TS - Chapter 2~ Maximillo AKA Maxene

78.3K 534 44
                                    

"HE! PATRICK SALCEDO!" 

Pagkasabi ko ng pangalan niya biglang kumabog ng sobra ung dibdib ko. Nanginginig ako, hindi sa takot, kundi sa galit. Galit sa pagpapahiya niya sakin noon. Siguro iniisip niyo na napakababaw non, pero para sakin? Ang tapakan ang pagkatao ko ang pinaka-ayokong gawin sakin.

"Girl? You okay?" sabi sakin ni Max. Hindi ako makasagot. Tangina naman kasi, bakit ba kahit ilang taon na ang lumipas eh di pa rin mawala ung epekto ng presensya niya sakin? Bakit ba lagi na lang akong nanliliit pag nababanggit lang ang pangalan niya? Para bang gusto ko munang lamunin ako ng lupa ngayon. Hayy, kung pwede lang eh!

At oo, alam ni Max ang lahat. Siya kasi ang naging takbuhan ko nung mga panahong gulong-gulo ako. Kung hindi nga yan isang self-proclaimed na bading eh baka naging boyfriend ko pa yan. Paano ba naman kahit na ang lambot niyang kumilos eh ang pogi niya pa ring tignan, nakakaloko nga eh, naalala ko tuloy nung una kaming nagkita.

*flashback*

Iyak ako ng iyak sa isang bar noon na malapit sa school. Bakit? Kasi simula nung araw na un naging tampulan ako ng tukso ng buong campus. Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa school grounds kung anu-ano na ang naririnig ko.

"Siya un diba? Ung pinahiya ni Pat?"

"Oo. Di na nahiya at pumapasok pa din. tsk."

"Kawawa naman siya..."

"Kasalanan niya yan, alam niya naman na ganun si Patrick pero tinuloy niya pa rin."

Kahit na nasa classroom ako di pa rin nila tinigilan ang pagbubulungan. Bulong pero obvious naman na rinig ko bawat sabihin nila. Pag nga tinitignan nila ako nanliliit ako. Kaya di ako nakatiis pagtapos ng una kong subject umalis na ako ng school at dinala ako ng paa ko dito sa bar na to na 24/7. 

"Miss? Are you alright?"

Busy ako sa pagmo-moment nung may narinig akong taong nagsalita sa harapan ko. Kaya tumingala ako sa pagkakayuko ko sa table kung san ako nakaupo. Maputi siya, matangkad, singkit, at masasabi mong over-all ay gwapo siya. Pero mas pogi pa din si Pat.. ayy! Erase! Erase!

HIkbi lang ang nisagot ko sa kanya kasi kanina pa ko iyak ng iyak dito. Inabot niya sakin ang panyo niya at umupo siya sa tabi ko. Siyempre ginamit ko ung panyong inabot niya sakin. Nakakahiya man eh siningahan ko na rin. Eh sa grabe ung pagiyak ko kanina eh.

"I'm Max. You are?" sabi niya sabay abot ng kamay niya na parang gusto niyang makipagshake hands.

"I'm *sniff* Selena *sniff*."

Iaabot ko sana ung kaliwa kong kamay kaso bigla kong binawi. Kasi nakakahiya kaya na iabot ung kamay mong puro uhog sa taong di mo kilala. Nginitian niya lang ako sa ginawa ko. Ang pogi niyang mag-smile lintek! 

"We'll save that for later," sabay smile ulit. "So, what are you doing here this early? Obviously, school hours pa at base sa suot mo tingin ko may class ka pa." 

Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa. Ay, oo nga pala naka-uniform pa ko. Tae! Halata atang nag-panic mode ako kaya hinawakan niya ung magkabilang balikat ko at sinabing...

"Okay lang, ako may-ari netong bar kaya pinapayagan kita na dito muna. Saka di ka naman nainom eh." Nagbuntong-hininga ako. Sa wakas may taong nakaintindi sakin. Para kasing mag-isa na lang ako. Oo, may firends ako sa school, pero nung nangyari nga yon eh nawala na silang parang bula. Mga plastic! Magsama-sama sila! Talaga namang sine-segregate ang nabubulok sa di-nabubulok eh!

"Salamat." Matipid kong sagot sa kanya. 

