Before Rosa

By hyperever

40.2K 3K 1.3K

Best friends Raffy and Sia had a drunken intercourse. This resulted to an unplanned gift of new life -- Rosa... More

Rosa
Before Rosa
[BR 1]
[BR 2]
[BR 3]
[BR 4]
[BR 5]
[BR 6]
[BR 7]
[BR 8]
[BR 9]
[BR 11]
[BR 12]
[BR 13]
[BR 14]
[BR 15]
[BR 16]
[BR 17]
[BR 18]
[BR 19]
[BR 20]
[BR 21]
[BR 22]
[BR 23]
[BR 24]
[BR 25]
[BR 26]
[BR 26.5] - an extra scene
[BR 27]
not an update. it's just me rambling.
[BR 28]
[BR 29]
[BR 30]
[BR 31]
[BR 32]
[BR 33]
[BR 34]
[BR 35]
[BR 36]
[BR 37]
[BR 38]
[BR 39]
[BR 40]
Epilogue
[BR 29.5] - some extra scenes

[BR 10]

811 67 50
By hyperever

R A F F Y
Before Rosa 10

○○○

Ilang araw na akong hindi makatulog.

I consume large amounts of coffee in the morning and then another batch in the afternoon. Halos gawin ko nang dextrose ang kape.

Isinisisi ko sa sofa ang lahat. Masakit talaga s'ya likod teh, walang biro.

Pero... hindi lang naman 'to ang dahilan.

Dino sent me a DM two days ago. Walang bati o kung ano. Just an address. The address is somewhere in Thailand. And judging from his recent posts on Instagram, he is in Thailand.

So, ano 'to, address niya? Para saan? Para puntahan ko siya? Is that it?

"Nakabusangot ka?" biglang sulpot ni Sia sa harap ko. Nakaupo ako sa counter stool, nagkakape pagkagising, nang pumasok siya sa kusina.

Agad akong nag-stretch ng likod at leeg. "Masakit batok ko teh. Nagsusumigaw ng 'kamaaaaa'."

Inirapan niya naman ako. Kagigising lang niya at maga pa ang kaniyang mga mata. Walang pakealam si Sia sa hitsura niya kapag ako lang ang kaharap. Ang bastos nga eh. Nagsuklay naman sana siya bago bumaba.

Dumiretso siya sa lababo at saka naghilamos. Habang ginagawa niya 'yun, sinabi kong, "may agahan sa mesa."

Inangat niya ang tingin saakin, nakataas ang isang kilay, nagtatanong. "Ha?"

"Sabi ko, may agahan na sa mesa."

Tumango siya. "Okay. Pwede pala akong magkape?"

"No," agad kong sagot. "Orange juice, pwede."

Sumimangot siya. "Orange juice nanaman ang panapat mo. Wala na bang iba?" Kunot-noo siyang naglakad papunta sa ref para maghanap ng maiinom.

"Gatas," sabi ko. "O tsaa."

May inabot siya sa loob ng ref. "Tubig na nga lang," aniya.

Napangiti ako habang umiiling. Parang baliw talaga 'tong babaeng 'to.

"Anong oras daw ba darating ang kama mo?" tanong niya pagkatapos uminom.

"Hindi ko alam. Pero sana maya-maya na. Aalisan ko pa ng laman ang office."

Tumango siya. "Kailangan mo ng tulong?"

Napangiti ako. Pinapangatawanan na talaga niya ang pagiging maybahay ko.

Charot, katulong pala.

Ay. Bakit parang yaya ang dating? Ano... katuwang? Ang lalim gurl.

Umiling nalang ako, parehong kay Sia at sa sarili ko. "Keri ko na mami. Tsaka hindi ka pwedeng magbuhat, noh."

Naglakad siya papunta sa dining table at pinagmasdan ang mga pagkaing naroon. Fried rice lang naman 'yun at saka tocino. Kinuha niya ang mga plato at saka tumabi saakin. Ipinatong niya ang pagkain sa counter top.

"Hindi ko naman kailangang magbuhat," pilit niya. "Pwede naman akong mag-sort ng mga gamit... ganoon. 'Yung magaan lang."

I considered it. Mas madali nga namang may katulong. I remember when Dino and I first bought-- nevermind. Not important.

"Ano na?" pangungulit ni Sia habang kumakain sa tabi ko.

