100 Steps To His Heart [Publi...

By Girlinlove

28.2M 300K 100K

Now a published book under Pop Fiction || Summit Media ♥️ Go grab a copy! Si Hope ay isang simpleng babaeng m... More

[PROLOGUE] 100 Steps To His Heart
[1] Meeting Venice and the TRES GWAPITOS <3
[2] The planner
[3] LRT + Party = Confession?!
[4A] First lunch.
[4B] Nosebleed. Literally.
[5A] First REAL Conversation!
[5B] Key chain.. To His heart and my happiness?
[6A] What the freak is "DIZZY" + Field Moments <3
[6B] Iba talaga ang kamandag ng isang Bryle Ortega. <3
[7] Meeting Kuya Nathan + Bryle's Game + Date sa Kikiam-an?!
[7B] Mga kaganapan sa tindahan ni Aling Bibyan + Carlos Miguel
[7C] Wala na. Inlove na. at WALA NA DIN ANG PLANNER OMG!
[8] Magbabati kaya kami? Mukhang malabo.
[8B] Uyyy bati na kami :">
[9] Palengke date with the guy of my dreams. <3
[10] First hug! >:D< At first... OMG!
[11] Patay, nabuking ni Loyola! At ang kapalit? Goodluck!
[11B] Ang alamat ni Enzo at ang pagpapahirap ni Mico!
[12] Ang nosebleed na away ni Enzo at Mico
[12B] Challenge pala ah. Tingnan natin!
[13] Confrontations + Bawian :">
[14] MALIGAW SA GUBAT? Thank you, Lord!
[14B] Stuck sa gubat: Mico+Hope+Enzo = 20 Questions
[15] Bonding sa gubat kasama ang Tres Gwapitos!
[16] Heart to Heart talk namin ni Bryle.
[17] Bryle and Venice. Ang mag EX.
[18] GIRLINLOVE UNIVERSITY INTRAMURALS.... Na napadpad sa Quiapo.
[19] Ang text na may emoticon at ang text na wala. :|
[20] MVP ang Section F!
[21] Saving the dolphins. At right decision ba na iniwan ko siya?
[22] Unang dinner ni Mico sa bahay ko.
[23] I'm ending our Master-Slave relationship.
[24] Tita Mindy?! Mico's family, and his realizations?
[25] Miss Red Umbrella <3
[26] Dare, double dare.
[27] August 28, 2013 Enzo Miguel Gutierrez' Birthday
[28] Pag may nawawala, may natatagpuan.
[29] Bryle the Bestfriend? The Reunion ng Tres Gwapitos
[30] Tres Chikas is back!
[31] First Date. First Fight.
[32] Tita's despedida party.
[33 Part 1] Ang clingy ni Mico at badtrip si Enzo. Sinong pipiliin. Bow.
[33 Part 2] A night in jail.
[34] Wrong First Impression
[35] Dance and Kiss under the rain.
[36] Why is there only one Bryle Ortega?
[37] Tres Gwapitos' Day
[38] Pwede ba kitang ligawan?
[39] Hello, Eula
[40] OPLAN pagbatiin si Eula at Enzo. Anong nangyari MICO?
[41] Confessions.
[42] Bati na tayo, Mico.
[43] The PLANNER
[43] Hidden Feelings
[44] Ang pagamin ni Michael Ortiz
[45] We're back to being 'NOTHING' // Closure
[46] Venice' Birthday Part 1
[47] Venice' Birthday Part 2
[48] Happy New Year, Hope Yazon!
[49.1] Training Camp
[49.2] Muling ibalik? Kung may ibabalik...
[49.4] 'Designing'
[49.5] He's Back...
[50] #100STHHSunset
[51] #100STHHValentinesBall
[52.1] #100STHHJealousGuy
[52.2] #100STHHHisPOV
[53] #100STHHUntoldSecrets
[53.2] #100STHHHisMessages
[54] #100STHHSecondChances
55 #100STHHEulasLetter
[56] #100STHHARVD
[57] #100STHHAlmostForever
[58] #100STHHSGOLs
[59.1] #100STHHMeetTheParents
[59.2] #100STHHTheKaribal
[60] #100STHHLigawan
[61] #100STHHTheTask
[62] #100STHHTheOtherSideOfHim
[63] #100STHHCEBUtifulLove
[64] #100STHHOneBigFIGHT
[65] #100STHHGalawangGutierrez
[66] #100STHHDiLangIkaw
[68] #100STHHTheFirstTime
[68] #100STHHTeamAF
[69] #100STHHGraduationDay
[70] #100STHHTheBrokenHeartedOne
[71] #100STHHOneLastTRY
[72] #100STHHHulingHiling
[73] #100STHHLastFavor
[74] #100STHHWeddingMarch
[75] #100STHHGoodbye
[END] #100STHHEpilogue
Announcement

