HE'S INTO HER Season 1

By maxinejiji

372M 8.9M 8.8M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN
CHAPTER ELEVEN
CHAPTER TWELVE
CHAPTER THIRTEEN
CHAPTER FOURTEEN
CHAPTER FIFTEEN
CHAPTER SIXTEEN
CHAPTER SEVENTEEN
CHAPTER EIGHTEEN
CHAPTER NINETEEN
CHAPTER TWENTY
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 24: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 25: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 26: ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
HE'S INTO HER SERIES NOW STREAMING ON iWANT
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
CHAPTER 71
CHAPTER 72
SOCIAL MEDIA ACCOUNTS
CHAPTER 73
CHAPTER 74
CHAPTER 75
CHAPTER 76
CHAPTER 77
HE'S INTO HER SERIES
CHAPTER 78
CHAPTER 79
CHAPTER 80
CHAPTER 81
CHAPTER 82
CHAPTER 83
CHAPTER 84
CHAPTER 85
CHAPTER 86
CHAPTER 87
CHAPTER 88
CHAPTER 89
CHAPTER 90
CHAPTER 91
CHAPTER 92
CHAPTER 93
CHAPTER 94

CHAPTER 43

2.8M 76.4K 47.3K
By maxinejiji

MAX'S POV

Dumerecho kaming lahat sa Guidance Office. At habang naglalakad kami papunta ron ay sinalubong na ako nila Naih.

"Anong nangyari Max? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Naih.

"Hala! Bakit nandyan si Dean?" si Migz.

"Anong nangyayari Max?" si Michiko.

"Tinamaan si Deib ng baseball." si BJ.

"Ha?" silang tatlo.

"Oo."

"Bakit mo naman ginanon Max?" si Naih.

"May nakatama kay Deib ng baseball. Nagkataon namang ako yung may hawak nung baseball bat kaya akala nya ako agad."

"H-Hindi ikaw?!]"

Huminto ako at tumingin ng diretso sa kanya.

"Ganon ba kalakas ang sapak ko?" inis na tanong ko sa kanya.

"H-Hindi naman. Baka kako kasi---"

"Kung gagawin ko man yun, sisiguraduhin kong aksidente. Hindi ko ugaling manakit ng sadya, at ng ganon kalala."

"S-Sorry. "

Inis akong dumeretso sa paglalakad at sumunod kila Deib.

Tss.. Parepareho lang pala kayo e. Porket nasaktan si Deib, suspect na agad ako?! Tsk.. Kung ako nasaktan, suspect na rin ba agad sya?! Badtrip...

Pagdating sa Guidance Office ay inalalayan si Deib ng ate niya, at nasa likod nya sila Tob at Lee. Nasa side naman namin sila Aimee at yung ibang nakikiusyoso. Nasa likod ko naman sila Naih, Migz at Michiko.

Kinausap lang ni Dean ang secretary niya at saka umupo at tumingin sa amin.

"Now explain to me what happened between you tw—What's that thing on your head?" baling ni Dean kay Deib.

"Tinamaan po ng baseball, Dean."

"What?"

"Tinamaan po ako ng baseball then pumutok yung noo ko."

"Are you okay now? Pumunta ka ba sa Hospital?"

"Hindi po Dean."

"Dein! Bakit hindi mo sinamahan ang kapatid mo sa Hospital? At ikaw, bakit naman inuna mo pa ang pakikipagsigawan?" baling ni Dean kay Deib.

"Gusto ko po kasing malaman kung bakit nya ako tinira e."

Sinabi ng hindi ako e!

"And you...again?" nakaturong baling sakin ni Dean. Hindi ako sumagot at tumungo lang ng bahagya. "Did you hit him by accident or intentionally?"

Wow.. Talagang hindi muna ako tatanungin kung ako ba talaga, ah? Magkakamag-anak nga kayo. Tss.

"I know this is not the right time para magsisihan dahil tapos na at nangyari na. Nasaktan na ang isa at, nag-sorry ka na naman siguro?"

"Iha, I just wanna know if this happened accidentally or intentionally?"

Hindi pa rin ako sumagot, natatakot ako kay Dean. Natatakot akong mangyari sa akin ang tulad sa mga naririnig ko na ang ending, napapatalsik ay yung kaaway ni Deib!