Tumango nalang ako at nanahimik. Baka kung ano pang information ang ma-volunteer ko. Hindi na rin naman nagsalita si Sia. Tahimik at masaya niyang kinain ang niluto kong agahan.

Pagkatapos kumain ay nagsimula na kaming mag-ayos sa office. Tinutulak ko ang mga furniture palabas habang inilalagay ni Sia ang mga gamit sa isang box.

"Saan mo na ilalagay 'to?" tanong niya.

Napalingon ako sakaniya habang nagwawalis. Tapos na ako sa paglalabas ng furniture. Habang siya, nakaupo sa sahig at nagpupunas ng mga gamit na inalis namin sa bookshelf para ilagay sa malaking box.

"We'll find a place for them," I said. "Or find a new house, altogether."

Mabilis na inangat ni Sia ang tingin saakin. Bahagyang kumukunot ang kaniyang mga noo. "What do you mean?"

Tumigil ako sa pagwawalis at ginawang tungkod ang walis na hawak. "I literally mean that we find a bigger house. Kapag lumabas na si baby, kailangan niya rin ng sarili niyang kuwarto. We can't live here forever," I said, gesturing to the whole apartment. "This is way too small for us."

Sia seems repulsed by the idea. She leaned back, away from me, her frown getting deeper. "What do you mean us?"

Tiningnan ko lang siya.

Are we reading different books right now? Hindi niya ba nakikita ang nakikita ko?

"Us -- you, me, the baby. Us," sabi ko.

Pumikit si Sia. Ngumiti siya pero wala akong nakikitang nakakatawa. "Teka, teka, teka," aniya. Nang buksan niya ang kaniyang mga mata, nakita ko ang amusement sa mga ito. "You think we're going to live together? Forever?"

Napakurap ako. "Hindi ba't 'yun naman dapat?" tanong ko.

Napanganga siya. "No. Ghad, no, Raffy. This is only temporary. I'll move out soon."

My legs turned to jelly. Inayos ko ang tayo saka lumapit sakaniya. I sat across her, the box between us.

"Clearly," panimula ko. "We haven't talked this out."

Sia folded her arms against her chest. "Clearly," she agreed.

Huminga ako ng malalim. Kumuha ako ng basahan at figurine at tinulungan siyang magpunas. "Talk," sabi ko sakaniya. Simpleng salita pero alam kong alam na niya ang ibig kong sabihin.

"It's already hard as it is for me to accept everything, Raffy," aniya na hindi nakatingin saakin. Nakayuko lang siya habang nagpupunas ng picture frames. "Huwag mo naman akong binibigla ng mga plano mo sa buhay. Alam mo namang magkaiba tayo ng pananaw sa lahat ng bagay."

Hindi ako nakasagot.

Mukhang sobrang layo na ng naplano ko, na hindi ko na-consider ang opinyon niya.

"I'm sorry," I said.

Tumango si Sia, na hindi parin inaangat ang tingin saakin. "I said that I'll help you out with stuff around the house. I'll stay healthy and help you raising the kid soon. But," Sia stopped for suspense.

Finally, inangat niya ang tingin saakin. Her looks mean business. "I've got plans too. So, please. Consult me with everything before doing something. If we're going to make this work, you'd have to include me in the planning."

I feel so little right now. Parang gusto kong magtago sa loob ng box hanggang sa maibalik ko ang dignidad ko. Ang lakas makapag-real talk ni Sia. Jusko.

"Oo na. Sorry na. From now on, I will," sabi ko.

"Promise?"

Umirap ako. "Promise."

"Okay," ani Sia sabay kuha ng panibagong lilinisin. Natahimik siya sandali bago nagtanong. "Ano 'to?"

Nilingon ko siya. "Ano--" Natigilan ako nang makitang hawak niya ang isang purple journal. Agad ko itong inagaw sakaniya. "Huwag 'yan, teh!"

Nabigla siya saakin. "Bakit? Ano ba 'yan?"

Sinulyapan ko ang journal. "Uh... something that Dino and I own," sabi ko. "May dalawa pa nito jan. Can I have them, too?"

Inabot ni Sia ang dalawa pang journal sa kaniyang tabi. "Private stuff?" she asked.

Tumango ako habang nakatingin sa mga notebook.

"Sorry. Hindi ko alam," aniya.

"It's okay," I said, standing up. "Ilalagay ko lang 'to sa kuwarto. Sandali."