[49.3] Secret Angel, don't make me fall for you... again.

144K 3K 950
By Girlinlove

49.3

Hope's POV

So, naglalakad ako ngayon papunta sa school. Gulong gulo. Nalilito. Naiinis. Kinikilig

Kahapon ko pa iniisip yung ginawa sa akin ni Enzo. Hindi ko naman masabi kay Ate kasi nahihiya ako. Isa pa, baka gusto lang talaga maging friends ni Enzo ako lang 'tong malanding asa pa rin ng asa. Nagtetext si Mico pero hindi ko pinapansin. Masyado akong preoccupied kay Enzo. Ngayon, naglalakad ako papunta sa school. Ayokong makasalubong si Enzo kasi hindi ko alam ang gagawin ko at kung anong dapat maramdaman ko.

Dumeretso agad ako sa classroom para hanapin si Chelsea. Kay Chelsea na lang ako magkekwento. Maiintindihan niya.

"Pst, Claudette! Nasan si Chelsea? Nakita mo?" Tanong ko sa kaklase ko na nagaayos ng locker niya.

"Nakita ko kanina sa may Centennial Tree. Nakaupo, nagbabasa ata?" Sagot niya.

"Ay okay, salamat!" At aalis na sana ako pero bigla niya ulit akong tinawag.

"Uy half day daw ngayon pala." Biglang nagningning ang mata ko. Half-day. Napaisip ako. Yahoo! Panghapon ang English ngayon, tamang tama!

"Seryoso? Bakit daw?"

"May iaannounce daw si Miss Bisbal sa gym mamaya. May general assembly. Pagkatapos noon, uwian na." Oh my gosh, ang sarap ng araw na ito!

Tumakbo agad ako papunta sa may Centennial Tree. Paskip skip pa ako noong papunta ako ng bigla akong mapatigil.

Si Enzo at Chelsea ba yun? Magkasama? 😳

Nagtago ako sa may malaking puno, medyo malapit sa table at bench sa ilalim ng Centennial Tree. Hindi nila ako kita, di ko marinig pinaguusapan nila.

Nakita ko lang silang nakaupo, magkatabi actually. Si Chelsea may kinuha sa bag niya, tapos pinunasan ata ang mata niya? Ewan ko may parang kinuskos sa mukha niya. Medyo nakatalikod na nakasideview kasi sila hindi ko masyado makita. Kapag lumapit naman ako baka makita ako.

Nakaupo lang si Enzo. Yung bag niya nakapatong sa may table katabi ng kay Chelsea. Hindi siya nagsasalita. Minsan tumitingin kay Chelsea, minsan titingin sa malayo. 

Si Chelsea nakatungo lang. Matapos ang 3 minuto siguro, biglang niyakap ni Enzo si Chelsea.

😳

Aray ko puso ko nahulog. Bakit may yakapang nagaganap?!  

Ayoko magselos lalo na at si Chelsea yun, at girlfriend ni Enzo si Eula na pinsan ni Chelsea pero kailan pa naging close si Chelsea at Enzo?! Ni hindi ko pa nga silang nakitang magusap na silang dalawa lang eh! Bakit may yakapan na?! At bakit naiinis ako?!