Tsk.. Kailangan kong makagraduate at gusto ko ng grumaduate! Third year lang hindi ko pa malampasan! Badtrip ka!

"Deib."

"Lolo?"

"Marami na akong naririnig na bali-balita tungkol sa inyong dalawa. Ikaw si Sensui at sya naman si Taguro. Tama?" Dahil do'n ay nagtawanan ang mga naro'n.

"Akalain mong alam pala ni Dean yun?"

"Hahaha! Oo naman!"

"Silence!"

"Tama ba ako Sensui?" tanong nya kay Deib.

"Yes Dean."

"At ikaw Taguro?"

"Yes Dean."

"Sino ang nagsimula? Sino sa inyo." tumuro si Dean sakin at kay Deib. "Ang nagsimula ng gulo'ng ito?"

Nagkatinginan lang kami at pareho'ng tumungo ulit.

"Wala kayong ibang ginawa kung hindi ang maggantihan kahit pa nagkakasakitan na kayong dalawa. At ang pinakamatindi pa roon ay wala ni isa mang nagsusumbong sa inyo."

"Kung hindi pa magsasalita ang mga Lecturers niyo ay hindi ko malalaman 'lahat' ng kalokohan na mayroon dito sa loob ng Campus!" sigaw ni Dean.

Nagsipagtunguhan naman ang lahat sa takot dahil sa lakas ng sigaw na yun ni Dean, nawala rin ang mga bulungan.

"Enrile!"

"D-Dean."

"You promised me that this year you're not gonna get into trouble! Now what is this?" hindi siya nakasagot at nagpatuloy sa pagtungo. "Puro babae na lang ang inaaway mo hindi mo napapansin? Ano ka ba? Bakla?"

"Hahaha!" tawanan sa labas.

"Pfff.." pigil naman ang tawa ng mga nasa loob.

"Silence!" sigaw ni Dean.

"Deib.. Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Pumapatol sa ka sa babae! Noon puro ka parinig, pambubuyo at kung anu-anong paninigaw sa babae! Ngayon naman ay sinasaktan mo na? Kaya ba nangako kang hindi mo uulitin pa ang pambubuyo dahil ngayon pala ang sasaktan mo na sila ng pisikal? Ano ba ang meron dyan sa ulo mo? Utak pa ba yan ng tao? Ano ang nakukuwa mo sa pambubuyo mo ng mga bagong students?" sumeryoso si Deib at hindi pa rin makasagot. "Buong akala ko ay nagtino ka na dahil wala ng nagrereklamo sayo dito'ng students! Ayun naman pala ay Lecturers niyo ang magsasabi sa akin ng mga kalokohang pinaggagagawa niyo! Hindi ka ba nahihiya? Kahit hindi na para sa sarili mo! Kahit para na lamang sa akin Deib! Lolo mo ako at ako ang Dean! Ano na lang ang iisipin ng mga magulang ng mga estudyanteng binubuyo mo? Na porke't apo kita ay ganyan ang ugali at asta mo? Na kinukunsinti kita? Na wala akong pakialam sa ginagawa mo? Ha! Nasaan na ba ang utak mo? Meron ka pa bang utak?"

Whew..

"Taon taon ay mag nagpupunta'ng students dito kasama ang mga magulang nila at inirereklamo ang pambubuyo'ng ginagawa mo sa kanila. Anong nangyayari? Lumalabas na sila ang may kasalanan kaya mo ginagawa yun sa kanila? Nung mapatalsik mo na dito ang mga estudyante'ng binuyo mo saka lamang naglabasan lahat nang kalokohang ginawa mo!" halatang galit na sabi ni Dean. "Hindi kita magawa'ng pagalitan dahil ayokong magrebelde ka at nangako kang hindi mo na talaga uulitin! Sa loob ng isang taon hindi lang isa o dalawa ang nagrereklamo sayo! Marami sila! Pero ano? Pinalampas kita hindi ba?"

"Ikaw naman!"

"D-Dean."

"Wala pang isang buwan ay dalawang beses ka ng dinala dito! At nang magkaiba pang tao!"

"Nung unang beses kang dinala dito, wala kang ibang ginawa kung hindi... ang manahimik! Tinatanong ka na nananahimik ka pa rin! Sinisigawan ka na, nananahimik ka pa rin! Pipe ka ba?!"

