Everything Leads Me To You

By sinxcosxdydx_

28.9K 1.8K 543

Ready for departure, Katherine Bernardo Everything Book 1: My life in Manila after leaving my province. More

About This Book
Characters
Chapter 001: The Trial
Chapter 002: Desperate
Chapter 003: The Deal
Chapter 004: Nanny
Chapter 005: Family Secret
Chapter 006: Reiterates Job
Chapter 007: Strong Bond
Chapter 008: Find Time
Chapter 009: Worried
Chapter 010: Lies
Chapter 011: Background Check
Chapter 012: To Stay
Chapter 013: Likes and Dislikes
Chapter 014: House Rules
Chapter 015: Smile
Chapter 016: Questions
Chapter 017: Resolve
Chapter 018: Studies
Chapter 019: Don't Disappoint
Chapter 020: Park
Chapter 021: Summer in the Park
Chapter 022: Toy Airplanes
Chapter 023: Didn't Make It
Chapter 024: Ready For School
Chapter 025: Back to School
Chapter 026: Adjust
Chapter 027: Learning Mandarin
Chapter 028: Bad Weather
Chapter 029: Tries to Bond
Chapter 030: Robbed
Chapter 031: Move Out
Chapter 032: The Good Times
Chapter 033: Fondness
Chapter 034: Thinking Twice
Chapter 035: Trouble
Chapter 036: Can't Stop
Chapter 037: Avoid
Chapter 038: Time to Tell?
Chapter 039: New Home
Ford's Mansion
Chapter 040: Stressed
Chapter 041: Sick
Chapter 042: Try to Tell
Chapter 043: Gained Trust
Chapter 044: High Scores
Chapter 045: Sleep Talking
Chapter 046: Patiently
Chapter 047: Special?
Chapter 048: Manila, Manila
Chapter 049: Rejections
Chapter 050: Golden Voice
Chapter 051: Ruined Project
Chapter 052: Very Good
Chapter 053: Visitor?
Chapter 054: Zoo-per Happy
Chapter 055: Charlie
Chapter 056: Meet Charlie
Chapter 057: Charlie in Ford's Life
Chapter 058: Someone's Jealous
Chapter 059: Flowers for?
Chapter 060: Preparations
Chapter 061: Iñigo Knew
Chapter 062: Somebody's Jealous
Chapter 063: Chemistry
Chapter 064: He Loves Me or Not?
Chapter 065: Can't wait?
Chapter 066: Answer
Chapter 067: Family-oke
Chapter 068: Love Bug
Chapter 069: Very Concerned
Chapter 070: Match is Now Open!
Chapter 071: Facebook Friends
Chapter 072: Intruding or Helping?
Chapter 073: Getting Worst
Chapter 074: Missing Kathy
Chapter 075: Let Go
Chapter 076: Time Management
Chapter 077: Surprise
Chapter 078: Celebration
Chapter 079: Meeting the Parents
Chapter 080: Not a Sleep Talking
Chapter 081: Mock Interview ala Sir Deej
Chapter 082: Good News
Chapter 083: Special
Chapter 084: Best Deal
Chapter 085: Dr. Quack Quack
Chapter 086: Appreciation
Chapter 087: Perks
Chapter 088: Homesick
Chapter 089: Home
Chapter 090: Miss
Chapter 091: Manila Opportunity
Chapter 092: Gesture of Concern
Chapter 093: Baguio Escapade
Chapter 094: Ikaw
Chapter 095: Work
Chapter 096: Long Distance
Chapter 097: Business Trip
Chapter 098: Choice
Chapter 099: Recommendation Letter
Chapter 100: Date
Chapter 101: Remark
Chapter 102: Okay?
Chapter 103: All is Set
Chapter 104: Inspiration
Chapter 105: Gratitude
Chapter 106: Manage
Chapter 107: Credit-Grabbing
Chapter 108: Sweet
Chapter 109: Emergency
Chapter 110: Effort
Chapter 111: Slight Misunderstanding
Chapter 112: Dedicate
Chapter 113: Ako Yun
Chapter 114: Chance
Chapter 115: Sana All
Chapter 116: Grateful
Chapter 117: Meet Finn
Chapter 118: Buying Gifts
Chapter 119: Aloofness
Chapter 120: Interesado
Chapter 121: Ay Kabayo!
Chapter 122: Crush
Chapter 123: Dense
Chapter 124: Déjà Vu
Chapter 125: Perturbed
Chapter 126: The Captain
Chapter 127: The CEO
Chapter 128: Naive
Chapter 129: Downhearted
Chapter 130: Go Home
Chapter 131: Resist
Chapter 132: Merry Christmas
Chapter 133: Mood Swing
Chapter 134: Behavior
Chapter 135: Waiting
Chapter 136: Trip to Ilocos
Chapter 137: When in Ilocos
Chapter 138: A Day in Ilocos
Chapter 139: Para kay Summer
Chapter 140: Don't Leave
Chapter 141: Mistake
Chapter 143: Doubt
Chapter 144: Come Back
Chapter 145: Royal Questions
Chapter 146: It's Okay, Summer
Chapter 147: The Search Opens
Chapter 148: Criterion
Chapter 149: National Hug Day
Chapter 150: Charlotte Margaret
Chapter 151: You're Beautiful
Chapter 152: Degraded
Chapter 153: The Backup
Chapter 154: Doubting the Judgment
Chapter 155: First Dance
Chapter 156: Rent and Space
Chapter 157: My Valentine
Chapter 158: Date?
Chapter 159: Love is in the Air
Chapter 160: New Applicant
Chapter 161: Sepanx
Chapter 162: About Remo
Chapter 163: Let Her Go
Chapter 164: Last Day
Chapter 165: Despedida
Bittersweet Goodbye
Author's Note: Book Two

