Crush Life

By strange_writer_0321

2.4K 149 15

Alin ka dito? Naging friend mo yung Crush mo .. or naging crush mo yung Friend mo? Maalin man sa dalawa ang n... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20

Chapter 9

74 6 1
By strange_writer_0321


"Hays!" Napakamot nalang sa ulo si Jarmcel habang naglalakad pagkalabas ng pinto ng gym ng University. "Bakit ba sinabi kong magmi-meet kami ni Gab? Tss."

Dumiretso siya sa isang bench sa ilalim ng malaking puno sa pagitan ng dalawang mataas na building ng kanilang unibersidad. Dito muna siya saglit nagpahinga at tinanong din ang sarili kung ano nga ba ang tamang rason kaya siya biglaang nagpunta sa kinaroroonan niya ngayon.

"Tss. Pakiramdam ko talaga, may di magandang intensyon si Franco sa kanya." Sambit ng binata.

Napansin niya ang kakaibang tingin ni Franco kay Charles mula nung sinabi nitong Lucky Charm ng Team nila. Hindi rin magandang pangitain para sa kanya ang wrong sent message na natanggap niya kay Charles. Parang bang may nagbabadyang di magandang mangyayari kapag hinayaan niyang maging close ang dalawa.

Binunot niya ang phone niya at nagsimulang magtype ng mensahe. Matapos nito, umalis na siya ang nagtungo sa tambayan niya -- comshop sa tapat ng University nila. Pampalipas oras bago matapos ang laro nina Charles.

Nakailang ulit sumulyap ang binata sa phone niya kung meron ba siyang natanggap na mensahe pabalik, pero maski isa wala.

Matapos ang ilang minuto bago mag-a-alas dos y media ng hapon, nagdesisyon na siyang tumayo sa masarap na pagkakaupo sa comshop. Bumili nalang ito ng dalawang chocolate bars at dalawang Plus Apple sa tindahan at nagtuloy na rin papasok sa gate ng University.

Nang marating ang daan na napaliligiran ng magkahalong dilaw at berde na mga halaman, agad siyang napahinto sa paglakad. Sa di kalayuan, natanaw niya ang dalawang lalaking halos kakalabas lang ng gusali kung saan naroroon ang malawak na basketball court nila. "Si Charles at si Franco yun ah. Tapos na ba sila?"

Hindi na niya tinuloy ang pagtahak sa daan papunta sa gym, tumalon siya sa halamanang nagsisilbing maliit na bakod sa daan at sumunod sa dalawa.

Napansin niyang humarap si Franco sa kaibigan niya habang nagpapatuloy sa paglalakad. Kitang-kita niya ang di ordinaryong pagngiti ng binata habang masayang nakatitig sa kasunod niya sa daan.

Nabukas ang labi nito na ibig sabihi'y masaya silang nag-uusap ni Charles. "Saan naman kaya ang punta nitong dalawang to?" Pagtatanong ni Jarmcel nang pabulong habang abalang nasunod ng patago sa kanila.

"Kain muna tayo, tapos ihahatid nalang kita sa inyo. Okay lang ba, Charles?" Nagsalita muli si Franco. Medyo malakas at bakas ang excitement sa tono ng binata. Mula sa di kalayuan ay narinig naman ito ng kanina pang bumubuntot sa kanila.

"Ano raw? Tss. Ano naman at may paghati-hatid pa 'tong nalalaman?" Nagsalubong bigla ang mga kilay ni Jarmcel dahil sa sinabi ni Franco kay Charles. Akma na siyang papasok sa usapan kahit ilang hakbang pa ang dapat nitong gawin pero bigla na rin siya natigilan. Narinig niyang sumagot ang kanyang kaibigan ..

"Um. Oo. A-ayos lang."

Umupo muna si Charles sa gilid ng tindahan na tinutukoy ni Franco. Masarap at malinamnam ang pansit palabok na hinahain ng matandang tindera sa maliit na pwesto na pinuntahan nila, base na rin sa pagbibida ng binatang nagyaya.

"Nay! Dalawang pansit palabok nga po." Sumilip pa si Franco sa taas ng mga garapon ng kendi na nakasalansan sa harap niya at sumenyas pa gamit ang dalawang daliri niya. Halatang suki ang binata sa lugar na ito.

"Tara Charles, dun tayo sa loob." Hinawakan ni Franco sa braso ang lalaking nakaupo sa harap ng tindahan. Nabigla naman si Charles sa pagkakapit nito, kaya hinayaan nalang niya ang katawan na sumabay sa sa kung saan man direksyon ang tungo ni Franco.

"Anong gusto mo? Coke or Sprite?" Paupo pa lamang si Charles, inilapag agad ni Franco ang kanyang bag at nagpunta sa harap ng ref. Ang lugar kasi na napuntahan nila ay isang maliit na kainan sa loob ng tindahan.

"Sprite na lang."

"Okay, Lucky Charm!" Namula si Charles nang marinig itong binigkas ni Franco habang nakatalikod sa direksyon niya.

Pagkabalik sa lamesa ng binata matapos kumuha ng panulak nila, agad siyang sinaway ni Charles. "Uy Franco, ano ka ba? Nakakahiya."

"Ang alin? Ano ka ba, minsan lang ako manlibre samantalahin mo na." Unti-unti ulit lumitaw ang dalawang biloy nito sa mga pisngi kasabay ng pag ngiti rin ng mga mata ni Franco sa kaharap niya.