"Hahahahaha!"

"Bwahahahaha!"

"Silence!"

"Transferee ka dito pero kung umasal ka ay daig mo pa ang mga estudyante'ng nag-Masteral dito.. At bakit ganyan ka umasta? Para kang hindi babae!"

"Bwahahahaha---"

"Lahat nga ng nakasilip dyan ay umalis. Alis!" sigaw ni Dean at nagsipaglayuan naman ang mga nasa bintana at pinto. "Wala akong pakialam kung hindi mo irespeto si Deib Enrile dahil barumbado namang talaga yan. Pero ang bastosin ang mga Lecturers sa paaralang ito ay hindi tama. Nagmula ka rin naman sa isang magandang paaralan. Pero bakit hindi mo natutunan kung paano ang gumalang? Hindi ko na kailangang pakinggan ang mga nasasabi ng mga Lecturers mo tungkol sayo dahil ako mismo ay nabastosan sa pakikitungong ginawa mo sa akin!"

"Minsan pa umano'ng sinabihan mo ang isa sa mga Lecturer mo na binabayaran mo siya para turuan ka? Is that so?" nakakainsultong tanong ni Dean sa akin. "Well then let me tell you, this school is responsible for teaching you and that includes paying respect to your Teachers and Lecturers!"

Sinong Lec naman ang nagsabi nyan!? Si Chupan!? Tsk! Tokis amp..

"Napuri ka lang ng minsan sa talento mo sa pagsasayaw e sobra sobra naman yata ang inilaki ng ulo mo at pati ang mga Lecturers mo ay binabastos mo? Hindi ba't ikaw yung Dance Troupe?"

"Yes Dean?"

"At ikaw rin yung varsity player ng billards?"

"Yes Dea-"

"Na si Deib Enrile ang nagpalista?"

Akalain mo nga naman..

"Bukod pa roon ay wala pang isang buwan ang pasukan pero nakukuha mo ng mag-cutting classes?"

Napatingin ako kay Lee at tumungo ulit.

"Ngayon, kung ayaw nyong magsalita. Pareho ko kayong paparusahan!"

"Dean." si Sensui. "A-Ako po. Ako po, magsasalita po ako." hindi sya sinagot ni Dean, tumingin lang sa kanya at saka sumandal sa swivel chair nya. "Naglalakad po ako papuntang field nung may tumama sakin na baseball. Namilipit ako sa sakit kaya napahiga ako sa grass. Nagpaikot ikot ako sa sakit pero nagawa ko pa ring tignan kung sino'ng may hawak nung baseball bat. Sakto naman po'ng nahagip sya ng mata ko at s-sya po ang may hawak ng b-baseball bat." tumingin pa muna siya sa akin at nagkatinginan kami bago pa siya magsalita ulit. "P-Pero sabi niya po hindi daw po siya ang may kasalanan. H-Hindi daw po siya ang tumira."

Nagbuntong-hininga muna si Dean bago ipinatong ang dalawang siko sa table nya at matagal na tumingin sa akin.

"I want to hear your side so please speak! Hindi kita pinapunta dito para makipagtitigan lang. Involve ka kaya may karapatan ka ring magsalita. So please, let us hear your side."

Tumingin pa muna ako kay Deib bago ako nagsalita.

"P.E. Class namin kaya ako nando----"

Natigilan ako ng biglang bumuntong hininga ng malakas si Dean. Napatingin naman ako sa kanya at saka nagsalita ulit.

"P-P.E. Class 'ho' namin kaya 'ho' ako nandoon." pagdidiin ko sa paggalang dahil ako na naman ang bastos. Fine! "Since wala pa yung Teacher namin at wala pa kaming ginagawa ay sumilong muna ako sa ilalim ng puno at nahiga. Halos makatulog na nga ako sa tagal ko ho'ng natutulog doon. Sa kalagitnaan naman ng tahimik kong pagkakahiga don ay may tarantad---"

"Watch your words!"

"S-Sa kalagitnaan ng pagkakahiga ko doon, may bumato sa mismong paa ko nung baseball bat. Hindi ako nakatayo agad dahil masakit, sa buto ko ho kasi mismo tumama yung bat. Kaya nung makarecover ako ay kinuha ko yung baseball bat at tumayo agad. Eksakto'ng pagtayo ko ho nakita ko si Deib na nagpapa-ikot ikot sa damuhan at biglang tumingin sa akin ng masama."