Hindi ko na tiningnan si Sia. Dumiretso na ako sa second floor habang nakatingin sa mga journal na hawak ko.

Pagdating sa kuwarto, binuksan ko ang closet. Naghanap ako ng box na pwedeng paglagyan ng mga ito. When I found one, I stared at the journals for a while.

Hindi ko alam kung ano nang gagawin sa mga ito. Kamakailan lang, nagmessage si Dino. Tapos ngayon, magpapakita ang mga 'to. What's next? Dino appearing in flesh?

Napailing ako. Dino won't come back anytime soon. Bumalik man siya, sigurado akong hindi ko na siya matatanggap pabalik. I have something else on my plate now. I have someone else in my life now.

"Raf," tawag ni Sia mula sa labas ng pinto.

Agad kong tinambak ang tatlong libro sa box sabay takip nito. Isinuksok ko ang box sa kadulo-duluhan ng closet bago lumingon. "Yes?" sagot ko.

"Pwede ka na bang magluluto?" tanong ni Sia pagkapasok sa kwarto. "Nagugutom na kami."

"Lalabas nalang siguro ako," sabi ko sakaniya. "Anong gusto mong kainin?"

Napaisip siya. "Kung lalabas ka lang naman, Jollibee na. Chicken tsaka spaghetti," nakangiti niyang sagot.

Tumayo ako. Sandali akong sumulyap sa pinagsuksukan ko ng box bago muling hinarap si Sia. "'Yun lang?"

"Ikaw na bahala," aniya sabay talikod. "Tsaka fries pala!"

Tumango ako kahit hindi na niya nakikita. "Ikaw na ang tatapos nung sa baba?" habol ko.

"Yeah! Maligo ka na!"

Napailing ako. Kalurking mujer. Basta pagkain.

Nang masiguro kong hindi na babalik si Sia ay muli akong napatingin sa box.

I remembered my talk with Sia just minutes ago. Bumubuo kami ng partnership of sort dito. At kung may mga plano ako sa buhay, kasama na siya at ang anak namin dito.

Dino... he is not.

Kaya muli kong inilabas ang box mula sa pinagsuksukan ko nito. Bago ako naligo, kumuha muna ako ng ballpen. I wrote a note at the last page of the third journal.

Then, I closed the box. Dadalhin ko 'to paglabas ko.

○●○

After taking a drive thru Jollibee, pumunta ako sa isang shipping company. Walang ibang costumer kaya agad akong na-entertain ng empleyado. Tinanong niya ako kung anong ipapadala ko.

Napatingin ako sa box na hawak ko.
Nakalagay rito ang tatlong journal na nahanap ni Sia kanina. I decided to send these to Dino. It's time to let him go. Maybe this was the sign.

But... I'm hesitating.

Muli akong tinawag ng empleyado. "Sir?"

Napahinga ako ng malalim sabay abot sakaniya ng package. Hiningi niya rin saakin ang address na padadalhan.

Hindi mapakali ang mga paa ko habang pinapackage ng babae ang mga libro. Kinakabahan ako.

"Uh, miss," I said before she was able to seal it. "Sandali, may ilalagay lang ako."

I burrowed a pen and asked for a paper. Then, I wrote another note. May posibilidad na pagsisihan ko 'to pero... bahala na.

After that, I let ate gurl seal the package.

○●○

I told Sia to wake me up once the delivery men arrives. Sobrang nanghihina at inaantok ako pagkatapos kumain. I kept thinking about the package. Parang gusto ko itong bawiin.

Even in my dreams, it haunted me.

Napanaginipan kong nakuha na ni Dino ang package. Pero sa loob nito ay hindi tatlong journal kundi isang dwarf size na Sia. Nakapamewang at nakakunot-noo ito, kagaya ng usual niyang hitsura. She was saying something and she seems mad. Her voice started as a distant call. It got louder and louder by the second, until it was right on my ears.

"RAFFY!" Sia shouted.

Napabalikwas ako. "What?!"

The exact look on mini Sia's face in my dreams mirror her real-size face. She said in a stern voice, "May bisita ka."

Shivers ran down my spine. Ngayon lang ako natakot kay Sia ng sobra. Parang mangangain siya ng tao.

"S-sino?" I managed.

Sia stepped out of the view.