Bakit ako naiinis eh hindi na naman akin si Enzo?! Bakit ako naiinis eh wala naman akong karapatang magselos?! Ayan ka na naman, Hope. Nagsisimula ka na namang makaramdam ng inis, tapos magiging galit, tapos masasaktan ka. Tapos ano? Iiyak ka na naman? Bakit? Dahil umasa ka? Kasi mabait na naman siya? Bakit? May sinabi ba siya sa'yong gusto ka ulit niya? Ang sabi niya gusto niya makipagfriends ulit. Problema sa'yo tatanga tanga ka. Problema sa'yo assumera ka, masyado mong mahal si Enzo nagiging bulag ka na. Nakakainis ka na, Hope eh. Nakakainis na.

Pero minsan, kapag inlove, kahit na halos magmura na ang utak mo at sumigaw na siya kasesermon sa'yo, isang pintig lang ng puso mo nawawala lahat ng katinuan na dapat alam at ginagawa mo.

Tumingin ulit ako sa dalawa, nakaupo na si Enzo. Medyo tinapik niya ang balikat ni Chelsea at nagsmile. Si Chelsea naman tumingin sa kanya at parang nagnod. Tumayo si Enzo at umalis na... Bye.

Inayos na rin ni Chelsea ang gamit niya at tumayo na rin sabay naglakad papunta sa may way ko... Wait, saan? Sa may way ko? Sa akin?! Oh shit. Teka saan ako pupunta?! Anong sasabihin ko?! 😰

"Hope?" Rinig ko. Kaya tumalikod ako sabay pekeng ngiti.

"Oy! Chelsea! Wow, nandito ka pala? Wow. Coincidence masyado ah. Wow. Nandito ka? 😅" Pagsisinungaling ko. Medyo napatulala lang siya sa akin at ngumiti.

"Okay ka lang? Bagong gising ka pa lang ba?" Tanong niya.

"Huh? Ay grabe ka naman. Hindi ano! Lalanghap nga sana ako ng fresh air eh kaya ako nagpunta dito. Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Ah... Wala. Nagbabasa." Sabi niya sabay ngiti.

"May kasama ka kanina?" Tanong ko. Ano ba yan, Hope! Mahalata ka!

"Ah... Wala. Magisa lang ako." Ngiti ulit niya. Namutla ata ako. Bakit nagsisinungaling si Chelsea sa akin? Dahil ba si Enzo ang kasama niya? Dahil ba... Dahil ba nagyakapan sila?

"Teka, may announcement daw sa gym ngayon ah. Half day tayo. Alam mo na?" Tumango na lang ako, medyo namumutla pa rin.

"Okay ka lang?" Tanong niya.

"Ikaw? Okay ka lang?" Tanong ko pabalik, halatang nabigla siya.

"Oo, okay lang ako. Tara sa gym?" Sabi niya tapos hinila niya ang kamay ko at naglakad papunta sa gym namin.

Habang naglalakad, at miski noong makarating kami sa gym katabi ng Section F nakatulala pa rin ako. Bakit sila magkasama? At bakit hindi sinasabi sa akin ni Chelsea ang dahilan? Bakit siya nagsinungaling? Bakit sila nagyakapan? Matagal na ba silang magkasama kanina? Lagi ba nilang ginagawa yun sa umaga? Pinaguusapan kaya nila si Eula? Siguro. Siguro si Eula... Eh paano kung iba?! Bakit may yakap kung si Eula?!

Ay! Ano ka ba, Hope. Wag mo ngang pagisipan ng masama ang bestfriend mo ano ka ba?!

"Si Hope na lang po!"

"Oo nga si Hope na lang!"

"Yahoo, Go Hope!"

Ano daw? Ako na lang ang akin?

"Okay lang ba sa'yo Hope?" Tanong ni Yhang, yung class secretary namin.

"Okay ang alin?" Tanong ko. Tapos biglang may nagsalita galing sa stage.

"So, Section F sino na ang representative niyo para sa decorations ng gym sa darating na Valentines Ball?" Tanong ni Miss Bisbal.

"Si Miss Hope Yazon po." WAIT, ANO?!

"Okay, Miss Yazon will be Section F's representative. Now the list is complete. For Section A we have Miss Yesha Kramer." YESHA?! Bakit yon?! Ayoko sa babaeng yun eh. Patay na patay kaya yun kay Enzo, at simula noong nagdate kami nagtayo yung ng fansclub slash haters club ko!

"Section B: Miss Kimberly Galvez." SI KIMBERLY?! Ano ba yan! Sinasadya ba 'to?! Eh yan yung alalay ni Yesha sa haters' club niya para sa akin eh. Diyos ko naman po please.

"Section C: Abigail Isla" Si Abby?! Bwiset! Planado ba 'to?! Ano ba 'to ha?! Pakiexplain nga. Sabotahe ba 'to?! A, B, C eh paniguradong ibubully ako ng mga walangyang 'to eh!

"Section D: Jen Hipulla." OH GOOD LORD. Yung manliligaw ni Miks!!! Siguro naman kakampi sa akin 'to?  Sus maryosep, baka hindi. Ang alam niya nililigawan ako ni Miks eh. Ano ba :(

"Section E: Meghan Ching." Si Meghan?! Shocks naman eh, ito yung palaging binubully ni Mico and the gang niya eh. Palibhasa ang payat tapos ang daming pimples tapos ang kapal pa ng glasses. Iyakin pa naman 'to. Shocks naman. Pero at least... Siguro naman hindi niya ako ibubully? Itulak ko siya eh.

"Section F: Hope Yazon." Noong sinabi ang pangalan ko nakita kong napatingin sa akin si Yesha, Abby at Kimberly. Yung ngiting alam mong may balak. Okay wow. Goodluck sa akin.

**

"So girls, simple lang ang task niyo. Kailangan niyo lang idecorate ang gym para sa nalalapit natin na Valentine's Ball."

Nalalapit?! Eh January 29 pa lang ah? Kelan ba ang Valentine's Ball?

"Valentine's Ball will be held on February 13. Ang gagawin niyo lang is set up the decorations, and ikabit niyo lang. Napareserve na ang gym so lahat ng idedecorate niyo wala ng guguluhin, dadagdagan na lang. Wala ng makakapasok dito kasi after ng Training Camp ng varsity pahinga na sila so sarado and wala na talagang gagamit ng gym. Sa Valentine's na lang siya maoopen. You have 3 days. 29, 30 and 31. Ichecheck namin ang decoration niya ng February 1. Nandito na lahat ng kelangan niyo. Paint, art materials, colored paper, etc. Right now, magbrainstorming muna kayo. Tomorrow, you can start making your design. 31, Pwede niyo ng iexecute yung design and February 1 we'll see kung ano ng nagawa niyo."

Explain ni Miss Bisbal. So, ano naman kayang mapapala namin sa paganito ganito namin?! Kaya ayoko ng nagvovolunteer eh. Si Katniss Everdeen lang naman yun eh. 😓

"You girls will be excused sa class niyo sa 3 days na yun." Excused?! As in hindi aatted ng class? Wow! Go lang. Design lang ng design!

"Also, I'll be helping you girls naman along with all the teachers. So don't worry. Anyway, magbrainstorm muna kayo. I'll be back after an hour, ipreprepare ko lang lahat ng materials." Tapos umalis na si Miss Bisbal. Ang liit talaga ng boses niya, ang cute niya.

Noong makaalis siya, pinalibutan ako ng lahat ng girls. Napapikit ako kasi akala ko sasabunutan ako or what, pero OA lang pala talaga ako.

"So, let's think of a theme first? Para mas madali magisip ng design." Sabi ni Yesha. Wow. No wonder Section A. Matalino at responsible talaga mga yun!

"Well, love right? Valentine's kasi. So siguro Love ang theme." Sabi naman ni Kimberly. Kumuha si Abby ng papel at binigay kay Yesha. Wow, ang galing nila ha. A, B, C.

"Okay, so Theme: Love. Basically, puro hearts lang 'to. Color? Red? Pink? White?" Tanong ni Yesha.