"Tapos nagsigawan na kayo?" takang tanong ni Dean.

"Hindi---"

Sabay kaming nagsalita ni Deib. Tumingin siya sakin at naunang nagsalita.

"D-Dinala po muna ako nila Kim sa Clinic at binigyan ako ng first aid ni Nurse Mitch Dean."

"At ikaw?"

"T-Tumayo lang ho ko doon."

"What?" sigaw sakin ni Dean.

"Hahanapin ko ho sana kung sinong bumato sakin ng baseball bat p-pero dinumog na ako ng mga fans ng apo niyo."

"So hindi mo kilala kung sino ang bumato sa iyo ng baseball bat? At ikaw naman ay hindi mo alam kung sino talaga ang tumira sayo?"

"Y-Yes Dean." sabay na naman naming sabi ni Deib.

"Bukod sa inyong dalawa sino ang iba pang nakakita sa nangyari?" tanong ni Dean ay tumingin sa iba pang students na nandoon sa loob.

"Ako po Dean!" si Aimee.

"Oh, what did you see?"

"I was at the scene Dean. Nakita ko si Deib na tinamaan ng bola. At kitang kita ko rin po na si Taguro ang may hawak ng baseball bat."

"Nakita ko rin po Dean, siya po talaga may hawak ng baseball bat."

"Ako rin po Dean."

"Me too Dean."

Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko, parang gusto kong tumawa na ewan! Ito na ba yung sinasabi nilang 'walang nagagawa' ang mga nakakaaway ni Deib? E paano nila makikita ang tama at mali'ng ginagawa ko kung kay Deib lang nakatuon ang paningin nila? Gusto kong tumawa! Gusto kong tumawa dahil mukhang ako ang pinakalugi sa kanila. Lahat ng nandoon sa scene ay kampi kay Deib. Lahat ng kaibigan ko ay wala doon, kaya wala'ng kakampi sa side ko. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko.

"Yes! Siya talaga ang may hawak ng baseball bat," singhal ni Dean.

"Inamin niya na yun at hindi na kailangang paulit-ulitin. Ang gusto kong malaman ay kung may nakakita ba sa inyo kung sino-sino ang tumira," tumingin siya ulit sa lahat ng students na nandoon pero walang nagsalita.

"So wala talaga sa inyo'ng nakakita ng eksaktong nangyari?" at nagsipagtunguhan na naman ang mga students.

"Reycie." tawag niya sa secretary niya, lumapit naman 'to at binulungan nya. "Okay. Wala tayong magagawa pero kailangan ko kayong bigyan pareho ng record."

"Dean." si Deib.

"I want to be fair with you both, so please understand Mr. Enrile. Hangga't hindi pa napapatunayang sya nga ang may kasalanan ay pareho ko muna kayong bibigyan na karampatang parusa."

Parusa? Anong parusa? Bitay ba?

"Pero Dean, masyado naman po yata'ng unfair sa akin yun. W-Wala naman po akong ginagawa, naglalakad lang ako doon at tinamaan ako ng bola. Ako na nga po yung nasaktan e."

"Aba e paano na lamang iyong mga kalokohang ginawa mo sa kanya nung mga nakaraan? Ganon na lang yon? Bibigyan ko kayo ng patas na parusa. Parusa'ng pareho nyong paghihirapan. Parusang sabay nyong gagawin. At parusang pareho nyong hindi pwedeng tanggihan."

"Ano naman po yun?"

Hindi na ako nakapagsalita at tumingin na lang kay Dean.

DEIB'S POV

Parusa? Anong parusa? Bakit kailangan pati ako ay may parusa? E wala naman akong ginagawa. Si Taguro lang dapat ang may parusa! Pero...anong parusa naman kaya ibibigay sa kanya? Tsk, ewan!'

Humarap ako kay Lolo saka nagsalita.

"Pero Dean, masyado naman po yata'ng unfair sakin yun. Wala naman po akong ginagawa, naglalakad lang ako doon at tinamaan ako ng bola. Ako na nga po yung nasaktan e."

