmm... Sige, count me in!" 

"Ok, I'll text you the address. Paganda ka ah? Sige na, babush!" Sabay beso sa kanya bago umalis.

*Sa Bar*

Ilang oras na kami dito  nakaupo ni Max pero ung mga pogi kong nakita nung isang araw eh di pa nadating. "Kala ko ba puro menchu mga tao dito? Bakit puro shokoy ang nakikita ko?" singhal ni Max.

"Girl, chill ka lang. Alam mo nman ang mga lalaki ngayon, pa VIP na." then i sip my blue margarita.

"Siguraduhin mo lang ah? Sayang naman tong ayos ko kung nganga lang tayo dito." Hindi siya ung bading na nagsusuot ng pambabae ah? Panglalaki pa rin ang suot niya pero madalas pang unisex. Ayaw niya daw kasing mag-crossdress kasi feeling niya ang dumi niyang tignan. Pero pag may okasyon nagsusuot siya nun. For fun lang ganun. Pero patay. Sana may dumating kahit isang grupo ng mga pogi dito. 

"Meron yan, I'm sure." sabay smile sa kanya na lagi kong ginagawa para kumalma siya.

I stirred my margarita. Bakit ba kasi ganito? 11pm na oh? Wala pa ring nadating na pwedeng pagpiyestahan ng mata ko. Nakakainis, mamaya nito di na sumama sakin si Max kahit kelan eh..

"They're here." sabi ni Max sakin habang nakatingin sa entrance ng bar na nasa likod ko.

"Huh? Who?" nagtaas ako ng kilay. Wala naman kasi akong ineexpect na iba pa naming kasama.

"The dishes for tonight" sabay ngiting wagas ni Max. Dun ko lang narealize ang ibig sabihin niya. Talas talaga ng mata neto sa mga gwapo. I turned around para makita kung gwapo nga ang mga dumating. At oo nga pwede na, pero parang familiar sila?

Isa-isa silang napasok sa loob ng bar. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima... Nanlaki ung mata ko nung nakita ko ung pang-limang pumasok. Bigla kong humarap ulit kay Max. I silently prayed na hindi niya ko nakita. Why of all places dito pa kami magkikita? Shit naman oh! Di pa buo lahat ng balak ko eh. Parang napansin ni Max ung pagbabago ng aura ko so he asked me, "What's the matter?"

"He is here." pabulong kong sabi sa kanya.

"Who?"

"HE! PATRICK SALCEDO!" 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Chaper 1 done! haha kakagaling ko lang work kaya ngayon lang nakapag-UD haha forgive me please? *^_^* busy kasi ako sa work lalo at pang-gabi pa ko. 

ANW, show your reactions guys! di ako magagalit pramis xD

VOTE. ♥

COMMENT. ♥

AND BE A FAN. ♥

The Sex TeacherWhere stories live. Discover now