Chapter 142: Harana

126 13 3
By sinxcosxdydx_

A/N: Here's my update, everything! Maybe next week? I may flood updates para matapos na to.

I'm planning to finish all my requirements by the following weeks and I don't want you to keep waiting so yeah. xoxo♥️





continuation...




"Sir Deej." Tawag ko nung balikan ko siya sa labas pagkatapos kong makausap si Nanay.

Pinangunutan niya kaagad ako ng tingin. "Do you really think na may ginawa ako kay Nanay Min?"

"Nag-uusap po kayo. Umiiyak siya. Akala ko po may ginawa kayo eh." Simpleng saad ko.

"And???"

"And what po???"

"Naisip mo talagang paiiyakin ko ang Nanay mo? Hindi ka man lang nagtanong kung ano yung pinag-uusapan namin. You just assumed the worst sa akin. Tama ba yun?"

Nag-inis ako sa inasta niya at ngayon natikman niya yung ginawa niya sa akin tapos siya pa ngayon ang nagagalit.

Nag-e-expect siya ng sorry ko? Siya nga hindi niya magawa eh.

"Bakit po, Sir Deej? Hindi po ba na ganiyan din kayo sa akin? Pinag-iisipan niyo ako kaagad. Hindi man lang kayo nagtatanong. Nag-a-assume din kayo kaaagad."


---

Halos ilang minuto na lang ay bagong taon na kaya ito na at naghahanda na kami ng mesa at pati ang mga pagsasaluhang mga pagkain.

"Oh ang sabi ko sa'yo Snow, may street party eh!"

"Oh My G! Sira ang diet ko sa sobrang dami ng foods Kuya!! So masasarap!!!"

"Snow, itigil mo na nga muna iyang kada-diet mo. May isa ka pang taon para mag-diet."

"Oo nga, Ma'am Snow. Saka parang wala ka namang i-diet. Mismo na iyan, solve ka na riyan."