"Aba e paano na lamang iyong mga kalokohang ginawa mo sa kanya nung mga nakaraan? Ganon na lang yon? Bibigyan ko kayo ng patas na parusa! Parusa'ng pareho nyong paghihirapan! Parusang sabay nyong gagawin! At parusang pareho nyong hindi pwedeng tanggihan!"

"Ano naman po yun?"

"Bibigyan ko kayo ng special project."

"Special Project? Ano naman pong project yun, Dean?"

"Tutal, pareho kayong bully dahil binubully nyo ang isa't isa. Gumawa kayo ng Presentation tungkol sa Bullying."

"Pero Dean?"

"Walang pero pero!"

"Presentation? At ipre-present ho namin?" si Taguro. Inis naman akong tumingin sa kanya, pero parang mas salubong pa sa akin ang kilay niya!

"Yes! Of course! At kung hindi niyo magagawa ay ipapatawag ko bukas ang mga magulang ninyo!"

"Dean naman?"

"Mamili kayo? Gagawin niyo ang presentation o ipapatawag ko ang mga magulang ninyo?"

Kung ipapatawag lang sila Mom and Dad... magagalit sila sakin pero siguradong sigurado akong hindi sila magagalit sakin ng sobra sobra! Oo.. Tama! Mas gusto ko yung ipatawag na lang ang magulang.. At least madaling magpaliwanag! Kesa don sa presentation e hindi ko nga alam kung ano yun!

"Dadalhin ko na lang po ang parents ko, Dean."

"Are you sure?"

"Yes, Dean, my parents are here," nakangising sabi ko.

"At ikaw?" baling ni Dean kay Taguro. "Ipapatawag ko ang parents mo bukas, makakapunta ba sila?"

"Hindi ho. "

"What?" inis na tanong ko.

"Wala akong parents," sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin.

Natigilan ako. Wala...siyang parents?

Halos mabingi ako sa biglaang katahimikan sa loob ng Guidance Office. Walang nakapagsalita agad. Napatingin ako kay Taguro. Nakatungo pa rin siya at hindi nagbabago ang reaksyon ng mukha niya.. Parang nakaramdam ako bigla ng awa.

Hindi pwede! Bakit ka maaawa sa kanya? E siya nga hindi naawa sayo. Tch! Nakakainis! Bakit kasi hindi niya pa amining kasalanan niya naman talaga? Edi sana hindi na umabot sa ganito.

"Well then I guess we have no choice?" si Dean.

"Gagawin ho namin." sabi ni Taguro habang nakatingin sa akin.

"Anong gagawin? Anong namin? Bakit? Wala rin ba akong parents? Nandito ang parents ko at kaya ko silang papuntahin bukas."

"E, di ako na lang ang gagawa. Dean ako na lang ho ang magpe-present." seryosong baling niya kay Lolo.

"Ano ho bang gagawin?"

"Gagawa ka ng Presentation about bullying. Everything about Bullying. Bakit may bullies, ano ang mga dahilan bakit may bullies, bakit may tao'ng nagpapabully. Everything!"

"Gagawin ko ho."

"Are you sure?"

"Yes Dean." seryoso pa ring sagot ni Taguro.

"Okay sige. Kayo ang bahala." nakangiting sabi ni Lolo.

"Kailan ho pala?"

"Bukas rin."

Bukas agad!?

"B-Bukas ho agad?"

"Yes, I will be having a meeting with my co-stockholders tomorrow afternoon. Dapat ay mga Medicine Students ang magprepresent samin bukas about certain diseases. Unfortunately, they cancelled it. Kaya walang magprepresent samin bukas. Ayokong mainip ang mga bisita ko." nakangiting sabi ni Lolo.

Seryoso ba siya?

"That's why I am asking you if you are sure." dagdag pa ni Lolo.

"May quiz ho kasi ako bukas, kailangan ko ring magreview."

"History?" nakangiting tanong ni Lolo kay Taguro.

"Yes Dean."

"And your passing score is 450 items?

"What?" sigaw ko unconsciously.

Napatingin ang lahat sakin habang ako naman ay nakanganga pa kay Taguro. Inismiran niya lang ako at saka ulit tumingin kay Dean.

"Yes Dean."

"Mmm, what should we do then? Ieexpell na lang ba kita?" nakangiting tanong ni Lolo sa kanya kaya naman gulat siyang napatingin kay Lolo. Pati ako ay nagulat at ganon rin ang iba pang nasa loob ng office!

