Chapter 140: Don't Leave

171 11 42
                                    

continuation...





NAKA-READY NA kami ni Ate Tine para sa lakad ngayon ng buong pamilya ko. Nandito na nga kami sa labas at hinihintay sina Nanay, pati ang sasakyan ni Levi at ang pagdating nina Sir Deej.

"Bunso, teka lang. Alam kong ayaw mong makipag-usap kay Sir Deej. Ang akin lang ay siguro naman dapat yung pag-alis mo ay pag-usapan niyo ng maayos. Hindi ko sinasabing huwag kang umalis ah, desisyon mo iyan. Okay?"

Tumango-tango ako kay Ate Tine sa mga payo niya. Tama naman siya.

"Ang akin lang ay may pinagsamahan kayo. Huwag mong sayangin yun. Pag-usapan niyo ng maayos. Okay? Tapos isipin mo na lang, gaya nung sinabi mo na para ito kay Summer. Ganun ang isipin mo kapag kaharap mo si Sir Deej mo, para kay Summer."

Tumango akong muli. "Okay sige. Para kay Summer. Para kay Summer!"

Kasasabi ko lang na para kay Summer nung may bumusina sa gilid namin kaya nagulat ako. Naman eh!

"Haha! Kalma, easy ka lang. Si Levi lang yung dumating." Agap ni Ate Tine nung hindi maipinta yung mukha ko.

Bumaba naman na sina Nanay nung marinig ang busina ni Levi. Lahat sila ay naka-gayak na.

Sunod na dumating ay ang sasakyan nina Sir Deej. Nandito na sila.

"Oh, bunso. Smile ka naman diyan." Request naman ni Ate Tine kaya all smiles naman ako kahit hindi ko naman talaga gusto.

Nakaka-kaba naman kasi talaga.

"Yaya!" Bumaba kaagad ng sasakyan si Summer at tinakbo ako ng may malaking yakap.

"Hi, baby! Good morning!" Bati ko at niyakap ko rin siya.

Si Sir Deej naman ay binati ang mga pamilya ko.

"Hi, Sir! Magandang umaga po." Bati ni Ate Tine.

Hindi kasi sila nagkita kahapon dahil si Ate Tine ang tumao sa chibugan. Silang dalawa ni Levi.

"Good morning sa inyong lahat." Bati ni Sir Deej.

"Ah, sina Sir Storm at Ma'am Snow?" Tanong ni Ate Tine.

"Nakatulog sa kotse." Nakangiting sagot ni Sir Deej.

"Sir, baka gusto niyo po na mauna na tayo dahil parang gutom na po yung mga kasamahan natin eh." Sabi ni Ate Tine.

"Okay sige." Pagsang-ayon naman ni Sir Deej kaagad.

"Daddy, sasabay po ba sina Yaya sa atin?" Tanong ni Summer.

"Sure—"

"Ay baby, hindi." Pagtutol ko kay Sir Deej. "Kasi kay Levi ako sasabay eh." Turo ko sa kotse ni Levi.

"Katherine, sa amin ka na sumabay. Baka maligaw pa kami."

"Oo nga bunso. Tama si Sir Daniel. Sige na, sumabay ka na sa kanila para nga naman hindi hassle at saka masikip na kina Levi. Medyo malaki si Lola."

"Minda, gusto kong kay Daniel sumakay."

"Nay, hindi na po. Kay Levi po tayong lahat."

"Kung ayaw ni Katherine, ako na lang."

"Nay, huwag makulit. Kay Levi po tayo."

Naggi-gitgitan pa sina Nanay. Si Lola talaga gustong-gusto si Sir Deej. Hays!🙆🏻

"Ah Sir Daniel, si Levi nga po pala. Father ni Lexi." Pagpapakilala ni Ate Tine kay Levi.

Everything Leads Me To YouWhere stories live. Discover now