"Oo nga, babe. Kaso ikaw ay hindi hahaha! Kaya hindi ka exempted sa mga diet-diet na iyan! Haha."

"Oo nga eh no? Ang taba ko. Oh sige, kainin mo lahat iyan! Magsawa ka."

"Tine naman." Ani ni Levi kaya walkout ang emote ni Ate.

Sinundan ko naman siya. "Huy, Ate Tine. Tara na, kakain na." Pag-amo ko kay Ate Tine na inasikaso na lang yung mga fountains dito sa gilid.

"Hmp! Nawalan ako ng gana." Emote ni Ate Tine.

"Ikaw naman. Binibiro ka lang naman ni Levi mo eh."

"Tss! Magbiro ka na sa lasing, sa bagong gising, huwag na huwag ka lang magbibiro sa gutom!"

Okay. Sabi ko nga, gutom siya. Hindi na ako sumagot at nanahimik na lang sa tabi niya.

"Oh ano bunso, okay ka lang ba?" Tanong naman niya sa akin.

Nagkibit-balikat ako. "Eh, mukhang wala namang balak mag-sorry iyang si Sir Deej ih." Sabi ko at nilingon siya saglit. Busy na silang kumain.

"Hahaha! Bakit parang ang sensitive natin ngayon haha!" Komento ni Ate Tine kaya natawa rin ako.

"Hahaha! Oo nga no? Ang drama natin haha!" Nag-apiran pa kaming dalawa.


***


KANINA PA kami kumakain pero itong katabi kong si Levi ay hindi man lang ginagalaw ang sinandok niyang pagkain sa plato niya.

"Oh Levi, bakit hindi ka pa kumakain?" Sita ko sa kaniya. Parang tulala lang ih.

"Nakonsensya ako kay Tine." Sabi naman niya sa akin.

"Luh. Kilala mo naman yun eh." Sabi ko naman dahil normal na naman niya yung ganun. Walang bago.

"Insan, dati naman ay tinatawanan niya lang naman yung mga ganung klase ng biro."

"Dati yun Levi." Sabi ko naman dahil baka masama lang ang awra niya ngayon.

"Oh eh, bakit ang OA niya ngayon?"

"Hindi ko alam. Bakit ako tinatanong mo?" Sabi ko dahil busy na talaga akong kumain.

"Sensitive siya kapag taba ang pinag-uusapan!" Sabi naman ni Bryan na nasa gilid namin.

"Aba! Ito palang si Bryan ay may sense basta hindi lasing!!!" Ngisi ni Lola kaya natawa kami. Solid yun haha!

"Hayaan mo na. Maya-maya ay mawawala rin iyan, insan!" Pampapalubag loob ko sa kaniya dahil hindi makakain. Kawawa naman. Ang sarap pa man din ng litson!

"Oo nga Levi. Mawawala rin iyan, maya-maya." Sabi na rin ni Nanay Min.

Nag-isip-isip naman itong si Levi at napatingin sa gawing kanan namin.

"Teka, tignan ko lang kung magtampo pa sa akin si Tine nito." Ani niya.

Nagtaka ako nung lumapit siya sa mga grupo ng teenager na may hawak ng gitara habang kumakain pa sila at hindi ginagamit.

Hiniram niya yun saka tinono bago bumalik sa gawi namin.

"Oh, anong gagawin mo riyan?" Tanong ko. Ang labo niya ah.

"Basta, panoorin mo na lang insan!" Proud niyang sabi.

Okay???


***


NATIGILAN ANG lahat nung matapos tonohin ni Levi yung gitarang nahiram niya ay nagsimula na siyang mag-strum ng intro nung kanta.

"Huy, si Papa Levi ko iyan. Magaling mag-gitara." Proud na sabi ng pamangkin ko pagkatapos nila itapon dito sa gilid namin ang pinagsindihan ng lusis fireworks.

"Hala, parehas tayo. Si Daddy rin eh!" Sagot ng alaga ko at ibinida ang Daddy niya.

"🎸🎸🎸Di ko nais na magkalayo tayo🎤🎙️🎶" Panimula ni Levi kaya nagkantyawan kaming lahat.

"YIEHHH!" Ang sweet ha! May paharana.♥️

"🎸🎸🎸Nagselos ka at nilayuan mo ako🎤🎙️🎶" Kanta ni Levi kaya siniko-siko ko si Ate Tine para ilabas ang kilig niya!

"Yiehhh, Ate Tine ah! Ang sweet ni Levi mo ah." Asar ko na kinikilig din sa kaniya.

"Alam mo bunso? Kasi hindi na siya tumigil sa kaaasar niya eh no." Drama niya kaya tinarayan ko nga. Arte!

"🎸🎸🎸Buhay nga naman, tunay bang ganyan; Bumalik ka naman🎤🎙️🎶" Tuloy na pag-awit ni Levi habang nag-gigitara.

☑️ Gwapo? Check!
☑️ Mabait? Check!
☑️ Talented? Super check!💯

"Huy, Ate Tine oh! Tignan mo, nagsosorry na nga sa'yo oh." Kantyaw ko pa kay Ate dahil, grabe ang effort ha!

"Nagso-sorry? Nagbibida-bida lang iyan." Duda pa ni Ate Tine. Luh siya, haba ng hair ah?🤷🏻

"🎸🎸🎸Kahit na ano pa ang iyong gusto; Okey lang basta't magkabati tayo🎤🎙️🎶"

Habang hinaharana ni Levi si Ate Tine ay napatingin ako kay Sir Deej na nakinonood lang at nakikitawa lang.

Nakatingin siya sa gawi namin natural kaya nung magtama yung mata namin ay umiwas ako.

DI KAMI BATI. CHE!

"🎸🎸🎸Minamahal kita, hihintayin kita; Sorry na, pwede ba?🎤🎙️🎶"

Todo strum si Levi habang kumakanta pa kaya nahiya na kasi siya lang ang nagpe-performance level dito.

"Sir Daniel, sabayan niyo naman ako." Send help nitong si Levi at nag-strum na lang muna sa gitara.

"Go Dad! Gooo!!!" Cheer ni Sir Storm at Ma'am Snow.

"Daddy, sing for us! Please?" Kantyaw na rin ng alaga ko kaya napataas ang kilay nang pag-tarik-tarik.

"Naku Summer, magaling ba talagang kumanta ang Daddy mo?" Dudang tanong naman ni Lola.

"Opo!"

"Oh sige nga, tignan natin." Gatong ni Lola.

"Yes! Go Dad!! Go, Daddy!!!" Cheer ng mga bata sa Daddy nilang nakangiti lang at tinitigan ang mga pumipilit magpakanta sa kaniya.

Nangyari na ito dati sa family-oke night sa mansion eh. Ewan ko lang ha!

"Bunso, mukhang may manghaharana rin sa'yo ah!" Tukso ni Ate Tine sa gilid ko matapos akong sikuhin.

"Ate Tine, tignan lang natin kung mapakakanta nila si Sir Deej. Sige, aakyat na ako. Balik na ko sa taas." Sabi ko pabalik kay Ate Tine at tumalikod na.

Hindi naman siya mapipilit. Wala naman si Charlie rito eh.🤷🏻

"🎙️🎤🎶Buhay ko'y nasa 'yo
Matitiis mo ba ako, oh baby🎙️🎤🎶"

Nagulat ako nung marinig na kumanta si Sir Deej habang naggi-gitara si Levi.

Anong ginagawa niya??? Hays!

Napaharap ako mula pagkakatalikod ko sa kanila para harapin yung kumakanta.

"🎤🎙️🎶Huwag sanang magtampo
Sorry, pwede ba?🎤🎙️🎶"

Pinanood ko lang siyang kumanta at talagang nag-solo siya sa chorus nung kanta at damang-dama ang pag-awit habang nakatingin sa akin.

"One more time!" Hirit ni Levi at pinauulit ang chorus part.

"🎤🎙️🎶Buhay ko'y nasa 'yo
Matitiis mo ba ako, oh baby
Huwag sana, Huwag sanang magtampo🎤🎙️🎶"

Pinakinggan ko lang siyang kumanta at mangharana. The moment na pinagbigyan niyang ang request ay dun palang alam ko ng wala na akong tampo.

"Oh bunso, sorry na raw." Singit ni Ate Tine sa gilid ko matapos akong sundutin ng pointing finger niya ang braso ko.

Tinulak ko nga yung ulo. Asar eh. Nakikinig ako sa kanta ni Sir Deej.

Ay, erase-erase-erase yung sinabi ko kanina. Kaunti na lang pala ang tampo ko, nabawasan na. Pero may tampo pa rin. Basta!

"🎤🎙️🎶Sorry, pwede ba
Sorry, pwede ba
Sorry, pwede ba🎤🎙️🎶"

Nag-sorry na siya. Nag-sorry na. Yan lang naman ang hinihintay ko. Pero di iyan counted. Kinanta niya eh.

"Yehey!" Palakpakan nilang lahat habang ako ay nakatingin lang kay Sir Deej. Prinoproseso ang ginawa niya.

Nabalik lang ako sa reyalidad nung magsigawan ang mga tao sa excitement.

"HUY COUNTDOWN NA!!!" Maingay nilang sabi at nagsitayuan na para mabilang habang nakatingin sa kalangitan.

"TEN!

"NINE!"

"EIGHT!"

"SEVEN!"

"SIX!"

"FIVE!"

"FOUR!"

"THREE!"

"TWO!"

"ONE!"

"HAPPY NEW YEAR!!!"

Sa pagsapit ng saktong alas dose ay nagliwanag ang kalangitan sa iba't-ibang kulay ng fireworks.

Buong mundo ay naging mausok ang kalangitan.

"Happy New Year!" Bati ko sa katabi kong si Ate Tine at nagyakapan kaming dalawa.

Sumunod naman sina Nanay at Lola na niyakap ko sak kami nag-isang malaking group hug kaming pamilya kasama si Levi, Joshua at Bryan.

"Baby, happy new year!" Bati ko kay Summer at binigyan ng mahigpit na yakap.

"Ma'am Snow, happy new year!" Bati ko at nagyakapan kami saka siya bumeso sa akin.

"Katherine, happy new year!" Cool na bati ni Sir Storm sa akin saka ako binigyan ng yakap na mahigpit.

Pagkatapos naming magyakapan ay nakipagbati siya kina Nanay. Nasa likuran naman niya si Sir Deej.

Nahintuan ako bigla.

Tipid lang akong ngumiti.

"Happy New Year, Katherine." Naunang bati ni Sir Deej.

"Happy New Year din po." Tipid kong bati saka mabilis na tumalikod pero hinawakan ako ni Sir Deej sa balikat para pigilan at muli ko siyang hinarap.

"I'm sorry, Katherine."

Natigilan ako nung biglang sambitin yun ni Sir Deej at seryosong manghingi ng paumanhin sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react. Gusto kong ngumiti ng malaki at hindi ko magawa.

Kasi kinikilig ako.♥️

But I was saved by the fireworks that lit up in the dark sky nung magsiputukan ang mas mararaming fireworks. Doon nabaling ang atensyon namin at pinanood ang fireworks display.

Habang nakatingala ay pasimple akong sumulyap kay Sir Deej na nakatingala sa kalangitan.

Kinikilig.

Natutuwa.

Masaya.

Overwhelmed.

Malaya.

Kinakabahan.

Basta. Halo-halo ang nararamdaman ko sa ginawa ni Sir Deej na paghingi ng sorry.

Yun lang yung hinihintay ko.

At alam niyang napaka laking bagay nito sa akin at sa samahan naming dalawa.

Sa lahat ng pinagdaanan namin ay buo pa rin ang aming pamilya ngayong Bagong Taon na sama-sama naming haharaping ang panibagong kabanata ng aming buhay.

"It's going to be a great year, Katherine." Mula sa pagkakatingala ko ay nilipat ko kay Sir Deej ang tingin.

Tumango ako sa kaniya at ngumiti bilang pagsang-ayon.

Indeed, it will be a great year.


---


Malalim na ang gabi. Ang mga bata ay tulog na run sa kwarto dahil sa kapaguran.

Napag-desisyunan namin ni Sir Deej na pag-usapan ang tungkol sa pag-alis ko kaya heto at nagtitimpla muna ako ng kape para sa kaniya habang naghihintay siya run sa sala.

Nakangiti lang ako habang nagtitimpla ng kape nung biglang kumanta si Nanay rito sa kitchen.

Pa hum-hum pa siya!

"Nay!" Suway ko sa kaniya at saka ako napatingin sa sala.

"Oh, bakit?"

"Baka marinig ka po ni Sir Deej. Manahimik naman po kayo." Kabadong sabi ko habang gumagawa ng kape.

Eh paano, damang-dama talaga ang pagkanta niya nung first duet song namin ni Sir Deej sa mansion.

Naman eh.🙆🏻

"Eh ano naman ngayon? Wala naman akong ginagawa kundi ang kumanta lang. Diba, sinabi mo sa akin na dinuet niyo yung kanta na yun?"

Kita? Pinaalala pa nga.

"Ssshhh! Nay naman ih. Kayo naman ihh, nakaiinis pooo." Sabi ko Kay Nanay na tuwang-tuwa pinagtitripan ako.

"Haha! Sus. Haha!" Sabi ni Nanay saka nag-hum pa ulit. "Psst, Katherine." Tawag niya ulit sa akin para asarin.

"Po???" Sabi ko na nahihiya na kasi ako. Si Nanay kasi eh.

"Nakuuu, sobrang saya ka riyan ngayon ah." Ngiti-ngiting sabi ni Nanay.

Eh paano, may kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. "Syempre naman po, Nay. Okay na po kami ni Sir Deej eh." Kibit-balikat ko pa.

"Hay, harana lang pala ang katapat mo anak. Paano ngayon? Okay na kayong dalawa ng boss mo. Edi, hindi ka na magre-resign?"

Nawala ang ngiti ko nung sabihin yun ni Nanay. Hindi naman kasi yun lang yun eh.

May iba pang dahilan.

Matapos magtimpla ng dalawang kape, dinala ko na ang kape sa sala para i-serve kay Sir Deej.

"Sir Deej, kape po." Alok ko sa kaniya matapos ilapag sa lamesita.

"Salamat." Sagot ni Sir Deej at kinuha ang kape.

Ako nama'y naupo na rin at sinaluhan siyang magkape.

"Namiss ko ito." Sabi ni Sir Deej matapos makahigop sa kape niya. Napangiti pa siya.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "Yung kape lang po?" Iwas tinging sabi ko at saka humigop sa kape ko.

"What?"

Muntikan na akong mapaso sa hinihigop kong kape nung magtanong si Sir Deej.

"Ay haha. Wala po, Sir Deej. Ang ibig ko pong sahihin, yung timpla ko po ay ituturo ko po kay Trina para masarap pa rin po yung kape ninyo kahit na wala na po ako."

Sa sinabi kong yun ay nagbaba ng tingin si Sir Deej at napayuko.

"Katherine, mamaya na yung flight namin. Sasabay ka ba?"

Napakunot-noo ako run. "Mamaya na po? Eh, akala ko po ay may site inspection po kayo?"

Ngumiti muna si Sir Deej at umiling sa akin. "There was no site inspection."