"Grabe, expulsion agad?" bulong ni Migz.

"Nakakaawa naman si Max."

"Hindi ko alam na wala pala syang parents."

"Oo tapos ganito pa ang nangyari."

"Kaming dalawa lang kasi ang nakatira sa iisang bahay."

"Silence!"

"Sige na! Sige na! Payag na ako! Gagawin natin pareho!" inis na sigaw ko sa kanya. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko. "Payag na ako okay?" hindi pa rin siya sumagot at nanatiling nakatingin sa akin. "What?! Please stop staring at me and answer!"

"Okay."

Okay? Yun na yun?! Sa dami ng sinabi ko.. yun na yun!? Abnoy talaga! Grrr!

"So I guess I'll just see you tomorrow afternoon?" nakangiting tanong ni Lolo.

"Yes Lolo." sarkastiko namang sagot ko.

Oo takot ako kay Lolo pero alam niya at saulo nya ang ugali ko, hindi ko napipigilan minsa---kadalasan ang ugali ko lalo na ang pagsigaw. Gamay ko rin ang ugali ni Lolo noon. Noon kasi ay pwede mo siyang abusuhin talaga. Dahil sobrang bait niya. Lahat ng sasabihin mo ay paniniwalaan niya! Pero nagbago siya sa akin. Sa akin lang siya nagbago. Hindi ko na siya mapaniwala sa mga sinasabi ko, nahuhuli niya na rin ako kapag nagsisinungaling ako. Siguro nga. ganon na talaga karami ang kalokohang ginawa ko!

Tumayo na si Taguro at nagpaalam kay Lolo, sumunod naman sa kanya ang mga kaibigan nya pati na rin sila Lee at Tob. Lumabas na rin sila Aimee. Lumapit naman muna ako kay Noona.

"Dein, stay here." sabi ni Lolo kay Noona.

"Okay po."

"And you, go back to your class!"

"Opo, noona papasok na ako. Thank you ahh?"

"Ha? O-Oo sige. Mag-ingat ka ha?"

"Oo."

Hindi ko alam pero nawirduhan ako kay Noona. Isipin mo, kanina galit na galit siya, talagang lahat sinisigawan niya! Pati nga ako e! Tapos biglang nanahimik? Ang weird lang.

Iniwan ko na sila at lumabas ako ng Office. Nandoon naman sila Lee at Tob na naghihintay sa akin.

"Magkita na lang daw kayo ni Max mamaya sa Library." si Lee.

"What? Bakit sa Library?"

"Ewan ko, yun ang sabi e."

"Nasan na ba sya?"

"Umalis na."

"May klase pa sila Deib." si Tob.

"Nakakainis! Naiinis ako! Nababadtrip ako!" sigaw ko habang naglalakad na kami. "Ang sakit sakit kaya nitong nasa noo ko! Ako na nga yung nasaktan tapos sa huli ako pa mapaparusahan? Badtrip!"

"E ikaw lang e. Pinapili ka naman di ba? Nagpalit ka pa. Engot!"

"Bakit nga ba nagpalit ka pa ng pinili mo Deib? Nandyan naman ang parents mo. Isa pa, mas madaling magpaliwanag sa parents mo kesa magpresent." si Lee.

Ha? B-Bakit nga ba!? Ewan ko rin!

Hindi ako nagpahalatang hindi ko rin alam kung bakit. Kaya nagpanggap na lang akong galit!

"I-Ikaw ah! Nababadtrip ako sayo ah! Dalawa na nga kami ni Aimee na nakakitang si Taguro ang may hawak nung baseball bat. Si Taguro pa rin ang kinakampihan mo! Konting konti na lang talaga dre tatablahin na kita e!"

"Naaawa ako sa kanya e."

"Naaawa? Anong nakakaawa don?"

"Dahil bukod sa sarili nya, walang ibang nakakaalam kung ano talaga ang ginawa nya. Hindi katulad mo, maraming nakakita sayo'ng tinamaan ka, marami rin ang nakakita kay Max na hawak ang bat. Malamang lahat sila kampi sa iyo."

"E bago pa yun kinakampihan mo na siya! Doon pa lang sa Clinic!"

