Chapter 128: Naive

117 11 8
                                    

continuation...




HINILA AKO ni Sir Deej sa banda na kung saan walang tao.

"Sir Deej, Summit na lang ay principal's office pa po." Reklamo ko nung bitawan niya ako.

"That guy insulted you and now I see you laughing with him?"

"Eh, Sir Deej, nung nakausap ko naman po siya kanina ay parang wala naman po sa kaniya yung nangyari eh. Saka isa pa po ay nagsorry na po siya sa akin." Ngumiti lang ako at maayos na nagpaliwanag. Mali kasi siya ng inaakala.

"Lahat na lang ba ay paniniwalaan mo?!"

Ang mga ngiti ko ay unti-unting naglaho at natigilan sa paraan niya ng pagsasalita.

"S-Sir Deej, hindi ko po kayo maintindihan. Nagagalit po ba kayo?"

"Katherine, you are my employee. You are my responsibility. But more than that, I don't want to see other people na binabastos ka."

Tahimik lang ako at pinakinggan ng maayos si Sir Deej sa mga sinasabi niya pero hindi kasi ganun. Kaya ipinaliwanag ko pa ng mas maiintindihan niya.

"Sir Deej, hindi naman po niya ako binastos eh. Hindi naman po yun yung intension niya. Kaya lang po, hindi lang po siya nabigyan ng chance para—"

"Kinakampihan mo pa siya?!" Tinutulan niya ang paliwanag ko at natatakot na ako sa totoo lang dahil galit ang ekspresyon ng pagsasalita niya.

"Hindi naman po Sir Deej. A-ah sa totoo lang po ay mabait naman po siya eh. Saka isa pa, ite-train niya po ako bilang flight attendant!" Sa kabila ng pagsusungit niya ay nagawa ko pang pasiglahin ang boses ko.

"KATHERINE, DON'T BE NAIVE!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Nawala ang mga ngiti ko at tinignan ko na lang siya ng walang emosyon.

"Kaya ka lang pinupuri ng Finn na yun dahil gusto ka niya. Nothing else! Nanny pa rin ang tingin niya sa'yo na akala niya ay madali niyang makukuha. Yun lang yun!"

Lahat ng mga sinabi niya ay unti-unting in-absorb ng sistema ko at nagitla ang puso ko sa mga salitang binibitawan niya. Ang sakit. Tagus-tagusan.

Tumagos sa akin ang bawat kurot at sundot ng matatalim na salitang nagpabagsak sa aking karera.

Hindi ako tanga para hindi makuha ang ibig niyang sabihinMga luha ko ay unti-unting namuo pero pinipigilan kong bumagsak sa patuloy na paglaban na kaya ko pang magtiis.

"Sir Deej, h-hindi po ba na sabi ninyo na ayaw niyo pong naiinsulto ako? Pero sa sinabi niyo po ay parang ininsulto niyo na rin po ako eh."

Lakas loob akong nagsalita para tumayo sa sarili ko pero parang nanlumo lang ako habang ipinagdikdikan niya sa kukote ko ang estado ko.

"I'm not insulting you, Katherine. I'm just telling you the reality of it and honestly, I expected much more from you! You can't flirt with your boss!"

Hindi ako nakasagot dahil parang walang salitang gustong mamutawi sa labi ko nung sa labi na niya mismo manggaling ang lahat.

Ang taas ng inilipad ko pero ang taong nagtaas sa akin ay siya rin ang humila at nagpabagsak. Nanliit ako bigla sa sarili ko.

Akala ko iba siya, akala ko napatunayan ko na ang sarili ko sa kaniya na hindi ako yung tipo ng tao na iniisip niya ngayon pero mali pala. Pinamukha niya lang na magkaiba kami ng agwat na hanggang doon na lang ako.

Everything Leads Me To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon