TST ~ Chapter 17: Kissing 102

20K 150 2
                                    

Mula chapter 16 hanggang dulo gagawin ko na before matapos ang isang chapter may POV ni Jason para naman may idea kayo kung ano ang nasa isip niya. ☺

TST – Chapter 17: Kissing 102

 SELENA’S POV

 Nakatambay ako ngayon sa office ni Max dahil hindi ako mapakali sa sarili kong office, knowing Jason is inside the lecture room. Nakaka-two hours na siya sa loob ng room na iyon. Gusto ko siyang turuan ng maayos pero hindi ko naman siya pwedeng bantayan dun. Babae ako at lalaki siya. Di magandang tignan. Kahit pa professional ako, mahirap basahin ang utak ng mga lalaki.

 “Selena, may sarili kang office. Bakit ka ba nakatambay dito?” mataray na sabi ni Max habang nagtetext.

 “Basta.” Ayoko kasing sabihing…

 “Nasa lecture room si Jason noh? OMG. Sabi ko na nga ba eh! Tara let’s peek!” Sabay hila sa akin patayo sa kinauupuan ko. Mind reader na ba si Max ngayon?

 “No! Max, hayaan na natin siyang matuto mag-isa. Lalaki ‘yun. Yakang-yaka niya na iyon.” Umupo ulit ako.

 “Kill Joy! Malay mo may ginagawa siyang…” nagtaas-baba ang kilay ng bakla “alam mo na. Kyaaaa~ baka makita ko pa ang samurai niya!” pumalakpak pa talaga ang loka na akala mo nanalo ng korona!

 “Magtigil ka nga! Igalang mo naman yung kliyente ko.” Sumimangot naman si Max habang hawak pa rin ang phone niya at pindot ng pindot.

 “Silip lang naman eh. Para namang di ka rin curious kung ano na ang ginagawa nun dun sa loob?” Curious ako pero ayoko pa ring tignan. Naniniwala kasi akong ‘curiosity kills the cat’ at hindi ako pusa para ma-curious.

 Isa pa, hindi man virgin ang mata ko, ayoko pa ring makita ang hindi dapat makita sa kanya. Malaking problema ‘yun pag nagkataon.

 “Sus! Si Ateng nag-iisip kung sisilip o hindi! Ayiiie~!” sinundot pa ako ni Max sa tagiliran. “Sisilip na ‘yan!” inulit niya pa ang pagsundot sa akin hanggang sa mahampas ko siya sa kamay niya.

 “Tigilan mo nga yang kalokahan mo! Hindi ako katulad mo noh. Sino ba ‘yang katext mo?” pinilit kong maagaw ang phone niya pero ang baklita mahaba ang mga galamay.

 “Huwag mong ibahin ang usapan! Ano ba? Sisilip na ba tayo o hindi?” ngumiti pa siya ng nakakaloko.

 Sisilip ba kami?

----

 Nandito kami ni Max sa opisina ko. Nakaupo ako sa swivel chair ko at nakaharap sa computer. Habang siya ay nasa tabi ko na patalon-talon at halatang excited.

 “Ano na? matagal pa ba? Baka hindi na natin makita ang dapat makita!” niyugyog pa ako ng bakla. Sinamaan ko lang siya ng tingin, buti naman at tumigil siya ng kakaungot.

Hinahanap ko kasi ‘yung shortcut para sa CCTV cameras sa loob ng Lecture Room. And yes, tama kayo. Napilit pa rin ako ng baklang ito na silipin si Jason sa loob. Isa pa, talaga namang ginagawa ko ito para na rin sure akong safe sa loob ang mga clients ko. Ang kaibahan nga lang ngayon, lalaki ang kliyente ko.

Sa wakas, nahanap ko rin.

“Ayan na ata! Go na! Click mo na!” walang tigil na kalabit sa akin ni Max.

“Pwede ba tumigil ka ng kakakulit mo. Hindi natin itutuloy ‘to!” Umaktong sinara niya ng parang zipper ang bibig at tinapon pa ang susi sa kawalan. Pagkatapos ay ngumiti sa akin ng wagas. Psh. Manyak!

The Sex TeacherWhere stories live. Discover now