"Dahil nasa Canteen sila Naih kanina. Malamang! Mag-isa lang siya! Hindi naman yun makakagawa ng ganong kalokohan ng mag-isa lang siya. Mag-isip ka nga!"

"W-What do you mean?" tanong ko.

"Mag-isa lang siya, hindi nya kasama ang mga kaibigan niya. Sa tingin mo ganon kalakas ang loob niya para sadya'ng tirahin ka? Para ano? Magpasikat sa mga tao'ng nasa paligid niya? No way, that's impossible."

"A-And that means?"

"Deib, katulad mo lang rin si Max. Malakas lang ang loob niyang gumawa ng kalokohan kapag kasama niya ang mga kaibigan niya. Tulad mo, nakakagawa ka lang ng kalokohan kapag kasama mo kami. Nung kayong dalawa lang ni Max ang naiwan, nagkagulo ba kayo? Hindi di ba? Nag-usap pa nga kayo e. Hindi man naging matino ang usapan nyo, at least hindi kayo nagkagulo? Gets mo?"

"Hindi."

"Anak nang.."

"Ibig kong sabihin, pareho kayong hindi kaya'ng mangtrip nang nag-iisa lang dahil malakas lang ang loob niyo pareho kapag may kasama! Tulad mo, ginagawan mo siya ng kalokohan kapag kasama mo kami. At siya ginagawan ka niya ng kalokohan kapag may kasama siya!"

"E bakit yung sa yakult? Yun sa tumambay siya sa harap ng room!? Mag-isa lang siya noon ah?"

"Pero Deib, minor lang yun. Iyang nangyari sa iyo ngayon, major yan. At alam kong hindi niya kayang gawin yan."

Ewan ko. Hindi ko maintindihan! Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tingin kong totoo. May part kasi sa akin na nagsasabing kasalanan niya talaga at may part naman sa akin na parang nagdadoubt rin. Hindi ko talaga alam. Pero dahil galit ako sa kanya, mas pinipili ko yung isa, syempre! Hindi naman pwedeng magdoubt ako sa sarili kong instinct! Hehehe!

"Ang gulo. Ang gulo gulo na. Ako man nainis talaga ka kay Taguro. E paano Lee kung siya nga talaga may gawa niyan kay Deib?" si Tob.

"Ewan ko, pero naniniwala ako at ramdam kong hindi siya ang may gawa niyan. Malalaman rin natin kung sino yun. Lalabas at lalabas yan."

"Pano?" sabay naming tanong ni Tob.

"Magkukusa yan." nakangiti namang sabi niya.

Nung makarating na kami sa room.

"Deib."

"Okay ka na ba?"

"Let me see."

Andaming naglapita'ng babae sa akin at isa na don si Liel.

"Are you okay na ba? How are you feeling?" si Liel. Nakakainis yung tono ng pananalita niya dahil parang naglalambing! Humawak pa siya sa braso ko habang hinahawakan ang sugat ko.

Nainis ako bigla.

"Pwede ba Liel! Tigil tigilan mo ang pagdikit dikit mo sa akin dahil yung pabango mo kumakapit sa uniform ko! Nasusuka ako sa pabango mo!"

"Buti nga hahaha."

"Ang landi kasi."

"Kayo rin!" sigaw ko sa ibang nagbubulungan. "Magbubulungan lang kayo e yung rinig na rinig ko pa! Si Kim lang ang magugustohan ko naiintindihan nyo? Bukod kay Kim ay wala na akong ibang magugustuhan kaya tigil tigilan nyo ko! Alis!"

"S-Sorry Dei-"

"Alis!"

"Hoy ano ba! Ang init ng ulo mo!"

"Nakakabadtrip e! Sila kaya lagyan ko nito?" sabi ko habang nakaturo sa sugat ko.

"Hahahaha!" natawa naman pareho sakin si Lee at Tob.

Maya maya pa ay nagstart na ulit ang klase namin kaya medyo nahimasmasan ang init ng ulo ko.

Continue Reading

You'll Also Like

348K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
77.7K 547 4
Fritzey Aisaeah Velasco is a seemingly ordinary person, except for the fact that she can determine if two people are destined for each other. However...
7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
69.1K 3.4K 28
SNOW LEVRAN a retired deputy chief in.she's a dominant, disciplined,strict and a serious person,or sya nga ba?.napilitang manatili sa pilipinas dahil...