Chapter 143: Doubt

109 6 2
                                    

"HAY NAKU! Basta sa akin, the best ang 2020." Sabi ko habang nagpapaantok kaming dalawa ni Arisse.

Handa na kaming matulog pero nagkukwentuhan pa kami. Binabalikan yung mga masasayang nangyari ngayong taon.

"Ha, bakit naman?" Walang ideyang tanong niya. Bangag na?🤷🏻

"Akalain mo yun, Arisse? Aba, biglang nagkabuhay itong bahay. Pwede ka ng mag-music." Kuda ko dahil yun talaga yung kapansin-pansin.

Maingay na yung tambol at kalampag ng mga drum set ni Sir Storm.

Yung gitara niya, naku! Ginagamit na rin ni Ma'am Snow na marunong na rin mag-gitara ngayon.

Yung keyboard naman, shet! Ang husay rin nila sa ganun. All in one. Versatile kapag may battle of the bands!

"Oo nga." Sang-ayon ni Arisse sa hanash ko.

"Pwede ka ng mag-gitara at may videoke pa!" Jusko, hindi alam ng mga batang Fords ang videoke machine for rent na iyan. Pero ngayon, G na G!

"Saka itong si Sir Storm, saka si Ma'am Snow ay nakapupunta na sila sa mga kaibigan nila at nakapagpa-party-party pa diba, Trina?"

"Sinabi mo pa! At saka itong si Summer, pagkatapos ng ilang taong pananahimik ay biglang nakapagsalita ng tuloy-tuloy."

"Si Sir Daniel na lang oh. Ang tagal-tagal nating hindi nakitang ngumiti iyan. Ilang taon din, Trina. Pero ngayon, jusko! Ngumingiti na siyaaa!"

"Tama! At hindi lang yun basta-bastang ngiti, Day. Tawa pa! Saka hindi na siya yung nagsusungit. Hindi na yung katulad nung dati."

"Alam mo, Day? Si Katherine iyan eh. Si Katherine ang may dalang swerte rito sa bahay natin. Eh, jusko naman. Ibang klase rin kasi ang taas ng energy nung batang yun! Akalain mo ba, naalala mo nun? Muntikan malunod sa pool yan pero natiyaga niya si Summer, diba?" Kwento niya pa nung maisip ang mga bagay-bagay.

"Haha! Oo nga! Tama ka, Day."

"Iba ang pasensya!" Ani ni Arisse habang pumipikit-pikit na.

"Sagad haha! Alam mo, nararamdaman ko? Hindi na iyan pakakawalan ni Sir Daniel hanggang sa tumanda iyan parang si Manang Perla."

Natawa na lang ako. Basta, 2021 will be Ford's year.

***

"HI, NAY. Good morning." Bati ko pagkarating ko sa kusina.

"Good morning, anak. Oh heto, nagprito ako ng Danggit. Para naman maiba tayo kasi kagabi ay puro tayo karne ang handa natin eh."

"Ay okay lang po. Umay na rin naman kami sa karne. Ewan ko lang kay—"

"Good morning." Speaking of Lola, ayan na siya. Kadarating lang dito sa hapag-kainan.

"Oh, Nay? Anong meron?? Saan ka pupunta, Nay???" Tanong ni Nanay kay Lola.

Eh paano, putok na putok ang labi. Naka blush on at makeup foundation pa tapos naka eyeshadow pa nga. Ang kilay? Linyang-linya. Asintado!

"Wala." Simpleng sagot lang ni Lola kaya nagtaka kami ni Nanay.

"Eh Lola, bakit po ayos na ayos kayo?" Tanong ko.

"Kasi baka bumalik ang amo mo. Edi mabuti nang presentableng-presentable ako." Paliwanag ni Lola kaya napangiti ako habang napangisi si Nanay.

Si Lola talaga, oo.🙆🏻

"Haha! Alam mo, Nay? Malamang sa mga oras na ito ay nakalapag na yung eroplanong sinakyan nila sa Maynila."

Everything Leads Me To YouWhere stories live. Discover now