"H-hindi yun.." Nag-waved pa siya gamit ang dalawang kamay para ipahiwatig na mali ang nasa isip niya. "I mean, yung pagtawag mo ng Lucky Charm."

"Ahh. Bawal ba .." sabay hinarang ang kanang kamay sa pisngi niya at bahagyang lumapit sa mukha ng binata "Lucky Charm?" Kumindat pa ito ng perpekto na imbes inis ang maging reaksyon ni Charles ay isang ngiti rin ang nabuo sa mukha nito.

"Hahaha. Last mo na yan ha." Pagsasaway ng lalaki kay Franco. Hindi maikakailang maaaring maging malaking tulong ito sa Oplan UnCrush niya dahil sa mga nakakahulog damdaming mga ginagawa at sinasabi ng binata.

"Bakit naman, Lucky Charm?" Sinambit niya ulit ng pabulong ang 'Lucky Charm', sapat para marinig siya ni Charles.

"Uy Franco! Ano ka ba?" Medyo naramdaman ni Charles ang pag-init ng mga pisngi at tenga niya sa ilang beses inulit ni Franco ang pagtawag sa kanya nito ng swerte.

"Hahaha. Sige sige. Hindi na pero .." sambit ni Franco habang nakatitig sa lalaking nasa kanyang harapan. Si Charles naman ay namilog ang mata dahil sa kondisyon nito. "Pero kapag tayong dalawa lang, yun ang itatawag ko sayo."

"Ha?"

"Okay, deal!" Hindi pa sumasang-ayon ang kabilang partido, tinapos na agad ni Franco ang usapan nila. Sa tono rin naman kasi niya, hindi na rin makakatanggi pa si Charles sa kanya.

"Tutoy! Eto na pansit palabok ninyo." Ibinababa ng matandang babae ang dalawang plato na inorder ni Franco. Hindi matanggal ang ngiti at mga mata nito sa poging nilalang na bagong-padpad lang sa kanyang munting kainan.

"Ang pogi naman ng kasama mo Franco." Bigkas ng babae habang pinaglapat ang dalawang kamay niya dahil sa saya.

"Hahaha. Syempre naman Nay." Kumindat ulit ito nang nagtama ang mga mata nilang dalawa. "Wag kang maingay Nay ha, Lucky Charm ko yan."

Sinipa ng mahina ni Charles ang paa ni Franco sa ilalim ng lamesa para hindi mapansin ng matandang babae sa tabi nila. Tumungo nalang din siya dahil sa totoong nahihiya na siya sa kanina pang sinasabi ng binata.

Mas namula ang tenga niya ng ginatungan pa ito ng tindera. "Ay! Nakakatuwa naman." Binaling ng babae ang paningin niya kay Franco. "Oh sige na, kumain na kayong dalawa. Hindi ko na kayo aabalahin dalawa."

"Salamat po." Bigkas ng dalawang binata na nagsimula ng maghalo ng palabok sa hapag nila. Dahan-dahan ng humupa ang ilang na nararamdaman ni Charles sa harap ng tindera.

"Hay naku, Franco! Bakit mo sinabi yun kay Nanay?" Nakasimangot nitong tugon sa lalaking kasalo niya sa kainan.

"Hahaha. Eto naman. Kumain ka nalang, Lucky Charm."

"Hays." Imbis na tumigil si Franco ay pinaulit-ulit niya sa kada dulo ng pangungusap niya ang pagtawag kay Charles kaya hindi nalang din binigyan-pansin ito ng binata.

"Salamat sa panlilibre, Franco." Nakangiti na rin nagpaalam si Charles sa binata. Kahit pinilit ni Franco na ihahatid siya nito hanggang sa Bus Stop niya, hindi na ito pumayag. Alam kasi niya na may kalayuan ang sakayan niya sa kung saan naman sasakay ang Kapitan nila.

"Sige. Kitakits nalang bukas .. Lucky Charm." Nagwaved na rin si Franco habang naglakad patalikod.

Sa nakailang beses ulit-ulitin ni Franco ang salitang 'Lucky Charm' ay agad na rin naman nakasanayan ni Charles. Sa katunayan, pumayag na rin ang binata na tawagin siya nito kapag silang dalawa lang ang magkausap.

Para kay Charles, hindi naman malaking bagay na tawagin siyang ganun ng binata dahil wala naman itong ibig sabihin. Tinuturing lang siyang tagapagbigay ng swerte ng kaklase nito, tanging malilikot na isip lang ang magbibigay ng malisya dito.

Sa loob ng sasakyan, pumwesto siya muli sa upuan kung saan bakante pa ang tabi ng bintana. Kinuha ang phone niya at sinalpak ang earphones nito para sa magandang musika.

Nais niyang maramdaman ang pagpapatuloy ng magandang takbo ng araw para sa kanya. Di inaasahan, may tatlong mensahe pala siyang di pa nabubuksan.

May kaba siya nang mabasa ang pangalan kung kanino ito nagmula. Hindi niya kasi mawari kung ito ba'y magandang balita o masasakit na salita.


*** End of Chapter 9 ***

I hope you enjoy this chapter 😚

If you do, please remember to comment and vote -- it really means a lot for me! 🤩😙

Continue Reading

You'll Also Like

11.1K 377 40
Maraming magagandang kwento ang hindi nagkakaroon ng pagkakataong maisulat sa libro o kung saan man upang paghugutan ng aral. Sa panahong lahat ay po...
43.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
61.8K 4.4K 74
Could love still work at the second time? Or it's another chance to give a person the power to break your heart AGAIN? It's not the happy ending yet...
1.7M 17.4K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...