"Po???"

"I just used that as an excuse para mapuntahan ka."

Napahigop ako bigla sa tasa ng kapeng hawak ko.

"Ayokong malaman ng mga bata na nag-awat tayo and that you resigned kaya kita pupuntahan."

Napakamot na lang ako sa tainga ko nung hindi malaman ang dapat na sasabihin ko.

"So?"

Nalipat kaagad yung tingin ko kay Sir Deej nung magtaka ako sa so niya. "Ano pong so???" Tanong ko.

"Sasabay ka ba pabalik?"

"Ay, h-hindi. Hindi po, Sir Deej." Iling ko kaaagad.

"What?"

"Kasi po magkaiba po tayo ng ticket eh. Bukas pa po yung flight ko." Sagot ko naman.

Nakahinga naman yata ng maluwag si Sir Deej. "Okay. Akala ko... I mean, you're coming back right ngayong okay na tayo."

"Sir Deej, huwag po sana kayong magagalit ah pero itutuloy ko po kasi yung pagre-resign ko."

"W-what? Tutulo-why? H-h- diba, okay na tayo?"

"Ay, opo. Opo, Sir Deej. Okay na okay na po tayo. Kaya po sana na okay pa rin po tayo kahit na itutuloy ko pa rin po ang pag-alis ko."

"Why?"

"Eh kasi po... Sa totoo lang po Sir Deej, hindi po ba nung-dahil po sa schedule." Straight to the point kong sagot. "Kasi po nung nag-i-internship po ako, halos hindi ko na po natitignan si Summer. Paano po ngayon na magte-training na po ako?"

"We don't mind. It's not a problem."

"Eh Sir Deej, problem po kasi sa akin yun. Kasi po unfair. Pinasusweldo niyo po ako, pinatitira niyo po ako sa bahay ninyo pero hindi ko po nagagawa yung trabaho ko. Unfair po sa inyo yun ah saka po kay Summer, kay Arisse at Trina."

Hindi sumagot si Sir Deej at nakatingin lang siya sa akin na para bang hindi sang-ayon sa gusto kong mangyari.

"Sir Deej?" Tawag ko.

Napabuntong-hininga siya bago sumagot. "You're not giving me any options here, Katherine."

"Ahh Sir Deej, hindi po ba na yun naman po talaga yung usapan nung umpisa pa lang po? Na temporary lang po ito. Na kapag nag-stewardess na po ako sa inyo, aalis na po ako."

Tumango-tango si Sir Deej. "Yun lang yun or dahil ba kay Captain Finn Robinson."

"Sir Deej." Suway ko nung alam ko na kung saan na naman papunta ito.

"Paano si Summer?"

"Huwag po kayong mag-alala kay Summer, Sir Deej kasi hindi naman po ako aalis hangga't wala pa po kayong nakikitang kapalit ko. Saka hindi ko naman po siya basta-basta iiwan eh. Okay lang po ba, Sir Deej? Galit po ba kayo??"

"Galit? No. Frustrated siguro. I mean, wala naman akong choice dito. Diba? Since, nakapag-decide ka na."

"Okay lang po ba?" Alanganing tanong ko.

Tumango ng marahan si Sir Deej. "Okay." Halos bulong lang na sagot ni Sir Deej.

"Talaga po? Okay lang po, Sir Deej" May himig ng pagkatuwa kong sabi.

"Katherine, I'm not that selfish para pigilan ka kitang maging flight attendant just so that I can have an easy life with Summer."

Napangiti ako. "Salamat po, Sir Deej."

"Besides, just because I questioned Finn's intensions for endorsing you, it doesn't mean that I don't think you deserve this. You do kahit na mahihirapan akong maghanap ng kapalit mo."

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"Talaga po, Sir Deej?" Tanong ko.