"Ayan. Okay na yan. Pero as much as possible wag pagsamahin ang Pink at Red. Kung may pink katabi ang white, kung red ang stage white ang paligid, pink ang maliliit na details." Dagdag ni Jen. Tama tama. Masakit sa mata yun.

"Good. So, siguro main color is Red ano? Then small details pink. Okay, noted. Jen right?" Tapos tumango si Jen.

"Ummm... Marunong ako magdrawing." Tapos naglabas si Meghan ng malaking drawing notebook. "Sabihin niyo lang sa akin kung anong gusto niyong design."

Ngumiti naman yung ibang babae. Sinimulan ni Meghan sa pagdradrawing ng gym. Stage. Bleachers. Court.

"Okay, I think it's better if we cover the bleachers? Para hindi nila mahalata na gym 'to. Let's cover it with red drapes." Sabi na naman ni Yesha lahat kami nag agree. So dinrawing ni Meghan yung mga drapes sa gilid. Parang kurtina sa ballroom hall ng disney princess. Wow. Ang galing! Ang galing nila!

"Now, for the design. How about the stage? Anong gusto niyong design?" Tanong ni Yesha.

"Heart?" Biglang sinabi ko. Lahat sila tumingin ng masama sa akin.

"Wow. You don't say." Sabi ni Kimberly. Kainis.

"As expected from the great Hope Yazon. Puro landi lang kasi alam niya." Sabi ni Abby tapos nagappear sila lahat.

Lumipas ang 30 minutes, nakaisip na sila ng design sa stage at sa gitna ng 30 minutes na yun inOP lang nila ako at nilait lait. Ginamit lang nila ako para maging close silang lahat. Kahit si Meghan tumatawa sa kanila. Kapag hindi sila magkasundo pagtritripan nila ako tapos makakaisip sila ng idea. Hindi nila ako binubully tulad ng nangyari sa akin na binabasa ako pero sobrang inoOP naman nila ako at pinagmumukhang tanga na everytime magcocontribute ako hindi nila tatanggapin.

Pagbalik ni Miss Bisbal, pinakita nila ang drawing at pinuri sila ni Miss Bisbal. Sabi ni Miss ilista daw ang kailangan para bukas makastart na sa decoration at para ngayon palang mabili na ang materials. Pagkatapos noong pinauwi na nila kami. Noong pauwi na sabay sabay sila naglakad na parang nakabuo sila ng bagong friends. Ako naman naglakad magisa.

Hindi ko alam ba't ako biglang nalungkot. Para kasing wala akong kaibigan. Wala ako kasabay umuwi. Tapos nagugutom pa ako. Aha! Punta na lang ako sa Tindahan ni Aling Bibs! Ang tagal ko na bago ako nakapunta doon eh! Oo nga!

Kaya naglakad ako papunta sa tindahan ni Aling Bibs. Noong makita niya ako!

"Aba! Aba! Tingnan mo nga naman ang nagbabalik loob?! Ang prinsesa ng mga Fishball! Hope!!" Wow, may title na pala ako di man lang ako nasabihan. Kailan ba yung coronation night nito? Parang di naman ako nakaattend.

"Aling Bibs! Paorder nga. Yung usual! Yung lahat! Sarapan mo ah." Sabi ko.

"Kelan ba hindi naging masarap ang Kikiam at Fishball ko? Ikaw lang naman 'tong nawala eh. Buti pa si Papa Enzo ko."

Sino daw?

"Si Enzo?!"

"Oo. Simula ng dinala mo siya dito lagi yung pumupunta. Sinasabi nga niya na takas lang siya dahil hinahanap siya palagi ng driver niya."

Wow. Laging pumupunta si Enzo dito. Ako ang nagintroduce sa kanya ng place na 'to.

"Lagi ka ngang kinekwento noon eh." Sabi ni Ate Bibs.

"Ako po?"

"Oo! Lagi niyang sinasabi na buti na lang nandiyan ka, lagi mo daw siya pinapatawa. Ang cute mo daw kapag hindi mo naiintindihan yung English niya. Natutuwa daw siya sa'yo kapag nagugulo ang bangs mo kasi nagbubuntong hininga ka. Hindi ko nga akalain na madaldal yun eh. Kaso, english kung magkwento! Nanonosebleed ako!"