Ang una kong nakita ay ang pagmumukha ng kapatid kong si Jerald. May hawak 'tong eco bag habang nagkakamot sa batok. Sa tabi niya nakatayo... ang pinakamagandang babae sa buong mundo.

"N-nay..."

Ngayon, alam ko na kung anong ikinagagalit ni Sia. Tiningnan ko ng masama si Jerald. Sinabi ko nang huwag niyang sasabihin kay Nanay, eh!

Napahinga nalang ako ng malalim. "A-ano pong ginagawa n'yo rito," tanong ko sabay lapit sakanila. Nagmano ako kay Nanay.

"Aba, edi s'yempre, binibisita ka. Tsaka, nagdala ako ng merienda," nakangiting sagot ni Nanay.

Tapos, dumiretso na siya sa kusina ng bahay na parang pagmamay-ari niya ito. Well, may karapatan naman siya. Nanay ko siya eh. Tsaka, ilang beses na siyang nakapunta rito noong kami pa ni Dino kaya't alam na niya ang pasikot-sikot.

Pinasunod niya si Sia sa kaniya na tumingin muna saakin bago tumuloy sa kusina. Naiwan naman kami ni Jhe sa may pinto.

"Diba't sabi ko--"

"Wait lang naman, Kuya," aniya sabay taas ng mga kamay na parang hinuhuli ng pulis. "Wala akong sinabi kay Nanay."

Kumunot ang noo ko. "Eh anong ginagawa n'yo rito?"

Itinaas niya ang eco bag na dala. "Merienda. Nang banggitin ko kay Nanay na nagkita tayo, nakaisip siyang puntahan ka. Sinubukan ko namang pigilan kasi nga, sabi ko, may kasama kang kaibigan rito. Pero mukhang mas na-excite pa nang malamang babae ang kasama mo."

Napapikit ako. Lumindol ba? Parang na-vertigo ata ako.

"Jhe! 'Yun pagkain, dalhin mo na rito!" tawag ni Nanay mula sa kusina.

Tumingin muna sa'kin si Jerald bago pinuntahan si Nanay. Napahinga nalang ako ng malalim bago sumunod sakanila.

Pagdating ko sa kainan, nakaayos na ang mga dala nila sa lamesa. Isang kaserolang pansit, maliit na bilao ng kutsinta at sliced bread ang dala nila.

Nangunguha si Jerald ng utensils sa kusina habang kausap naman ni Nanay si Sia sa may lamesa. Inililipat nila ang pagkain sa maayos na lalagyan.

Napatingin si Sia saakin nang dumating ako. Nagtatanong ang kaniyang mga tingin. May halo paring pag-aakusa rito, na parang gusto niya akong sakalin pero nahihiya lang siyang gawin 'to sa harap ng pamilya ko.

Muli akong huminga ng malalim sabay lapit sakanila. Nagkukuwento si Nanay tungkol sa worry niya pagkatapos malamang break na kami ni Dino.

"Naaay," saway ko sakaniya. "Okay na ako. Move on ka na rin."

"Tingnan mo nga't nangangayayat ka. Tsaka tingnan mo 'yang nga mata mo. Ang lalim na. Hindi madaling mag-'move on' sa taong minahal mo ng tunay. Ako nga sa tatay mo..."

"Nay," sulpot ni Jerald sa tabi niya. May hawak itong tatlong baso. "Huwag ka nang magdrama. Magkaiba naman po ang kaso n'yo ni Kuya."

"Kahit na. Paano nalang ako magkakaapo kung wala na kayo. Tapos itong kapatid mo, parang wala ring planong mag-asawa."

Napatingin ako kay Sia. Ngayon, naguguluhan na ang tingin niya. Gusto ko nang higitin siya sa isang sulok at sabihing hindi naman alam ng nanay ko ang tungkol saamin. Pero bago ko pa magawa 'yun, hinawakan na ni Nanay ang kaniyang braso.

"Buti nalang at narito ka, hija," ani Nanay na nagpakunot ng mga noo namin. "Baka mabigyan mo ng anak 'tong anak ko."

To be continued...

Survey: (hahaha) What's your Zodiac Sign?
-A. 💜

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 234K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
396K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.3M 39K 57
Alexa Isabelle D. Rosales Story
39.8K 2.1K 49
- THE QUEER SERIES 1 - A Dare that made two person meet. A Dare that made both of them fall in love. A Dare that made them realize how much they love...