THE PERFECT ONE

THE PERFECT ONE

  • WpView
    Reads 16,314
  • WpVote
    Votes 541
  • WpPart
    Parts 40
WpMetadataReadOngoing12h 38m
WpMetadataNoticeLast published Sat, May 4, 2024
Maraming magagandang kwento ang hindi nagkakaroon ng pagkakataong maisulat sa libro o kung saan man upang paghugutan ng aral. Sa panahong lahat ay posible, may iilan pa ring tao ang hindi bukas ang kaisipan sa mga bagay na taliwas sa kanilang nakasanayan. Ang buhay ay makulay, mabango at matingkad. Hindi uunlad ang ating pagkatao kung hindi natin tatanggapin ng buong puso ang mga bago sa ating kasalukuyang kapaligiran. Sa kabilang banda ay hindi naman ito sapilitan, sapagkat maaaring hindi ito papasa sa ating panlasa o kagustuhan, dahil ang utak naman natin ay sadyang magkaka-iba. Ngunit ang pag-respeto sa iba ang siyang magiging susi upang abot kamay nating masilip ang sa kabilang banda ng kwento. Hindi naman siguro masama na subukan nating bigyan ng puwang ang mga pagbabagong ito sa ating utak, kahit hindi na lang sa puso ay sapat na iyon para magkaroon ng pagkakaintindihan sa mundo. Ito ay tungkol sa pinaka masarap na nararamdaman ng bawat tao, ang PAG-IBIG. Pagmamahal na ating nakukuha sa mga kaibigan, pagmamahal na ibinibigay ng ating mga magulang, at pagmamahal na handa mong ilaan para sa natatanging taong itinitibok ng iyong puso. Ngunit, sa bawat relasyon ay dumaraan din naman sa pagkakataong hindi maganda o landas na malubak, at ito tiyak na susubok ngunit sadyang magpapatatag sa mga taong nagmamahalan. Sa kabila ng wagas na pag-iibigan ay nariyan ang mga sakripisyong hindi matatawaran, kaya hindi lang puso ang dapat mong ihanda, ngunit pati na rin ang iyong isipan. Ang istoryang ito ay pinangungunahan ng dalawang lalaking karakter na sina Paolo at Grey, parehong teenagers na nakahanap ng tunay na pag-ibig sa bawat isa. Ilalahad dito kung paanong sila ay magkakagustuhan, sa kabila ng pagiging isang tuwid na lalaki ng isa sa kanila. Talaga nga bang maaaring mangyari na mabali ang iyong seksuwalidad sa ngalan ng pag-ibig? Paano ito mangyayari? Iyon ang dapat nating abangan sa puno ng aral at inspirasyong hango sa totoong buhay na kwentong "The Perfect One".
All Rights Reserved
#165
sarawatine
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Kahit sa Batanes
  • Loving Her
  • Sa Gitna Ng Lahat
  • My Twin Sister's Wife
  • mediocre girl
  • PAMILYA DE GUZMAN: THE PBB COLLAB
  • MY ONLY CHOICE IS TO LOVE YOU! (completed)
  • Kwentong Kalye:Love Chronicles ( Youth Love Story)
  • My Father Obsession ( Step father)    Complete ✅

KAHIT SA BATANES Isang kwentong hindi lang tungkol sa pag-ibig-kundi tungkol sa mga pusong natutong magmahal muli, kahit huli na. Sa gitna ng mabagal na paggaling mula sa karamdaman, isang lalaki-si Marco Velasquez-ay muling natutong humawak ng pag-asa. Hindi niya inaasahan na sa loob ng isang maliit na clinic sa ospital, makikilala niya ang isang doktora-si Dra. Celina Ramos-na hindi lang magpapagaling sa kanyang katawan, kundi gisingin ang isang damdaming matagal nang natulog. Ngunit si Celina ay hindi rin buo. Sa ilalim ng kanyang white coat ay isang pusong pagod, sugatan, at sanay nang umiwas sa lahat ng emosyon. Hanggang sa mabasa niya ang isang kwento sa Wattpad-isang lihim na liham ng pasasalamat at pagmamahal... para sa kanya. Sa bawat appointment, sa bawat biro, sa bawat tahimik na tango-lumalalim ang koneksyon. Tatlong favors. Isang tango. Isang liham. Isang pag-ibig na hindi inaasahan. Sa Batanes, may mga lugar na mahirap abutin. Gaya rin ng mga puso nilang dalawa. Ngunit sa paglalakbay na ito, matutuklasan nilang... Minsan, ang hindi mo sinadya... siya pala ang matagal mo nang inaasam. KAHIT SA BATANES Isang kwento ng pag-ibig na hindi lahat ng pagmamahal may happy ending. Pero may mga kwento na kahit walang tayo, may ako't ikaw-na minahal nang buo, totoo, at wagas.

More details
WpActionLinkContent Guidelines