Okay. Wow. Teka. Hindi ko maabsorb.

"Linggo linggo nandito yun. Noong isang taon nga, noong December pumunta dito. Bago magpasko? 24 ata. Umorder ng Kikiam. Tapos hindi nagsasalita. Makita ko, umiiyak na lang. Hindi naman yung todo iyak, parang naluluha luha lang. Tinanong ko nga kung napaso yung dila niya. Sabi niya sobrang sarap lang naluha siya."

December 24? Pero... Pero... Yun ay pagkatapos kong malaman na niloloko niya lang ako. Bakit siya... Bakit siya iiyak?

"Siguro may kasama siyang babae dito ano, Ate Bibs?" Tanong ko. Fishing lang kung sinasama niya si Eula.

"Sino namang isasama niya eh ikaw nililigawan niya hindi ba?" Balik na tanong ni Ate Bibs sa akin.

"Oh paano mo alam??"

"Paanong hindi?! Eh hingi ng hingi ng tips yung si Enzo kung paano manliligaw sa'yo. Kung ano daw favorite mo. Ganon. Hindi ko naman alam kaya sabi ko bigyan ka na lang ng malaking teddy bear. Kasi yun yung gusto ko matanggap! Haha!"

Malaking teddy bear? Binigyan niya ako noon. Yun yung pagkatapos naming manuod ng Fault in Our Stars tapos cold siya tapos paguwi ko may malaking bear na sabi "I'm Sorry". Pero ngayon tinago ko na yun sa bodega namin. Ayoko makita. Masakit.

"Ganon ba? Eh... Okay lang. Niloko lang naman niya ako eh. Pinagpalit niya ako." Tapos gulat na gulat si Ate sa sinabi ko halos maitapon niya sa akin yung unang set ng fishball na niluto niya.

"Niloko?! Ikaw?! Ni Enzo?! Sigurado ka?! Eh gustong gusto ka noon eh! Noong isang araw nga dala dala pa niya ang laptop niya dito at may tinatype. Tinanong ko kung ano yun, sabi niya paper mo daw. Minsan lang daw siya babawi sa'yo. Sabi ko nga swerte mo eh kasi ginagawa ka niya ng paper tapos ang sagot niya siya daw ang swerte kasi hinayaan mo siyang gumawa ng paper mo."

Halos mapaso ako sa kinakain ko. Dinerederetso ko kasi. Ayokong maniwala sa sinasabi ni Ate Bibs kasi.

"Oh, bakit naluluha ka diyan? Masarap din ba masyado yang fishball na kinakain mo?" Tanong ni Ate.

"Huh? Ah... Mainit kasi napaso ako ate." Sabi ko, mukhang kinagat naman niya paliwanag ko.

Hindi ko lubos maisip na may side na ganito si Enzo. Hindi niya nakalimutan 'tong fishball-an. Tapos nanghihingi pa siya ng advice. Umiyak pa siya. Tapos yung paper ko...

Bakit? Kung ganoon naman pala... Eh bakit? :(

Pagkaubos ko ng fishball sabi ko ibalot na lang niya yung iba at sa bahay ko na kakainin. Hindi ko kasi alam kung anong iisipin ko kay Enzo eh. Nalilito ako. Bakit may ganoong side siya?! Bakit?!

Naglakad na lang ako pauwi sa bahay. Malapit lang naman. Kinakain ko yung isaw ko tapos bitbit ko yung mga kikiam na pinabalot ko. Noong napatingin ako sa may bandang kaliwang kalsada medyo parang may kahawig si Enzo, may kasamang bata. Hindi ko na sana papansinin kasi baka naman nagiimagine lang ako dahil sa mga sinabi ni Ate Bibs pero...

Si Enzo talaga yun eh! At kasama niya si... Carlos Miguel?! At...

"Ate Hope?!" Tawag ni Carlos Miguel. Mukhang namukhaan niya ako. Wala na akong kawala kaya naghello ako.