"Wanna try talking about it?" pinatong niya ung mga siko niya sa lamesa at tumingin sakin habang inintay ang sagot ko. Pero di ko magawang magkwento. Hello? Isang malaking kahihiyan kaya ung nangyari sakin! Kahit nga mga magulang ko di alam to eh! Nakakabawas kasi ng pagkababae eh!

"Alam mo, sabi nila mas magandang magsabi ng problema sa isang stranger. Why? Kasi di ka nila ija-judge ng basta-basta kasi di ka nila kilala." Tinignan niya ko sa mata. At base sa nakikita ko sincere siyang  tumulong sakin. Ewan ko ba napakagaan ng pakiramdam ko sa kanya. Pero pakipot pa rin ako siyempre.

"Talaga?"

"Try me, then." Sabay ngiti niya ulit sakin. Huminga ako ng malalim at nag-isip. Tama naman siguro siya eh. Kaya ayun, sinabi ko sa kanya ang lahat. Pati ung part na nasa banyo ako at kinausap ung sarili ko. Tae, namumula ako sa hiya nun! Pero siya? Hindi siya umimik mula simula ng pagkukwento ko hanggang dulo. Hinagod niya pa nga ung likod ko nung umiiyak ako nung nasa part na ko ng pagpapahiya sakin.

"So, ayun nga. Ayun yung nangyari..." Pinaglaruan ko ung hem ng blouse ko at nakayuko. Hiyang-hiya kasi ako eh. Hinawakan niya ung chin ko at iniangat ung ulo ko.

"Gusto mo tulungan kita?" Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Feeling ko nga nagba-blush ako eh. Sasagot sana ako nang biglang malakas na bumukas ung pinto.

"MAXIMILLOOOO~!" 

O.O - ako

: - / - siya

Hindi pa din kami nagalaw sa posisyion namin nang biglang pumasok ang isang magandang babae na I think eh mid-20's na. Bigla siyang sumigaw nang...

"Oh my! Ang Anak ko BINATA na!" at talagang inemphasize niya ung word na BINATA sabay tili na nakakabasag eardrums at hawak sa pisngi na kala mo nakakita ng artista. Buti na lang at wala masyadong tao dito sa bar na to. Halos kami-kami nga lang eh.

Sa wakas ay tumayo si Max, na ngayon alam ko na na Maximillo ung buo niyang pangalan, at humarap sa babaeng parang fangirl.

"Ma! Alam mong imposible yan! And don't call me using that name, lalo na in public! Kinikilabutan ako! Max is enough, Ma." sabay roll ng eyes niya.

"Sorry 'nak, baka lang kasi matupad ung matagal ko nang pangarap na magka-apo." sabay ngiting wagas. Lumapit siya sakin at tinanong ako, "What's your name, iha?"

"Selena po," 

"Selena~ Nice name! Siya ang gusto kong maging manugang 'nak!" sabay tawa.

"MA!" 

"Okay, sorry na... Maxene?" sabay smirk ng Mama niya.

"Forgiven." 

'Teka teka! Maxene? eh diba pangbabae un?' Sabi ko sa sarili ko. Tumingin naman sila sakin na parang narinig nila ung sinabi ko. Oh Shisus! Nasabi ko pala out loud ung nasa isip ko!

Tumawa naman ung nanay niya at siya nag roll ulit ng eyes niya.

"Yes, iha. Max is Maxene, lalo na sa gabi." habang pigil pigil ang pagtawa niya.

"P-po? Ibig sabihin..." di ko matuloy ang sasabihin ko pero biglang dinugtungan ni Max ng,

"Bading ako. Okay?" sabay wink.

AY PITUMPU'T PITONG PUTING TUPA!!!! Nalinlang ako dun ah?! 

*end of flashback* 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Okay lang ba ang chapter na to? Sa gilid nga pala si Max --->

hahaha siya lang kasi naisip ko eh. At tama kayo, isa akong locket *big smile* 

Anyways, readers, COMMENT naman kayo oh~ kung pangit o maganda para maituloy ko to *smile* unang magcomment, idididikit ko ung next chappie sa kanya XDDDDDDDD arasseo?

Nga pala dedicated to sayo 

EmillisaBantugBernab

kasi ikaw ang unang nagadd ng story ko sa Reading list mo xD

VOTE. ♥

COMMENT ♥

BE A FAN (kung trip niyo lang) ♥

The Sex TeacherWhere stories live. Discover now