Tumango siya. "But I have to even though I knew that it's a temporary setup for both of us. I was just hoping na you won't be leaving us so soon. It's okay." Taos pusong sabi ni Sir Deej sa akin.

"Talaga po? Okay po tayo, Sir Deej?"

Marahan siyang tumango at ngumiti ng may kalungkutan.

"Okay tayo." Ngiti niya pa sa akin.

Ngumiti lang din ako sa kaniya.

"Pero sana Katherine, kahit na hindi ka na nakatira sa bahay ay sana dalaw-dalawin mo pa rin kami."

Tumango ako sa pakiusap ni Sir Deej.

"Dahil mamimiss ka ng mga bata especially si Summer. Also si Manang, sina Arisse at Trina saka syempre..."

Nahintuan ako at inaabangan yung sasabihin pa ni Sir Deej. Ang dami pang pasakalye ih.

"Si Marco."

Nye.

Tumango lang ako kay Sir Deej at hindi pa nagsalita baka may sasabihin pa siya.

"Katherine?" Tawag niya sa akin kaya natawa ako.

Hopia!

"Ay haha. Akala ko po kasi ay may kasunod pa eh." Awkward kong sagot at nakamot ang kilay.

Napatingin siya sa relong nasa bisig. "I think, it's time for us to leave."

"Ay oo nga po. Gigisingin ko lang po yung mga bata. Sige po, Sir Deej." Kako at tumayo na.

Asado pa nga.🍘

---

Hinatid ko sina Sir Deej at ang mga bata hanggang sa sasakyan nila.

"Bye, baby!" Sabi ko bago sila magsipagsisakayan sa kotse.

"Bye po, Yaya. Ingat ka po." Sagot niya at niyakap ako ng pagkahigpit.

"Bye po, Ma'am Snow." Paalam ko.

"Bye, Katherine." Yakap niya rin sa akin.

"Bye po, Sir Storm." Paalam ko.

"Bye, Katherine." Yakap din sa akin ni Sir Storm.

"Ingat po kayo. Babye!" Sabi kong muli bago sila nagsisakay.

"Sir Daniel!" Pasakay na sila nung humabol ng tawag si Nanay kaya nahintuan sila.

"Sandali lang po." Ani pa ni Nanay at lumapit. "Ito po, dalhin niyo po. Pampainit bago po kayo lumuwas." Inabot ni Nanay ang paper bag na may iilang container na may pagkaing kakanin.

"Salamat po, Nanay Min."

"Walang anuman, Sir Daniel." Ngiti pabalik ni Nanay.

"Katherine, I'll see you?" Pahabol ni Sir Deej bago niya buksan ang pinto sa driver seat.

Tumango ako bilang sagot at saka kumaway ng huling beses sa kanila bago sila sumibad paalis.

Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kotse nila bago umakyat sa bahay.

Paglingon ko sa gilid ko, nakatingin si Nanay tapos hindi ko maintindihan yung ngiti niya. May something eh.

"Nay???" Sabi ko naman.

"Sinundan ka niya rito anak."

"Ay, para po kay Summer iyun."

"Hinarana."

"Sinabayan lang niya po si Levi."

"Nag-sorry."

"Dahil po guilty siya."

"O baka naman may ibang dahilan?"

"Nay naman ihhh! Pwede po bang si Ate Tine na lang po yung tuksu-tuksuhin ninyo?"

Pero yung totoo? Asadong-asado na.

Continue Reading

You'll Also Like

726K 29.3K 46
WATTYS 2020 WINNER FOR HISTORICAL FICTION Ako si Catalina, nagmahal, nasaktan, humiling kay Tala at sumubok muli. Ang buhay ay mapaglaro at tinatawa...
3.2M 43.7K 77
UY MAHAL KITA BOOKS 1-6 available na po sa Precious Pages, National Bookstores and Pandayan! :) Bili po kayo! HEHE. Salamat :* "Dear Crush, Alam kong...
7.7M 222K 52
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
166K 3K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...