"Uy, Carlos Miguel! Kamusta ka na?!" Mukhang mas mataba siya at mukhang bagong ligo! Ang pogi!

"Okay naman po. Kakatapos lang ng school ko." School??

"Nagaaral ka na?!"

"Opo, tulong po ni Kuya Enzo." Ni Enzo?!

Napatingin ako sa kanya... Siya naman parang nahihiya na dapat hindi ko siya makita kasama si Carlos Miguel.

"Pagkatapos po niyo akong tulungan, bumalik si Kuya Enzo after 1 week. Dinala niya kami sa bagong bahay namin. Pinagawa po niya para sa pamilya namin. Binigyan niya po kami ng kapatid ko ng scholarship sa public school sa malapit sa bagong bahay namin, tapos nagpagawa po sila ng maliit na sari sari store para kay Nanay sa bahay. Ngayon po nakakaaral na kami at maayos na ang buhay namin. Hindi na po ako nanlilimos." Sabi ni Carlos Miguel.

Hindi ko alam bakit parang naluha luha ako doon.

Niyakap ko si Carlos Miguel. Alam kong tulad ko, thankful siya kasi nameet niya si Enzo.

"Gusto ko po talagang makita kayo Ate kasi kung hindi dahil sa inyo hindi namin makikilala si Kuya Enzo, pero sabi niya busy kayo. Kaya salamat talaga Ate Hope, binago niyo po ang buhay namin ng pamilya ko. Maraming salamat po, binigyan niyo kami ng pagasa. Kaya po pala Hope ang pangalan niyo ate. Salamat po." Sinabi niya habang naiiyak na. Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit, napatingin ako kay Enzo tapos ngumiti.

Sinabi ni Carlos Miguel na kailangan na niyang bumalik sa bahay nila dahil maglalabada ang nanay niya at kelangan niyang bantayan ang tindahan nila. Napakasipag. Kaya nagpaalam siya sa amin. Pagalis niya, naiwan kami ni Enzo.

Pagtingin niya sa akin hindi ko na napigilang yakapin siya. Halatang nagulat siya pero niyakap din niya ako pabalik.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Salamat, Enzo. Salamat. Binago mo ang buhay niya, Salamat." Sabi ko.

"No. Thank you, Hope. If it weren't for you I wouldn't have met him and I wouldn't be able to help him. Thank you for letting me help him. You don't know how good it feels to know that you've changed someone's life." Sabi niya. Ramdam na ramdam ko yung pagkaproud niya. Naproud naman din lalo ako sa kanya.

"Salamat Enzo." Yun na lang ang nasabi ko. Gusto kong sabihin na sobrang bait niya, na the best siya, na super generous niya... Pero salamat lang ang nagawa kong sabihin.

Umalis ako sa yakap tapos tinitigan ko siya. Ngumiti ako. Ngayon alam ko na na hindi masamang tao ang minahal ko. Siguro nga niloko niya ako pero hindi masamang tao si Enzo at proud ako na siya ang napili ko.

Hindi ko alam pero sa lahat ng nalaman ko gumaan ang loob ko. Kahit papaano alam kong lahat ng pinagsamahan namin hindi lang balewala sa kanya. Lahat ng ginawa namin hindi lang para sa planner niya. Napatunayan kong lahat ng yun naging mahalaga din sa kanya kaya gumaan ang loob ko kasi alam kong kung sino yung Enzo na kilala at minahal ko siya talaga si Enzo Gutierrez.

Siguro normal lang na may lalaking manloloko sa'yo sa pagmamahal. Parang si Bryle madami na siyang niloko pero mabait talaga siya. Napatunayan kong ganoon din si Enzo. Siguro niloko niya ako, ginamit pero hindi siya masamang tao. Ito si Enzo Gutierrez. At proud ako na kahit papaano, napatunayan kong yung lalaking minahal ko eh siya talaga yung lalaking nakilala ko. Ito talaga si Enzo.

Si Enzo Miguel Gutierrez. ❤️

Continue Reading

You'll Also Like

371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
97.5K 2.4K 52
What will you do if you end up in someone else body?
2.1M 142K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
614K 22.3K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...